You are on page 1of 13

Ano ang Talumpati?

ANG TALUMPATI
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na
pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat na
mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig.
Ang pagtatalumpati ay isang sining ng pakikipagtalastasan na naglalayong
ilahad ang kaisipan at damdamin hinggil sa isang paksa sa pamamagitan ng wasto
at mabisang pagbigkas.
Halimbawa:
Maari itong bigkasin ng isang personalidad sa kanyang mga taga suporta o
nasasakupan, o isang kalahok sa isang paligsahan ng pananalumpati, o kung sino
man ang nais mag bigay ng mensahe sa kanyang mga kasama
Ang talumpati ay may particular na estraktura o bahagi:

1. Introduksiyon
Ito ang nag sisilbing panimula ng talumpati
-inilalahad dito ang layunin at ang istratehiya upang kunin ang atensyon ng madla
2. Katawan
Inilalahad dito ang mensahe ng mananalumpati
-nilalaman nito ang mga pangunahing punto ng talumpati at mga patulong na
detalye para mabuo ang bawat punto
3. Kongklusyon
Ito ay nag sisilbing pananapos o wakas.
-dapat ito maging mailki ngunit malaman at hindi maligoy
Mga Katangian ng Talumpati
Ang isang talumpati ay masasabing epektibo o mahusay kung ito ay;
- Kalinawan
- Kawastuhan
- Maikli
- Mapanghikayat
- Pagbibigay-pansin sa mga tagapakinig
- Malakas na tinig at malinaw na pagbigkas
- Kontroladong damdamin o emosyon
- Maayos na tindig at kumpas
- Angkop na kilos o galaw

Mga Uri ng Talumpati


Maraming uri ng talumpati, ngunit nauuri pa rin ito sa (1) anyo o kahandaan at sa
(2) layunin nito.

Uri ng Talumpati ayon sa Anyo at Kahandaan


-Impromptu o Dagliang Talumpati
-Extempore o Extemporaneous Speech
-Isinaulong Talumpati o Talumpating Handa
-Pagbasa ng Papel sa Panayam o komperensiya

Layunin
layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglalahad ng isang paniniwala.

Mga uri ng talumpati ayon sa layunin


TALUMPATING NAGBIBIGAY-IMPORMASYON - Ipibatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang
paksa, isyu o pangyayari at dapat maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng datos kaya
mahalagang sa pagsulat nito ay gumamit ng mga dokumentadong mapagkakatiwalaan.

TALUMPATI NA NAGPAPALIWANAG - Pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito


nag-uulat, naglalarawan, tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang paksa gumagamit ng biswal
na kagamitan, ng paghahambing upang higit na maunawaan may katibayan na katotohanan na
pagpapaliwanag nang mabuti sa paksa limitado ang mahahalagang puntos na dapat talakayin, sapat lang
na matandaan ng kaisipan ng mga tagapakinig.

TALUMPATI NA NANGHIHIKAYAT - Layuning makaimpluwensya sa pag-iisip at kilos ng nakikinig,


at para makumbinsi ang nakikinig may katibayan tulad ng nagpapliwanag dapat na buhay ang
pamamaraang humihimok sa nakikinig karaniwang kontrobersyal ang paksa at alam ng nagsasalita na
may posisyon ang nakikinig.

TALUMPATI NG PAGPAPAKILALA - ang focus ay una tungkol sa panauhin, dito nakasalalay ang
pagtanggap sa kanya, ipakita ang awtoridad ng ispiker sa paksa pangalawa tungkol sa paksa inihahanda
ang tagapakinig sa kahalagahan ng paksa

TALUMPATI SA PAGKAKALOOB NG GANTIMPALA - Ang empasis ay ang kahalagahan ng


gawaing siyang nagbigay daan sa okasyon binabanggit din ang entidad na nagkaloob ng gantimpala
maihahanay din ang pagkakaloob ng karangalan sa isang indibidwal dahil sa isang gawaing matagumpay
na nagampanan

TALUMPATI NG PAMAMAALAM - Kapag aalis na sa isang lugar o magtatapos na sa ginampanang


tungkulin ano- ano ang mga kasi siyang karanasan?ano ang damdamin sa sandaling yon? pasasalamat
kung tatanggap ng ala-ala o gantimpala

TALUMPATI NG EULOHIYA - Binbigkas sa sandali ng pagyao o sa memoryal na serbisyo sa isang


kilalang namayapa.binibigayng diin ang nagawa ng namatay noong buhay pa siya, inaugurasyon -
binibigkas sa seremonya ng pagsisimula ng isang mahalagang tungkulin o gawain tulad ng talumpati ng
pangulo sa pagtatalaga sa kainla sa tungkulin, talumpati sa pagsisimula ng isang proyekto ng
organisasyon

TALUMPATING PAPURI - Layunin ng talumpating ito na magbigay ng pakilala o pagpupugay sa isang


tao o samahan
gantimpala
nagpapaliwanag
eulohiya
impormatibo

You might also like