You are on page 1of 4

TALUMPATI

Depinisyon: Ito ay isang sulating nagpapaliwanag ng isang paksang naglalayong manghikayat, tumugod,
mangatwiran at magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito’y sinusulat
para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig o publiko.

3 Uri ng talumpati ayon sa Kahandaan:

1. Daglian o Biglaan (IMPROMPTU) walang handa ang mananalumpati.


2. Maluwag (Extemporaneous) may inihandang balangkas ng talakayan at may panahon magtipon
ng mga datos ang mananalumpati bago ang pagsasalita.
3. Handa (Prepared) ganap ang paghahanda at kabisado ng mananalumpati ang kanyang talumpati.

Uri ayon sa layunin:

1. IMPORMATIBO Naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Ang layunin
nito ay magturo at ibigay ang wasto at nararapat na konsepto o kaisipan ukol sa isang paksa, o
pagbibigay ng wastong paraan upang makabuo ng isang bagay.
2. NANGHIHIKAYAT sinusulat upang hikayatin na panigan ang opinyon o paniniwala ng
tagapagsalita. Ang layunin nito ay manghikayat at makapanghimok tungo sa sa positibong
pagpapakilos ukol sa isang paniniwala o hangarin. Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga
tagapakinig.

Hal; Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro

Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o myembro

Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

3. NANG-AALIW Ito ay maaring nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling kwento. Ang


layunin nito ay manlibang, makapagbigay- aliw at maging kawili-wili sa mga tagapakinig. Hal;
Pagbibigay-pugay sa isang mahalagang tao sa pamamagitan ng pagkukwento ng nakatatawang
karanasan.
4. NAGPAPARANGAL ito ay ginagamit upang magparangal sa isang tao o kaya magbigay ng papuri
sa mga kabutihang nagawa ng isang tao, groupo o ahensya.

Layunin nito na bigyang

 Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan


 Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
 Pamamaalam sa isang yumao
 Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
5. OKASYONAL Isinusulat at binibigkas na para sa isang partikular na okasyon gaya ng kasal,
kaarawan atbp.

Layunin ng talumpati:

1. Manghikayat

2. Manlibang
3. Magturo

4. Magbigay-puri

5. Magbigay-Kabatiran

6. Magbigay-puna

Bahagi ng Talumpati

1. Simula (Introduksyon)

Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang makuha sa simula pa lang ang
atensyon ng tagapakinig. Ang isang magandang simula ay yaong nakaaakit ng pansin ng madla. Ang pag-
akit sa nakikinig sa pamamagitan ng mapang-akit na simula ay maisasagawa sa iba’t ibang kaparaanan.

2. Katawan o Gitna

Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati. Ang pinaka-katawan ng talumpati ang
nagtataglay ng mga mahahalagang kaisipang ninanais ihatid sa ng nagtatalumpati. Ito ay dapat magtaglay
ng mga paliwanag, paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa, pagbanggit sa mga tunay na
pangyayari, estadistika at patotoo.

3. Katapusan o Wakas

Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito ang pinakamalakas na
katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa
ng talumpati. Sa pamamagitan ng isang mahusay na wakas, ang panggitnang diwa ng talumpati ay iniiwan
sa isipan ng nakikinig.

Paano gumawa ng Talumpati:

1. Pagpili ng paksa kailangan suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman,
karanasan, at interes. Ito rin ay dapat napapanahon at may kaugnayan sa okasyong
ipinagdiriwang.
(Pumili ng magandang paska…explanation)
2. Pagtitipon ng mga materyales kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng
materyales na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na
talumpati. Maaring pagkunan pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga
karanasan na may kinalaman sa paksa.
(Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa napiling
paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o kaya ay mga basahin na may
kaugnayan sa paksang gagamitin.) explanation ex

 (Pagbuo ng plano at pagtitipon ng materyal – Kailangang pag-aralang mabuti ang paksa o tema,
at/o papel ng ng tagapagtalumpati sa okasyon. Isaisip na maraming iba’t ibang paraan o
estratehiya ng paggawa ng isang paksa o tema. Ilista ang mga ito at piliin ang pinakaangkop sa
okasyon sa layunin, sa manonood at tagpuan. madali lang ang mismong pagsusulat kung ang lahat
ng material na kailangan ay nandiyan na sa mismong oras ng pagsulat. Ito ay maaring aklat,
artikulo, panayam, kuwento, pelikula, musika, at/o larawan.) Dagdag explanation lang to

3. Pagbabalangkas ng mga ideya ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula,


katawan, at pangwakas.
4. Simulan isulat ang mga bahagi. Dapat dito isaalang-alang ang uri ng wika at mga angkop na
salita na magiging kaaya-aya at mauunawaan ng tagapakinig.

Dapat tandaan sa pagsulat ng talumpati:

 Alamin ang okasyon at layunin nito: Mahalagang alamin ng tagapagtalumpati ang layunin ng
pagdaraos ng okasyon at tagpuan upang matiyak ng tagapagtalumpati sa kaniyang sarili kung ano
ang kaniyang magiging layunin sa pagtatalumpati.
 Kilalanin ang manonood; Ang manonood ay hindi lamang tagapakinig. Pangunahing salik din sila
sa nilalaman at estilo ng talumpati. Mahalaga ito dahil kailangang isaalang-alang ang mga ito sa
pagtitiyak sa nilalaman, tagal, at tono ng talumpati.

 Maghanda ng isang balangkas ng paghahanda at pagbubuod ng talumpati. Ito ang magbibigay ng


direksiyon sa pagsulat sa pamamagitan din nito ay maaaring makita kung ano pang bahagi ang
kulang sa datos at kung kailangan pa ng dagdag na materyal

 Sumulat gamit ang wikang pabigkas at sa simpleng estilo ngunit tiyaking pormal; alalahanin na
ikaw ay nagsusulat kung saan iyong bibigkasin ito sa harap ng marami. Kung masyado komplikado
ang iyong pagkakagawa ay hindi ka maiintindihan at mawawalan ng interes ang tagapakinig.

(Gumamit ng iba’t ibang estratehiya at kumbensyon sa pagpapahayag. Tiyakin na Pormal, ang


talumpati ay isang pormal na pagpapahayag na binibigkas sa harap ng manonood o tagapakinig.
Pinaghahandaan, gumagamit ng piling wika, at may tiyak na layunin. Ang talumpati ay isang
tekstong binibigkas kaya dapat madulas bigkasin ang mga salita at angkop ang haba ng mga
pangungusap.) Dagdag explanation lang rin

 Gumamit ng mga angkop na salitang transiyonal, tawag sa mga kataga/salita na nag-uugay sa


pagsusunod ng mga pangyayari at paglilista ng mga ideya at pangyayari, upang hindi malito ang
tagapakinig at maging malinaw ang talumpati

 Paggamit ng mga tayutay o bigyang sigla: Makatutulong ang mga tayutay na ito sa pagganyak ng
mga tagapagpakinig dahil naipahahayag ang mga abstraktong ideya sa pamamagitan ng
konkretong kaisipan. Gumamit ng mga hindi tahasan ang pagpapahayag upang hindi makasakit
ng damdamin at hindi masira ang pakikipagkapwa-tao.
Hal; Ang kabataan ang pag-asa ng bayan ;Ang buhay ay parang gulong; Ang isang tapat na kaibigan
Mahigit pa sa ginto na kaban; Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, Ay naihahalintulad
sa malansang isda; Pag may tiyaga May nilaga.
(Hindi tahasan ang pagpapahayag upang hindi makasakit ng damdamin at hindi masira ang
pakikipagkapwa-tao 1. “Maglaro ng apoy” sa halip na “magtaksil” 2. “Batu-bato sa langit, ang
matamaan huwag magalit. 3. Mahaba ang kamay para sa magnanakaw.) isama sa explanation

Reporters: 11 STEM A

Beatriz Rosabel Lukban


Nathaniel Romana
Kobe Airon Jerez
Althea Banzali
Rizza Pagdingalan

SANGGUNIAN:
 Bernales, Rolando A., Pagsulat sa Filipino. 2016
 Carasig, Keico., www.slideshare.net., Enero 2, 2017
 Faculty.washington.edu/ezent/impo.htm
 Pondantes, Fritz Earlin ., www.slideshare.net, Mayo 5, 2016
 Sacristan, Joeffrey., www.slideshare.net, Agosto 11, 2017
 Gabiane, Ruth O., Talumpati_kaligiran.pptx, 2018
 https://pinoycollection.com/talumpati/
 https://pytnpndportfolio.wordpress.com/mga-akademikong-sulatin/
 https://masongsongrickimae.wordpress.com/2016/10/16/katangian-layunin-at-gamit-ng-akademikong-sulatin/
 https://www.slideshare.net/Joeffreysacristan/uri-ng-talumpati-ayon-sa-layunin-atbp
 https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-pampanitikan-katangian-ng-
isang-mahusay-na-kritiko?next_slideshow=1

You might also like