You are on page 1of 11

YUNIT 1.

Katangian ng
Wikang
Filipino
1. Buhay at Dinamiko

Apat na siglo nang sinisinop ang vocabularyo ng ating


wika.
 Ang Tagalog na nagtataglay ng katangian ng apat na
pinakadakilang wika sa daigdig ayon kay Padre Pedro
Chirino
1. Ang lalim ng Ebreo;
2. Ang pantukoy at pananda sa mga pangngalang
pantangi at pambalana ng Griyego;
3. Ang elegansya (elegance) ng Latin;
4. At ang pagkapino ,pagka,akimis at
pagkamagalang ng Espanyol.
Pagbabago sa ibang gamit ng ilang letra upang umangkop
sa gramatikang Filipino, ang k bilang pamalit sa matigas
bigkasing c ayon sa mungkahi ni Dr. Jose Rizal.

Ang unti-unting paghihiwalay ng Wikang Filipino sa


gramatikang Latin-Espanyol.

Ang ganap na napailalim sa mga alituntunin ng


gramatikong Pilipino ang mga salitang hiram sa Diccionario
Tagalog-Hispano.

Ang mga sinonim sa mga salitang bingyan ng kahulugan sa


Diksyunaryo Pilipino-Ingles na bingyan diin ni Jose V.
Panganiban.
Ang pagdagdag ng lubu libong salitang sa Wikang Filipino
sa Ang |Diksyunaryo ng Wikang Filipino.

Ang Wikang Filipino ngayon ay may mga lahok ito mula sa


iba’t ibang wikain /dayalekto at katutubong wika ng
Pilipinas at ang impluwensya ng iba’t ibang wika sa mundo.

2. May sistematik na balangkas

Bawat salitang nabuo ay nagmula sa mga tunog. Ang


mga tunog ay tinumbasan ng simbolo o letra at ang mga
letra ay nabuo at naging salita at nalikha ang parirala at
pangungusap at talata na inayos (kayarian) at sa huli’y
nagamit sa pagpapahayag ng diwa at isipan.
3. Tunog na binibigkas

Ang tunog sa bawat salita ng anumang wika ang kauna-


unahang dapat makilala ng isang batang nagsisimulang
magsalita upang mabigyan ng bata ng tamang pagkilatis
ang bawat tunog na napapakinggan at kung paano ang
isang tunog ay naiiba sa iba pang tunog.

Sinasabing makabuluhan ang tunog kung


nakapagpapaiba ito ng kahulugan ng salita. Ponemik ang
tawag sa makabuluhang tunog na ito.
Kapag di nagbago ang kahulugan ng salita, ito ay
tinatawag na ponetik.
4. Pinipili at Isinasaayos
 Walang lugar ang “balbal” na salita sa isang formal na
pag uusap o sulatin.
Kailangang ikunsidera ang katumpakan ng gramatikal
istraktyur sa papel na isususlat at sa pahayag na
sasabihin.
 Ang edukadong lenggwahe ay kalugod-lugod pakinggan
at basahin.

5. Arbitraryo
Maaaring iba ang kahulugan ng salita sa isang lugar
kaysa sa ibang lugar.
6. Kabuhol ng Kultura
oSa bawat tradisyon , paniniwala gawi at
ikinilos/ikinikilos ng bayan, lagi ng nakaakibat ang wika
upang isaysay , ikwento isaling-bibig sa lahat ng
henerasyong nagdaan at kasalukuyan ang mga nakagawian
ng lipunan.

oAng lenggwahe ang refleksyon ng realidad.


Nadedermina ng lenggwahe ang kultura.

oAng lenggwahe ay isang kultural “artifact” ayon kay


Andy Clark.
7. Patuloy na Ginagamit

Ginagamit ng tao ang wika upnag tugunan at masagot


ang pangngailangan ng sarili , ng kanyang propesyon, at
ng kanyang pakikipamuhay sa kapwa.

Mahalaga ang wika sa larangan ng pamahalaan,


edukasyon , midya at sa lipunan dahil walang patid ang
galaw ng buhay , ang wika ang nagsisisilbing tulay ng
pagkakaunawaan.

You might also like