You are on page 1of 40

Mga Konseptong Pangwika

(Unang Bahagi)

Ms. Claire Dorothy T. Declarador, LPT


ST. BONIFACE | ST. DOMINIC | ST. BASIL | ST. AMBROSE
Mga Layuning Pampagkatuto:

 Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan


ng mga konseptong pangwika. 
(MELC 1/ F11PT – Ia – 85)

 Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa


sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan.
(MELC 3/ (F11PS – Ib – 86)
Gabay na Tanong:
Bakit mahalaga ang wika? 

Bakit mahalagang matutuhan ang katuturan


at kabuluhan ng mga konseptong
pangwika?
WIKA
Etimolohiya ng Wika
LINGUA (Latin)- nangangahulugang
“dila” at “wika”o “lengguwahe”.

LANGUE (Pranses-
nangangahulugang “dila” at “wika”.
LANGUAGE (Ingles)-
nangangahulugang “dila” at
“wika”.
Kahulugan ng Wika

Tulay na ginagamit para


maipahayag at mangyari ang
anomang minimithi o
pangangailangan.  
–Paz, Hernandez, at Peneyra (2003)
Kahulugan ng Wika

Sistematikong balangkas na pinipili at


isinasaayos sa paraang arbitraryo at
ginagamit ng mga tao na nabibilang
sa isang kultura. 
                                      
  - Henry Gleason
Kahulugan ng Wika

Itinuturing ang wika bilang saplot ng


kaisipan; gayunman, mas angkop marahil
sabihing ang wika ay ang saplot-kalamnan,
ang mismong katawan ng kaisipan. 
  - Thomas Carlyle
                                                                                    
Kahulugan ng Wika

Ang wika ay isang sining tulad


ng paggawa ng serbesa o
pagbebeyk ng keyk.
                    –Charles Darwin
Kahulugan ng Wika

Ang wika ay tunog, salita at


gramatikang ginagamit. 
                                               
        –Cambridge Dictionary
Ang Pilipinas ay binubuo ng 150 wika at diyalekto (CPH,2000)

1.Tagalog- 5.4 M
2.Cebuano/Bisaya/Boholano- 3.6 M
3.Ilocano- 1.4 M
4.Hiligaynon/Ilonggo – 1.1 M
5.Bikol,
(6) Waray, (7) Kapampangan, (8) Pangasinan o
Panggalatok, (9) Maguindanaon, at (10) Tausug.
Ang wika, alinmang pamamaraan, sinasalita
man o iba pa, ay ginagamit upang maipahayag
o maitawid ang mga damdamin o mga kaisipan
at mahalagang instrumento ng komunikasyon.
Ponolohiya (Palatunugan)

Pag-aaral sa kayarian o set


ng mga tunog na bumubuo ng
mga salita sa isang wika.
Palatinigan (Ponetika)

Pag-aaral ng tunog ng
mga salita at ang
pagpapalabas ng mga ito.
Pinasimpleng Alpabeto
23 KATINIG
/b/, /c/, /d/, /f/, /g/, /h/, /j/, /k/, /l/, /m/, /n/, /ñ/, /ŋ/, /p/,
/q/, /r/, /s/, /t/, /v/, /w/, /x/, /y/, /z/

5 PATINIG
/i/, /e/, /a/, /o/, /u/
Katangian ng Wika
1.May masistemang balangkas.
2.Sinasalitang tunog o binibigkas na tunog.
3.Pinili at isinasaayos.
4.Artbitraryo
5.Kapantay o kaugnay ng kultura.
6.Dinamiko o nagbabago.
Katangian ng Wika
7. Ginagamit sa komunikasyon.
8. Ang lahat ng wika ay nanghihiram.
9. Natatangi o may sariling kakayahan.
10. Malikhain.
11. Ang wika ay may kapangyarihang lumikha
12.Ang wika ay may kapangyarihang makaapekto sa
kaisipan at pagkilos.
Kalikasan ng Wika (Auestero, et. al. 1999)

1.Pinagsama-samang tunog
2.May dalang kahulugan
3.May ispeling 
4.May gramatikal istraktyur
5.Sistemang oral-awral
6.Pagkawala o ekstinksyon ng wika
7.Iba-iba, diversifayd, at pangkatutubo o indijenus
Mga Teoryang
Pangwika
1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon

“At pinangalanan ng lalaki ang lahat ng mga


hayop, at mga ibon sa himpapawid, at ang
bawat ganid sa parang.” 
-Genesis 2:2
1.1 Teorya Hinggil sa Kalituhan sa Wika
(Hango sa Kuwento ng Tore ni Babel)

Babel- nangangahulugang kalituhan


1.2 Teoryang Aramaic ang Unang Wika

Teoryang pangwika na naniniwala na Aramaic


ang wikang ginamit ni Hesukristo sa
pagpapalaganap ng magandang balita ng
Panginoon. 
2. Teoryang Bow-wow
Ang wika mula sa panggagaya ng mga tao
mula sa tunog na likha ng kalikasan.
3. Teoryang Pooh-pooh
Ang tao ay may taglay na damdamin at
kapag nasapol ang damdaming ito,
nakapagbubulas siya ng mga salita kaakibat
ng nararamdamang tuwa, galit, lungkot,
takot, pagkabigla, pagkamangha, sakit at iba
pang uri ng damdamin.
4. Teoryang Yo-he-ho
 Ang tao ay bumabanggit ng mga salita kapag
siya’y gumagamit ng pisikal na lakas. May mga
salita, tunog o ekspresyong nasasambit ng tao
kapag nagbubuhat ng mabibigat na bagay katulad
ng sa pag-eehersisyo, sa pagluluwal ng sanggol at
maging sa mga kompetisyong pampalakasan.
5. Teoryang Ding-dong
Nagkaroon ng wika ang tao sa
pamamagitan ng mga tunog na nalikha
ng mga bagay-bagay sa paligid ngunit
hindi limitado sa kalikasan kundi maging
sa mga bagay-bagay na nalikha ng tao.
6. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Ang wika ay nagsimula sa mga pang-araw-araw na
pamumuhay ng mga tao noong noong unang
panahon. Katulad na lamang ng
pagsasayaw,pangingisda, panggagamot, pagsigaw,
pagbulong o ng mga unang selebrasyon na
lumilikha ng tunog na sa kalaunan ay naging wika.
7. Teoryang Ta-ta
May koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa paggalaw ng dila. Ito raw ay sanhi ng tao ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita. 
Ang Wikang
Pambansa
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
(Unang Bahagi)

“Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at payamanin pa salig sa umiiral
na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika.”
Panahon ng Komonwelt/ Makasariling Pamahalaan

Sa pangunguna ni Pang. Manuel L. Quezon


nagsimula ang pormal na kasaysayan ng
paghahangad ng bansa na magkaroon ng isang
wikang mag-uugnay sa lahat ng mamamayan nito
na magsisilbing behikulo ng pagkakaunawaan para
sa pambansang pagkakaisa noong 1935. 
Batayan ng Wikang Pambansa
1.Gamit na wika sa Maynila na sentro ng pamahalaan
at kalakalan
2. May pinakamayamang talasalitaan at panitikan
3. Madaling pag-aralan at unawain
4. Pinakamalaganap itong ginagamit sa kapuluan
Ang Wikang
Panturo
Wikang Panturo
Opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.

Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na


talastasan ng pamahalaan.
                                                                                        
     -Virgilio Almario (2014:12)
Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Konstitusyon ng 1987
(Ikalawang Bahagi)

“Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa


nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat 
magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.”
Kahalagahan ng Wika
Biyaya ng Diyos sa sangkatauhan ang wika. Isa itong bagay
na ikinahigit ng tao sa iba pang nilikha ng Diyos. Bilang
Kanyang kawangis, ipinamahala at ipinaalaga niya sa atin ang
sanlibutan upang maging kaaya-ayang tahanan ng bawat isa
sa atin. Gamit ang wika, naisasakatuparan natin ang
tungkuling ito na iniatang sa atin. Nagagawa natin ang
mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapahayag o
pakikipagkomunikasyon. Mabisang instrumento ito upang
magkaisa at magkaunawaan ang bawat isa.
Kahalagahan ng Wika
Malahalaga ang wika bilang wikang pambansa, wikang
opisyal, wikang panturo at Pambansang Lingua Franca.
Sa pangkalahatan…
Anomang maging tawag sa wikang Filipino, lingua franca,
wikang pambansa, wikang opisyal o wikang panturo man, isang
bagay ang dapat nating isaisip: ito ang wikang salamin ng
lahing Pilipino. Pinauunlad natin ang wika upang magamit natin
ito sa lahat ng antas at makasabay sa pagbabago ng panahon.
Hindi natin dapat sagkaan o hadlangan ang pagbabagong
ito dahil magsisilbing tuntungan ito upang maiangat natin
ang wikang Filipino tungo sa kaunlaran nito.

You might also like