You are on page 1of 65

PAGSULAT NG

TALUMPATI
MGA LAYUNIN

Nabibigyang- Natutukoy ang mga Nakasusuri ng isang Nakasusulat ng isang


kahulugan ang gabay at dapat halimbawa ng talumpati batay sa
talumpati at nakikilala isaalang-alang sa talumpati. nabasang halimbawa.
ang mga uri nito batay pagsulat ng talumpati
sa nilalaman at
pamamaraan.
Ang TALUMPATI ay isang pormal na paglalahad ng
kaisipan o opinyon sa pamamagitan ng pagsasalita
sa entablado sa harap ng mga tagapakinig o
audience. Ito ay kadalasang pinaghahandaan bago
bigkasin sa harapan ng tao kahit ito pa man ay
biglaan. Ang pagsulat ng talumpati ay susi sa
mabisang pagtatalumpati.
MGA LAYUNIN NG TALUMPATI

1 2 3 4

Manghikayat ng ibang Magbigay ng Tumugon sa isang Magbigay ng


tao impormasyon isyu karagdagang
kaalaman
ANO ANG
PAGTATALUMPATI?
Ang PAGTATALUMPATI ay ang proseso
ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan
sa paraang pasalitang tumatalakay sa
isang partikular na paksa. Ito ay isang
uri ng sining ng pagsasalita na maaaring
nanghihikayat, nangangatwiran, o
tumatalakay ng isang paksa para sa
mga tagapakinig.
MASUSUKAT SA TALUMPATI
ANG MGA SUMUSUNOD:

➢ Katatasan ng mananalumpati;
➢ husay ng mananalumpati; at
➢ dunong ng mananalumpati
➢ paggamit ng wika at katatagan ng
kanyang paninindigan.
Magiging ganap ba ang
isang talumpati kung
hindi ito mabibigkas sa
harap ng madla?
PANGATWIRAN ANG IYONG
SAGOT.
Ang isang talumpating
isinulat ay hindi
magiging ganap na
talumpati kung ito ay
hindi mabibigkas sa
harap ng madla.
MGA URI NG TALUMPATI
BATAY SA NILALAMAN AT PAMAMARAAN
Naglalayong magbigay ng impormasyon
tungkol sa ano mang bagay, pangyayari,
konsepto, lugar, tao, proyekto at iba pa.
Ang kabuuang diskurso nito ay
maglahad at magpaliwanag upang
maunawaan ng mga tagapakinig ang
paksang tinatalakay.
Maaaring maging paksa ng talumpati ang
pagpapaliwanag tungkol sa proseso na
naglalaman ng mga sistematikong serye ng
aksyon na tutungo sa resulta o pagbuo ng
produkto. Maaari ring simpleng pagpapaliwanag
ng iba’t ibang konsepto ng teorya, prinsipyo,
paniniwala o ideya ang isang talumpating
nagbibigay impormasyon.
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT
NG IMPORMATIBONG TALUMPATI

• Limitahan ang paksang tinatalakay upang


magkaroon ng pokus ang laman ng talumpati.
• Huwag ipagpalagay na lahat ng tinatalakay ay alam
ng mga tagapakinig.
• Sikaping magbigay ng mga halimbawang malapit sa
karanasan ng tagapakinig.
Ito ay kadalasang nakatuon sa mga paksa o
isyung kinapapalooban ng iba’t ibang
perspektiba o posisyon na nagbibigay ng
partikular na tindig o posisyon sa isang isyu
ang isang natatalumpati batay sa malaliman
niyang pagsusuri sa isyu.
Maaaring maging sentro ng isang
mapanghikayat na talumpati ang
pagkuwestyon sa isang katotohanan, sa
isang pagpapahalaga, o kaya ay sa
polisiya.
Mahalagang mahikayat ang mga
tagapakinig napag-isipan ang mga
pagpapahalaga sa pamamagitan ng
kritikal na pagtatanong ng isang
mananalumpati.
Ang mensahe ng talumpati ay
kailangang iangkop sa kaalaman,
interes, pagpapahalaga, aktibiad, at
mga paniniwala ng target na
tagapakinig.
Samantala, liban sa dalawang tinalakay na uri
ng talumpati, tinukoy nina Bernales, et al.
(2006) ang iba pang uri tulad ng talumpating
Pampalibang, Talumpating Pampasigla,
Talumpating Nagbibigay-galang at Talumpating
Papuri.
Ang huli ay maaaring binibigkas sa
okasyon ng serbisyong nekrolohikal,
pagtatalaga sa katungkulan,
pamamaalam-paghahandog o
retirement at pagmumungkahi o
pagsuporta sa kandidatura.
DALAWANG PARAAN NG
PAGTATALUMPATI
Isang uri ng talumpati batay sa pamamaraan.
Isinasagawa ito ng walang ano mang paunang
paghahanda. Mahalaga ito upang masukat ang
lalim at lawak ng kaalaman, husay sa
organisasyon ng ideya, talas ng pagsusuri at
pagbibigay-diin sa mahahalagang aspekto ng
isang isyu ng isang tagapagsalita.
Ito ay maingat na inihanda, pinagplanuhan at
ineensayo bago isagawa. Sa mismong pagbigkas ng
talumpati, gmagamit ng mga maiiksing tala ang
tagapagsalita upang maalala ang mahahalagang punto
ng talumpati. Madalas ito sinasaulo o memoryado.
Kumbersasyonal ang katangian ng talumpati kahit
praktisado at ispontanyo ang dating nito sa mga
tagapakinig.
1. PILIIN LAMANG ANG ISANG PINAKAMAHALAGANG IDEYA.

Ipinapakita ng mga pananaliksik na kaunti lamang ang


naaalala ng isang tagapakinig mula sa isang talumpati
kung kaya’t kailangang magbigay ng isa o dalawang
pinakamahalagang ideya lamang na pag-iisapan nila.
Laging isipin na maikling panahon lang ang nakalaan sa
iyo para magtalumpati.
2. MAGSULAT KUNG PAANO KA NAGSASALITA.

Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at


hindi sanaysay.

Hindi ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng mga


tagapakinig. Mas mabuti kung kumbersasyonal ang tono
ng talumpati.
3. GUMAMIT NG MGA KONGKRETONG SALITA AT HALIMBAWA.

Laging isaisip na nagsusulat ka ng isang talumpati at


hindi sanaysay.
Hindi ka babasahin, bagkus ay pakikinggan ng mga
tagapakinig. Mas mabuti kung kumbersasyonal ang tono
ng talumpati.
4. TIYAKING TUMPAK ANG MGA EBIDENSYA AT DATOS NA
GINAGAMIT SA TALUMPATI.

Mahalaga ang pananaliksik para sa talumpati. Kailangang


ilatag ng isang tagapagsalita ang kanyang kredibilidad sa
pamamagitan ng kakayahan at kaalaman sa paksa, at
magagawa lamang ito sa pamamagitan ng malalim na
pag-unawa at pagbabasa tungkol sa paksa.
5. GAWING SIMPLE ANG PAGPAPAHAYAG SA BUONG
TALUMPATI.

Kapag naisulat na ang unang burador ng talumpati,


balikan ito at maghanap ng mga salita o pahayag na
maaari pang bawasan, paikliin o gawing simple.

Ang pagbabawas ng mga salita sa isang talumpati ay


maaaring mas magbigay linaw rito.
Ayon sa Layunin
Ang layunin ng talumpating ito
ay ipabatid sa mga nakikinig ang
tungkol sa isang paksa, isyu o
pangyayari.
Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng kasiyahan sa
mga nakikinig.
Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng inspirasyon sa
mga nakikinig.
Pangunahing layunin ng talumpating
ito na hikayatin ang mga tagapakinig
na tanggapin ang paniniwala ng
mananalumpati sa pamamagitan ng
pagbibigay-katwiran at mga patunay.
Layunin ng talumpating ito na
tanggapin ang bagong kasapi ng
samahan o organisasyon.
Layunin ng talumpating ito na
magbigay ng pagkilala o
pagpupugay sa isang tao o
samahan.
MGA DAPAT
ISAALANG-ALANG SA
PAGSULAT NG
TALUMPATI
MGA DAPAT ISA-ALANGALANG SA
PAGSULAT NG TALUMPATI

A. Uri ng B. Tema ng C. Hulwaran D. Kasanayan sa


Paksang sa Pagbuo paghabi ng mga
tagapakinig
Tatalakayin ng Talumpati bahagi ng
Talumpati
1. ANG EDAD O GULANG NG MGA
MAKIKINIG

Iakma ang nilalaman ng paksa


at ang wikang gagamitin sa
edad ng mga makikinig.
A. URI NG MGA
TAGAPAKINIG
2. ANG BILANG NG MGA
MAKIKINIG

Kung maraming makikinig,


marami ring paniniwala at
saloobin ang dapat na isaalang-
alang ng mananalumpati.
3. KASARIAN

Madalas magkaiba ang interes,


kawilihan, karanasan, at
kaalaman ng mga kalalakihan sa
kababaihan.
4.
EDUKASYO
N O ANTAS
SA
– Malaki ang
LIPUNAN
kinalaman ng
edukasyon sa
kakayahan ng mga
tagapakinig na
5. MGA
SALOOBIN
AT DATI
NANG ALAM
-Dapat mabatid din
NG gaano
kung MGA kalawak
NAKIKINIG.
ang kaalaman at
karanasan ng mga
nakikinig tungkol sa
1. PANANALIKSIK NG
DATOS AT MGA KAUGNAY
-Magiging mahina ang talumpati kung
NA BABASAHIN
ito ay salat sa mga datos, walang
laman, at may mga maling
impormasyon.
2. PAGBUO NG TESIS
-Ang tesis ang magsisilbing pangunahing ideya kung ang
layunin ng talumpati ay magbigay kabatiran, ito naman
ay magsisilbing pangunahing argumento o posisyon
kung ang layunin ng talumpati ay manghikayat at
nagsisilbi naman itong pokus ng pagpapahayag ng
damdamin kung layunin ng talumpati ay magtaguyod ng
pagkakaisa ng damdamin ng mga makikinig.
3. PAGTUKOY SA MGA
PANGUNAHING
-Mahalagang mahimay o matukoy ang

KAISIPAN O PUNTO
mahahahlagang detalyeng bibigyang-pansin
upang maging komprehensibo ang susulatin
at bibigkasing talumpati.
Gamit ang hulwarang ito, ang mga
detalye o nilalaman ng talumpati ay
nakasalalay sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari o panahon.
Ang paghahanay ng mga
materyales na talumpati ay
nakabatay sa pangunahing paksa.
Kung ang paksa ay kailangang
hatiin sa mga tiyak ang paksa ay
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang
pagkakahabi ng talumpati gamit ang hulwarang
ito – ang paglalahad ng suliranin at ang
pagtalakay sa solusyon na maaaring isagawa.
Kalimitang ginagamit ang hulwarang ito sa mga
uri ng talumpating nanghihikayat o
INTRODUKSYON
Ito ay naghahanda sa mga nakikinig
para sa nilalaman ng talumpati kaya
naman dapat angkop ang pambungad
sa katawan ng talumpati.
DISKUSYON O KATAWAN
Dito makikita ang pinakamahahalagang
bahagi ng talumpati sapagkat dito
tinatalakay ang mahahalagang punto o
kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig.
Ito ang pinakakaluluwa ng talumpati.
KATAPUSAN O
Dito kalimitang nilalagom ang mga
KONGKLUSYON
patunay at argumentong inilalahad sa
katawan ng talumpati. Ito ay kalimitang
maikli ngunit malaman.
HALIMBAWA NG
Sa Iyong Kamay Nakasalalay ang
TALUMPATI
Kaginhawaan
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Bakit marami sa atin ang hindi magawang iunat
ang mga paa para makatulog lamang ng
mahimbing? At marami pa rin ang mga nakaunat
na kamay sa kalye kahit sinasabi nilang lumalago
ang ekonomiya ng Filipinas.
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Ang isyu ng kahirapan ay hindi na bago sa ating
mga Filipino. Ito ay maituturing nang kanser sa
ating lipunan dahil sa bawat pagkalam ng ating
mga sikmura kung hindi man tayo makahanap ng
lunas para dito ay unti-unti naman tayong
pinapatay nito.
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Ayon sa Pulse Asia Survey, 73.3% ng pamilyang Filipino ang
kumakain nang isang beses lamang sa isang araw.
Ang sapilitang pangingibang-bayan ng mga Filipino upang
makahanap ng trabaho ay naging parte na ng ating kultura.
Dala ng labis na kahirapan, ito ang nagiging tugon ng ating mga
kababayan upang makaraos sa araw-araw na pamumuhay. Ang
salitang “kapit sa patalim” ay maaari ring maiuugnay sa bagay
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Maraming dahilan kung bakit hindi makatakas si
Juan Dela Cruz sa gapos ng kahirapan. Una, ang
talamak na kurapsyon: ang pagnanakaw ng pera
sa kaban ng bayan. Ang mga perang nakalaan
sana para sa kapakanan ng mga mamamayan ay
napupunta lang sa bulsa ng iilan na mga may
kapangyarihan sa pamahalaan.
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Ikalawa, ang kakulangan sa
edukasyon. Ito ang tanging sandata
natin para maging matagumpay sa lahat
ng hamon ng buhay. Paano tayo aangat
kung hindi sapat ang ating kaalaman
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Ikatlo, kawalan ng trabaho o kabuhayan.
Talagang lumulubo na ang populasyon ng
ating bansa kaya hindi na rin sapat ang bilang
ng trabaho para sa mga Pinoy. Dahil dito ay
wala silang sapat na panustos sa pang-araw-
araw na pamumuhay.
SA IYONG KAMAY
NAKASALALAY ANG
KAGINHAWAAN
Kung tutuusin, iilan lamang ito sa napakaraming
krisis na kinakaharap ng bansa. Pero tayo din naman
talaga ang gumagawa ng problema. Ngunit, tayo rin
mismo ang makakalutas nito.
Simulan mo ngayon. Huwag nating tuluyang hayaang
malunod tayo sa kumunoy ng kahirapan!

You might also like