You are on page 1of 19

PROSESO NG

PAGSULAT
KAHULUGAN NG PAGSULAT
- Ang pagsulat ay isang anyo ng komunikasyon kung saan ang
kaalaman o mga ideya ng tao ay isinasalin sa pamamagitan ng mga
titik at simbolo.
- Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad na
isinasakatuparan para sa iba’t-ibang layunin. Ito ay mental na
aktibidad sapagkat pinapairal dito ang kakayahan na ng isang tao
na mailabas ang kanyang mga ideya sa pamamagitan ng
pagsasatitik sa mga ito.
KAHULUGAN NG PAGSULAT AYON
SA MGA DALUBHASA
• Ayon kay Sauco, et al., (1998), ito ay ang paglilipat ng mga nabuong salita sa mga
bagay o kasangkapan tulad ng papel. Ito ay naglalayong mailahad ang kaisipan ng
mga tao.
• Ayon naman may Badayos (1999), ang pagsusulat ay isang sistema ng interpersonal
na komunikasyon na gumagamit ng mga simbolo. Maaring ito ay maukit o masulat sa
makinis na bagay tulad ng papel, tela, maging sa malapad at makapal na tipak ng
bato.
• Batay kay Rivers (1975), ang pagsulat ay isang proseso na mahirap unawain
(complex). Ang prosesong ito ay nag-uumpisa sa sa pagkuha ng kasanayan,
hanggang sa ang kasanayan na ito ay aktwal nang nagagamit.
BAHAGI NG TEKSTO
• Pamagat o Titulo
Ito ay sa napakalagang bahagi ng isang teksto o
sulatin. Ang maayos at mahusay na paglalagay ng
pamagat o titulo ay nakakatulong sa mambabasa para
mahikayat silang basahin ang kabuoan ng teksto o
sulatin.
BAHAGI NG TEKSTO
• Simula o Introduksyon
Katangian:
- nakapupukaw ng atensyon ng mambabasa
- nakakaakit ng kawilihan ng mambabasa
- nagsasad ng pangunahing paksa o kaisipan
BAHAGI NG TEKSTO
• Katawan
- Buhay ng isang teksto. Dito nakalahad ang lahat ng datos at
impormasyon buhat sa isinagawang pananaliksik. Ang bahagi ito ang
tatalakay sa mismong kabuoan ng paksa ng sulatin. Ito ang
nagbibigay ng kabatiran at pagkatuto sa mga mambabasa. Matutukoy
rin sa bahaging ito ang pinaka layunin ng manunulat sa pagtalakay
ng kanyang paksa.
BAHAGI NG TEKSTO
• Wakas
- Pinakakatapusan ng pagtatalakay sa paksa, ito ay
nararapat pa rin na nakapagpapanatili ng kasiglahan ng
mga mambabasa.
- Tungkulin ng bahaging ito ang maibuod ang talakay at
mag-iwan ng kakintalan sa isipan ng mga mambabasa.
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
Binanggit nina Arrogante (2000); Leyson at Montera
(2005) na maraming paraan ang maaaring gamitin sa
pagsisimula ng sulatin. Narito ang ilang mungkahing paraan
sa pagbuo ng introduksiyon ng sulatin o komposisyon:
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
1. Pasaklaw na Pahayag
Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-
sunurin mula sa di gaanong mahalaga hanggang sa pinakamahalagang
mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga
awtoridad makaraang ireklamo ng walumpung sibilyan sa kasong illegal
recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
2. Pagbubuod
Ito’y nagpapahayag muna ng pinakadiwa bago tuntunin ang sadyang talakay
Halimbawa:
Ang stroke at heart attack ang nangungunang killer ng tao sa buong mundo
3.Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
Halimbawa:
Paano natin mararamdaman ang tagtuyot o epekto ng “El Niño” sa gitna ng malamig na simoy ng
Nobyembre? Mayroon pa ngang pulu-pulutong na ulan at panakanakang kidlat sa kalangitan.
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
4. Tuwirang Sinasabi
Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor
o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ako’y isang taong mapagmahal ngunit ako rin ay may tungkuling
gawain at isasagawa ko ito….”
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
5. Panlahat na Pahayag
Ito’y nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga
salawikain, sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na
makatotohanang kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
Halimbawa:
Ang ginawang kabutihan ay madaling makalimutan subalit ang nagawang
kasalanan ay baon-baon hanggang libingan. Tunghayan ninyo ang kasaysayan ni
Carmelita Tagonon ng Surigao del Norte. Tawagin na lamang natin siyang Lita
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
6. Paglalarawan
Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga
malarawan at maaksyong salita ang ginagamit.
Halimbawa:
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin sa pinakapangit. Ang bilog at pipis niyang ilong
ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo’y mahahabag na sa kanya ang
tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya. Mayroon siyang
kakatuwang punto na nagpapakilalang siya’y taga ibang pook.
MGA PAMAMARAAN NG
MABISANG PANIMULA
7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang
pagkakaiba mas matindi ang bisa.
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon,
malaki na talaga ang pinagbago ng bayan naming ito dahil
kabaligtaran na ang makikita mo.
PAMAMARAAN SA PAGSASAAYOS
NG KATAWAN
Ito’y pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata
nito ay kinapapalooban ng mga pangunahing
kaisipan at mga pantulong o pansuportang
detalyeng maayos ang pagkasunod-sunod tungo sa
malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
PAMAMARAAN SA
PAGSASAAYOS NG KATAWAN
1. Pakronolihikal
Ito’y pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa
pinakamatagal hanggang sa pinakasalukuyan.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa talambuhay, ito’y simulan sa paglilihi ng
kanyang inay hanggang sa kasalukuyan niyang buhay.
PAMAMARAAN SA
PAGSASAAYOS NG KATAWAN
3. Paespesyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga
bagay-bagay dito’y alam na alam, patungong malayo o palayo.
PAMAMARAAN SA
PAGSASAAYOS NG KATAWAN
2. Paanggulo
Ito’y pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao
tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa
isang isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
Halimbawa:
Kung ang paksa’y tungkol sa Bitay o Hatol, ang mga anggulo ay maaaring kunin sa;
mga kriminal mismo na pagtutol di pagsang-ayunan; bawat sektor ng mamamayan na
magkaroon ng iba’t ibang pagpapasya. Sa pamamagitan ng pagtitimbang-timbang sa
bilang ng reaksyong nakuha ang kongklusyon ay madaling magagawa
SANGGUNIAN
•https://www.pinoynewbie.com/pagsulat/
•https://thesilentlearner2014.blogspot.com/2014/06/filipino-2-mga-bahagi-ng-teksto.html

You might also like