You are on page 1of 10

MAGANDANG

ARAW MGA BATA!


•OPINYON AT
KATOTOHANAN
• Panuto: Pumalakpak ng dalawang beses kung
ang pangungusap ay opinyon at pumalakpak
naman ng tatlong beses kung ang pangungusap
ay katotohanan.
1.Para sa akin, lechon ang pinakamasarap na
pagkain.
2.Maganda raw ang bulkang taal ayon kay Maxene.
3.Kung ako ang tatanungin, mas gusto ang kuklay
pula kaysa sa dilaw.
4.Sinabi ni Angel na mainit sa Baguio ngayon.
5.Ang nanay ang nagsilang sa anak.
6.Ang bata ay may pangalan.
7.Ang pamiliya ay may tinatawag na tahanan.
8.Kailangan ng tao ang pagkain para mabuhay.
9.Ang nanay ang nagtututro sa anak ng aralin hindi
nito nauunawaan.
10.Habang buhay na magpapasalamat ang anak sa
nanay.
• MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO:

-Nauunawaan ang opinyon at katotohanan.


-Naipapaliwanag ang kahalagahan nito.
-Nakapagbibigay ng mga halimbawa patungkol
sa tinalakay.
• Ang argumento ay ang mga dahilan at
ebidensya. Ito ay isang elemento ng
pangangatwiran. Ito ay ang paglalatag ng mga
dahilan o ebidensya upang maging
makatuwiran ang isang panig.
• Ang bawat pahayag ay may dalawang uri: opinyon o katotohanan.
• Ang opinyon ay mga pahayag ayon sa paniniwala o ideya ng isa
o iilang tao lamang batay sa kanilang karanasan o napapansin sa
mga bagay at mga pangyayari sa paligid na hindi pa lubusang
napatunayan at walang mabigat na pruweba o ebidensya.
• Ang katotohanan ay mga tunay na kaganapan, bagay at kaalaman
na napatunayan na ng nakararami o ng siyensya. Ito ay masusing
pinag-aralan at napatunayan ng mga propesyunal at mga eksperto
na may mabigat na pruweba.
•TAKDANG ARALIN
•Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na
makikita ang iba’t ibang halimbawa ng
opinyon at katotohanan.
MARAMING
SALAMAT MGA
BATA!

You might also like