You are on page 1of 6

Mga Ekspresyong

Nagpapahayag ng
Katotohanan at Opinyon
Ang isang pahayag ay
katotohanan kung ito’y may
suportang datos, pag-aaral,
pananaliksik at suportang
impormasyong
napatunayang tama o
mabisa para sa lahat.
Sa pagpapahayag ng
katotohanan, kailangang
maging tumpak at wasto ang
mga pahayag, salita, at
gramatikang gagamitin sa
pagpapapahayag.
Mga Ekspresyong nagpapahayag ng
Katotohanan
• Batay sa pag-aaral, totoong…
• Mula sa mga datos na aking nakalap,
totoong…
• Ang mga patunay na aking nakalap ay
tunay na…
• Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan
na…
• Napatunayang mabisa ang…
Ang opinyon ay ang mga
pahayag na ginagamit sa
pagsasabi ng mga bagay na
walang katiyakan o walang
sapat na basehan. Karaniwang
hindi suportado ng datos o
mga siyentipikong basehan.
Mga Ekspresyong nagpapahayag ng
Opinyon:
• Naniniwala ako…
• Sa aking palagay…
• Ang opinyon ko sa bagay na ito…
• Palagay ko…
• Marahil ang bagay na ito ay…
• Sa tingin ko…

You might also like