You are on page 1of 3

I.

INTRODUKSIYON
Isa sa pinakamahalagang parte sa buhay ng mga tao ay ang pakikipag-daupang palad kung saan dito

lumalawak ang komunikasyon, ralasyon at pang-unawa ng bawat nilalang. Subalit ano nga ba ang pinakauna at
pinakamahalagang kasangkapan ng pagpapahayag at pakikipagtalastasan. Sabi nila Wika. Ano ang wika?
Maraming dalubwika at manunulat ang nagpahayag sa pang-unawa at kahulugan nila sa wika; Ito ay ginagamit
upang maipahayag ang ano mang naiisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa mundong kanyang ginagalawan, ang
wika ay nagbibigay-buhay sa isang bansa sapagkat sa pamamagitan nito ay nagpapatuloy ang masigla at makulay na
interaksyon ng mga mamamayan sa lahat ng dako sa buong daigdig.
Wika at salita na binibigkas ng mga tao na mismong sa sarili nila naiintindihan, gayundin ang tumatanggap
ng pahayag na nabibigyang linaw at kahulugan ang isang salita ayon sa tamang pagbigkas, kaya malaking tulong ang
pag-aaral sa mga ponema.
Ang Filipino , tulad ng alinmang wika sa daidig ay binubuo ng mga tunog. Sisimulan ang pag-aaral sa
Filipino sa pamamagitan ng mga tunog na bunubuo dito. Ngunit hindi natin ganap na maunawaan an gating
tinatalaky kung hindi aalamin muna ang mga sangkap na ginagamit sa paglikha ng nasabing mga tunog sa ating
pagsasalita.
Anupat magiging madali at malinaw ang pag-aaral sa alinmang bahagi ng antas ng Filipino kung
magkakaroon muna tayo ng sanligang kaalaman sa ponolohiya o palatunugan nito.
Alam mo ban a may tatlong mahalagang sangkap na kailangan upang makapagsalita ang isang tao? Ang mga ito ay
mga sumusunod:
1. Pinanggagalingan ng lakas o enerhiya
2. Kumakatal na bagy o artikulador
3. Patunugan o resonador.
Ang enehiya ay ang nalilikhang presyon ng pagpapalabas ng hininang galing sa baga na siyang nagpapakatal
sa mga babagtingang pantinig na siyang gumaganp na artikulador. Lumilikha ito ng tunog na minomodipika ng bibig
na siyang nagiging patunugan. Ang itinuturing na resonador ay ang bibig at ang gawang ng ilong.

I.

Naapektuhan ang pagsasalita dahil na rin sa mga elementong matatagpuan sa loob ng ating bibig gaya na
lamang ng panga at dila na kapwa malayang naigagalaw. At dahil sa pagbabagu-bagong ito ay napag-iiba-iba rin ng
nagsasalita ang uri ng mga tunog na lumalabas sa kanyang bibig. (Makabagong Balarila)

III.

REAKSIYON
Bawat wika ay may kani-kaniyang tiyak na dami o bilang ng makabuluhang mga

tunog . Makabuluhan ang isang tunog kapag nag-iba ang kahulugan ng salitang kinasasamahan nito sa sandaling
itoy alisin o palitan. Ang makabuluhang tunog sa Filipino ay tinatawag na ponemang segmental o ponema.
Sapagkat consistent ang palabaybayang Filipino na ang ibig sabihin ay isa-sa-isang pagtutumbasan ang
ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito, lahat ng simbolong ginagamit upang magrepresinta ng ponema ay
siya ring ginagamit na letra sa palabaybayan, matangi sa // impit at // ng.

Samakutuwid, nagkakaroon ng kalituhan sa pagkakaiba ng ponema at letra o titik dahil sa konsistensi ng


palabaybayang Filipino kaysa sa Ingles. Masasabi ring walang matatawag na unibersal na ponema o mga
makabuluhang tunog dahil bawat wika sa daigdig ay mayroong kani-kaniyang anyo at istruktura batay na rin sa kung
anong kultura ng pook na pinagmulan nito.
Malaking papel din ang ginagampanan ng tunog, na mahalagang sangkap ng wika sapagkat sa paraang ito ay
nabibigkas nang wasto ang isang salita na daan upang maihatid ang nais ihayag sa taong sangkot sa pang-araw-araw
na pakikipagtalatasan. Sa madaling salita ang wika ay set ng mga simbolong kailangang isatinig. Ang tamang
tunog o tono ng pagbigkas o saltik ng dila ay nagpapahayag ng linaw na kahulugan ng isang salita. Datapwat may
mga salitang magkapareho ang ispeling, pero sa wastong pagbitaw at pagbigkas ng salita na iyon ay nabibigyan ng
kaibahan ng kahulugan ang salitang magkaparehong baybay.

Sa pasalita man o sa pasulat na pagpapahayag ay kailangang isakatuparan ang mga simbolo o palatuldikan
tulad ng glottal na pasutso (), glottal na pasara( ), haba at diin, tono (ponemang suprasegmental) upang mas
epektibo ang pakikipagtalastasan ng bawat tao.
At nakasalalay sa bawat nilalang kung paano, saan, kalian, at kanino ang saltik ng dila na maituturing na
kapangyarihang taglay nito.
Buhay ang wika at ang wika ay buhay ng bawat nilalang.

You might also like