You are on page 1of 4

Don Juan

UNANG SAKNONG
Saknong blg. 603

“Isang gabing kalaliman


na ako ay nahihimlay,
ginising ng pinagimpang
balong ito ay tinuran.”

IKALAWANG SAKNONG
Saknong blg. 605

“Narito raw yaong talang


lunas sa aking dalita,
talang ito ay ikaw nga,
O, Leonora kong mutya.”

IKATLONG SAKNONG
Saknong blg. 615

“Kaya, wariin na, giliw ko,


alapaap sa puso mo,
sa tibay ng iyong ‘oo’
ika’y aki’t ako’y, iyo.”
Leproso

Unang Saknong
(154)
“Kaya, ngayon ang bilin ko
ay itanim sa puso mo;
mag-ingat ka nang totoo
at nang di ka maging bato.”

Ikalawang Saknong
(157)
“Sa ibaba’y tumanaw ka’t
may bahay na makikita,
ang naroong tao’y siyang
magtuturo sa Adarna”

Ikatlong Saknong
(158)
“Itong limos mong tinapay
Dalhin mo na, O Don Juan
Nang mabaon mo sa daan
Malayo ang paroroonan.”
Prinsesa Juana

(545)
O Don Juang sinisinta
tayo ba ay aalis na?
'Di mo ba maisasama
kapatid kong si Leonora?

(546)
Siya'y bunsong kapatid ko
kasama sa balong ito,
Naririyan sa palasyo
dito'y tanaw na tanaw ko.

(549)
O Don Juan laking lungkot
sa akin ay lumulunod
Muli kang mapapahamok
puso ko'y titibok-tibok.
Don Juan
Si Don Juan ay isang matipunong lalaki na hinahangaan ng mga kababaihan.
Siya ay may kasuotang may mamahaling tela at may mahabang buhok na
kulay-kape. Siya ay isang mabait at maalagang anak sa kanyang amang may
sakit kaya siya ang paboritong anak ni Don Fernando. Kahit siya ay nililo ng
kanyang dalawang nakakatandang kapatid, kanyang pinatawad pa rin sila dahil
sa kanyang pagmamahal sa kanila. Tinulungan niya rin ang kanyang kapwa
nang binigay niya sa leproso ang kanyang natitirang tinapay.

Leproso
ang matandang leproso ay may puting buhok at balbas. Mayroon din siyang
ketong sa kanyang balat at may mahabang tungkod. Siya ay tumulong kay Don
Juan na pumunta sa Piedras Platas upang makita ang Ibong Adarna. Ipinakita
niya ang kanyang kabaitan kay Don Juan noong itinanggi niya ang limos na
tinapay ni Don Juan noong nalaman niyang ayun nalang ang natitirang pagkain
ni Don Juan sa kanyang mahabang paglalakbay.

You might also like