You are on page 1of 5

ABSTRAK 1. Impormatibong Talumpati.

Ipinataw ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong Ang uri ng talumpating ito ay naglalayong
General Education Curriculum wika at (GEC) alinsunod magbigay ng impormasyon tungkol sa ano mang bagay,
sa programang K to 12, at sa pamamagitan ng pangyayari, konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa.
kontrobersyal na Commission on Higher Ang kabuuang diskurso nito ay maglahad at
Education/CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, magpaliwanag upang maunawaan ng mga takapakinig
Series of 2013. Bunsod ng nasabing CMO, burado na ang paksang tinatalakay.
ang espasyo ng panitikang Filipino sa kurikulum ng
kolehiyo, ngunit dahil sa kolektibong protesta ng mga Maaaring maging paksa ng talumpati ang
grupong makabayan sa bansa, nagsasagawa ng pagpapaliwanag tungkol sa proseso na naglalaman ng
konsultasyon ang CHED hinggil sa posibilidad na mga sistematikong serye ng aksyon na tutungo sa
magkaroon pa rin ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, resulta o pagbuo ng produkto. Maaari ring ipakita ang
at puspusang gamitin bilang wikang panturo ang wikang kronolohiya ng isang pamamaraang pang-
Filipino. Layunin ng papel ng ito na ilahad ang organisasyon. Mahalaga ang tulong biswal sa ganitong
pagsulong at pagbura sa mga tagumpay ng wika at uri ng talumpati. Maaari ring simpleng pagpapaliwanag
panitikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo mula 1996 ng iba’t ibang konsepto gaya ng teorya, prinsipyo,
hanggang 2014. Saklaw nito ang pagbabalik-tanaw sa paniniwala o ideya ang isang talumpating nagbibigay ng
mga polisiya noong panahong kolonyal bilang batayan impormasyon. Nakatutulong ang pagbibigay ng maayos
ng malalim na pagsusuri sa mga kaugnay na na organisasyon o padron sa talumpati at ang
kontemporaryong polisiya sa panahong neokolonyal. epektibong paggamit ng mga panandang diskurso para
Sa pangkalahatan, ang papel na ito’y manipesto rin sa sa malinaw na daloy ng ideya. Sapagkat mas kompleks
paggigiit ng espasyo para sa wika at panitikang Filipino ang ganitong mga talumpati, esensyal ang pagbibigay
sa kurikulum ng kolehiyo, lagpas pa sa kapit-sa-patalim ng iba’t ibang halimbawa, analohiya, at paghahambing.
na pag-iral nito sa panahong neokolonyal na walang Ilang mahahalagang bagay na dapat tandaan
ipinag-iba sa karimlang tinatanglawan ng sulong sa pagbuo ng impormatibong talumpati ang paglimita sa
aandap-andap man ay hindi naman namamatay. paksang tinatalakay upang magkaroon ng pokus ang
laman ng talumpati. Huwag ding ipagpalagay na lahat
ay tinatalakay ay alam na ng tagapakinig at sikaping
magbigay ng mga halimbawang malapit sa karanasan
ng tagapakinig. Iwasang ding maging masyadong
TALUMPATI teknikal at abstrakto ang talumpati, bagkus ay gawing
Ang talumpati ay isang pormal na pagsasalita personal ang mga ideya nang sa gayon ay mas
sa harap ng mga tagapakinig o audience. Ito ay isang madaling makaugnay ang mga tagapakinig. Ang ilan sa
uri ng pagdidiskurso sa harap ng publiko na may mga halimbawa ng ganitong talumpati ay ang taunang
layuning magbigay ng impormasyon o manghikayat State y of the Nation Address (SONA) ng Pangulo ng
kaugnay ng isang partikular na paksa o isyu. Pilipinas na naglalaman ng mga impormasyon tungkol
Kinapapalooban ang talumpati ng kakayahan sa sa mga naging tagumpay, plano at hamon na
pagpapahayag ng ideya nang may organisasyon, talas kinahaharap ng bansa sa ilalim ng isang tiyak na
ng pagsusuri at epektibong paggamit ng wika. administrasyon.

Madalas na nabibighani tayo sa husay sa 2. Mapanghikayat na Talumpati.


paggamit ng retorika ng isang tagapagsalita ngunit Ang isang mapanghikayat o persweysib na
kailangang isaalang-alang ang lalim ng nilalaman at talumpati ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o
katotohanan ng isang talumpati, kaysa sa pamamaraan isyung kinapapalooban ng iba’t ibang perspektiba o
kung paano iyon binigkas. posisyon. Sa talumpating ito, nagbibigay ng partikular
Mas malalim pang mauunawaan ang talumpati na tindig o posisyon sa isang isyu ang isang
sa pamamagitan ng pagkilala sa iba’t ibang uri nito nagtatalumpati batay sa malaliman niyang pagsusuri sa
batay sa nilalaman at pamamaraan. isyu. Maaaring maging sentro ng isang mapanghikayat
na talumpati ang pagkuwestiyon sa isang katotohanan,
sa isang pagpapahalaga, o kaya ay sa polisiya.
Mahalagang mahikayat ang mga tagapakinig na pag-
A. URI NG TALUMPATI BATAY SA NILALAMAN AT
isipan ang mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng
PAMAMARAAN
kritikal na pagtatanong ng isang mananalumpati. Ang
Nahahati ang sa iba’t ibang uri ang talumpati mensahe ng talumpati ay kailangang iangkop sa
batay sa nilalaman at pamamaraan. Batay sa kaalaman, interes, pagpapahalaga, aktitud, at mga
nilalaman, maaaring impormatibo o kaya ay paniniwala ng target na tagapakinig. May tatlong
persweysib o mapanghikayat ang isang talumpati. pagdulog sa mapanghikayat na talumpati.
Impromptu at extemporaneous o pinaghandaan
naman ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatalumpati.
Narito ang mga katangian at kalikasan ng bawat isa:
A. Pagkuwestyon sa isang katotohanan. Ganito naman mailalarawan ang dalawang paraan ng
pagtatalumpati:
Ang pagdulog na ito ay halos kagaya ng isang
impormatibong talumpati kung saan nagsisilbing 1. Impromptu o Biglaang Talumpati.
tagapamandila ng isang posisyon ang tagapagsalita na
nagpapakita ng iba’t ibang katotohanan at datos upang Ang impromptu o biglaang talumpati ay isang
suportahan ang kanyang posisyon. Maaari siyang uri ng talumpati batay sa pamamaraan. Isinasagawa
magpakita ng taliwas na pananaw ngunit upang ang talumpating ito nang walang ano mang paunang
tunggaliin lamang ito upang suportahan naman ang paghahanda. Mahalaga ang biglaang talumpati upang
kanyang posisyon o tindig sa isyu. masukat ang lalim at lawak ng kaalaman ng isang mag-
aaral o tagapagsalita sa isang tiyak na paksa kahit
B. Pagkuwestyon sa pagpapahalaga. walang naunang pagbabasa hinggil dito. Bukod sa
kaalaman, nahahasa rin ng biglaang talumpati ang
Ang pagdulog na ito ay nakasentro sa personal husay sa organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at
na paghahatol kung ano ang tama o mali, mabuti pagbibigay-diin sa mahahalagang aspekto ng isang
masama, o kaya ay etikal o hindi etikal. Kailangang isyu. May apat na batayang hakbang sa pagbuo ng
pangatwiranan 0 ng isang tagapagsalita ang kanyang isang biglaang talumpati:
posisyon batay sa isang tanggap na istandard o
paniniwala. Halimbawa nito ang mga nangangatwiran a. Sabihin ang tanong na sasagutin o paksang
laban sa mga probisyong may kinalaman sa aborsyon magiging sentro ng talumpati at ang layunin
na nakapaloob sa Reproductive Health Law, ayon sa nito.
utos ng bibliya. b. Ipaliwanag ang pangunahin at
pinakamahalagang punto na nais mong
C. Pagkuwestyon sa Polisiya. bigyang-diin.
Ang layunin ng pagdulog sa talumpati na ito ay c. Suportahan ang pangunahing punto ng mga
hikayatin ang mga tagapakinig na magpasyang ebidensya o patunay.
umaksyon o kumilos. Pagkatapos kuwestyonin ang d. Ibuod ang iyong pinakamahalagang punto at
isang tiyak na polisiya, kailangang hikayatin ang mga ipakita kung paano nito nasagot ang tanong o
tagapakinig sa pagkilos sa pamamagitan ng paglalatag layunin ng talumpati.
ng isang plano na magpapakita ng praktikalidad ng
isang panibagong proposal. Mahalagang maging
ispesipiko ang paglalatag ng plano upang mahikayat 2. Ekstemporanyo o Pinaghandaang
ang tagapakinig na suportahan ito. Talumpati.

Kabaligtaran ng impromptu, ang talumpating ito


ay maingat na inihahanda, pinagpaplanuhan at
Sa kabuuan, mahalagang bigyang-diin na ineensayo bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng
napaniniwala ng isang mahusay na tagapagsalita ang talumpati, gumagamit ng mga maiksing tala ang
tagapakinig kung: naniniwala sila na may kredibilidad tagapagsalita upang maalala ang mga mahahalagang
ang nagsasalita (kakayahan at karakter), napaniwala punto ng inihandang talumpati. Madalas ding sinasaulo
sila ng mga ebidensya at mahusay na dokumentasyong o memoryado ang ganitong uri ng mga talumpati.
inilatag ng tagapagsalita, nakumbinse sila ng Kumbersasyonal ang katangian ng talumpati at kahit pa
pangangatuwiran ng tagapagsalita, o kaya’y nakanti praktisado, kailangang ispontanyo ang maging dating
ang kanilang emosyon sa pamamagitan ng talas ng nito sa mga tagapakinig.
ideya at husay sa paggamit ng wika ng isang
tagapagsalita. Sa kabila ng mga pamantayang ito,
kailangang iwasan ng isang tagapagsalita ang
manipulasyon at panloloko ng datos upang B. MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI
makapanghikayat. Tinipon ng forbes.com sa pamamagitan ni Jeff Schmitt
Samantala, liban sa dalawang tinalakay na uri (2013) ang iba’t ibang gabay sa pagsulat ng talumpati
ng talumpati, tinukoy nina Bernales, et al. (2006) ang mula sa mga eksperto sa politikal na talumpati. Narito
iba pang uri tulad ng talumpating Pampalibang, ang ilang patnubay mula sa kanila:
Talumpating Pampasigla, Talumpating Nagbibigay- 1. Pillin lamang ang isang pinakamahalagang
Galang at Talumpating Papuri. Ang huli ay maaaring ideya. Ipinapakita ng mga pananaliksik na
binibigkas sa okasyon ng Serbisyong Nekrolohikal, kakaunti lamang ang naaalala ng isang
Pagtatalaga sa Katungkulan, Pamamaalam- tagapakinig mula sa isang talumpati kung
Paghahandog o Retirement at Pagmumungkahi o kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang
Pagsuporta sa Kandidatura. pinakamahalagang ideya lamang na pag-
iisipan nila. Laging isipin na maikling panahon
lang ang nakalaan sa iyo para magtalumpati.
2. Magsulat kung paano ka nagsasalita. Laging PAGSULAT NG REBYU
isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at
hindi sanaysay. Hindi ka babasahin, bagkus ay Ang rebyu ay isang akdang sumusuri o
pakikinggan ng mga tagapakinig. Mas mabuti pumupuna sa isang likhang-sining Maingat ditong
kung kumbersasyonal ang tono ng talumpati. binibigyang-pansin ang mga sangkap o elemento ng
Maaaring makatulong ang sumusunod na genre na nirerebyu upang ang isang kritiko ay
gabay: makapaglahad ng obhetibo at matalinong analisis.

Samakatwid, ano-ano ang maaaring gawan ng


a. Gumamit ng maiikling pangungusap. rebyu? Kung tutuusin, kahit na anong likhang-sining.
Mas makabubuting gumamit n dalawang Kung gayon, maaaring gawan ng rebyu ang mga
maikling pangungusap kaysa isang akdang nababasa tulad ng tula, maikling katha, nobela,
kompleks na pangungusap ng upang sanaysay o aklat. Maaari rin namang magsuri ng mga
ipaliwanag ang iyong punto. pagtatanghal tulad ng dula at pelikula. Maaaring
b. Huwag gumamit ng mga abstrakto at magsuri ng mga awral na sining tulad ng awit o drama
mabibigat na mga salitang hind sa radyo. May mga nagsusuri rin ng ibang mga biswal
makakaugnay sa tagapakinig. na sining tulad ng photo exhibit, eskultura at painting.
c. Laging basahin nang malakas ang
talumpati habang isinusulat ito. Sa
pamamagitan ng pagbasa, matutukoy
A. MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG
mo agad kung tila isang libro a
ISANG KRITIKO
nagsasalita o kaya’y isang tao nang
nakikipag-usap! Hindi isang pangkaraniwang gawain ang
3. Gumamit ng mga kongkretong salita at magsuri ng isang likhang-sining. May ilang mga
halimbawa. Interesado ang mga tagapakinig katangiang dapat taglayin ang isang kritiko upang
sa konkretong detalye. Mas mabuting gumamit maging ganap na kapani- paniwala ang kanyang rebyu.
ng mga salitang mas karaniwan sa pandinig at Ang mga katangiang ito ay ang sumusunod:
karanasan ng mga tao.
4. Tiyaking tumpak ang mga ebidensya at 1. Sapat na kaalaman sa genre na kanyang
datos na ginagamit sa talumpati. Mahalaga sinusuri at sa paksa niyon,
ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang 2. Sapat na kakayahang magsuri o kakayahang
ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang kumilala ng mga kahinaan at kalakasan ng
kredibilidad sa pamamagitan ng kakayahan at genre na sinusuri,
kaalaman sa paksa, at magagawa lamang ito 3. Pagiging tapat, obhetibo at kawalan ng bahid
sa pamamagitan ng malalim na pag-unawa at impluho ng damdaming pansarili, at
pagbabasa tungkol sa paksa. Mahalagang 4. Pagkakaroon ng likas na kuro-kuro o hindi
lahat ng sinasabi ng isang tagapagsalita ay pagpapadala sa iba’t ibang impluwensyang
batay sa mga siyentipikong datos at pag-aaral may kiling.
at hindi ayon sa personal na haka-haka
lamang. Mas madaling hikayatin ang mga
tagapakinig sa pamamagitan ng tiyak na
numero at estadistika.
5. Gawing simple ang pagpapahayag sa buong B. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA
talumpati. Kapag naisulat na ang unang REBYU
burador ng talumpati, balikan ito at maghanap
Mula sa mga pagtalakay sa tatlong websites
ng mga salita o pahayag na maaari pang
(http://iwrite.edu.au, http:// pkpschool.sfu.ca at
bawasan, paikliin o gawing simple. Ang
http://www.dpreview.com), natipon ng mga may-akda
pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati
ang sumusunod na mga katangian ng isang mahusay
ay maaaring mas magbigay- linaw rito.
na rebyu:

1. Masaklaw. Sinusuri ng isang mahusay na


rebyu ang lahat ng sangkap o elemento ng
genre na kinabibilangan ng akdang sinusuri.
Halimbawa, kung maikling kwento ang sinusuri,
kailangang mapagtuunan ng pansin ang
tauhan, tagpuan, banghay, kasukdulan, wakas
at kakintalan, maging ang pamagat at simula ng
akda.
2. Kritikal. Ang rebyu ay isang mapanuring akda 8. Nagtatangi. Ang isang mahusay na rebyu ay
kung kaya kailangan ang malalimang pagsusuri nagtatangi ng mabuti sa hindiabuti, ng
ng mga sangkap. Ibig sabihin, kailangang mahusay sa hindi mahusay, ng mataas na
masuri ang isang akda sa pananaw ng isang kalidad sa mababang kalidad. Sa pamamagitan
kritiko, hindi sa pananaw ng isang karaniwang ng mahusay na pagpapaliwanag, nagagabayan
mambabasa o tagapanood. Halimbawa, ang ng isang mahusay na rebyu ang ibang mga
mga simbolismo at pahiwatig ay karaniwang mambabasa o tagapanood, kung kailangan pa
hindi napapansin ng mga karaniwang nilang paglaanan ng salapi at panahon ang
mambabasa o tagapanood, ngunit hindi iyon akdang sinusuri, o kung magiging pag-aaksaya
dapat makatakas sa mga mapanuring mata ng lamang ng salapi at panahon ang akdang iyon.
isang kritiko.
3. Napapanahon. Liban sa mga akdang klasiko,
ang isang mahusay na rebyu ay pumapaksa sa C. MAHAHALAGANG BAGAY NA DAPAT TANDAAN
isang akdang napapanahon. Halimbawa, sino SA PANUNURI
pa ba ang magkakainteres na basahin ang
rebyu ng pelikulang Gone with the Wind na Sa kanyang aklat na Malikhaing Pagsulat, si Arrogante
ipinalabas noong 1939? Maaaring wala na, o (2000) ay naglista m ilang mga bagay na dapat tandaan
mangilan-ngilan na lamang! sa panunuri:
4. Walang Pagkiling. Obhetibo ang isang
1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng katha ang
mahusay na kritiko. Hindi siya
sinusuri kung ito’y nobela, maikling kwento,
nagpapaimpluwensya sa kanyang mga
tula, dula, pelikula, programang pantelebisyon,
pansariling pagkiling. Halimbawa, maaaring
o iba pa.
Noranian ang kritiko, ngunit tinutukoy pa rin
2. Basahin o panoorin ito nang masinsin at igawa
niya ang mga kahinaan ng pelikulang
iyon ng lagom. Ang lagom ay maikli lamang,
pinagbibidahan ni Nora Aunor na kanyang
sapat lang ang haba upang maunawaan ng
sinusuri. Kung puro papuri kasi ang mababasa,
babasa ang paksang diwa ng kathang sinusuri.
nagiging kwestyonable ang objectivity ng
Hindi dapat pag-ukulan ang lagom ng kung
nasabing kritiko.
ilang pahina. Ang kailangan lamang dito ay ang
5. Mapananaligan. Kapani-paniwala ang isang
buod ng nilalaman.
mahusay na rebyu. Ang mga pamantayang
3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman
ginamit ay katanggap-tanggap sa lahat o kung
kundi pati ang estilo o paraan ng pagkakasulat
hindi man ay sa nakararami. Hindi arbitraryo.
ng katha.
Ginagabayan din siya ng angkop na teorya sa
4. Bukod sa pagbanggit ng kahusayan at
pagsusuri ng isang partikular na akda.
kahinaan ng katha, mag-ukol din ng
Halimbawa, sa pagsusuri ng mga tula ni
karampatang pagpapakahulugan.
Marjorie Evasco, maaaring gamitin ang
5. Lakipan ng ilang siping (quotations)
teoryang feminismo. Nagbabanggit din siya ng
makapagbibigay-kabuluhan sa ginagawang
mga awtoridad at iba pang hanguan upang ang
panunuri. Maingat itong piliin at samahan ng
pagsusuri ay magkaroon ng higit na
maikling pagbibigay-katuturan.
kredebilidad.
6. Iwasan ang pagbibigay ng ano mang
6. Orihinal. Ang isang mahusay na rebyu ay hindi
kapasyahan nang walang lakip na batayan o
pagsasama-sama lamang ng sinasabi ng ibang
patunay. Hindi sapat na sabihing Ang akda ay
kritiko. Hindi ito padampot-dampot lamang
maganda at kawill- wili. Kailangang ipaliwanag
doon at dito at animo’y pagdidikit ng laway ng
kung bakit ito maganda at kawili-wili.
sinabi nina kung sino-sino. Ang kritiko ay
7. Kailangang nababatay din ang ano mang
kailangang may sariling input sa rebyu, sa
pagpapasya sa mga takdang pamantayan,
madaling sabi, may sariling opinyon na
bagamat maaaring isama rin ang sariling
maaaring kaiba o katulad ng sa ibang kritiko.
pagkakilala ng sumusulat ayon sa matapat
7. Makatuwiran. Ang isang mahusay na kritiko ay
niyang paniniwala.
makatwiran sa may-akda ng akdang sinusuri.
Isinasaalang-alang niya ang mga limitasyon ng
may- akda. Halimbawa, hindi makatwiran ang
paghahambing ng isang pelikulang Pilipinong
science fiction sa mga mga pelikula ni Steven
Spielberg. Natural, ang una ay inferior sa huli,
bunga nga ng mga limitasyon sa pananalapi at
teknolohiya.
Sa mga ito ay maaaring idagdag ang sumusunod:

8. Gamitin ang pananalitang makatutulong sa


mambabasa na makapagpasya kung ang akda
ay karapat-dapat niyang basahin o hindi. Dapat
iwasan ang mahabang paglalahad upang hindi
naman malaman ng lahat ng mambabasa ng
rebyu ang kalahat-lahatang bagay at hindi na
niya kakailanganing basahin pa ang akda.
9. Iwasang makulayan ang rebyu ng palagay at
kuro ng mga propesyonal na mamumuna na
nakapagpahayag na ng kanyang kuro-kuro sa
akda.
10. Pag-ukulan din ng pagpapahalaga ang estilo ng
pagkakasulat bukod sa nilalaman. Maaaring
dahil sa estilo ay maiba ang akda sa ibang
tumatalakay sa gayon ding paksa. Maaaring sa
estilo ay maging lalo itong mahalaga kaysa
ibang akda.

You might also like