You are on page 1of 1

Ang ponolohiya (mula sa salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog, boses") o palatunugan[1] ay

sangay ng lingguwistika na nag-aaral ng mga tunog o ponema (phonemes) ng isang wika, ang
pagkukumpara ng mga ito sa mga tunog ng iba pang wika at ang sistema ng paggamit ng mga
tunog na ito upang makabuo ng yunit ng tunog na may kahulugan (i.e. morpema o morphemes,
salita).

Ortograpiya- Ang Ortograpiya ay ang masusi at maingat nag pag-aaral may patungkol sa pag-babaybay
ng mga salita. Kasama din dito ang pagiging tama sa pagbuo ng mga salita gamit ang tamang letra sa
pamamagitan ng ispeling.
Ang morpolohiya ay ang sangay ng linggwistika na nag-aaral ng morpema (morpheme) o ang
pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahuluguhan. Pinag-aaralan dito ang sistema ng
pagsasalansan ng mga morpema upang makabuo ng salita na may payak o kumplikadong
kahulugan. Ang mga morpema ay maaaring isang buong salita, panlapi, artikulo, o metalinggwistikal
na yunit ng kahulugan tulad ng intonasyon at stress o diin.

Retorika- Sining ng pakikipagtalastasan at pagsulat

Semantika- Ang semantika ay ang pag-aaral na tumutukoy sa kung paano nabibigyang kahulugan
ang mga salita’y batay sa paggamit nito sa pangungusap o pahayagDepinisyon ng Semantika

Sintaksis- tumatalakay sa masistemang pagkakaayus-ayos ng mga salita sa pagbuo ng mga


parirala at pangungusap.

You might also like