You are on page 1of 15

TALUMPATI

Isang buod ng kaisipan o opinyon


ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado para sa mga pangkat na
mga tao.
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGTATALUMPATI
ANG MANANALUMPATI
Dapat isaalang-alang ng mananalumpati ang
kanyang sarili sa harap ng kanyang tagapakinig;
ang kanyang paraan ng pagbigkas ng mag salita,
kanyang pananamit, kanyang asal sa entablado,
kumpas ng kamay; at laging dapat tandaan na
siya ay nasa harap at pinakikinggan at pinanood
ng mga tao
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGTATALUMPATI
ANG TALUMPATI
Kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng
talumpati upang matukoy ang wasto at
pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at
higit sa lahat dapat matukoy ang layunin at
kaisipang nais iparating ng talumpati upang
maiabot ito nang malinaw sa mga tagapakinig
MGA DAPAT ISAALANG-ALANG SA
PAGTATALUMPATI
ANG TAGAPANOOD/TAGAPAKINIG
Higit na mabuting malaman ng isang
mananalumpati ang uri at antas ng kanyang
tagapakinig upang makapag-isip siya ng mabuting
paraang gagamitin na makapukaw sa atensyon ng
mga ito at nang mahikayat ang mga ito na makinig
hanggang sa wakas ng talumpati; mahalaga ring
malaman kung sino ang tagapakinig upang
maibagay sa kanila ang talumpati at maging malinaw
ang kahalagahan ng talumpati para sa kanila
MGA ANYO NG TALUMPATI
BIGLAAN O DAGLIAN MALUWAG HANDA

Walang Ang Mahabang panahon


pagkakataong mananalumpati ay ay ibinibigay para
makapaghanda binibigyan ng maghanda ang
ang maikling panahon mananalumpati;
mananalumpati para maghanda isinasaulo na ang
ngunit ang mga pagkatapos isang handang
pagkakataong ito magibigay ang talumpati at pipiliin
ay gaya lamang ng paksa o tanong na lamang ang wasto
mga simpleng at pinakamabuting
okasyon gata ng paraan ng pag-
mga sa paaralan deliver
URI NG TALUMPATI
Talumpati na Talumpati na Talumpati ng
Nagpapaliwanag Nanghihikayat Pagpapakilala
Pagbibigay Layuning Tungkol sa
kaalaman ang makaimpluwensya Panauhin
hangganan ng sa pag-iisip at kilos Dito nakasalalay ang
talumpating ito. ng nakikinig, at pagtanggap sa kanya,
para makumbinse ipakita ang awtoridad
ang nakikinig. ng ispiker sa paksa
Tungkol sa Paksa
Inihahanda ang
tagapakinig sa
kahalagahan ng paksa
URI NG TALUMPATI
Talumpati sa Pagkakaloob Talumpati ng Talumpati ng
ng Gantimpala Pagsalubong Pamamaalam
Ang empasis ay Nagpapaliwanag Kapag aalis na sa
ang kahalagahan sa kabuluhan ng isang lugar o
ng gawaing siyang okasyon, magtatapos na sa
nagbigay daan sa pagpapakita ng ginampanang
okasyon layunin ng tungkulin
organisasyon,
pagpaparangal sa
taong
sinasalubong
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
Sa pagpili ng paksa, maaaring suriin kung
saklaw ng paksang napili ang kaalaman,
karanasan at interes at mapukaw sa sarili
o sa makikinig ng talumpati. Kapag
nakapili na ng paksa, maaaring
magtitipon ng mga materyales na
gagamitin sa pagsulat ng mga
impormasyon na siya namang gagamitin
sa isusulat na talumpati
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
Maaaring pagkunan ng mga impormasyon ay ang
dating kaalaman at mga karanasan na may
kinalaman sa paksa, mga babasahing kaugnay ng
paksa, mga awtoridad sa paksang napili. Pagkatapos
makatipon ng mga materyales na gagamitin sa
talumpati, maaari ka nang magbalangkas ng mga
ideya at hatiin sa tatlong bahagi: panimula, katawan
at pangwakas. Maaari pang mapabuti ang talumpati
sa paglinang ng kaisipan na kung saan nakapaloob
ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa
mga pangunahing kaisipan na inilahad sa balangkas
PAGHAHANDA SA TALUMPATI
Para maging epektibo ang talumpati,
pinapayuhan ang mananalumpati na
magakroon ng magandang personalidad,
maging malinaw ang pananalita, may
malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay,
may mahusay na paggamit ng kumpas, at
may kasanayan sa pagtatalumpati. Dapat din
tandaan ng mananalumpati ang tindig, galaw,
pagbigkas, pagbibigay diin at kaugnayan sa
madla
LAYUNIN NG TALUMPATI
Naipahayag ang mga kaisipang inihahatid ng
may-akda
Nagbibigyang-halaga ang pagmamalasakit sa
bayan para sa kapakinabang ng nakararami
Nakalalahok nang masigla sa talakayin at mga
gawain
Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala
BAHAGI NG TALUMPATI
PAMBUNGAD KATAWAN KATAPUSAN
Inilalahad ang Nakasaad dito ang Ang pagwawakas ang
layunin ng paksang pinakasukdol ng buod
talumpati, tatalakayin ng ng isang talumpati.
kaagapay na ang mananalumpati Dito nakalahad ang
istratehiya upang pinakamalakas na
kunin ang katibayan, paniniwala
atensyon ng at katuwiran upang
madla makahikayat ng
pagkilos sa mga tao
ayon sa layunin ng
talumpati
PATNUBAY SA PAGBIGKAS NG
TALUMPATI

TINIG AT HIMOG PAGBIGKAS


Dapat iayon sa tunay na Mahalagang bigkasin nang
diwa ng talumpati malinaw ang mga salita
ayon sa wastong
pagkakaputol ng pantig
PATNUBAY SA PAGBIGKAS NG
TALUMPATI

TIKAS-PANTANGHALAN PANUUNAN NG PANINGIN


Magtaglay ng magandang Ang labis na pagiging
impresyon o tindig sa magalaw ng katawan o ulo
harap ng tanghalan nang walang motibo o
wastong dahilan ay dapat
bawasan
PATNUBAY SA PAGBIGKAS NG
TALUMPATI
UNAWAIN ANG LAYUNIN NG KAUGNAYAN NG MAMBIBIGKAS
TALUMPATI SA MANONOOD
Hindi nabibigyang- Nagtatagumpay lamang
kahulugan ang piyesang siya sa aspektong ito kung
bibigkasin kung walang magagawa niyang sila
ganap na pagkakaunawa pagalawin o hikayatin
sa tunay na diwa ng
talumpati

You might also like