Professional Documents
Culture Documents
DALIT
PATRON NAMIN, SAN FRANCISCO, KAMIY TURUAN MO PAGKILALAG, PAGMAMAHAL, PAGLILINGKOD SA DIYOS. 1. Mahal na Patron, sinilang ka sa munting bayan ng Paola. Mga dukhang magulang mo gumabay sa iyo. Isang kuwebang tiniman mo Banal na ermitanyo nag-franciscano ka at binuo sangay ng Minimo. Kaya lalo kang dinayo lapit sama mga katoto sa pagsaksi mo kay Kristo sa simpleng buhay mo. Naalaman ni Papa Sixto tungkol lahat sa iyo inatasan kang mangaral sa bansa at bayan. Apit dukha kinalinga lahat pinagpala maharlikat mayayaman iyong tinuruan. Kababang loob naman tuntunin sa buhay susi ng kabanalan sarilit tahanan. Ang buhay ngayon naming batbat tigib kagipitan loob namiy palakasin tiwala at dasal Amang Francisco, ituro po ninyo ano ang tunay na ligaya ang Mabiniy sumasamo sa Diyos umaasa.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
SONETO
Dalawang Soneto Sa Mga Pastol
Soneto I Bato-bato po sa langit Ang tamaay hwag magalit. Kung kaya ikawy makinig At tunghayan itong awit. Isang araw ay nagpunta Ka sa isang klinika At nagbukas ng pahina, Walang nakita ang mata Kundi ang akda ng diyos. Ang dudulas ng taludtod, Yaong tugmay maindayog; At ang sukat ay di kapos. Tiningala mo bang diyos O nais mo ring maghambog? Soneto II Kumpulang nagtipon ang pastol ng Diyos, Ang kunwaring layoy sumambang malugodWalang paki-alam kung anumang handog Ang maidudulot ng kasamang lipos Na nangagdalisay ng tanagat dalit. Nahan ka O pastol kapag nasa bukid Itong punong pastol nagtiis nang sakit Rumurok ang nais at pumasalangit? Ilang pagsosogang lagi kayong wala? O nag-aantabay diyos ang magwikang: Ako ang sundin nyo! Ako ang bathala! (Lugmok katamlayan ang pastol-makata.) Manamba nang labis sa diyus-diyusan, Ang pinagpastulay natitigang parang.
Oda
Bayan Ko
ni Jose Corazon de Jesus Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng gintot bulakiak Pa-ibig ang sa kanyang palad, Nag-alay ng gandat dilag At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nangahalina Bayan ko binihag ka Nasadlak sa dusa Ibon mang may layang lumipad Kulungin mo at umiiyak Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas, Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha at dalita Aking adhika Makita kang sakdal laya.
Awiting Bayan
TALINDAW-URI NG AWITING O KANTAHING BAYAN Talindaw-Awiting bayan tungkol sa pagsagwan. Sagwan, tayoy sumagwan Ang buong kayay ibigay. Malakas ang hangin Baka tayoy tanghaliin, Pagsagway pagbutihin. Oyayi o Hele URI NG AWITIN O KANTAHIN BAYAN. Matulog ka na, bunso, Ang ina mo ay malayo At hindi ka masundo, May putik, may balaho. KUNDIMAN -URI NG AWITING O KANTAHING BAYAN SAMPAGUITA Sampaguita mutyang halaman Bulaklak na ubod ng yaman Ikaw lang ang siyang hinirang Na sagisag nitong bayan. At ang kulay mong binusilak Ay diwa ng aming pangarap Ang iyong bango't halimuyak Sa tuwina ay aming nilalanghap. O bulaklak na nagbibigay ligaya Aking paraluman mutyang Sampaguita Larawang mistula ng mga dalaga Tanging ikaw lamang Ang hiraman ng kanilang ganda. Ang 'yong talulot na kay ganda Mga bubuyog nililigiran ka Kung sa dalagang sinisinta Araw gabi'y laging sinasamba.
Ikaw, gaya ng ibang bayani, ay nag-alay ng buhay sa panawagan ng bayan. Pero walang lawrel para sayo, isang di iniyakang sundalo. Sa paninindigang walang dangal. maglalaho ang lahat para sa wala. Habang ikay nakahimlay dito na isang kahihiyan Ang sakripisyoy di pansin.
Ang mga bata na kinakahon ng akademya Kapag ikay natumba sa labanan, Hindi nila malalaman. Sila, na parang masayang ibon Umaawit, pero hindi para sayo Ni walang bulaklak walang tinig ng papuri sila, na balang araw ay sasama rin sayo sa kawalan Isa ka lamang anino ng isang maikling buhay, ng tagsibol na hindi dumating at ang naratibo moy umiikot na parang tuyong dahon sa isang maliit na ipo-ipo Umasim na ang kapayapaan ng kalangitan Nangitim na ang mukha ng ulap huminto na ang galit ng ihip ng hangin. Sila rin ay tinalikuran ka. Hindi mo ito kasalanan Hindi nila ito kasalanan