You are on page 1of 16

Anekdota mula sa Persya

Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang


tawanan.
Dalubhasang pilosopo at tagapayo siya ng mga hari
sa kanilang lugar.
Nagsimula ang kanyang kuwento sa Persya.
Naniniwala ang mga Sufis na ang pagpapatawa ay
nagdudulot ng kasiyahan sa bawat tao.
Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir.
Dakilang guro sa pagpapatawa na siyang naging
behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makasasakit subalit
nakapagbibigay-sigla sa mambabasa.
Si Mullah Nassreddin ang pinakamahusay sa
pagkukwento ng katatwanan sa kanilang
bansa.
Lagi siyang naaalala ng mga Iranian na dating
mga Persyano noong sila ay mga bata pa.
Libo-libong kwento ng katatwanan ang
naiambag ni mula Nassreddin sa kanilang
lipunan.
Tinagurian din siyang alamat ng sining sa
pagkukwento dahil sa mapagbiro at puno ng
katatwanang estilo sa pagsulat.
Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang
kaniyang mga naisulat mulang noong
hanggang ngayon.
Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang
talumpati sa harap ng maraming tao.
Sa Pagsisimula niya, nagtanong siya “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?”
Sumagot ang mga nakikinig, “Hindi” kung kayat
sinabi niya, “Wala akong panahong magsalita
sa mga taong hindi alam ang aking
sasabihin,” at siyay umalis na. Napahiya ang
mga tao.
Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang
mga tao ng katulad na katanungan ay
sumagot sila ng “Oo”, Sumagot si Mullah
Nassreddin, “Kung alam na pala ninyo ang
aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” at muli siyang umalis.

Ang mga tao


ay nalito at
nataranta sa
kaniyang
naging sagot.
Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah
Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli
siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?
Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot. Ang
kalahati ay nagsabi ng “Hindi” at ang kalahati
naman ay nagsabi ng “Oo”
Nagsalita siya at sinabi, “Ang kalahati ay alam
ang aking sasabihin
kaya’t kayo ang
magsasabi sa
kalahati na di alam
ang aking sasabihin
at siya ay lumisan.
 Sino ang pangunahing tauhan sa binasa?

 Ano ang kanyang tungkulin?

 Bakit
kaya siya iniimbitahan na magsalita sa
harap ng maraming tao?

 Kung ikaw ang isa sa mga taong nakikinig kay


Nassreddin, ano ang magiging reaksyon mo?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
 Una: Sagutan ang tanong bilang 2 at 3 sa pahina 257 ng
aklat. Ipakita sang sagot sa pamamagitan ng Frozen
Picture

 Ikalawa: Sagutan ang tanong bilang 4 t 5 sa pahina 257


ng aklat. Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng maikling
Debate.

 Ikatlo: Sagutan ang tanong bilang 6 sa pahina 257 ng


aklat. Ipakita ang sagot sa pamamagtan ng Miss Q & A.

 Ikaapat: Sagutan ang tanong bilang 7 at 8 sa pahina 257


ng aklat. Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Talk
Show.

 Ikalima: Anong aral ang hatid ng nabasang anekdota?


Ipakita ang sagot sa pamamaitan ng Iskit.
Dapat ba nating ipagmalaki
kapag sinabihan tayong …
PILOSOPO?
Bigyang-katangian si Mullah Nassreddin gamit
ang hashtag.

#henyo
Pagsagot sa Gawain 5 B, pahina 257 ng aklat.
Isulat ang sagot sa notebook.
ELOISA V. SAN JUAN
Guro
Filipino 10

You might also like