You are on page 1of 44

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA

AT KULTURANG FILIPINO
Unang Markahan – Modyul 1-2
Aralin 1: Wika (Kahulugan at Kabuluhan ng Wika)
LAYUNIN NG TALAKAYAN

matukoy ang kahulugan,teorya at kahalagahan ng


wika;
makilala ang dalawang opisyal na wika ng Pilipinas;
makapagbigay ng sariling pakahulugan sa wika; at
makapagtala ng mga sitwasyong nagpapakita ng
magkahiwalay na gamit ng dalawang opisyal na wika ng
Pilipinas.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Gleason (1961) – ang wika ay


masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na pinili at
isinaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit sa
pakikipagtalastasan ng mga taong
nasa iisang kultura.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Finnocchiaro (1964) – ang wika ay


isang sistemang arbitraryo ng
simbolong pasalita na nagbibigay
pahintulot sa mga taong may kultura
o ng mga taong natutunan ang
ganoong kultura upang
makipagtalastasan o di kaya’y
makipag-ugnayan.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Sturtevant (1968) – ang wika ay


isang Sistema ng mga simbolong
arbitraryo ng mga tunog para sa
komunikasyong pantao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Hill (1976) – ang wika ay ang


pangunahin at pinakaelaboreyt na
anyo ng simbolikong pantao. Ang
mga simbolong ito ay binubuo ng
mga tunog na nalilikha ng aparato sa
pagsasalita at isinasaayos sa mga
klase at padron na lumilikha at
simetrikal na estraktura.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Brown (1980) – ang wika ay


masasabing sistematiko. Set ng mga
simbolikong arbitraryo, pasalita,
nagaganap sa isang kultura, pantao,
at natatamo ng lahat ng tao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Bouman (1990) – ang wika ay isang paraan


ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
isang tiyak na lugar, para sa isang
partikular na layunin na ginagamitan ng
mga verbal at viswal na signal para
makapagpahayag.
Webster (1990) – ang wika ay kalipunan
ng mga salitang ginagamit at naiintindihan
ng isang maituturing na komunidad.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Thomas Carlyle – itinuturing ang wika


bilang saplot ng kaisipan.
Vilma Resuma at Teresita Semorlan –
ang wika ay kaugnay ng buhay at
instrunento ng tao upang matalino at
efisyenteng makilahok sa lipunang
kinabibilangan.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Pamela Constantino at Galileo Zafra –


ang wika ay isang kalipunan ng mga
salita at ang pamamaraan ng
pagsasama –sama ng mga ito para
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt
ang isang grupo ng mga tao.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Roderick Hemphill Ang wika ay isang


masistemang kabuuan ng mga sagisag
na sinasalita o binibigkas na
pinagkaisahan o kinaugalian ng isang
pangkat ng mga tao kung saan sila’y
nagkakaunawaan, nagkakaisa at
nagkakaugnay.
Kahulugan ng Wika
Ayon kay:

Edward Sapir Ang wika ay isang likas


at makataong Pagpapalalim
pamamaraan ng paghahatid ng mga
kaisipan, damdamin at mga hangarin
sa pamamagitan ng isang kusang-loob
na kaparaanan na lumikha ng tunog
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang salitang wika ay nagsimula sa salitang
“lengua” na ang literal na kahulugan ay dila
at wika. Maraming kahulugan at kabuluhan
ang wika tulad ng; ito ay behikulo ng
paghahatid ng mga impormasyon saan mang
lugar ka naroon, sa paaralan, tahanan o kahit
saan. Instrumento din ito ng komunikasyon
sa pamamagitan din ng wika, mabilis na
naipapalaganap ang kultura ng bawat
pangkat.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang wika ay kabuuan ng mga sagisag na
binubuo ng mga tunog na binibigkas o sinasalita
at ng mga simbolong isinusulat.
• Ang salitang wika ay nagmula sa wikang
Malay,samantalang ang salitang lengguwahe
naman ay nagmula sa Latin at isinalin sa Ingles
bilang language.
• Wika- Ang wika ay anumang anyo ng
pagpaparating ng damdamin o ekspresyon,may
tunog man o wala.
Kahulugan Ng Wika
Sa pangkalahatan…
Ano nga ba ang wika?
• Ang wika ay midyum ng
pakikipagtalastasan. Ginagamit ito upang
epektibong makapagpahayag ng damdamin at
kaisipan.

• Kakambal ng wika ang kulturang pinagmulan nito,


kung kaya mahalaga rin ang papel na
ginagampanan ng wika sa pagpapalaganap at
pagpapayabong ng kulturang pinanggalingan nito.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
1. Teoryang Behaviorism o behaviorst
Approach
Si B.F. Skinner ( 1904-1990) na isang
tagapagtaguyod na teoryang ito ay naniniwalang ang
pagkatuto ng wika ay pag-uugaling napag-aralan.
Pinaniniwalaang ng mga behaviorist na ang kilos at
gawi ng isang tao ay maaaring hubugin sa
pamamagitan ng pagkokontrol ng kapaligiran.
Halimbawa:
Sa isang bata na natututo pa amang magsalita,ang
guro o magulang ay maaaring gumamit ng negatibo o
positibong pagganyak o reinforcement gaya ng
pabuya o parusa habang itinuturo ang wika.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
2. Teoryang Innative o Nativist Approach
Si Noam Chomsky (1928) na nagtaguyod ng
teoryang ito ay nagbigay katawagan sa likhang isip na
aparato na kung tawagin ay language-acquisition device
o LAD
Ayon sa teoryang ito,lahat ng tao ay may likas
na kakayahang matuto at matutunan ang wika dahil sa
paniniwalang lahat ay ipinapanganak ay taglay na
kaalaman.

Halimbawa:
Habang lumalaki ang bata ay patuloy itong gumagamit
ng wika,na siyang nagpapaunlad naman nito.
Mga Teorya sa Pagkatuto ng wika
2. Teoryang Kognitib
Nakasalig ang teoryang ito sa pananaw ni Jean
Piaget (1896-1980).Ayon sa kanya ang pagkatuto ng
wika ng isang bata ay nakaugnay sa kakayahang nitong
mag-isip.
3. Teoryang Makatao
Ang pananaw na ito ay nakasalig sa teorya ni
Stephen Krashen (1941)
Sa teoryang ito sinasabi na mas mapapabilis ang
pagkatuto ng wika kung may positibong saloobin ang
isang tao na matutunan ito.
Halimbawa:
Kung ang isang tao ay may takot sa pagkatuto
ng wika dala ng kapaligiran o sitwasyon,ang pagkatuto
ay hindi lubusang matatamo.
Pinag-ugatan ng Wika

• Teoryang Bow-wow
Naninindigan ang teoryang ito na ang wika ay
nagsimula sa pamamagitan ng panggagaya ng tao sa
mga tunog ng kalikasan.

• Teoryang Pooh-pooh
Lumilikha ang tao ng tunog sa pamamagitan ng
pagpapalabas ng kasihian ng kaniyang damdamin
tulad ng galit,galak,lungkot,takot at iba pa.
Pinag-ugatan ng Wika

• Teoryang Dingdong
May kaugnayan sa teoryang bow-wow subalit ito ay hindi
limitado sa
tunog ng kalikasan, maging ang mga bagay na likha ng
tao.

• Teoryang Yum-yum
Ito ay pinaniniwalaan na ang wika ay nagmula sa
pamamagitan ng paggamit sa ibat-ibang bahagi ng katawan
ng tao.

• Teoryang Ta-ta.
Ang wika ay nag-ugat sa paggaya ng dila sa iba’t- ibang
galaw ng kamay.
Pinag-ugatan ng Wika
• Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.
Ang unang wika ay nag-ugat sa mga bulong mula
sa mga sinaunang tao kapag sila ay nagsasagawa ng ritwal.

• Teoryang Sing-song
Ayon sa teoryang ito,ang wika ay nabuo sa
pamamagitan ng mga awitin at pagsasayaw ng mga
sinaunang tao.
• Teorya ni Darwin
Nagsimula ang wika sa mga kumpas at indayog ng
mga kamay.
• Teorya nina Pythagoras,Plato, at Estoico
Ito ay ang paniniwala na ang wika ay nalikha dahil
sa likas na pangangailangan o ng kalikasan ng tao.
Kahalagahan ng Wika
 Isa sa mga pangunahing gamit o kahalagahan ng
wika ang pagiging instrumento nito sa
komunikasyon.

 Mahalaga ang wika sa pagpapanatili,


pagpapayabong, at pagpapalaganap ng kultura
ng bawat grupo ng tao.

 Kapag may sariling wikang ginagamit ang isang


bansa, nangangahulugang ito ay malaya at may
soberanya.
Kahalagahan ng Wika
 Wika ang nagsisilbing tagapag-ingat at
tagapagpalaganap ng mga karunungan at kaalaman.

 Mahalaga ang wika bilang lingua franca o bilang tulay


para magkausap at magkaunawaan ang iba’t ibang
grupo ng taong may kani-kaniyang wikang ginagamit.

 Hindi matatawaran ang kahalagahan ng wika sa


pakikipagtalastasan at pakikipagugnayan tungo sa
pagkakaunawaan at pagkakaisa.
Konseptong pangwika

Ang Unang Wika ay ang wikang katutubo na kinagisnan at


natamo mula sa pagkasilang hanggang sa oras na magamit at
maunawaan ng isang indibidwal.

Ito rin ay sinasabing likas, ang wikang nakagisnan, natutuhan


at ginagamit ng pamilyang nabibilang sa isang linggwistikong
komunidad.
Konseptong pangwika

Ang Unang Wika ay tinatawag ring mother


tongue, katutubong wika o sinusong wika. Ang
wika kung saan nakilala at pamilya ang isang
indibidwal kaya nagkaroon ng kakayahang
maangkin ito sa tulong ng kinalakhang komunidad.
Konseptong pangwika

Ayon sa artikulo ni Lee nailathala noong


2013, “ The Native Speaker” narito ang mga
gabay upang matukoy kung ang isang tao ay
katutubong tagapagsalita ng isang wika.
Konseptong pangwika
1. Natutuhang indibidwal ang wika sa murang edad.
2. Ang indibidwal ay may likas at instruktibong kaalaman at kamalayan
sa wika.
3. May kakayahan ang indibidwal na makabuo ng mataas at
importansyang diskurso gamit ang wika.
4. Mataas ang kakayahan sa komunikasyon ng indibidwal gamit ang wika.
5. Kinilala ang sarili bilang bahagi at nakikilala bilang kabahagi ng isang
lingguwistikong komunidad.
Konseptong pangwika
Ayon sa saliksik nina Aguilar, Jennifor L. et al. 2016 mula sa katha ni
Krashen (1982), ang Pangalawang Wika ay naiiba sa unang wika,
sapagkat ito ay hindi taal o likas na natutuhan ng isang indibidwal sa
kanyang tahanan at kinabibilangang linggwistikong komunidad.

Ito ay wikang natutuhan sa paaralan o sa pakikipag-ugnayan sa ibang


tao na may kakayahang gamitin ito. Natutuhan ito ng isang indibidwal,
matapos siyang mahasa ang kakayahan sa paggamit ng unang wika.
Konseptong pangwika
Sa paglipas ng iba’t ibang salik lahi at sa pagsibol naman ng mga
makabagong henerasyon, tayo ay nagkaroon ng maraming barayti at
baryasyon ng wikang Pilipino.

Linggwistikong Komunidad ang tawag sa mga wikang ito. Sa isang


komunidad ay may sari-saring uri ng indibidwal na nakatira. Bawat
tao o grupo ng tao ay may kanya-kanyang diyalekto na ginagamit.
May mga gumagamit ng mga katutubong salita, depende sa lugar na
kanilang pinanggalingan.
Konseptong pangwika

Halimbawa nito ay ang gamit ng salitang Waray


ng mga taga Bisaya, Ibaloy ng mga taga Mountain
Province, Ilocano ng mga taga Ilocos, at Zambal
ng mga taga Zambales.
Konseptong pangwika
Wikang Pambansa – Sinasabing ito ang wikang
pinagtibay ng pambansang pamahalaan na
ginagamit sa pamamahala at pakikipag-ugnayan
sa mamamayan. Ang wikang pambansa rin ang
daluyan ng komunikasyon tulad ng telebisyon,
radio, at mga pamahayagan.
Konseptong pangwika
Wikang Panturo – Ang wikang pambansa na itinadhana ng
batas ay gagamitin bilang wikang panturo upang
makatulong sa pagtatamo ng mataas na antas ng
edukasyon. Gaya ng isinasaad sa Probisyong Pangwika ng
Artikulo XIV ng Saligang-batas ng 1987, Sek. 6 kaugnay
ng wikang panturo na: “Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa mga umiiral na wika
sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
Konseptong pangwika
Wikang Opisyal – Tinatawag na wikang opisyal ang
prinsipal na wikang ginagamit sa edukasyon, sa
pamahalaan, sa politika, at maging sa komersiyo at
industriya. Ito ang ipinahayag sa Sek. 7 ng Artikulo XIV
ng Saigang-batas ng 1987 na; “Ukol sa mga layunin ng
komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang
batas, Ingles.” Samakatuwid, tinatanggap din na wikang
Opisyal ang Ingles maliban sa Filipino.
Ilan pang Kaalaman Hinggil sa Wika
Heterogenous ang Ang Tagalog, Ang
sitwasyong pangwika Sinugbuanong Binisaya, bilingguwalismo ay
sa Pilipinas dahil Ilokano, Hiligaynon, tumutukoy sa dalawang
Samar-Leyte, wika.
maraming wikang
Pangasinan,
umiiral dito at may Bikol, at iba pa ay mga Ngayon, hindi na
mga diyalekto o varayti wika. bilingguwalismo kundi
ang mga wikang ito. Ang diyalekto ay multilingguwalismo
Homogenous ang nangangahulugang ang pinaiiral na
sitwasyong pangwika varayti ng isang wika, patakarang pangwika
sa isang bansa kung hindi hiwalay na wika. sa edukasyon.
iisa ang wikang Bernakular ang tawag
sinasalita ng sa wikang katutubo sa
isang pook.
mga mamamayan dito.
Dalawang Opisyal na Wika – Filipino at Ingles

Gagamitin naman ang Ingles


Gagamitin ang Filipino bilang isa pang opisyal na wika
bilang opisyal na wika sa pag- ng Pilipinas sa pakikipag-usap
akda ng mga batas at mga sa mga banyagang nasa
dokumento ng pamahalaan. Pilipinas at sa
pakikipagkomunikasyon sa iba’t
ibang bansa sa daigdig.
PAGTATAYA
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Sa loob ng silid-aralan, matiyagang nagtuturo


ang guro sa Filipino upang maipaunawa sa
kanyang mag-aaral ang kabuuan ng aralin.
a. Wikang Panturo
b. Wikang Opisyal at Panturo
c. Wikang Opisyal
d. Lingua Franca
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

2. Ginagamit ito sa pormal na edukasyon.

a. Wikang Panturo
b. Wikang Ingles
c. Wikang Opisyal
d. Bilinggwal
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

3. Dito nakapaloob na ang Filipino ang wikang


pambansa ng bansang Pilipinas.

a. Phil. Constitution 1977


b. Phil. Constitution 1997
c. Phil. Constitution 1987
d. Phil. Constitution 2007
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

4. Makikitang nag-uusap ang dalawang tao mula sa


magkaibang katutubong wika. Halos magsigawan na
sila habang nag-uusap sapagkat di sila
magkaintindihan.

a. Wikang Bilinggwal
b. Wikang Panturo
c. Wikang Opisyal
PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

5. Ito ay nauukol sa wikang katutubo, taal o likas sa


isang tagapagsalita

a. Pantulong na wika
b. Katutubong wika
c. Ikalawang wika
d. Unang wika
PAGTATAYA

1. A
2. B
3. C
4. A
5. D
Maraming
Salamat
sa Pakikinig!

You might also like