You are on page 1of 25

PAGSULAT

NG
TALUMPATI
Ang Talumpati ay nag papakita ng katatasan
at kahusayan ng tagapagsalita sa
panghihikayat upang paniwalaan ang
kanyang paniniwala, pananaw, at
pangangatwiran sa isang partikular na
paksang pag-uusapan.
Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa
mabisang pagtatalumpati.
PAGTATALUMPATI
Isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng
ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa
Isinusulat ito upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig
APAT NA URI NG TALUMPATI BATAY SA KUNG
PAANO ITO BINIBIGKAS

Biglaang Talumpati (IMPROMPTU)


ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.

Maluwag (EXTEMPORANEOUS)
Nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan batay sa paksang
ibinigay bago ito ipahayag.
Manuskrito
Ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar, o
programa sa pagsasaliksik kaya pinag-aaralan
ito ng mabuti at dapat na nakasulat.

Isinaulong Talumpati
Hindi binabasa ang ginawang manuskrito
kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita
Mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin
1. Talumpating Nagbibigay ng
Impormasyon o Kabatiran
Ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa
isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na
maging malinaw at makatotohanan ang
pag lalahad ng datos kaya mahalagang sa
pagsulat nito ay gumamit ng mga
dokumentong mapagkatiwalaan.
2. Talumpating Panlibang
Magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kaya naman
sa pagsulat nito, kailangang lahukan ito ng mga birong
nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay.
Ginagawa ito tuwing salusalo, pagtitipong sosyal, at
mga pulong ng mga samahan.
.
3.Talumpating Pampasigla
Magbigay inspirasyon sa mga nakikinig. tiyaking
makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at
isipan ng mga tao. Karaniwang isinasagawa ang
ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mg
paaralan at pamantasan, pagdiriwang ng anibersaryo
ng mga samahan o organisasyon, kumbensiyon.
4. Talumpating Panghikayat
Hikayatin ang mga tagapakinig na tangapin a mong
paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng
pagbibgay-katwiran at mga patunay.
5. Talumpati ng Papuri
Magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng
pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal, atbp.
6. Talumpati ng Pagbibigay- galang
Tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon. ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang
bagong opisyal na natalaga sa isang tungkulin.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng
Talumpati

A. Uri ng mga Tagapakinig


B. Tema o Paksang Tatalakayin
C. Hulwaran sa Pagbuo ng Talumpati
D.Kasanayan sa Paghabi ng mga bahagi ng
Talumpati
A. Uri ng mga Tagapakinig
Mahalagang magkaroon ng kabatiran ang
mananalumpati tungkol sa kaalaman,
pangangailangan, at interes ng kanyang
magiging tagapakinig.
1. Ang edad o gulang ng mga makikinig
2. Ang bilang ng mga makikinig
3.Kasarian
4. edukasyon o antas ng lipunan
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga
nakikinig
1.Ang edad o gulang ng mga makikinig
Mahalagang alamin ang edad o gulang ng mga
tagapakinig. Iakma ang nilalaman ng paksa at maging
wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig.
2. Ang bilang ng mga makikinig
Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at
saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati
3.Kasarian
Madalas magkaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at
kaalaman ng kalalakihan sa kababaihan. Magkaibang
pananaw ang dalawa hinggil sa isang partikular na
paksa.
4. edukasyon o antas ng lipunan
Malaki ang kinalaman ng edukasyon sa kakayahan ng
mga tagapakinig na umunawa sa paksa. kung ang mga
makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang
gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa
kanila. Kung ang karamihan naman sa mga makikinig ay
mga edukado at kabilang sa mataas na antas ng
lipunan,iba ring pamamaraan ng pagtalakay ang dapat
gamitin sa kanila
5. Mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig
Kung may alam na ang mga tagapakinig tungkol sa
paksa, sikaping sangkapan ito ng mga bago at
karagdagang impormasyon upang hindi sila mabagot o
mawalan ng interes
B. Tema o Paksang Tatalakayin
Mahalagang matiyak ang tema ng
pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati
ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.

1.Pananaliksik ng datos at mga kaugnay na


babasahin
2.Pagbuo ng tesis
3.Pagtukoy sa mga pangunahing kaisipan o
punto
1. PANANALIKSIK NG DATOS AT MGA KAUGNAY NA
BABASAHIN
Ito ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng
pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa
ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, at
dyornal. Maaari ding magsagawa ng interbyu sa isang
taong eksperto sa paksang tatalakayin.
Maging mahina ang talumpati kung ito ay salat sa
mga datos, walang laman, at may maling
impormasyon.
Sa kasalukuyan, ang Internet ang isa sa pangunahing
ginagamit ng marami sa pangangalap ng mga datos
mula sa mapagkatiwalaang mga sanggunian, artikulo,
aklat, atbp.
2. PAGBUO NG TESIS
Mahalagang matukoy ang tesis sapagkat dito iikot ang
pangunahing mensaheng ibabahagi sa mga tagapakinig.
Magsisilbing pangunahing argumento o posisyon kung ang
layunin ng talumpati ay manghikayat, at nagsisilbi naman
itong pokus ng pagpapahayg ng damdamin kung ang
layunin ng talumpati ay magtaguyod ng pagkakaisa ng
damdamin ng mga makikinig.
3. PAGTUKOY SA MGA PANGUNAHING KAISIPAN O PUNTO
Kapag may tiyak nang tesis para sa talumpati, maaari nang
alamin ng mananalumpati ang mga pangunahing punto na
magsisilbing batayan ng talumpati. Mahalagang mahimay o
matukoy ang mahahalagang detalyeng bibigyang-pansin
upang maging komprehensibo ang susulatin at bibigkasing
talumpati
C. HULWARAN SA PAGBUO NG TALUMPATI
Ayon kina Casanova at Rubin (2001), may
tatlong hulwarang maaaring gamitin sa
pagbuo ng talumpati

1.Kronolohikal na hulwaran
2.Topikal na hulwaran
3.Hulwarang Problema-Solusyon
1. KRONOLOHIKAL NA HULWARAN
Ang mg detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa
pagkakasunod-sunod ng pangyayari o panahon. Maaaring
isagawa ang paghahanay ng detalye mula sa unang
pangyayari, sumunod na mga panyayari, at panghuling
pangyayari.
2. TOPIKAL NA HULWARAN
Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay
nakabatay sa pangunahing paksa. Kung ang paksa ay
kailangang hatiin sa mga tiyak na paksa ay mainam na
gamitin ang hulwarang ito.
3. HULWARANG PROBLEMA-SOLUSYON
Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng
talumpati gamit ang hulwarang ito- ang paglalahad ng
suliranin at ang pagtalakay sa solusyon na maaring isagawa.
D. KASANAYAN SA PAGHABI NG MGA BAHAGI
NG TALUMPATI
Ang paghahabi o pagsusulat ng nilalaman ng
talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos
ito ay napakahalaga ring isaalang-alang upang
higit na maging mahusay, komprehensibo, at
organisado ang bibigkasing talumpati.
1. INTRODUKSIYON
2. DISKUSYON O KATAWAN
3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON
4.HABA NG TALUMPATI
1. INTRODUKSIYON
Naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng
talumpati kaya naman dapat angkop ang
pambungad sa katawan ng talumpati
a. mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga
makikinig.
b. makuha ang kanilang interes at atensiyon
c. maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping
pagtalakay sa paksa
d. maipaliwanag ang paksa
e. mailahad ang balangkas ng paksang tatalakayin
f. maihanda ang kanilang puso at isipan sa mensahe
2. DISKUSYON O KATAWAN
Dito tinatalakay ang mahahalagang puntong
nais ibahagi sa mga nakikinig.
Mga katangiang kailangang taglayin ng
katawan ng talumpati
a. KAWASTUHAN
b. KALINAWAN
c. KAAKIT-AKIT
3. KATAPUSAN O KONGKLUSYON
Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at
argumentong inilahad sa katawan ng
talumpati. Ito ay kalimitang maikli ngunit
malaman. Maaaring ilagay rito ang
pinakamatibay na paliwanag at katwiran
upang mapakilos ang mga tao ayon sa layunin
ng talumpati
4.HABA NG TALUMPATI
Nakasalalay kung ilang minuto o oras ang
inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito.
Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito
ang pagtiyak sa nilaang oras.

You might also like