You are on page 1of 55

Tekstong Impormatibo

Layunin
• Maghatid ng kaalaman, magpaliwanag ng mga ideya,
magbigay kahulugan sa mga ideya, maglatag ng mga
panuto o direksyon, ilarawan ang anumang bagay na
ipinaliliwanag, at magturo.
Halimbawa:
Mga aklat, ensayklopedia, almanac, ulat, pananaliksik,
artikulo, polyeto o brochure, balita at iba pa.
Mga Elemento at Gabay sa Pagbasa
ELEMENTO
• Kahulugan, pag-iisa-isa, pagsusuri, paghahambing, sanhi at
bunga, suliranin at solusyon
GABAY SA PAGBASA
1. Layunin ng may-akda
2. Mga pangunahin at suportang ideya
3. Hulwarang organisasyon
4. Talasalitaan
5. Kredibilidad ng mga impormasyong nakasaad sa teksto
Tekstong Deskriptibo
Layunin
• Ilarawan ang mga katangian ng mga bagay, pangyayari, lugar,
tao, ideya, paniniwala at iba pa.
• Ginagamit ang paglalarawan sa halos lahat ng uri ng teksto
upang magbigay ng karagdagang detalye at nang tumatak sa
isipan ng mambabasa ang isang karanasan o imahe ng
paksang tinalakay.
• Halimbawa
• Mga akdang pampanitikan, talaarawan, talambuhay, polyetong
panturismo, suring-basa, obserbasyon, sanaysay, rebuy ng pelikula
o palabas
Mga Elemento
• Karaniwang Paglalarawan
• Tahasang inilalarawan ang paksa sa pamamagitan ng pagbanggit sa
katangian nito gamit ang mga pang-uri at pang-abay.
• Masining na Paglalarawan
• Malihain an paggamit ng wika upang makabuo ng kongkretong
imahe tungkol sa inilalarawan.
• Tinatangka nitong ipakita, iparinig, ipaamoy, ipalasa, at ipadama
ang isang bagay, karanasan, o pangyayari.
• Gumagamit ng mga tayutay upang ihambing ang paksa sa isang
bagay na may malapit sa karanasan o alaala ng mambabasa.
Tayutay
1. Simili o Pagtutulad – tumutukoy sa
paghahambing ng dalawang magkaibang bagay,
tao, o pangyayari sa pamamagitan ng mga
salitang tulad ng, parang, kagaya, kasing,
kwangis, kapara, at katulad
Halimbawa:
Kasingningning ng mga bituin ang iyong mga mata.
Tayutay
2. Metapora o Pagwawangis – tumutukoy sa
tuwirang paghahambing kaya’t hindi na
kailangang gamitan ng mga salitang naghahayag
ng pagkakatulad.
Halimbawa:
Ang tawa ng bunsong anak ay musika sa tahanan.
Tayutay
3. Ang Personipikasyon o Pagsasatao – tumutukoy
sa paglalapat ng mga katangiang pantao sa mga
bagay na abstrakto o walang buhay.
• Halimbawa:
Naghahabulan ang malalakas na bugso ng hangin.
Tayutay
4. Hayperboli o Pagmamalabis – tumutukoy sa
eksaherado o sobrang paglalarawan kung
kaya hindi literal ang pagpapakahulugan.
Halimbawa:
Pasan ko ang daigdig sa dai ng problemang aking
kinakaharap.
Tayutay
5. Onomatopeya o Paghahambing – tumutukoy sa
paggamit ng salitang may pagkakatulad sa tunog
ng bagay na inilalarawan nito.
Halimbawa:
Malakas ang dagundong ng kulog.
Gabay sa Pagbasa
• Layunin ng may-akda
• Mga pangunahin at suportang ideya
• Paraan ng paglalarawan
• Impresyong nabuo sa isip
Tekstong Nanghihikayat
Layunin

• Umapela o mapukaw ang damdamin ng


mambabasa upang makuha ang simpatya
nito at mahikayat an umayon sa ideyang
inilalahad.
• Manghimok o mangumbinsi sa
pamamagitan ng pagkuha ng damdamin o
simpatya ng mambabasa.
Layunin
• Nakabatay ito sa opinion at ginagamit upang
maimpluwensiyahan ang paniniwaa, pag-uugali,
intensiyon at paninindigan ng ibang tao.
• Hindi isinasaalang-alang ang kasalungat na
pananaw.
• Halimbawa:
Talumpati at mga patalastas
Elemento
• Ayon kay Aristotle
1. Ethos: Ang Karakter, Imahe o Reputasyon ng
Manunulat/Tagapagsalita – pagtukoy sa karakter o kredibilidad ng
nagsasalita batay sa paningin ng nakikinig. Ang elementong ito ang
magpapasya kung kapani-paniwala o dapat pagkatiwalaan ng
tagapakinig ang tagapagsalita o ng mambabasa ang manunulat.
2. Logos: Ang Opinyong o Lohikal na pagmamatuwid ng
Manunulat/Tagapagsalita – tumutukoy sa pangangatwiran.
Nanganaghulugan din itong panghihikayat gamit ang lohikal na
kaalaman. Sa ating lipunan, Malaki ang pagpapahalaga sa lohikal at
pagiging makatwiran ng mga estratehiya gamit ang mga retorikal na
pangangatwirang pabuod (deductive) at pasaklaw (inductive).
3. Pathos o Emosyon ng mambabasa /
tagapakinig
Elemento ng panghihikayat na tumatalakay
sa emosyon o damdamin ng mambabasa o
tagapakinig. Emosyon ang pinakamabisang
motibasyon upang kumilos ang isang tao.
Naniniwala si Aristotle na ang wastong
pagkakaroon ng tatlong element ng
panghihikayat na ethos, logos, at pathos ay
mabisang paraan upang mahimok ang mga
mambabasa o tagapakinig na maunawaan at
paniwalaan ang palagay o panig ng mambabasa
o tagapagsalita.
Gabay sa Pagbasa
• Kredibilidad ng may-akda
• Nilalaman ng teksto
• Pagtukoy sa elementong pathos sa panghihikayat
• Bisa ng panghihikayat ng teksto
Tekstong Naratibo o
Nagsasalaysay
Layunin
• Magsalaysay ng dugtong-dugtong at magkakaugnay na
pangyayari. Maaaring ilahad sa ganitong uri ng teksto
ang mga pangyayari sa kapaligiran o mga personal na
karanasan ng manunulat o ng isang natatanging tao.
• Ang mga pangyayari sa tekstong ito ay may
pagkakasunod-sunod. Pinadadaloy ang mga
pangyayari ayon sa nais ng manunulat.
Layunin
• Nabibigyan ng pagkakataon ang mambabasa na
makabuo ng imahe sa kanilang isip at binibigyang-diin
ang takbo ng mga pangyayari lalo na ang wastong
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
• Uri:
Salaysay na nagpapaliwanag, salaysay ng mga pangyayari,
salaysay ng pangkasaysayan
• Halimbawa: Maikling kwento, nobela, mito, kuwentong-
bayan, alamat, at parabola, anekdota, at iba pa
Elemento

• Banghay
• Tagpuan
• Tauhan
• Suliranin o Tunggalian
• Diyalogo
Gabay sa Pagbasa

•Layunin ng may-akda
•Mga ginagamit na element ng
naratibo
Tekstong
Argumentatibong
Layunin
• Manghikayat sa pamamagitan ng pangangatwiran
batay sa katotohanan o lohika.
• Hikayatin ang mambabasa na ibahin ang kanilang
pananaw, tanggapin, o sang-ayon ang inilalahad na
panig, o hikayatin silang kumilos ayon sa ipinararating
na argumento.
• Halimbawa:
Tesis, posisyong papel, papel na pananaliksik, editorial,
petisyon
Pagkakaiba at pagkakatulad
Tekstong Nanghihikayat Tekstong Argumentatibo
Nakabatay sa opinion Nakabatay sa mga totoong ebidensiya
Walang pagsasaalang-alang sa May pagsasaalang-alang sa kasalungat
kasalungat na pananaw na pananaw
Nanghihikayat sa pamamagitan ng Ang panghihikayat ay nakabatay sa
apela sa emosyon at nakabatay ang katwiran at mga patunay na inilatag
kredibilidad sa karakter ng nagsasalita,
at hindi sa merito ng ebidesnsiya at
katwiran
Nakabatay sa emosyon Nakabatay sa lohika
Elemento

• Paksa
• Tesis na pahayag
• Argumento
• Suportang detalye
Lihis na Pangangatwiran (Fallacy)
• 1. Argumentum ad Hominem (Argumento laban sa
karakter)- nawawalan ng katotohanan ang argumento
dahil ang pinagtutuunan ay hindi ang isyu kundi ang
kredibilidad ng taong kausap.
• Halimbawa
Hindi dapat pinaniniwalaan ang sinasabi ng taong iyan
dahil iba ang kanyang relihiyon at mukha siyang terorista.
• 2. Argumentum ad Baculum (Paggamit ng
puwersa o pananakot)
halimbawa:
Sumanib ka sa aming relihiyon kung hindi ay
hindi ka maliligtas at masusunog sa dagat-
dagatang apoy.
• 3. Argumentum ad Misericordiam (Paghingi ng
awa o simpatya) – Ang pangangatwiran ay hindi
nakasalig sa katatagan ng argumento kundi sa
awa at simpatya ng kausap.
Halimbawa:
Ako ang inyong iboto dahil tulad ninyo ay isa lamang
akong anak-mahirap…..
• 4. Argumentum ad Numeram (Batay sa dami ng
naniniwala sa argumento) – Ang paninindigan sa
katotohanan ng isang argumento ay batay sa dami ng
naniniwala rito.
halimbawa:
Marami akong kakilalang malakas uminom ng
Coke para wala silang diabetes kaya naman hindi ako
naniniwalang masama ito sa kalusugan.
• 5. Argumentum ad Igonorantiam (Batay sa kawalan ng
sapat na ebidensiya) – Ang proposisyon o pahayag ay
pinaninindigan dahil hindi pa napatutunayan ang
kamalian nito at walang sapat na patunay kung mali o
tama ang pahayag.
• halimbawa:
Wala pa naming tumututol sa bagong patakaran ng pagsusuot ng
uniporme, samakatuwid, marami ang sumasang-ayon ditto.
• 6. Cum Hoc ergo propter Hoc (Batay sa pagkakaugnay
ng dalawang pangyayari) – Ang pangangatwiran ay
batay sa sabay na pangyayari; ang isa ay dapat dahilan
ng isa o may ugnayang sanhi at bunga agad ang
dalawang pangyayaring ito.
Halimbawa:
Masuwerte sa akin ang kulay pula. Sa tuwing nakapula ako ay
laging mataas ang benta ko.
• 7. Post Hoc ergo propter Hoc (Batay sa Pagkakasunod
ng mga Pangyayari) - Ang pagmamatuwid ay batay sa
magkakasunod-sunod na pattern ng mga pangyayari,
ang nauna ay pinaniniwalaang dahilan ng kasunod na
pangyayari.
• Halimbawa:
• Tumilaok na ang manok. Ibig sabihin ay umaga na.
• 8. Non Sequitur (Walang Kaugnayan) - Ang
kongklusyon ay walang lohikal na kaugnayan sa
naunang pahayag.
• Halimbawa:
• Hindi nagagalingan si Ronald sa musika ng
bandang iyan dahil baduy raw manamit ang
bokalista.
Gabay sa Pagbasa
• Paghahayag ng tesis at balangkas ng teksto
• Tibay ng argumento
• Bisa ng panghihikayat ng teksto
Tekstong Prosidyural
Layunin

• nagbibigay ng panuto o direksiyon kung


paano gawin ang isang bagay. Para sa mga
mag-aaral, laging ginagamit ang tekstong
prosidyural sa mga gawaing pampaaralan.
Layunin
• Ang tekstong prosidyural ay binubuo ng mga panuto upang
masundan ang mga hakbang ng isang proseso sa paggawa ng
isang bagay. Nagsasaad din ito ng impormasyon o mga
direksiyon upang ligtas, mabilis, matagumpay, at maayos na
maisakatuparan ang mga gawain. May tiyak na
pagkakasunod-sunod ang mga hakbang na dapt sundin
upang matagumpay na magawa ang anumang gawain.
• Halimbawa: Manwal sa paggamit ng isang kasangkapan o
mekanismo, resipi
Mga Elemento

• Layunin
• Kagamitan
• Mga Hakbang
• Tulong na Larawan
Gabay sa Pagbasa
• Mga Elemento ng Tekstong Prosidyural
• Ano ang layunin ng teksto?
• Malinaw bang naipahayag ang layunin ng teksto?
• Ano-anong kagamitan ang kinakailangan sa
pagsasagawa ng mga panuto? May nakasaad
bang paglalarawan ng mga kagamitang dapat
gamitin?
Gabay sa Pagbasa
• Nakatulong ba ang paglalarawan ng mga kagamitan
upang mas mabisang magawa ang mga hakbang?
• Nasa wastong pagkakasunod-sunod ba ang mga
hakbang?
• Madali bang unawain at sundan ang mga panuto?
• Nagbigay ba ng sapat na paglalarawan at paliwanag
ang mga hakbang upang magabayan ang mambabasa
sa wastong pagsasagawa ng mga panuto?
Gabay sa Pagbasa
• Nakaayon ba ang mga hakbang upang matamo
ang layunin na isinaad nito sa simula?
• Kung may mga tulong na larawan, mas
magagabayan ba nito ang mambabasa?
• Malinaw ba ang mga larawan at tumutugma sa
kaugnay nitong panuto?
Gabay sa Pagsulat
• 1. Sino ang target na mambabasa
• 2. Kailangang tingnan ang wikang gagamitin
upang makamit ang layunin
• 3. Anong uri ng tekstong prosidyural ang
isusulat?
• 4. Tukuyin ang magiging anyo ng teksto. Ito ba ay
de-numero o sa anyong talata?
Mga Saligan sa Pagsulat ng
Akademikong Papel
Paano Sumulat?
• Ito ang kauna-unahang tanong na madalas lumutang kapag
kailangan na nating simulan ang pagsusulat. Ang pagsusulat
para sa karamihan ay isang malaking hamon.
• Ang pagsusulat ay nangangailangan ng tiyaga. Ito ay walang
katapusan at paulit-ulit na proseso sa layuning makalikha ng
maayos na sulatin. Ayon kina E. B. White at William Strunk sa
kanilang aklat na The Elements of Style, ang pagsusulat ay
matrabaho at mabagal na proseso dahil sa ugnayan at
koneksiyon ng pag-sip. Mas mabilis ang paglalakbay ng isip
kaysa panulat.
Mga Elemento sa Pagsulat
A. Paksa
Ang pagsusulat ay isang proseso ng imbension. Unang
kailangang gawin ng manunulat ang umisip at bumuo
ng mga bagay na maaaring gawing paksa. Kailangang
nauunawaan niya at mayroon siyang ganap na
kaalaman sa lahat ng mahahalagang impormasyon
tungkol sa napiling paksa upang maging epektibo ang
pagsusulat. Saan maaaring humango ng paksa?
Ang pagsulat ay isang prosesong panlipunan
na maaaring bunga ng sumusunod:
• 1. bilang reaksiyon ng isang tao sa kaniyang nabasa,
naranasan, o namasdan upang maipaabot ang kaniyang
pananaw at panuntunan sa buhay;
• 2. bilang reaksiyon ng sumulat sa kaniyang nabasa o
nasaksihan, at naranasan upang ipahayag ang kaniyang
kaalaman at pagpapahalaga;
• 3. sa layuning makapagbigay lugod o kasiyahan lalo't ito ay
malikhaing sulatin na nagpapasigla ng imahinasyon at
tumutugon sa damdamin.
Mga Elemento sa Pagsulat

B. Mga Layunin
Uri
1. Pansariling Pagpapahayag
2. Pagbibigay ng Impormasyon
3. Malikhaing Pagsulat
C. Mambabasa
D. Wika
Proseso ng Pagsulat
• Pag-iisip ng Paksa
• Pagsulat ng Burador
• Pag-aayos o pag-edit
• Rebisyon
• Paglalathala
1. Bago Magsulat
2. Habang Nagsusulat
3. Pagkatapos magsulat
Mga Bahagi ng Teksto

•Panimula
•Katawan
•Wakas o Kongklusyon
Mga Katangian ng Maayos na Teksto
• Ang kaisahan ay tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang
pokus ng buong nilalaman ng teksto. Ibig sabihin; ang lahat
ng suportang ideya ay tungkol lamang sa pangunahing ideya
ng talata o tesis ng isang teksto.
• Ang kaugnayan naman ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng
lahat ng kaisipang isinasaad ng isang teksto. Nakatutulong ito
upang malaman ng mambabasa ang ugnayan ng mga ideya
sa isa't isa at upang madaling maunawaan ang nilalaman ng
teksto dahil maayos ang pagkakasunod-sunod ng bawat
kaisipan.
Mga Katangian ng Maayos na Teksto
• Kasama rito ang kaayusan ng mga ideya upang
madaling maunawaan ang ayos ng mga ideya kapag
binalangkas ito.
• Makikita ang kalinawan kung naintindihan ng
mambabasa ang nais ipahayag ng manunulat.
Nagagawa ito sa pamamagitan ng mga suportang
ideya na nagpapatibay sa paksa at layunin ng nagsulat.
• C. Paggamit ng mga panandang nagbibigay-linaw sa mahihirap na
bahagi ng teksto. Kinakatawan ito ng mga pang-ugnay o pangatnig.
• 1. Panandang naghuhudyat ng pagkakasunud-sunod ng pangyayari o Gawain
• 2. Panandang naghuhudyat ng paraan ng pagkakabuo ng diskurso
• 3. Pananda ng pagbabagong lakad
• 4. Panandang nagpapakita ng pagtiyak
• 5. Panandang nagpapakita ng paghahalimbawa
• 6. Panandang nagpapakita ng paglalahat
• 7. Panandang nagpapakita ng pagbibigay-pukos
• 8. Panandang naghuhudyat sa pamamagitan ng may-akda

You might also like