You are on page 1of 3

FILIPINO 9 – INTRODUKSYON SA PANITIKAN NG TIMOG-SILANGANG ASYA

• Isang rehiyon sa Asya na binubuo ng labing-isang bansa


• Tinatawag din na East Indies
• Mga bansang kabilang sa Timog-Silangang Asya
(Pilipinas, Indonesia, Cambodia, Brunei, Myanmar, Vietnam, Laos, East Timor,
Malaysia, Thailand at Singapore)

• Ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay malubhang naapektuhan ng mga


bansang Tsina, India, Hapones, at Arabe
• May iba’t-ibang pamana din ang mga bansang sumakop sa Timog-Silangang Asya
Pilipinas – Espanyol at Amerikano
Indonesia – Olandes (Netherlands)
Vietnam, Laos, Cambodia – Pranses
Malaya at Myanmar – Britanya
Thailand – tanging bansa na hindi nasakop ng Kanluranin

Karamihan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya ay may relihiyon ng Islam


Pilipinas at East Timor – opisyal na relihiyon ay Kristiyanismo dahil sa pananakop ng Espanyol
at Portugese
Karamihan sa panitikan ay pasalindila
Binubuo ng mga alamat, pabula, maikling kwento, epiko, atbp.
Nagbibigay-aral tungkol sa relihiyon, pilosopiya, tradisyon ng ating mga ninuno
Kahit magkakaiba ang mga pangyayari at kasaysayan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya,
napag-uugnay ng panitikan ang mga tao at nagkakaisa sa pagtataglay ng magkakahawig na
tradisyon, kaugalian, pagkatao, mga gawi, at maging ng aspirasyong politikal, panlipunan at
pang-ekonomiya

Ano ba ang maikling kuwento?


Ang Maikling Kuwento ay isang uri ng panitikang masining na naglalahad ng mga
pangyayari. Ang maikling kuwento, di tulad ng nobela’y hindi kahabaan, higit na kokonti ang
mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa paggamit ng pananalita. Ang
banghay nito’y hindi gaanong tumatalakay sa masasalimuot na pangyayari sapagkat inaasahang
mababasa ito sa isang upuan lamang.

Mga Sangkap ng bawat Bahagi ng Maikling Kuwento:


1. Simula- nagtatalakay sa mga pangyayaring naging simula ng kuwento
a. Tauhan- dito malalaman kung sinu-sino ang nagsisiganap sa
kuwento at kung ano ang papel na ginagampanan ng bawat isa,
maaaring bida, kontrabida, o suporta
Uri ng tauhan
Tauhang Bilog •Nagbabago ang katauhan sa kabuuan ng akda.
Tauhang Lapad •Hindi nagbabago ang pagkatao mula simula
hanggang katapusan.
b. Tagpuan- lugar kung saan nagaganap ang mga pangyayari ng kuwento, gayundin ang
panahon kung kailan nangyayari ang kuwento
c. Suliranin- mga problemang haharapin na dapat mabigyan ng solusyon ng mga tauhan
na magiging simula ng kawilihan ng mga pangyayari
2. Gitna- bahaging nagtatalakay sa mga masisidhing pangyayaring kahaharapin na kailangang
mapagtatagumpayan ng mga tauhan

a. Saglit na kasiglahan- naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang


masasangkot sa suliranin
b. Tunggalian- bahaging kakikitaan ng pakikipagtunggali o pakikipaglaban ng mga
pangunahing tauhan sa mga suliraning kakaharapin na maaaring:
b.1. tunggalian ng tao laban sa sarili
b.2. tunggalian ng tao laban sa tao
b.3. tunggalian ng tao laban sa kalikasan
b.4. tunggalian laban sa hayop

c. Kasukdulan- pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang


katuparan o kasawian ng kaniyang
ipinaglalaban
2. Wakas- Ito ang pinakahuling bahagi ng maikling kuwento, pinanabikang pagwawakas ng
kuwento na maaaring trahedya, komedya, at melo-drama
-Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa
kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang
wakas
a. Kakalasan- bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa
maigting na mga pangyayari sa kasukdulan
- Kung dati nagkabuhul-buhol ang mga pangyayari, sa bahaging ito ay dahan-dahan nang
makakalas ito o malulutas
- Dito malalaman kung sino ang mga may kinalaman sa mga pangyayari o sino ang mga
taong nasa likod nito
b. Katapusan- kakikitaan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaaring masaya o
malungkot, pagkatalo o pagkapanalo sa mga layunin ng mga tauhan sa kuwento
-Ang trahedya ay isang dulang ang bida ay hahantong sa malungkot na wakas o sa
kabiguan. Mayroon ding mga uri ng ganitong dulang may malungkot ngunit makabuluhang
wakas
Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya
sapagkat ang mga tauhan ay magkakasundo
Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot
na bahagi

Paksang diwa-Pinaka-kaluluwa ng akda


Kaisipan -Mensahe o aral
Banghay- pangyayari sa kuwento

You might also like