You are on page 1of 2

Ang mga eupemistikong pahayag ay mga matalinghagang pahayag na ginagamit upang hindi

tuwirang ihayag ang tunay na kahulugan ng mga salita . Ilan sa mga halimbawa ay ang mga
salitang naka-bold na nasa loob ng mga sumusunod na pangungusap.
1. Sumasakabilang buhay na ang kanyang tatay.
2. Ang kanilang kasambahay ay lubos nilang pinagkakatiwalaan.
3. Sumakabilang bahay ang kanyang asawa kaya't napariwara siya.
4. Ang tawag ng kalikasan ay hindi kayang pigilin ninuman.
5. Hindi ko gusto ang mga taong may malilikot na kamay.
6. Sabi nila naghulog sa balon daw ang batang hindi nakasagot sa pasulit kanina.
7. Nalunod sa sabaw ng monggo ang iyong itay.
8. Nagpakasal sila sapagkat napikot siya ng kainuman niya.
9. Napakagaan ng kanyang mga kamay sa mga makukulit na bata.
10. Pinag-iiwanan na ng panahon ang kanyang istilo.

Matalinhagang Pahayag
Ang wikang Filipino ay puno ng mga matatalinghagang pahayag. Ang mga
matatalinhagang pahayag ay may malalim o hindi tiyak na kahulugan.
Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan at pagkamalikhain ng wikang
Filipino.
Narito ang ilan pang halimbawa ng matatalinghagang pahayag at ang kahulugan
ng mga ito.
Matalinghagang Pahayag
1. balitang kutsero
2. bugtong na anak
3. kabiyak ng dibdib
4. ilista sa tubig
5. lakad-pagong
6. magsunog ng kilay
7. mababa ang luha
8. tulog mantika

Kahulugan
hindi totoo
kaisa-isang anak
asawa
kalimutan na
mabagal
mag-aral nang mabuti
iyakin
mahabang oras ng pagtulog

9. nagtataingang kawali
10. pinagbiyak na bunga

nagbibingi-bingihan
magkamukha

You might also like