You are on page 1of 15

URI NG PAGPAPAHAYAG

PAGLALARAWAN (Deskriptibo)

B. ANG PAGLALARAWAN
Ang paglalarawan ay pagpapahayag ng ating nakikita naririnig at
nadarama. Ang pagbuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga
mambabasa o tagapakinig ang pangunahing layunin ng paglalarawan. Ang
sumusulat ng isang paglalarawan ay maihahambing sa isang pintor na
gumuguhit ng mga tanawin at mga larawan. Ang tanging kaibahan lamang ay
pinsel at pintura ang ginagamit ng pintor samantalang mga slaita ang ginagamit
ng isang manunulat o nagpapahayag nang pagsalita.

Ang Mabisang Paglalarawan


Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang upang maging mabisa ang
paglalarawan:
1. Maingat na pagpili ng paksa – Makabubuting piliin ang paksang may lubos na
kaalaman ang mga mag-aaral sapagkat ito’y palagi nilang nakikita at may
kaugnayan sa kanilang karanasan.
2. Pagpili ng pansariling pananaw – Tinutukoy nito ang pagtingin ng isang
naglalarawan sa paksang kanyang nilalarawan.
3. Pagbuo ng isang pangunahing larawan – Ito’y nangangailangan ng maingat
at masusing pagmamasid. Ito ang unang kakintahan ng paksang inilalarawan.
Ang tao at bagay ay may kakanyahan ay ang naturang kakanyahang ikinaiiba
nito ay dapat na bigyang diin na batay sa pagmamasid ng naglalarawan.
4. Wastong pagpili ng mga sangkap – Ang mga sangkap na isasama ay tiyaking
makatutulong sa pagpapakilala ng kaibahan o katangian ng inilalarawan. Hindi
dapat isama ang napakaraming sangkap na walang kaugnayan sa
inilalarawan. Piliin lamang ang mga sangkap na magiging kapansin-pansin at
makapgbibigay ng malinaw na larawan.
5. Maingat na pagsasaayos ng mga sangkap – Ang pangunahing larawan at
mapalitaw sa pamamagitan ng maingat na pagsasama-sama ng mga sangkap.
Naiiba ang paglalarawan sa pagsasalaysay na kailangang sunud-sunod ang
mga pangyayari sa kaya ang isang naglalarawan ay malayang pumili ng
paraang sa palagay niya’y mapagitaw sa isipan ng bumabasa o nakikinig.
Mga Uri ng Paglalarawan
1. Pangkaraniwan – Ang uring ito’y nagbibigay lamang ng kabatiran sa
inilalarawan, hindi ito naglalaman ng damdamin at kuro-kuro ng naglalarawan.
Ang ibinibigay lamang nito ay ang karaniwang anyo ng inilalarawan ayon sa
pangmalas na panlahat. Mga halimbawa:
a. “Noong huli akong dumalaw sa tanahan ni Tiya Pilar sa lalawigan ng ganito rin
ang ayos ng bakuran nila. Sariwa at malalago ang mga halaman, naghuhunihan
ang mga ibon sa sanga ng punungkahoy at nalalanghap sa hangin ang
halimuyak ng mga bulaklak. Ang kanilang malaking bahay sa loob ng bakod na
mga alambreng may tinik ay halos wala pa ring ipinagbago. Naroon din ang
mga hawla na kanaryo na nagsabit sa bintana. Naroon din ang mga puno ng
halamang nakahalayhay sa mga pagpanhik ng handaan. Kaytulin ng mga
araw! Isang buong taon na ang nakalipas ay parang hindi ko napansin.”
Mula sa: Panata ni Pilar
Ni: Amado V. Hernandez
b. Si Leoncio ay laging malinis – pati ang kanyang damit, bagaman ang
karamihan sa mga ito ay hindi agpang sa kanya. Ang ilan ay totoong mahahaba
at ang ilan ay maiikli naman – na tila pinagkalakhan.
Mula sa: Walong taong Gulang
Ni: Genoveva D. Edroza
c. Ang bata ay nakapantalon ng ,aruming maong na sa kahabaan ay pinag-
ilang lilies ang laylayan. Nakasuot ito ng libaging kamiseta, punit mula sa balikat
hanggang pusod, na ikinalitaw ng kanyang butuhan at maruming dibdib.
Mula sa: Ang Kalupu
Ni: Benjamin P. Pascual
2. Masining na paglalarawan – Ang guniguni ng bumabasa ay pinagagalaw
upang Makita ang isang buhay ng buhay na larawan. Naglalaman ito ng
damdamin at pananaw ng sumulat. Ibinibigay niya ang isang buhay ng larawan
ayon sa kanyang namalas at nadama. Mga halimbawa:
a. “ Si Ina ay hindi palakibo: siya ay babaing bilang ay sukat ang pangungusap.
Hindi niya ako inuutusan. Bihira siyang magalit sa akin at kung magkakagayon ay
maikli ang kanyang pananalita: Lumigpit ka!.. At kailangang din a niya ako
Makita. Kailangang di ko na masaksihan ang kikislap na poot sa kanyang mga
mata. Kailangang di ako na mamalas ang pagkagat niya sa kanyang labi.
Kailangang di ko na Makita ang panginginig ng kanyang mga daliri. Ito rin ang
katumbas ng kanyang mariing huwag kung mayroon siyang ipinagbabawal.
Ang ngiti ni Ina ay patak ng ulan kung tag-araw: ang bata kong puso ay
tigang na lupang uhaw…”
Mula sa: Uhaw ang Tigang na Lupa
Ni: Liwayway A. Arceo
b. Nakapanlulumo ang dagundong ng nag-aalim-puyong tubig na sa mga
panahon gayon, mula sa kahinhinan ng katag-arawan, ay nagiging mistulang
dambuhalang padabog na lumulundag mula sa itaas ng tagastas at walang
hunos-diling kumakaladlad, sa lahat ng bagay na maraanan nito sa ibaba,
bagay na nakapagdudulot ng pangambang gumagahis sa katiningan ng loob
ng sinumang may balak tumawid.
Mula sa: Dahuyo ng Kalikasan
Ni: Cezar Francisco
c. Sa malas ni Isagani, sa tatlong oras na pagpupuyos ng bagyo ay higit pang
malaki ang ipinagbago ng Magdalo kaysa sampung taong pagkawalay niya sa
nayong ito. Halos lahat nang nakikita niyang kabaguhan ay likha ng
kapagaalimpuyong pang hangin at ulan. Gaya ng dati, ang malumot nang
minting simbahanag bato sa ibabaw ng burol ay tila nagmamalaki pa sa
humahampas na hangin. Ang sabi ng tindahan ni Aling Barang ay ibinagsak ng
hangin, ngunit nakatayo pa sa harapan ang luklukang kawayang nahahabang
oras ding pinapag-init niya samanatalang nakikipag-inuman siya ng tuba,
nakikipagtayugan ng mga pangarap, at nakikipagparangyaan ng mga naabot
na karanasan sa kanyang mga kapwa binata. Sa mga taong naglalabasan
upang magsiyasat sa mga “paman” ng bagyo ay napansin niyang wala ring
gaanong pagbabago, - sa pangingilos, sa pananalita at sa anyo. Maliban sa
ilang guhit sa noo at sa anyong may mga bakas na ng karanasan, maging ang
mangilan-ngilang kabataang nakakasalubong niya sa daan ay wala ring ipinag-
iiba.
Mula sa: Bahay na bato
Ni: Antonio B.L. Rosales
URI NG PAGPAPAHAYAG
PAGLALAHAD (Ekspositori)

Paglalahad

Ang diskursong ito ay naglalayon na bumuo ng isang malinaw na kaisipan


at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman samakatuwid ang diskursong
paglalahad ay nilalayon na magbigay kaalaman, magpaliwanag at timbangin
ang mga kasipan at impormasyon batay sa mga kaisipang nakapalaoob dito. Sa
pagbuo ng paglalahad nakapaloob o nasasagot sa diskursong ito ang iba’t ibang
katanungan tulad ng Ano ang nangyari? Paano sisimulan? Ano ang pinagkaiba?
Bakit at iba pang anyo ng pagtatanong. Mahalaga ang paglalahad sapagkat
napauunlad pa ng tao ang kanyang nalalaman batay sa iba’t ibang
impormasyong nalaman na.

Pamamaraan ng Epektibong Paglalahad

• Pagbibigay Depinisyon o Kahulugan

Ayon kay Constantino Ballena (2007), ang salitang “definition” ay isang


pahayag na nagpapaliwanag kung ano ang isang bagay. Sa paggamit ng
depinisyon sa pagbuo sa teksto, maibibigay ang angkop na pagpapakahulugan sa
isang salita na may kasingkahulugan.
Halimbawa:

bughaw – kapayapaan
puti – kalinisan o kabutihan
itim – pagluluksa o kasamaan

Ayon kay Patrocinio Villafuerte (2005), may proseso ang pagbibigay ng


kahulugan. Kinakailangang sinisimulan muna ang pagbanggit ng salita o terminong
bibigyan ng pagpapakahulugan (term), susundan ng pangkat o kaisipang
kinabibilangan (genre) at ang panghuli ay babanggitin ang mga kaibahan o
katangiang ipinagkaiba sa mga kauri nito (difference).
Paghahambing at Pagkokontras

Isang tekstong nagbibigay-diin sa pagpapahayag ng kahigitan o


kalamangan, pagkakaiba at pakakatulad ng dalawa o higit pang tao, bagay,
kaisipan o ideya at maging ng pangyayari. Sa pamamagitan ng ganitong
hulwaran sa pagbuo ng teksto nagiging maliwanag ang paksang inilalahad.
Makikita at magagawa ng mambabasa ang timbangin, suriin ang paksang
inilalahad sa pamamagitan ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga detalye sa
isang teksto.

Halimbawa ng mga tekstong kakikitaan ng may Paghahambing


at Pagkokontras:

• Ang ilang pamahalaan na umiiral sa kasalukuyan, ay tinatawag na


“presidential” at “parliamentary”. Ang namumuno sa isang bansang may
pamamahalang “presidential” ay tinawag na Pangulo. Samantalang ang
“parliamentary” ay tinatawag na Prime Minister. Magkaiba man ang
pamamahala, kakikitaan ng demokrasya ang pinaiiral sa pamamahala.
Ang karapatan ng mamayan, kapayapaan at katarungan ay
pinangangalagaan din sa dalawang anyo ng pamahalaan.

• Pagkakaiba at Pagkakatulad ng Gamit ng Laptop at Desktop

Pagkakaiba Pagkakatulad
Madaling dalhin ang Nakakagawa ng iba’t ibang
laptop di katulad ng dokumento, presentasyong
desktop. personal.
Mas mamahalin ang Nakakapagbigay kasiyahan sa
presyo ng laptop tao
Mahirap hanapin ang Mayroong aplikasyon ng
piyesa ng laptop telebisyon, radyo at dvd
kumpara sa desktop

Problema at Solusyon

Paglalahad ng solusyon sa mga problema o maaring paglalahad ng mga


problema upang bigyang solusyon. Kaakibat na ng tao ang magkaroon ng
problema na siya naming mag-iisip kung ano ang karampatang solusyon sa
problema. Ang problema ay maaaring panlipunan o pang-agham na
nangangailangan ng solusyon. Tingnan ang mga sumusunod na halimbawa ng
teksto. Ang naka-italikong bahagi ay nangangahulugan na iyon ang ibinigay na
solusyon at ang hindi naman naka-italiko ay ang problema.

Halimbawa:

• Laganap na ang krimen sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Marami ng tao


ang naglalakas loob na gumawa ng krimen dahil na rin sa hirap ng buhay.
Wala nang pinipili ang binibiktima; matanda man o bata, babae man o
lalake at kahit saang lugar ay napapabalitang mayroong krimen.
Maaaring makaiwas sa mga ganitong pangyayari, ibayong pag-iingat
ang kinakailangan, kung wala namang pupuntahang mahalaga sa gabi
man o araw ay manatili na lamang sa tahanan. Hanggat maaari
mayroong kasama sa pag-uwi at iwasan ang dumaan sa mga madidilim
na lugar.

• Napakataas ng presyo ng mga bilihin sa panahong ito. Madalas ang


badyet ng isang pamilya ay mahirap nang mapagkasya dahil hindi naman
tumaas ang suweldo. Kung noon ang dating pera na napagkakasya sa
isang araw, ngayon ito ay hindi na sapat kung kaya kailangang umekstra
pa ng trabaho ang ilang tao. Dahil dito, kailangan magtipid ng buong
mag-anak. Kung hindi naman kinakailangan ang isang bagay ay huwag
waldasin ang pera nang basta-basta, bagkus itabi ito para makapag-
impok at sakaling may napakahalagang pangangailangan ay may
magagamit na perang panggastos.

Sanhi at Bunga

Sa ganitong paraan ng paglalahad ipinapakita ang resulta ng mga


pinagdaanang pangyayari o epekto ng mga ginawa ng tao, hayop o maging
ng kalikasan maging ito’y mabuti at masama. Kadalasan ang tao ay
nagtatanong kung bakit at paano nangyari ang mga ito. Ibig sabihin palaging
naghahanap ng sagot ang tao sa mga katanungang nabubuo sa kanyang sarili.

Halimbawa:
• Ang madalas na pag-inom ng alak ay magdudulot ng kanser sa atay.

Sanhi - ang madalas na pag-inom ng alak


Bunga - pagkakaroon ng kanser sa atay

• Nagkaroon ng landslide sa ilang bahagi ng lugar dahil sa halos wala nang


mga natitirang puno.

Sanhi - walang natirang puno


Bunga - nagkaroon ng landslide sa ilang lugar
URI NG PAGPAPAHAYAG
PANGANGATWIRAN

Pangangatwiran

Ang pangangatwiran ay isang diskurso na dapat ay mahikayat na sumang-


ayon ang sinumang katunggali tungkol sa pinagtatalunang o pinaglalabanang isyu
o anumang argumento. Kailangan dito ang malawak na kaalaman at sapat na mga
impormasyon upang mailahad ng tama ang katwiran. Sa anumang paksa na
pinagtatalunan dapat ay may kakayahan na maiayos ang mga kasipan upang
hindi maging malabo, maligaw o mapunta kung saan-saan ang paksang
pinagtatalunan.

Mga Katangian ng Isang Mabuting Pangangatwiran


• May lubos na kaalaman sa paksa.
• May malawak na talasalitaan o bukabularyo.
• May malinaw na pananalita.
• Maayos maghanay ng kaisipan.
• May tiwala sa sarili.
• Mahinahon.
• Mabilis mag- isip.
• Nakauunawa sa katwiran ng iba.
• Marunong kumilala sa katwiran ng iba.
• Tumatanggap ng kamalian at itinutuwid ito.

Halimbawa ng mga sulatin o akdang gumagamit ng tekstong argumentatibo.

a. Tesis d. Editoryal
b. Posisyong papel f. Petisyon
c. Papel na pananaliksik

DAHILAN NG PANGANGATWIRAN:
1. upang mabigyang - linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa
kanya.
3 Makapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao;
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanayng kapwa
KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATWIRAN
1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

DALAWANG URI NG PANGANGATWIRAN

1. Pabuod

Ito’y nagsisimula sa nalalaman na patungo sa hindi pa alam. Sa ibang


pangungusap, ito’y nasisimula sa payak patungo sa masaklaw.

Mga Uri ng Pangangatwirang Pabuod

a. Dahilan ng pagkaganap ng pangyayari. Nababatay ang uring ito sa


simulating may sanhi o dahilan ng anumang pangyayaring naganap.

Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na, hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay
sapagkat hindi siya nakapag-aral.

b. Pinaghahambing ang mga katangiang magkakatulad. Makukuha ang


katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga sangkap na
magkakatulad.

Halimbawa:

BSTM ang kukunin niyang kurso sa kolehiyo, sapagkat lahat ng kaibigan


niya ay ito rin ang kukuning kurso.

c. Pagbibigay ng ebidensya o katibayan. Ang katotohanan ay


mapapalitaw sa pamamagitan ng mga katunayan o ebidensya.

Halimbawa:

Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang


nakuhang sapaang tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle
ng sinturong siyang ipinamalo sa namatay na natagpuan sa di-kalayuan
sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
1. Pasaklaw

Ang uring ito’y kasalungat ng pabuod. Nagsisimula ito sa masaklaw


patungo sa payak.

Tinantawag na silohismo ang pangangtwirang pasaklaw. Ito’y syllogism sa


Ingles. Ang solihismo ay binubuo ng tatlong proposisyon. Ang mga ito ay ang
mga sumusunod:

Pangunahing batayan- Ito’y nagsasaad ng isang katotohanang panlahat.


Tinatawag itong major premise sa Inglis.

Pangalawang batayan- Ito’y nagsasaad ng isang katotohanang tiyak.


Tinatawag itong minor premise sa Ingles.

Kongklusyon- Ito’y nagtataglay ng isang hinuha mula sa pangunahing batayan


mula sa pangunahing batayan at sa pangalawang batayan.

Halimbawa:

Ang lahat ng bagay na buhay ay likha ng Diyos (Pangunahing batayan)


Ang tao, hayop at kahalaman ay mga bagay na buhay(Pangalawang
batayan)
Samakatuwid, ang tao, hayop at kahalaman ay likha ng Diyos (Kongklusyon)

MGA ELEMENTO NG PANGANGATWIRAN


1. Proposisyon- panukala (Maaaring sang-ayon o di sang-ayon
2. Paksa
Halimbawa ng nangangatwiran

Isang Paksa:
* Dumadami na ang populasyon sa Pilipinas kailangan ng magtatag ng Batas
na Kailangan sa isang Pamilya kailangang 2 anak lang.

3 URI NG PROPOSISYON
Pangyayari = Ito ay pagpapatunay o pagsasalawang-katotohanan ng isang
bagay.
Kahalagahan = Ito ay pagtatanggol sa kahalagahan ng isang bagay o kaisipan.

Patakaran = Ito ay paghaharap ng isang pagkilos sa isang suliranin.


O DEBATE

PAGTATALO

Naglalayong na makapanghikayat ng iba na paniwalaan ang sinasabi sa


pamamagitan ng pangangatuwiran. Maaari itong nakasulat o binibigkas.

Ang kahalagahan ng debate


-Para mapag-usapan o pagtaluhan ang isang sitwasyon.

Ang talumpati

Ang talumpati ay isang pagpapahayag sa harap ng mga taong handang


makinig. Layunin nito na mag hatid ng mahalagang ideya tungkol sa isang
paksa upang makaakit.
Modyul 8- Uri ng Pagpapahayag ( Pangangatwiran)

Pangalan ___________________________________ Course & Section _______________

Gawain. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

A. Ano ang layunin ng pangangatwiran? Paano ito makakatulong sa


maayos na pagpapahayag?
B. Ibigay ang hinihinging kasagutan isulat sa patlang ang tmang sagot.

______________ 1. Uri ng Pangangatwiran na nagsisimula sa nalalaman na


patungo sa hindi pa alam.
______________ 2. Ito ay may layuning manghikayat at magpaniwala sa
pamamagitan ng makatwirang paniniwala.
______________ 3.Ito ay pangangatwirang nagsisimula ito sa pangkalahatan
patungo sa tiyak na impormasyon.
______________ 4. Ito ay paligsahan ng pagbibigay ng katwiran ng dalawang
pangkat.
______________ 5. Isa sa mga element ng pangangatwiran na nagbibigay
panukala sa isang napapanahong paksa.

C. Tukuyin kung anong uri ng pangangatwiran ang sumusunod na pahayag.


Isulat ang titik ng tamang sagot.

a) Pangangatwirang nagbibigay ebidensya


b) Pangangatwirang naghahambing
c) Pangangatwirang may dahilan
d) Silohismo

_____ 1. Napagalitan si Shiela ng kanyang ina dahil hindi siya nagpaalam na


aalis siya.
_____ 2. Ang lahat ng plastic ay natutunaw.Ang Orocan ay isang plastic.
Samakatuwid ang Orocan ay natutunaw.d
_____ 3.Magpapaikli at magpapakulay ako ng buhok sapagkat ito ang usong
kulay
ng buhok ngayon.
_____ 4. Naubos ang tinira kong pagkain na kalagay sa plato na may takip .
Nakita ko na katatapos lang kumain ni Annie. Dagdag pa ng
kasambahay na nakita niyang binuksan ni Annie ang pagkain sa plato.
_____ 5. Alin sa dalawa, siya ay marunong o siya ay bobo. Siya ay hindi
bobo.
Siya ay marunong.

D. Mamili ng isang paksa sa ibaba at ibigay ang iyong katwiran o opinyon


sa nasabing paksa. Gamit and century gothic na font style at 12 na font
size. 1.5 na spacing. Gamitin ang espasyo sa ibaba.

1. Giyera laban sa iligal na droga


2. Rampant fake news (mga pekeng balita)
3. Inflation (pagtaas ng presyo ng mga bilihin)
4. Philippine debt at 6.88 trillion pesos
5. Gagawing “Filipinas” ang bansag sa ating bansang “Pilipinas”
6. Pagsasagawa ng vaccination upang iwas sa COVID-19
7. Kabutihan at Di-kabutihangb naidudulot ng social media
Sa patuloy na paglipas ng panahon ay patuloy rin ang pagtaas ng presyo
ng mga bilihin. Nagtataasan na ang mga produktong paninda gaya
nalamang ng mga gulay, karne, prutas atbp. Dahil sa pagtaas ng mga
bilihin maraminang mga mga mamimili ang nagrereklamo lalo na ang mga
mahihirap na walang s a p a t n a p e r a p a r a b u m il i n g p r o d u k t o n a
m a t a a s a n g p r e s y o . D a h il s a m g a matataas na presyo marami ding mga
negosyante ang naapektuhan dahil sa hindi na kaya ng m g a m am im il i a n g
p r e s y o d a h il n a r i n s a p a g t a a s n g p r e s y o n g m g a b il ih in .

Sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin naging isa ito sa pangunahing


problemang kinahaharap ng mga mamamayang Pilipino lalong lalo na ngayon
na tayo ay nasa gitna ng pandemya na sumusubok sa ating katatagan at
kaligtasan. Dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin nagdudulot eto ng
negatibong epekto para sa mga mamimili. Napakaraming mamamayan ang
apektado nito. Kung saan, lalong mahihirapang makabili ang mga taong kapos-
palad at lalong babagal ang pag-asenso ng mga tao dahil mas lumalaki ang
kinakailangang badyet upang makabili ng mga kailangan sa araw-araw. Kung
kaya sana ay mabigyan ito ng mabilisang solusyon upang malutas ang suliraning
ito upang hindi na ito makabahala at makadagdag ng problema sa bawat
pilipinong mamimili. At makadagdag ginhawa sa pamilyang Pilipino. Ngunit sa
aking opinion lamang marapat din na maging handa ang mga tao sa patuloy
na pagtaas ng bilihin. Kung gayon ay hindi mahihirapang bumili ang mga tao ng
mga nagmamahalang bilihin. Alam ko na napakalaking pagsubok nito sa bansa
dahil alam naman natin na ang Pilipinas ay bansang papaunlad pa lamang.
Kaya kung lalong tataas ang presyo ng mga bilihin, ay lalong babagal ang pag-
asenso ng Pilipinas at mga taong naninirahan dito. Nangangahulugan lamang
ito na sa pagtaas ng mga bilihin ay ang pagbagal ng pag-asenso ng bansa at
ang lalong paghirap ng mga mamamayang Pilipino. Kaya sana ay matugunan
at mabigyan pansin eto n gating gobyerno upang matulungan

You might also like