You are on page 1of 37

Nelson Mandela: Bayani ng Africa

Deskripsiyon ng Sanaysay
Piliin ang mga salitang may kaugnayan sa
sanaysay pagkatapos ay bumuo ng mahalagang
kaisipan gamit ang mga salitang napili.
Kuro - kuro Ideya Isyu
Opinyon Saloobin Talumpati Tugma
Tauhan Banghay Sukat
Balita Pananaw

SANAYSAY
Iayos Mo
Pagsama-samahin ang mga
impormasyon sa kahong dapat na
magkakapangkat at iayos ang wastong
pagkakasunod-sunod nito upang makabuo
ng wastong impormasyon tungkol sa
balangkas.
iskeleton ng susulatin
kahalagahan
kahulugan
mapa ng impormasyon
mapag-iisipang mabuti ang paksa
mapipili mo ang mga ideya o konsepto
mas magiging madaling ayusin ang mga ideya
plano ng paksang isusulat
Alam mo ba na ….
SANAYSAY  Ginagamit upang
makapagbigay ng
mahahalagang kaisipan
tungkol sa paksang nais
nitong talakayin.
 Tumutukoy sa
mahahalagang
impormasyong
ibinibigay nito sa
mambabasa.
Alam mo ba na ….
BALANGKAS
 Isang lohikal o kaya’y
kronolohikal at
pangkalahatang
paglalarawan ng
paksang isusulat.
 Ito rin ay panukalang
buod ng komposisyon.
Alam mo ba na ….
SANAYSAY  Ang talumpati ay isang
halimbawa ng sanaysay.
 Isang uri ng panitikan
na nasa anyong tuluyan
na ipinahahayag ang
sariling kaisipan, kuro-
kuro, saloobin, at
damdamin na
kapupulutan ng aral, at
aliw ng mambabasa.
Alam mo ba na ….
SANAYSAY  Ayon kay Alejandro G.
Abadilla, ito’y
“pagsasalaysay ng isang
sanay.”
 Noong 1580, isinilang
ito sa Pransiya at si
Michel de Montaigne
ang tinaguriang “Ama
ng Sanaysay”.
Alam mo ba na ….
SANAYSAY  Ito ay tinawag niyang
essai sa wikang Pranses
na nangangahulugang
isang pagtatangka, isang
pagtuklas, isang
pagsubok sa anyo ng
pagsulat.
Dalawang Uri ng Sanaysay
PORMAL DI-PORMAL o PERSONAL
Nagbibigay ng impormasyon. Nagsisilbing aliwan/libangan.
Nagbibigay ng mahahalagang Nagbibigay-lugod sa
kaisipan, o kaalaman sa pamamagitan ng pagtalakay sa
pamamagitan ng makaagham mga paksang karaniwan,
at lohikal na pagsasaayos sa pang-araw-araw, at personal.
paksang tinatalakay.
Maingat na pinipili ang Ang himig ng pananalita ay
pananalita. parang nakikipag-usap
lamang.
Ang tono ay mapitagan. Pakikipagkaibigan ang tono.
Obhektibo o di-kumikiling sa Subhektibo sapagkat
damdamin ng may-akda. pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda.
Linangin
Basahin at unawain ang talumpati ni G.
Nelson Mandela na binigkas niya noong
Mayo 10, 1994 nang siya ay pasinayaan
bilang pangulo. Naging daan ang panitikan
partikular na ang sanaysay o talumpati sa
paglalahad ng pagnanais ng kalayaan ng
kanilang bansa. Sa talumpati ay naihahayag
din nila ang pagkauhaw sa kalayaan,
karapatan, at katarungan na naging bahagi na
ng kanilang buhay, ng kanilang kultura.
Nelson Mandela: Bayani ng Africa
Isinalin sa Filipino ni Roselyn T. Salum

Sa mga kapita-pitagan, kataas-taasang


mga panauhin, mga kasama, at mga
kaibigan …

Ngayon, lahat tayong naririto ay


pagkalooban nawa ng pagpapala at pag-asa
sa kasisilang na kalayaan gayundin naman
sa mga nagdiriwang sa iba pang bahagi sa
mundo.
Mula sa mga karanasan ng di-
pangkaraniwang kapahamakan ng tao na
namayani nang matagal, isisilang ang
lipunang ipagmamalaki ng sangkatauhan.

Ang ating mga nagawa bilang


ordinaryong mamamayan ng Timog Africa
ay kailangang magbunga ng tunay na
mamamayan nito na magpapalawak sa
paniniwala ng sangkatauhan sa katarungan,
magpapalakas sa tiwala sa kadakilaan ng
kaluluwa, at magtutustos sa lahat ng ating
pag-asa sa kapakinabangan ng buhay ng
lahat.

Ang lahat ng ito ay utang natin sa ating


mga sarili at sa mga taong naririto ngayon.
Sa aking mga kababayan, wala akong
alinlangang sabihin na ang bawat isa sa
atin ay kasinlapit ang puso sa lupa ng
napakagandang bansang ito, sa tanyag na
puno ng jacaranda sa Pretoria, at sa mga
puno ng mimosa.

Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay


dadamhin ang lupang ito, mararamdaman
natin ang pansariling pagbabago.
Ang kalagayan ng bansa ay magbabago
tulad ng panahon.

Tayo ay kumilos nang may kaligayahan


at kagalakan sa paglunti ng kapaligiran at
sa pagbukadkad ng mga bulaklak.

Ang espiritwal at pisikal na kaisahan na


ating ibinabahagi sa lupaing ito ay
nagpapaliwanag sa lalim ng sakit na dala –
dala ng ating mga puso sa tuwing makikita
natin ang ating bansa na unti-unting
nalulugmok ng di pagkakasundo, at sa
tuwing makikita natin ang pagtanggi, ang
paglaban sa batas, at paghihiwalay ng mga
tao sa mundo. Ito ay dahil sa naging
pambansang batayan ang nakamamatay na
ideolohiya at pagkakaroon ng rasismo.
Tayo, ang mga mamamayan ng Timog
Africa, ay nakadama ng kapayakan nang
ibinalik sa sangkatauhan ang
pagkakaibigan. Tayo, na pinagkaitan ng
batas kamakailan lang, ay binigyan ng
bihirang pribilehiyong mamahala sa mga
bansa sa sarili nating lupain.

Pinasasalamatan namin ang aming mga


pinagpipitaganang panauhin sa
pagparito upang angkinin, kasama ang
mamamayan ng aming bansa, ang
tagumpay para sa katarungan, para sa
kapayapaan, at para sa dignidad.

Naniniwala kami na ipagpapatuloy


ninyo ang pagtulong sa amin sa pagharap
sa mga pagsubok sa pagbuo ng
kapayapaan, kaunlaran, pagkakapantay-
pantay ng mga lalaki at babae, walang
diskriminasyon sa lahi, at demokrasya.
Ang talumpating binasa ay halimbawa
ng sanaysay na pormal na nagbibigay ng
impormasyon tungkol sa dating kalagayan
ng lahi ng nagtatalumpati at nanghihikayat
din na siya ay tulungan sa pagtupad sa
kaniyang tungkulin at mithiin – ang
magkaroon ng kalayaan.
Halimbawa ng sanaysay na di-pormal.
Ako ay Ikaw
Ni Hans Roemar T. Salum

“Ako’y isang Pinoy, sa puso’t diwa.


Pinoy na isinilang sa ating bansa. Ako’y
hindi sanay sa mga wikang banyaga,
ako’y Pinoy na may sariling wika.
Wikang Pambansa, ang gamit kong
salita …” Hay, napakaganda sa pandinig
ang awiting ito ni Florante. Damang -
dama ang pagmamahal ng mang-aawit sa
akin.

Matagal na panahon na rin simula nang


ako ay ipaglaban ni Dating Pangulong
Manuel L. Quezon. Ang pakikipaglaban
niyang ito ay daan upang ako ay
umusbong, gamitin, at tangkilikin. Ako ay
simbolo ng pagkakakilanlan ng ating
bansa, ang Pilipinas. Sa totoo lang,
ako ay ginagamit sa maraming sitwasyon
at pagkakataon. Ah, tunay ngang malayo
na ang aking narating bilang isang
instrumento ng komunikasyon. Patunay
nito, sa paglipas ng panahon ay mabilis na
naging moderno na ang ating bansa.
Modernong kagamitan, pamumuhay,
moderno na rin pati kabataan. Talagang
ang mga Pinoy ay hindi nagpapahuli.
Subalit, kasabay ng pagbabago at pagiging
modernong ito ay ginawa na rin akong
moderno. Pakiramdam ko ay binihisan ako
upang sumabay sa makabagong panahon.
Sa katunayan, ang wika ng kabataan
ngayon ay tinatawag na Taglish, mga
jejemon wika nga. Ang salitang nanay
sasabihing mudra, ang tatay ay pudra. May
magsasabi ring I wanna bili that sapatos!
Hay, kailangan bang kasabay ng
pagbabago ay pagbabago sa akin? Nasaan
na ang ipinaglabang wika? Mga kabataan,
ang totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa
ating bansa. Hindi masama ang pag-unlad
at ang pagbabago kung ang pagbabagong
ito ay para sa ikabubuti at ikaaayos ng
komunikasyon. Sa makabagong panahon,
gamitin mo ako sa iyong wika kung iyan
ang ibig mo, piliin lamang sa tamang
panahon at tamang sitwasyon, tiyak na ang
ating patuloy na pag-unlad.
Layunin sa paggawa ng balangkas

 Nakatutulong ito sa pag-


oorganisa ng mga ideya
 Naipakikita ang materyal sa
lohikal na paraan
 Naipakikita ang pagkakaugnay-
ugnay ng mga ideya
Antas ng Pag-unawa
1. Sa iyong palagay, bakit kailangang
magkaroon ng wikang pambansa?
2. Bigyang interpretasyon ang pahayag
na: “Mga kabataan, ang totoo, ako ay
ikaw na sasalamin sa ating bansa.”
3. Isa sa nakipaglaban para sa wika ay si
Pangulong Quezon. Kung ikaw ay nasa
katayuan niya, tulad din ba ng
kaniyang desisyon ang iyong gagawin
upang magkaroon tayo ng isang
wikang pambansa? Bakit?
Antas ng Pag-unawa

4. Sa kasalukuyan, makikita bang malaya


ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang
pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay
sa sariling karanasan o ng ibang taong
nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo
maipakikita ang pagpapahalaga sa wikang
sarili?
Anyo ng Balangkas
Balangkas na Paksa

• Sa anyong salita o parirala, hindi


ginagamitan ng bantas
• Madaling mailahad ang maikling
kabuuan ng paksang tatalakayin at
mabilis pa itong isulat kaysa
pabalangkas na pangungusap.
Anyo ng Balangkas
Balangkas na Pangungusap

• Gumagamit ng buong pangungusap sa


lahat ng entrada at nilalapatan ng
wastong bantas.
• Kung sisimulan nang patanong ang
balangkas, dapat ay patanong din ang
ang iba pang bahagi nito.
Mga Karapatan ng Mamamayan
I. Karapatang Likas
A. Karapatang mabuhay
B. Karapatang maging maligaya
C. Karapatang umibig
II. Karapatang Konstitusyonal
A. Karapatan sa Saligang Batas
1. Kalayaan sa paghalughog
2. Kalayaan sa komunikasyon
B. Karapatang Itinakda ng Batas
1. Karapatan sa pagmamana
Itala, Impormasyong Mahalaga
Ako ay Ikaw

I. Bunga ng Pakikipaglaban
A.
B.
C.
II. Kalagayan ng Makabagong Panahon
A.
1.
2.
3.
Gramatika at Retorika
Nakatutulong sa pag-unawang mensahe
ng isang diskurso ang paggamit ng angkop
na mga tuwiran at di-tuwirang
pagpapahayag.
o Mahalaga ito sa pagkuha ng
impormasyong nais bigyang linaw.
o Mas malinaw ang isang
sanaysay/talumpati dahil sa tuwiran at
di-tuwirang pahayag
o Madaling matukoy ang katotohanan at
opinyon.
Gramatika at Retorika

Mga pang-ugnay na nagpapatibay o


nagpapatotoo sa isang argumento upang
makahikayat.
 katunayan
 ang totoo
 bilang patunay
 at iba pa
Gramatika at Retorika
Halimbawa:
1. Sa totoo lang, maraming
magagandang lugar sa Pilipinas na
dapat munang pasyalan bago ang
ibang bansa.
2. Si Ranidel ay nanalo ng Ulirang
Kabataang Award, bilang patunay,
narito ang kaniyang sertipiko.
Gramatika at Retorika
Tuwirang Pahayag – mga pahayag na may

pinagbatayan at may ebidensiya


kaya’t kapani-paniwala.

Di-tuwirang Pahayag – mga pahayag na


bagaman batay sa sariling opinyon
ay nakahihikayat naman sa mga
tagapakinig o tagapagbasa.
Ilipat

Gumawa ng balangkas ng mahahalagang


impormasyon ng isang talumpati.
Tatayahin ang iyong balangkas batay sa:
a. Nilalaman
b. Pagkawasto ng pagkuha ng
mahahalagang impormasyon
c. Wastong balangkas
d. makatotohanan

You might also like