You are on page 1of 18

TALUMPATI

ANO ANG TALUMPATI?


• Ito ay isang halimbawa ng sanaysay na
nagpapahayag ng saloobin, kaisipan at
damdamin sa isang masining na pamamaraan.
• Ito ay kabuoan ng mga kaisipang nais
ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng
publiko.
• Ang mga kaisipang ito ay maaaring magmula
sa pananaliksik, pagbabasa, pakikipanayam,
pagmamasid, at mga karanasan.
ANO ANG TALUMPATI?
• Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon
ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng
mga tao.
• Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran,
magbigay ng kaalaman o impormasyon at
maglahad ng isang paniniwala.
• Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
NAHAHATI
SA TATLONG
BAHAGI ANG
TALUMPATI
• PAMAGAT - inilalahad ang layunin ng
talumpati, kaagapay na ang istratehiya
upang kunin ang atensiyon ng madla.
• KATAWAN - nakasaad dito ang paksang
tatalakayin ng mananalumpati.
• KATAPUSAN - ang pagwawakas ang
pinakasukdol ng buod ng isang - talumpati.
Dito nakalahad ang pinakamalakas na
katibayan, paniniwala at katuwiran upang
makahikayat ng pagkilos sa mga tao ayon sa
layunin ng talumpati.
MGA URI
NG
TALUMPATI
TALUMPATI NA
NAGPAPALIWANAG
• Pagbibigay kaalaman ang hangganan ng
talumpating ito na nag-uulat, naglalarawan,
tumatalakay para maintindihan ng
tagapakinig ang paksa gumagamit ng biswal
na kagamitan, ng paghahambing upang higit
na maunawaan may katibayan na
katotohanan na pagpapaliwanag nang mabuti
sa paksa limitado ang mahahalagang puntos
na dapat talakayin, sapat lang na matandaan
ng kaisipan ng mga tagapakinig.
TALUMPATI NA
NANGHIHIKAYAT
• Layuning makaimpluwensya sa pag-iisip
at kilos ng nakikinig, at para makumbinsi
ang nakikinig may katibayan tulad ng
nagpapliwanag dapat na buhay ang
pamamaraang humihimok sa nakikinig
karaniwang kontrobersyal ang paksa at
alam ng nagsasalita na may posisyon
ang nakikinig
TALUMPATI NG
PAGPAPAKILALA
• ANG POCUS AY NAKABASE SA:
A.TUNGKOL SA PANAUHIN
- DITO NAKASALALAY ANG PAGTANGGAP SA
KANYA, IPAKITA ANG AWTORIDAD NG ISPIKER
SA PAKSA
B. TUNGKOL SA PAKSA
- INIHAHANDA ANG TAGAPAKINIG SA
KAHALAGAHAN NG PAKSA
TALUMPATI SA PAGKAKALOOB
NG GANTIMPALA
• Ang empasis ay ang kahalagahan ng
gawaing siyang nagbigay daan sa
okasyon binabanggit din ang entidad
na nagkaloob ng gantimpala
maihahanay din ang pagkakaloob ng
karangalan sa isang indibidwal dahil
sa isang gawaing matagumpay na
nagampanan
TALUMPATI NG PAGSALUBONG
• Isang uri ng talumpati na ginagawa sa
mga okasyong tulad ng pagtanggap sa
pinagpipiganang panauhin, dinadakilang
nagtapos sa paaralan, pagbati sa isang
delegasyon nagpapaliwanag sa
kabuluhan ng okasyon, pagpapakita ng
layunin ng organisasyon, pagpaparangal
sa taong sinasalubong
TALUMPATI NG PAMAMAALAM
• Kapag aalis na sa isang lugar o
magtatapos na sa ginampanang
tungkulin anu- ano ang mga kasiya-
siyang karanasan? Ano ang
damdamin sa sandaling yon?
Pasasalamat kung tatanggap ng ala-
ala o gantimpala?
PAGPASOK NG PANGALAN O
NOMINASYON
• Sa mga kombensyong pulitikal, sa
nominasyon ng isang indibidwal,
binibigyang diin ay ang mabubuting
katangian, mga papuri, kakayahan na
may kaugnayan sa tungkulin layunin ng
nagsasalita na nagnonomina na
tangkilikin din ng mga nakakrarami ang
taong ito.
TALUMPATI NG
EULOHIYA
• Binbigkas sa sandali ng pagyao o sa
memoryal na serbisyo sa isang
kilalang namayapa.
• Binibigayng diin ang nagawa ng
namatay noong buhay pa siya.
Inaugurasyon
• Binibigkas sa seremonya ng
pagsisimula ng isang mahalagang
tungkulin o gawain tulad ng
talumpati ng pangulo sa
pagtatalaga sa kainla sa tungkulin,
talumpati sa pagsisimula ng isang
proyekto ng organisasyon
ANYO NG
TALUMPATI
Biglaan o daglian (impromptu)
• walang pagkakataong
makapaghanda ang mananalumpati
ngunit ang mga pagkakataong ito
ay gaya lamang ng mga simpleng
okasyon gaya ng mga sa paaralan,
kaarawan at iba pa
Maluwag
(extemporaneous)
• Ang mananalumpati ay binibigyang ng
maikling panahon para maghanda pagkatapos
maibigay ang paksa o tanong handa
• Mahabang panahon ay ibinibigay para
maghanda ang mananalumpati;
• Isinasaulo na ang isang handang talumpati at
pipiliin na lamang ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pag-deliver

You might also like