You are on page 1of 18

Mga Alituntunin sa Online Class

• Humanap ng komportableng lugar.


• Magsuot ng akmang kasuotan.
• I-on ang Kamera.
• I-off ang mikropono bilang respeto sa nagsasalita.
• I-on ang mikropono kapag may gustong sabihin o di
kaya’y tinawag ng guro upang magsalita.
MGA LAYUNIN
1. Natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
pamamagitan ng pagpapatunay ng pagtukoy sa layunin ng may-
akda sa pagsulat ng akda F10PB-IVa-b-85
2. Natutukoy ang papel na ginagampanan ng mga tauhan sa
akda F10PB-IVb-c-87
Panuto: Magbigay ng dalawang pangunahing tauhan
mula sa nobelang Noli Me Tangere na naging daan
upang mapalabas ang mga gintong aral na taglay ng
nobela.
 
Pangunahing Tauhan Pangunahing Tauhan
 
    
 
 
 
 

 
 
 
 
  Mga Gintong Aral na Aking Natutuhan Mula sa Aklat na Ito
Jose Rizal

Polo y Servicio GOMBURZA


Kaligirang Pangkasaysayan ng
El Filibusterismo
• Oktubre 1887- Sinumulan ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang ikalawang
nobela, ang El Filibusterismo sa Calamba Laguna.
• 1888- Sa taong ito nirebisa ni Rizal sa London ang halos lahat ng
kaniyang naisulat sa kaniyang ikalawang nobela.
• Agosto 6, 1891- Itinigil ang paglilimbag ng El Filibusterismo na noo’y
nasa ika-112 dahil sa kakulangan ng pera.
• Setyembre 18 1891- Natapos ang pagpapalimbag dahil sa tulong ng
kaniyang kaibigan na si Valentin Ventura.
Matapos malimbag ang nobelang el Filibusterismo ay nagkaroon ito ng iba’t
ibang saling-pamagat.
“The Filibustering”- Ingles
“The Reign of” Creed”-Ingles
“Ang Paghahari ng Kasakiman”- Tagalog

• Filibusterismo- Galing sa salitang Kastila na filibuster na hiniram naman sa


salitang pranses na flibustier na nangangahulugang pirata, taong naninikil
ng buwis, at isang taong may kinalaman sa rebolusyon o pumupunta pa sa
ibang bayan para suportahan ang pag-aaklas.
• Unang narinig ni Rizal ang salitang ito noong binitay
ang tatlong paring martir dahil sa pagkakadawit sa
Cavite Mutiny. Labis na labis na takot ang naging dulot
nito sa mga Filipino dahil ito ay parang parusang bigla
lamang ipinapataw ng mga Espanyol sa mga gusto
nilang mamatay.
• Cavity Mutiny- Ang pag-aaklas noon sa Cavite ng
tinatayang 200 na magagawang Pilipino at lokal na mga
sundalo dahil sa sapilitang paggawa o polo y servicio.
• Ipinagbawal ni Francisco Mercardo, ama ni Rizal ang
pagbanggit ng mapanganib na salita.
• Pebrero 17, 1872- Pinatay sa pamamagitan ng garote
sa Bagumbayan (Luneta Park) ang tatlong paring martir.
Mga nag-udyok kay Rizal sa pagsulat ng
El Filibusterismo
1. Ang pagpatay sa tatlong pari
2. Ang pagmamalupit ng mga Kastila
3. Ang kaniyang mga masasakit na Karanasan.
 Pagmamalupit ng mga paring Dominiko sa mga magsasaka
ng Calamba at sa kaniyang pamilya
 Ang pagkamatay ng dalawang Filipino sa Madrid
 Ang away nilang dalawa ni Antonio Luna dahil sa isang babae
 Ang pagpapakasal ng kaniyang kasintahang si Leonor Rivera
sa isang inhinyerong Ingles na si Henry C. Kipping
Mga Layunin ni Rizal sa Pagsulat ng El
Filibusterismo
1. Gisingin ang damdamin ng mga Filipino laban sa mapang-
api at mapang-abusong pamahalaaan ng Espanyol
2. Mapukaw ang Rebolusyunaryong damdamin ng mga
Filipino
3. Maging inspirasyon sa paghihimagsik
Panuto: Sagutin ng buong husay ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano-anong pangyayari ang nagtulak kay Rizal upang isulat ang
El Filibusterismo?
2. Saan at Kailan niya isinulat ang ikalawang obra?
3. Ano-anong suliranin ang kaniyang naranasan habang isinusulat
ang nobela?
4. Bakit muntik-muntikan nang hindi malimbag ang nobela? Ano
ang naging papel ni Valentin Ventura sa pagkakalimbag nito?
5. Kung ikaw si Valentin Ventura tutulungan mo ba si Rizal? Bakit?
6. Sa iyong palagay, bakit kailangang pag-aralan ang nobelang El
Filibusterismo?
MGA TAUHAN SA EL FILIBUSTERISMO
Gawain A:
• Dumaan sa napakaraming pagsubok at paghihirap si Rizal para lang
matapos at mailimbag ang nobela subalit hindi siya sumuko dahil sa
matitinding layunin niya sa pagsulat na ito. Base sa mga natutuhan
mo sa kaligirang pangkasaysayan, ilahad ang mga layunin o
adhikain niya sa pagsulat ng El Filibusterismo.
Mga Layunin o Adhikain ni Rizal sa Pagsulat ng
El Filibusterismo
Gawain B:
Panuto: Ibigay ang papel na ginagampanan sa akda ng mga
sumusunod na tauhan.

Simoun Basilio

Juli Paulita Gomez


Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay
ano ang kahalagahan ng nobelang
El Filibusterismo sa ating pamumuhay
ngayon?
 
Dugtungan Tayo
Panuto: Dugtungan ang sugnay batay sa iyong
natutuhan sa paksang tinalakay.

• Natutuhan kong ang El Filibusterismo ay


__________________________________________
PAGSASANAY
Panuto: Magbigay ng tatlong dahilan kung bakit naisulat ni Rizal ang El Filibusterismo.
1.
2.
3.
II. Panuto: Tukuyin ang tauhan na inilalarawan sa bawat bilang.
_________ 1. Siya ang ama ni Kabesang Tales.
_________2. Isa siyang manunulat sa pahayagan.
_________3. Ang Kura ng Tiyani na may Pagnanasa kay Juli.
_________ 4. Siya ang kasintahan ni Isagani.
_________5. Siya ay nagkukunwaring mayamang mag-aalahas.
_________6. Siya ang anak ni Kabesang Tales at katipan ni Basilio.
_________7. Siya ang tagapagpagpasiya sa usaping Akademya ng Wikang Kastila.
_________8. Isang Pransiskano na may pagtingin kay Maria Clara.
_________9. Siya ang probinsyanong estudyante na nag-aaral sa
Maynila
_________10. Ang estudyanteng makata at kasintahan ni Paulita.
TAKDANG ARALIN
Gawin ang Gawain 2 pahina 15 sa inyong modyul.
Panuto: Pumili ng dalawang tauhang iyong hinangaan o kinamuhian agad pagkatapos mo
silang makilala. Gawin ang hinihingi sa ibaba upang mahinuha mo ang kanilang magiging
papel sa pagkamit ng layunin ni Rizal.

You might also like