You are on page 1of 22

ALAMAT

• Ito ay tumatalakay sa pinagmulan ng isang bagay,


lugar, o pangyayari o katawagan na maaaring
kathang-isip lamang o may bahid ng katotohanan.
• Ito ay isang uri ng kuwentong nagsasalaysay
tungkol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay at ng
mga pangyayaring mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan.
• Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-
bayan.
• Ang salitang alamat ay panumbas sa salitang,
“legendus” ng wikang Latin at “legend” ng wikang
Ingles na ang ibig sabihin ay “upang mabasa.”
kilos, gawi, at
karakter
KILOS
• Ito ay kasingkahulugan ng gawa o
paggawa, aktuwal na kasanayan, o
pagsasabuhay.
• Ang mga adhikain, pagpapahalaga, motibo,
iniisip at pagkatao ng isa ay makikita sa
mismong ikinikilos at ginagawa.
• Nagiging produkto ang kilos ng kung ano
ang nasa loob ng isang indibidwal.
GAWI
• Ang gawi ay tumutukoy sa mga pang-
araw-araw na nakasanayan ng isang tao
o grupo ng mga tao.
• Sa tagal at sa dami ng mga gumagawa
ng isang gawi ay maaaring maisama na
ito sa kultura at tradisyon ng mga tao sa
isang lugar.
KARAKTER
•Ang karakter (o pag-uugali) ng
isang tauhan ay ang paraan
kung paano siya nag-iisip,
kumikilos at nagpapasya batay
sa papel na ginagampanan o
binibigyang-buhay.
• Sa isang alamat o kuwento, maituturing
na mahalagang sangkap ang kilos, gawi
at karakter ng isang tauhang gumaganap
upang lubos na maunawaan ng
mambabasa ang pagkamakatotohanan
at ‘di makatotohanan ng mga
pangyayaring inilalahad.
• Nasasalig din dito kung paano
tatanggapin ng mga nakikinig o
bumabasa ang mga aral at mensaheng
hatid nito.
Pagkilala sa
Makatotohanan at ‘Di
Makatotohanang mga
Pahayag
Makatotohanan
• Ito ay ang mga pahayag na nangyari o
nangyayari na may dahilan o basehan.
• Ito rin ay suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran.
• Ginagamitan ito ng mga salitang
nagpapahayag ng batayan o patunay
gaya ng batay sa, mula sa, ang mga
patunay, napatunayan, ayon sa, at iba pa.
Halimbawa:
a. Batay sa pagsisiyasat, totoong nagkasala ka.
b. Mula sa datos na aking nakalap, talagang laganap
na ang krimen
sa ating bansa.
c. Ang mga patunay na aking nakalap ay
makapipinsala sa iyo.
d. Napatunayang mabisa ang panukala ni Pangulong
Duterte.
e. Ayon sa mga dalubhasa, napatunayan na ang mga
gamot na inaangkat ng bansa ay makatutulong sa
kasalukuyang krisis-pangkalusugan.
Di makatotohanan
• ‘Ito ay ang mga pahayag na walang basehan
kung bakit nangyari.
• Ito ay hindi suportado ng mga ebidensiya o
katuwiran.
• Karaniwan itong ginagamitan ng mga salitang
nagpapahiwatig ng pag-aalinlangan o di-
katiyakan tulad ng baka, sa aking palagay,
palagay ko, sa tingin ko, marahil, sa tingin ko,
at iba pa.
PANG-ABAY
• Ang pang-abay o adberbyo (adverb sa
English) ay bahagi ng pananalita na
nagbibigay-turing o naglalarawan sa pang-
uri, pandiwa, o kapwa pang-abay.
• Bilang bahagi ng pananalita, ito ay may
siyam (9) na uri na karaniwang makikita sa
mga pangungusap.
• Ang mga uring ito ay ginagamit sa pagsulat
ng iba’t ibang genre ng panitikan katulad
ng alamat.
Pamanahon
• Nagbibigay turing sa kilos ng pandiwa.
• Ito ay nagsasaad kung kalian ginawa,
ginagawa o gagawin ang kilos.
• Halimbawa:
Bukas darating ang mga bisita ng Pamilya
Cuz.
Pamaraan
•Nagsasaad kung paano
isinagawa ang kilos ng pandiwa
sa pangungusap.
•Halimbawa:
Ang mga mag-aaral ay tahimik na
nagsasagot ng kanilang pagsusulit
Panlunan
•Tumutukoy sa pook kung saan
naganap ang kilos o pangyayari.
•Halimbawa:
Umalis papuntang Lungsod ng
Tagaytay ang aming kapitbahay.
Pang-agam
•Nagsasaad ng hindi lubusang
katiyakan tungkol sa isang
bagay o kilos.
•Halimbawa:
Tila uulan mamaya dahil madilim
angkalangitan.
Panang-ayon
• Nagpapakita ng pagsang-ayon sa
isang bagay o pangyayari.
• Halimbawa:
Tunay na dapat nating ipagmalaki
ang ating sariling wika saan man
tayo makarating.
Pananggi
• Nagsasaad ng pagtutol sa kilos na
ginawa, ginagawa o gagawin pa
lamang
• Halimbawa:
Hindi ako sang-ayon na lumabas
mamayang gabi.
Pamitagan
•Nagpapakita ng
paggalang
•Halimbawa:
Saan po ba ang punta
ninyo?
Pampanukat
• Nagbibigay ng turing sa sukat, bigat
o timbang ng isang tao o bagay.
• Halimbawa:
Labing-isang kilometro ang layo ng
bayan ng General Luna sa bayan ng
Macalelon.
Panulad
• Nagsasaad ng pagkakatulad o
paghahambing ng dalawang tao,
bagay, pook o pangyayari.
• Halimbawa:
Higit na mabenta ang Samsung
kaysa sa Iphone.

You might also like