You are on page 1of 16

Senior High School

Filipino sa Piling
Larangan
Akademik
Kuwarter 1 - Modyul 8:
Pagsulat ng Talumpati

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

BOOKLET NO. TSHS-FPLA-__________

1|Page
PAANO GAMITIN ANG MODYUL
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit ang modyul
na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit
nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan ang
mga araling nalinang.

3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.


4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang antas ng
iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka pang dagdag
na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin
sa pang-araw-araw na gawain.

6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.

2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman at
konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.

3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.

4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng aralin.

5. Isagawa – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin

6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin


7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin.

8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng


pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang pangkalahatang

2|Page
Para sa asignaturang ito, bawat mag-aaral ng
Filipino sa Piling Larangan Akademik at
Teknikal Bokasyonal ay kailangang may sariling
90 leaves na composition notebook. Lahat ng
inyong mga sagot sa bahaging ISAGAWA AT
PAPEL NG REPLEKTIBONG PAGKATUTO sa
bawat modyul ay siyang isusulat sa composition
notebook. Para naman sa iba pang bahagi, isulat
ang inyong mga sagot sa isang malinis na yellow
paper.

Inuulit ko, ang mga bahaging Inaasahan, Unang


Pagsubok, Balik-tanaw, Maikling Pagpapakilala
sa aralin, Tandaan, Pag-alam sa Natutunan, at
Pangwakas na Pagsusulit ay sa YELLOW
PAPER ISUSULAT ANG SAGOT.

Para naman sa bahaging ISAGAWA at PAPEL


NG REPLEKTIBONG PAGKATUTO, sa
composition notebook ninyo isusulat.

Maraming salamat.

3|Page
8 Pagsulat ng Talumpati

Inaasahan
INAASAHAN

Ang modyul na ito ay isinulat upang matulungan ka na magtamo ng mga


tiyak na kasanayang kaugnay sa pagsulat ng talumpati.

Pagkatapos sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:


Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.
CS_FA11/12PU-0p-r-94

Balik-Tanaw

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Isulat sa


iyong kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito ang bilis at hinahon ng


pananalita.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
2. Ginagamit ito sa pagbibigay diin sa sinasabi.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
3. Tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng tao na
may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng kaisipan.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
4. Sikaping maging magaan ang katawan at nakarelaks habang
nagsasalita sa harap ng mga tagapakinig.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay
5. Ginagamit ito upang bigyan ng diin ang pagtutumbas ng ideya sa isang
talumpati.
A. Tinig C. Galaw
B. Tindig D. Kumpas ng Kamay

4|Page
BALIK-TANAW

Inaasahan ko na sa oras na ito’y nabasa mo na ang mga dapat ihanda sa


pagbuo gayundin ang ilang halimbawa ng talumpati. Balikan natin ang mga
bagay na dapat isaisip sa pagsulat ng isang talumpati, ibahagi mo ang iyong
nalalaman ukol sa mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati. Isulat sa
YELLOW PAPER ang sagot.

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Sa bahagi ng araling ito, ikaw ay magiging mahusay na


mananalumpati. Iyong bibigyang pansin ang mga kasangkapan at
katangian sa mahusay na pagtatalumpati sa pamamagitan ng
pasulat at pasalitang paraan. Iyo ring mababasa ang isang
halimbawa ng talumpating isinulat na tumatalakay sa globalisasyon.

Mga Kasangkapan sa Mahusay na Pagtatalumpati


1. Tinig. Kung maganda ang tinig ng tagapagsalita ay agad nitong
mahihikayat ang mga tagapakinig na maunawaan ang nilalaman
ng isang talumpati. Kinakailangang isaalang-alang sa bahaging ito
ang bilis at hinahon ng pananalita, tono ng pananalita,
paglakas at paghina ng tinig at ang pagbibigay-diin sa
mahahalagang bahagi o mensahe ng isang talumpati.

2. Tindig. Tumindig nang maayos at iwasan ang tindig militar na


parang naninigas ang katawan. Sikaping maging magaan ang katawan at
nakarelaks. Mahalaga na magmukhang kapita-pitagan para makuha
agad ang atensyon ng mga tagapakinig. Ang ganitonng uri ng anyo
ay nakapagpapahiwatig na handang-handa ang tagapagsalita.

3. Galaw. Ang galaw ay tumutukoy sa anumang pagkilos na ginagawa ng


tao na may kaugnayan sa pagsasalita o pagpapahayag ng
kaisipan o anumang damdamin sa madla o mga tagapakinig.
Nasasaklaw ng galaw ang mata, ekspresyon ng mukha, tindig,

5|Page
galaw ng ulo at katawan. Lahat ng ito ay nakatutulong sa
paghahatid ng mensahe.

4. Kumpas ng mga kamay. Ginagamit ang kumpas ng mga kamay sa


pagbibigay- diin sa sinasabi. Halimbawa, karaniwang itinataas ang
hintuturo o braso kung ipinapahayag ang mahalagang opinyon o
puntos ng talumati o pananalita. Ginagamit din ang mga kumpas ng
kamay para bigyan ng pagtutumbas ang ideya. Halimbawa, kung
binabanggit ang dalawang magkaibang katuwiran ay maaaring itaas ang
kanan at kaliwang kamay sa kumpas sa pagpapatuloy ng diwa, imbis na
“umm ,saka, bale” ang lumalabas sa ating bibig sa tuwing may kailangang
alalahanin sa pananalita, ginagamit ang galaw ng kamay bilang di-
berbal na komunikasyon. Kailangang tumpak, tiyak, at maayos
ang kumpas ng mga kamay. Subalit, ginagamit lamang ito bilang
pantulong sa pananalita. Hindi dapat makaagaw ng pansin ang
sobrang pagkumpas ng kamay habang nagsasalita.

Katangian ng Mahusay na Tagapagsalita

1. Kahandaan. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung


pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati sa panimula o
introduksyong binibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda ang
panimula, makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig. May
dalawang mahahalagang salik para sa panimula ng pananalita: (a)
kilalanin ang tagapakinig at (b) isaalang-alang ang okasyon kung
pormal o di-pormal. Layunin ng dalawang ito na makapukaw
ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng tagapakinig kung
sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang
pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o estratehiya para
makuha ang atensyon nila.

2. Kaalaman sa Paksa. Ang sapat na kaaalaman sa paksa ng


tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng pagbigkas o
pagtalakay na ginagawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan
sa paksang tinatalakay sa paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay
ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing, pag-uulit ng padron at
ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling matuklasan
kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil
mararamdaman ito sa kanyang tinig at ikinikilos.

3. Kahusayan sa pagsasalita. Madaling maganyak na makinig ang publiko


kung matatas at mahusay magsalita ang mananalumpati/tagapagsalita.
Ibinibigay ng tagapagsalita ang kanyang tinig sa nilalaman ng
kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng
tagapagsalita gaya ng paggamit ng angkop na salita, wastong
gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalagang
maunawaan ng tagapakinig ang mensahe kaya nararapat na ibigay
ang lenggwaheng gagamitin sa uri ng tagapakinig.

6|Page
ISAGAWA 1

Panuto: Basahin ang sumusunod na talumpati ni Pat Villafuerte.


Pagkatapos, sagutin ang sumusunod na katanungan batay sa
nabasa. Isulat sa kwaderno ang sagot.

ANG PINOY... SULONG SA


GLOBALISASYON
Ni: Patrocino V.
Villafuerte

Ang Pinoy, kasama ito ng globalisasyon. Ngunit ang malaking


katanungan ay “Handa na ba tayo?" Ito po ang paksang aking tatalakayin
ngayong umaga. Kaya't tanggapin ninyo ang aking taos-pusong pagbati ng
magandang umaga.

Global warming... Peso devaluation... Economic sabotage…Oil prices increase...


Destabilization... World market.... Ilan lamang ang mga ito sa
kinakaharap na problema hindi lamang ng Pilipinas kundi maging ng
malalaking bansa sa buong daigdig. Ngunit paano malulutas ang mga
suliraning nabanggit? May iba pa bang paraan para sandali tayong
makatakas dito? Wala ba tayong maipapalit na salita para rito upang
tuluyan nang mabago ang masamang imahe at dapat na maging
bukambibig ng mga mamamayan sa panahon ngayon?

Bukambibig ngayon ang katawagang globalisasyon. Sa


diksyunaryo, ang kahulugan ng globo ay daigdig, at ang global ay
anumang nauukol sa daigdig, kaya ang globalisayon ay pagiging pandaigdig.

Ang globalisasyon ay tumutukoy sa pandaigdigang pagtutulungan ng mga


tao at pag-uugnayan ng mga bansa tungo sa mabilis na pag-unlad lalo na
sa larangan ng pangangalakal, teknolohiya at agham. Sa panahon ng
globalisasyon, nakaabang at naghihintay ang mga mamamayang Pilipino
sa mga pangyayaring maaaring maganap sa Pilipinas bunga ng
makabagong kaisipang niyayakap ng nakararami – ang globalisasyon na
umaagapay sa modernisasyon.

Ang Pilipinas, bilang isang bansang kabilang sa ikatlong daigdig ay


bukas sa lahat ng oportunidad na ipinagkakaloob ng mayayamang bansa;
hindi lamang sa larangang edukasyonal kundi maging sa larangang sosyo-
politikal at ekonomikal. Ayon nga kay dating PRC Commissioner Hermogenes
Pobre, hinahangad ng Pilipinas na makilahok sa tinatawag na NEW
GLOBAL ECONOMY. Ang bagong terminolohiyang ito ay tumutukoy sa
bagong uri ng ekonomiyang naglalarawan ng negosyong sinusugan ng

7|Page
teknolohiya na nakatuon sa kumplikadong pagsasaayos at transaksyon. Dahil
dito, ang bawat mamamayang Pilipino ay bukas ang isipan upang matugunan
ang mga pangangailangan sa globalisasyon. Dahil ngayon ang panahon ng
globalisasyon. Ngayon ang panahon ng pakikisangkot. Ngayon ang panahon
ng pagsulong.

Noong nakaraang administrasyon ay naglakbay si dating Pangulong


Gloria Macapagal-Arroyo sa Davos, Switzerland. Siya'y nakipagpulong sa
dalawampu't pitong pinuno ng iba-ibang bansa at libu-libong pinuno ng
negosyo mula sa ibang mundo sa World Economic Forum, Mula sa
Switzerland ay nagtungo ang pangulo sa Dubai para sa isang investment
roadshow. Ito'y pagpapatunay lamang na tanggap na tanggap na ang
Pilipinas sa malalaking bansa sa larangan ng ekonomiya. Ito ay isang
magandang halimbawa ng tinatawag na globalisasyon.

Maging sa larangan ng sining at isports, sumulong ang Pilipinas sa


direksyong global. Hindi lamang hinangaan kundi dinakila at iniluklok sa
mataas na pedestal ang mga Pilipinong nagka-pangalan sa ibang bansa sa
larangan ng sining gaya nina Lea Salonga, ang orihinal na Miss Saigon; Pilita
Corrales, ang Asia's Queen of Songs; Nora Aunor, Charito Solis, Gina
Pareño at iba pang mahuhusay na aktres ng pelikulang Filipino,
boksingerong si Manny Pacquiao, ang billard king na si Efren "Bata"
Reyes, ang walang kupas na si Paeng Nepomuceno, ang mga
Pilipinong mountain climber na naakyat ang Mt. Everest, ang beauty queens na
sina Gloria Diaz, Margarita Moran, Gemma Cruz Araneta, Melanie Marquez,
atb. Isama pa rito ang mga myembro ng Bayanihan Dance Troupe, Looc
Boys Choir ng Bohol, ang mga imbentor ng makabagong bunga ng
teknolohiya, atb. Sila'y tunay na world class.

Bilang isang Pilipino, walang isang saglit na hindi ko inaabangan ang mga
pangyayaring maaaring maganap kung ang Pilipinas ay
makikipagsabayan sa patuloy na pagsulpot ng globalisasyon. Sarisaring
mga katanungan ang gumigitaw sa aking isip: Una, ano ba ang magiging
papel ko sa globalisasyon bilang isang estudyanteng nagsisikap makatapos
upang matawag na propesyonal? Pangalawa, makausad kayá ang Pilipinas
sa larangang ekonomiya upang mapabilang sa mga bansang kikilalaning
global sa larangang ito? Pangatlo, kung makakausad ang Pilipinas
tungo sa globalisasyon mula sa kahirapan bunga ng kawalan
ng hanapbuhay at katiwalian? Malalampasan na kaya ang dinaranas nitong
matinding kagutuman?

Mga kaibigang nakikinig sa akin ngayon. Ang globalisasyion ay isang


malaking tandang pananong sa ating lahat. Mangyari, para Itong
kabuteng sumulpot na lamang, para itong kamatayang dumating nang
hindi inaasahan. Kaya dapat mapaghandaan. Ngunit paano? Hayaan ninyong
isa-isahin ko ang mga paraan upang ang isang Pinoy na katulad ko ay
makaagapay at makasulong sa tinatawag na globalisasyon.

Una, magsikap, magtiyaga at magsagawa. Wala na yatang


pinakamaligayang Pinoy kundi ang makilala niya ang kanyang sariling
pagkakakilanlan. Ang isang Pinoy na masipag, matiyaga, mapamaraan at
maayos na nakapagsasagawa ng mga bagay-bagay na makapagpapaunlad
8|Page
sa kanyang sarili ay isang napakadakilang katangian. Ganito rin ang
nais maipamulat ng globalisasyon.

Pangalawa, paunlarin ang ekonomiya. Mayaman ang Pilipinas sa


talino ng mga mamamayang nasasakupan nito, at maging sa likas
na yaman. Sa globalisasyon, lahat ng pangangailangan at
resorses ng isang bansa ay ipinangangalandakan. Kaya natin
makipagtagisan ukol dito. Dahil ang isang bansang maunlad sa larangan
ng ekonomiya ay maituturing na globally competitive.

Pangatlo, pahusayin ang ating galing sa sining, kultura, at isports.


Upang masabing ang Pilipinas ay hindi nahuhuli sa larangang kultural at
pangkalakasan ng katawan, panatilihin nating nakaimbak ang ating
minanang tradisyon bilang salamin ng ating lahi. Ito'y isa ring isinisigaw ng
globalisasyon.

Pang-apat, huwag nating tutulan ang pagdating ng maraming


imbensyon sa agham at teknolohiya; manapa’y dapat tanggapin ang mga ito
nang buong puso. Ang isang bansang mayaman sa larangan ng teknolohiya
ay mabilis makasulong sa globalisasyon. Bilang Pinoy inaasahan kong
ang nakararaming mamamayang Pilipino ay computer literate. Ito ang isang
malakas na hamon ng globalisasyon.

Panlima, patuloy sanang makipagkalakalan sa Pilipinas ang yamang-lupa,


yamang-dagat at yamang-yungib. Ito ang tunguhin ng iba't ibang mga bansa
upang umunlad at pakinabangan ng ating bansa.

Mga Gabay na Tanong:

1. Anong uri ng talumpati ang akdang iyong nabasa? Ipaliwanag.


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
2. Ano ang pangunahing kaisipang nakuha sa talumpating ito?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

3. Nakapukaw ba kaagad ng interes sa simula pa lamang ng


talumpati?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
4. Taglay ba nito ang katangiang dapat taglayin ng katawan ng
talumpati? Ilahad ang iyong kasagutan.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
5. Masasabi mo bang nakilala mo na ngayon ang katangian ng isang
mahusay na talumpati batay sa halimbawang iyong sinuri?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

9|Page
ISAGAWA 2

PANUTO: Sa susunod na Gawain ay tatahasin ang iyong husay sa


paglalahad ng mga simpleng pahayag sa pamamagitan ng pagsaalang-alang
ng iba’t ibang sitwasyon.

Blg. Linya Emosyon Tatanggap ng


Mensahe
1. Saan ka nanggaling? Masaya Kasintahan
Kanina pa kita hinihintay.
2. Happy Birthday! Sana ay Naiinis Lalaki o babaeng
humaba pa ang buhay mo. umagaw ng “X” mo.
3. Ma, Pa, pahinging pera Nababahala Mga magulang.
pambili ng gamit para sa
aking proyekto.
4. Kung inisip mo sana ang Nalulungkot Malapit na kaibigan.
iyong pamilya bago ka
pumasok sa relasyon na
iyan, siguro ay hindi ka
mamomroblema ngayon.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

TINIG TINDIG GALAW KUMPAS WASTONG


KABUUAN
NG MGA EMOSYON
10 10 10 KAMAY
50 puntos
puntos puntos puntos 10 puntos 10 puntos
1.
2.
3.
4.

Panuto sa Pagsumite ng Output para sa bahaging ito:

1. I-video ang iyong sarili habang nilalahad ang mga pahayag o linya sa
itaas. Ipagsama sa iisang file lamang ang apat na pahayag.
2. Sa pagsi-save ng iyong file gamitin ang format na ito.

SECTION[space]APELYIDO[kuwit]PANGALAN
Tandaan, malalaking titik ang lahat ng filename at walang
espasyo sa pagitan ng apelyido at pangalan.

Halimbawa:

10 | P a g e
FERVOR DILAG,DEXIE

3. I-save sa google drive na ito ang inyong output:


https://drive.google.com/drive/folders/1HaHhqsJX19RBNrTW2D4SD
wuuFwIYwEQW

4. I-screenshot ang google drive kung saan naka-save ang iyong file
bilang patunay na nakapagsumite ka na.
5. I-print ang nasabing screenshot at saka idikit sa inyong composition
notebook sa bahaging ISAGAWA 2.

TANDAAN

Higit na magiging malinaw, maayos at kapaki-pakinabang ang


daloy ng pagbigkas ng talumpati kung hahati-hatiin ang mga parirala
at/o pangungusap. Makatutulong ito sa pagpapadulas ng pagbigkas, bukod
sa maiiwasan ang maling pag-antala o paghinto sa ideyang
ipinahahayag.

PAG-ALAM SA NATUTUNAN

PANUTO: Panoorin ang video sa link na ito at sagutan ang AKTIBITI sa


bandang huli ng video: https://www.youtube.com/watch?v=lCQ1gifdZ8Y

Bilang gabay, narito ang panuto ng nasabing aktibiti.

11 | P a g e
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga


katanungan. Piliin at isulat sa kwaderno ang titik ng tamang sagot.

1. Dito makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng


paggamit ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng
mga salita.
A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita
D. Kaalaman sa paksa

2. Kung alam ng tagapakinig kung sino-sino ang kanyang tagapakinig,


mailulugar niya ang pagpapatawa, pagtatanong at iba pang teknik o estratehiya
para makuha ang atensyon ng tagapakinig.
A. Kaalaman sa paksa
B. Kahusayan sa pagsasalita
C. Kalinawan ng pagsasalita
D. Kahandaan ng pagsasalita

3. Makikita ang kanyang kahusayan sa pamamagitan ng


pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat, paghahambing,
pag-uulit ng padron at pagbibigay ng problema at solusyon.

A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita
D. Kaalaman sa paksa
4. Masasalamin ito sa paraan ng pagbigkas o pagtalakay na kanyang
ginagawa.
A. Kahusayan sa pagsasalita
B. Kalinawan ng pagsasalita
C. Kahandaan ng pagsasalita

12 | P a g e
D. Kaalaman sa paksa
5. Malalaman agad ng mga tagapakinig kung ang pinaghandaang mabuti
ang pagtatatalumpati sa panimula o introduksyong binibigkas.

A. Kaalaman sa paksa
B. Kahusayan sa pagsasalita
C. Kalinawan ng pagsasalita

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Panuto: Sagutin sa pamamagitan ng makabuluhang pangungusap ang


tanong sa ibaba.

Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng Talumpati?

13 | P a g e
SANGGUNIAN

Julian, A. B., at Lontoc, N. B. (2016). Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling


Larang (Akademik). Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc.

Mabilin, E. R. et.al. (2012). Pilosopiya ng Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na


Pananaliksik. Lungsod ng Malabon: Mutya Publishing House, Inc.

SUSI NG PAGWAWASTO

14 | P a g e
15 | P a g e
16 | P a g e

You might also like