You are on page 1of 32

LAYUNIN

1.Nabibigyang pagpapakahulugan ang talumpati.

2. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng talumpati ayon sa nilalaman


at pamamaraan.

3. Naibabahagi ang kahalagan ng talumpati sa bawat mag-


aaral.

4. Nakabibigkas ng pinaghandaan o impromptu talumpati


PAGGANYAK
Basahin ng may tamang tono at damdamin ang dayalogo ng
mag-ina.

Isang Tagpo:
Papasok sa paaralan ang anak ni Aling Sharon. Sila ay
magkausap bago umalis ang anak.

KC: Mama, ako po ay papasok na.


Aling Sharon: Mag-ingat ka anak. Ito ang baon mo , ngunit
wala akong barya kaya’t ipadadala ko na sa iyo ang Php
500. Siguraduhin mong ang makukuha mo lamang diyan ay
ang iyong gagastusin sa araw na ito.
Pamasahe mo balikan at Php70.00 , pagkain ay maglaan ka
ng Php 95.00 pambili ng iyong proyekto na nagkakahalaga
ng Php135.00 at pakibili mo na rin ako ng Kare -kare Mix sa
halagang Php50.00. Sige nga anak , alam kong mahusay ka
sa Matematika, magkano ang dapat matirang sukli.?
KC: Salamat po Mama, Ang sukli po ay Php _____.
Paalam Mama.
Aling Sharon: Ingat ka, makinig mabuti sa guro.

KC: Opo Mama,salamat Mama,alam ko may bago


aralin po kami ngayon. Bye.
TALUMPA
TI
Ang talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng
kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol sa isang
paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.
Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at nagtatalumpati sa
harap ng publiko o grupo ng mga tao.

Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon, tumugon,


humikayat, mangatwiran, at maglahad ng isang paniniwala. Isa rin
itong uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga tagapakinig.
4 NA URI NG TALUMPATI

1. Biglaang talumpati (Impromptu) – ang talumpating


ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda.
Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita.
Ang susi ng katagumpayan nito ay nakasalalay sa
mahalagang impormasyong kailangang maibahagi sa
tagapakinig.
NARITO ANG ILANG PAALALA SA
BIGLAANG PAGTATALUMPATI:
1. Maglaan ka ng oras sa paghahanda
2. Magkaroon ng tiwala sa sarili
3. Magsalita nang medyo mabagal
4. Magpokus
4 NA URI NG TALUMPATI

2. Maluwag (Extemporaneous) – kung ang


biglaang talumpati ay isinasagawa nang
biglaan o walang paghahanda, sa talumpating
ito nagbibigay ng ilang minuto para sa pagbuo
ng ipahahayag na kaisipan batay sa paksang
ibinigay bago ito ipahayag. Kaya madalas na
outline lamang ang isinusulat ng
mananalumpating gumagamit nito.
4 NA URI NG TALUMPATI

3. Manuskrito – ang talumpating ito ay ginagamit


sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa
pagsasaliksik kaya pinag-aralan itong mabuti at
dapat na nakasulat. Ang nagsasalita ay
nakadarama ng pagtitiwala sa sarili sapagkat
naisasaayos niya nang mabuti ang kanyang
sasabihin.
4 NA URI NG TALUMPATI
4. Isinaulong Talumpati – ito ay kagaya rin ng
manuskrito sapagkat ito ay mahusay ring pinag-aralan
at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng
tagapakinig. May oportunidad na magkaroon ng
pakikipag-ugnayan sa tagapakinig sapagkat hindi
binabasa ang ginawang manuskrito kundi sinasaulo at
binibigkas ng tagapagsalita.
MGA URI NG
TALUMPATI AYON SA
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
LAYUNIN
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

1. Talumpating Pampalibang - Ang mananalumpati ay


nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento. Kadalasan ito ay binibigkas
pagkatapos ng isang salusalo.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

2. Talumpating Nagpapakilala - Kilala rin ito sa tawag


na panimulang talumpati at karaniwan lamang na
maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o
may pangalan na. Layon nitong ihanda ang mga
tagapakinig at pukawin ang kanilang atensyon sa
husay ng kanilang magiging tagapagsalita.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

3. Talumpating Pangkabatiran - Ito ang gamit sa mga


panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong
pangsiyentipiko, diplomatiko at iba pang samahan ng
mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan. Gumagamit
dito ng mga kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN

4. Talumpating Nagbibigay-galang - Ginagamit ito sa


pagbibigay galang at pagsalubong sa isang panauhin,
pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
5. Talumpating Nagpaparangal - Layunin nito na bigyang
parangal ang isang tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon tulad ng mga
sumusunod ginagamit ang ganitong uri ng talumpati.

• Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa


patimpalak at paligsahan
• Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
• Pamamaalam sa isang yumao
• Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo
MGA URI NG TALUMPATI AYON SA LAYUNIN
6. Talumpating Pampasigla - Pumupukaw ng damdamin
at impresyon ng mga tagapakinig kung saan kalimitang
binibigkas ito ng:

• Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro


• Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o
myembro
• Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANAN
ALUMPATI
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
1. Tinig- Nakatutulong ang tinig sa pag-unawa sa nilalaman
ng talumpati. Kailangang ibagay ang tinig sa nilalaman ng
pananalita. Isinasaalang-alang sa bahaging ito ang tulin o
bilis ng pananalita, pagbibigay-diin sa mahahalagang salita o
mensahe na kailangang maunawaan ng tagapakinig, tono ng
pananalita, pagtaas at pagbaba ng tinig, at paglakas at
paghina ng tinig. Ang magandang tinig ay madaling makaakit
sa madla. Iwasan ang matining na tinig o kaya ay garalgal na
tinig na parang sirang plaka.
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
2. Tindig- Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig
militar na parang naninigas ang katawan. Sikaping
maging magaan ang katawan at nakarelaks. Mahalaga
na magmukhang kapita-pitagan para makuha agad
ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri
ng anyo ay nakapagpapahiwatig na handanghanda
ang tagapagsalita.
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
3.Galaw- Ang galaw ay tumutukoy sa anumang
pagkilos na ginagawa ng tao na may kaugnayan sa
pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan o anumang
damdamin sa madla o mga tagapakinig. Nasasaklaw
ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig,
galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong
sa paghahatid ng mensahe.
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUMPATI
4. Kumpas ng mga kamay- Ginagamit ang kumpas ng
mga kamay sa pagbibigay-diin sa sinasabi.
Halimbawa, karaniwang itinataas ang hintuturo o
braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinion o
puntos ng talumati o pananalita. Ginagamit din ang
mga kumpas ng kamay para biigyan ng pagtutumbas
ang ideya.
GABAY SA PAGSULAT NG
TALUMPATI
• Pumili ng magandang paksa.
• Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon
tungkol sa napiling paksa.
• Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong
bahagi; ang simula, katawan at katapusan.
• Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang
ang tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
• Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati.
Kung maari ay magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng
talumpati at laging isipin ang iyong tagapakinig.
1. Ano ang talumpati?
2. Bakit mahalagang pag-aralan ang pagsulat ng talumpati?
3. Paano nakatutulong ang talumpati sa mga mag-aaral sa
loob ng paaralan?
4. Sa paggawa ng talumpati, bakit mahalagang ikonsidera o
bigyang pansin ang haba nito?
5. Paano ka makasusulat ng isang epektibong talumpati? Ano-
ano ang mga dapat tandaan sa sa pagsulat nito?
INDIBIDWAL NA GAWAIN

A. Panuto: Sumulat ng isang talumpati ayon sa napiling


paksa

Ipagpalagay na ikaw ay pinuno ng samahan ng mga


mag-aaral at ikaw ay naatasang gumawa ng isang
talumpati tungkol sa tamang paggamit ng social media.
Ibabatay ang pagmamarka sa talumpati ayon sa
pamantayan na nasa ibaba. katawan at katapusan.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga 8
haAbang sa pagsulat ng talumpati.

Nakasusulat ng organisado, malikhain, at 10


kapani-paniwalang talumpati.

Nakasusulat ng talumpating batay sa 10


maingat, wasto, at angkop na paggamit ng
wika
Nakabubuo ng talumpating may batayang 7
pananaliksik ayon sa pangangailangan.

Kabuoang puntos 35
INDIBIDWAL NA GAWAIN
B. Pagbigkas ng impromptu o pinaghandaang talumpati.

Ang bawat mag-aaral ay maghahanda sa pagbigkas ng talumpati. Maaaring


imprumtu o pinaghandaan. “Kabataan sa Panahon Ngayon”
Pamantayan Puntos
Nakabibigkas ng organisado, malikhain, at kapani- 8
paniwalang talumpati.
May wastong gamit ng wika. 7
Ipinakita ang wastong bigkas, tinig,tindig at galaw. 10
Kabuuan 25
Paghambingin ang mga sumusunod gamit ang venn diagram,ang
pagkakaiba at pagkakatulad

1. Biglaang Talumpati VS. Maluwag na Talumpati

2. Manuskrito VS. Isinaulong Talumpati


A. BADYET G. TALUMPATING PAMPASIGLA
B. TALUMPATI H. TALUMPATING PAMPALIBANG
C. TALA I. BIONOTE
D. BUHAY J. PLANONG GAWAIN
E. MALUWAG K. TALUMPATING NAGPAPARANGAL
F. MANUSKRITO L. PANUKALANG PROYEKTO

You might also like