You are on page 1of 6

Palabigkasan

Ang palabigkasan o phonetics (mula sa


salitang Griyego: φωνή, phōnē, "tunog,
boses") ay ang sangay ng lingguwistika
(linguistics) na nag-aaral ng lahat ng mga
tunog na posibleng likhain ng tao na
maririnig sa iba't ibang wika sa buong
mundo. Pinag-aaralan dito kung paano
nabubuo ang pinakamaliit na yunit ng
tunog, o mga ponema (phonemes), sa
pamamagitan ng pagtukoy sa punto ng
artikulasyon (place of articulation), o kung
saang bahagi ng bibig nalilikha ang tunog,
paraan ng artikulasyon (manner of
articulation), o ang paraan ng paglikha ng
tunog katuwang ang mga bahagi ng bibig,
at ang boses (voice) o ang pagtukoy sa
isang yunit ng tunog kung ginagamitan ito
ng vibration o pag-ugong ng babagtingan
(vocal cords) para malikha, o hindi.

Alpabetong ponetiko
Ang Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto
(PPA) ay isang ulirang pangkat ng mga
simbolo na kumakatawan sa mga tunog, o
ponema, na ginagamit upang mapadali
ang pagsusulat at paglalarawan ng mga
tunog na nais pag-aralan.

Mga sangay ng palabigkasan


Maari pang aralin nang mas malalim ang
mga katangian ng bawat yunit ng tunog sa
mga wika ng tao batay sa paraan ng
paglikha nito, kalidad ng tunog ayon sa
pisikal nitong katangian, at ang kalidad ng
tunog ayon sa kung paano ito natutukoy ng
ating pandinig. Sa ilalim ng palabigkasan,
may mga sangay itong nakatuon ang pag-
aaral sa bawat katangiang ito ng mga
tunog.
Articulatory Phonetics- ito ang sangay
ng palabigkasan na nag-aaral sa paraan
ng paglikha ng tunog. Masusing
tinitignan dito kung paanong ang mga
articulators sa loob ng bibig, o ang mga
organo sa loob nito (tulad ng labi, ngipin,
gilagid, lalamunan etc.), ay lumilikha ng
mga tunog.
Auditory Phonetics- ito ang sangay ng
palabigkasan na nag-aaral sa mga
organo ng pandinig at utak bilang mga
bahagi ng katawan na syang
nakakatukoy sa mga tunog.
Acoustic Phonetics- ito ang sangay ng
palabigkasan na nag-aaral sa mga
pisikal na katangian ng mga phonemes,
ang kalidad nito bilang tunog, at ang
kaibahan nito sa iba pang mga tunog na
di-likha ng tao.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham


ay isang usbong. Makatutulong ka sa
Wikipedia sa pagpapalawig (https://tl.wiki
pedia.org/w/index.php?title=Palabigkasan
&action=edit) nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Palabigkasan&oldid=1824017"

Huling pagbabago: 21:19, 14 Disyembre 2020. •


Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like