You are on page 1of 1

Ortograpiya ito ay ang representasyon ng mga tunog ng wika na nakalimbag na mga

simbolo tulad ng alpabeto. Ito rin ay sining ng pagsuuslat ng mga salita na may tumpak na
titik alinsunod sa wastong gamit, wastong baybay.
Ang ponema (mula sa espanyol Fonema) ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng
kaibahan ng isang salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika. Kung kaya ito ay
ang pundamental at teorikong yunit ng tunog ng nagbubuklod ng mga salita. Ito rin ay
nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinalitan ang isang ponema nito.
Ang balarila ay tumutukoy sa pagsulat o pananalitang inihahambing sa wastong
paggamit (ayon sa balarila). Ito rin ang kaalaman hinggil sa mga salita, parirala, sugnay
at mga pangungusap na nagtuturo ng wastong kabalangkasan, palakahuluganan,
palabigkasan, at palaugatan ng mga salita.
Komisyon sa Wikàng Filipíno ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na may katungkulang
magsagawa ng mga pananaliksik, paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at
iba pang wika sa bansa.

You might also like