You are on page 1of 5

11

FILIPINO SA PILING LARANG- AKADEMIK

GAWAING PAGKATUTO BLG. 1/ UNANG MARKAHAN

Pangalan: ___________________________ Taon at Seksyon: ___________________


Petsa: _____________________________

I. PANIMULANG KONSEPTO
AKADEMIKONG PAGSULAT
Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon ang pagsulat. Totoong ang
pagsulat ay isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat na panahon upang
maging mahusay rito. Hindi ito dapat katakutan dahil ang pagsasanay sa pagsulat ay
nagdudulot ng higit na pagkatuto at pag-unlad sa ating pagkatao. Ang isang taong nagnanais
na maging dalubhasa sa larangang ito ay nangangailangan magkaroon ng malawak na
kaalaman lalo na sa mga uri ng pagsulat na ginagawa sa iba’t ibang larangan. Ayon kay Karen
Gocsik (2004), ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagawa ng
mga iskolar para sa mga iskolar. Madalas na ito ay nakalaan sa mga paksa at tanong na
pinag-uusapan at intertesante sa akademikong komunidad at naglalahad ng mga
importanteng argumento. Ito ay isang masinop na at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng marami pang pag-aaral na
magagamit sa ikatataguyod ng lipunan. Maituturing na natatangi akademikong pagsulat
pagkat ito ay intelektuwal na pagsulat na naglalayong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga mambabasa. Ilan sa mga katangian taglay nito ang pormal at piling-
piling paggamit ng pananalita, pagiging obhetibo, may paninidigan, may
pananagutan, at may kalinawan.

II. KASANAYANG PAMPAGKATUTO MULA SA MELCs


Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat (CS_FA11/12PB-0a-c-101)

III. MGA GAWAIN


A. PAGBALIK-ARALAN MO
Panuto: Basahin at suriin ang bawat talata na sinipi mula sa mga piling sulatin at pagkatapos
ay tukuyin kung anong uri ng pagpapahayag ang ginamit sa mga ito. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon sa ibaba. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa
noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay
sumasamba sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon
ay tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.
- Halaw sa “Ang Alamat ng Bayan,”
Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas

This study source was downloaded by 100000769946883 from CourseHero.com on 02-07-2022 01:17:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/112041471/GAWAIN-1docx/
2. Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro. Kaya ba ng limang araw
na pagsasanay na ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial
para sa buong taunang na karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na
asignatura, iba pa rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga
estudyanteng nakapaloob dito ay malamang na mabagal umintindi kaya kailangang maging
mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at magkaroon ng maraming gawain. Hindi kasya ang
limang araw para makapagtakda ng pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.
- Halaw mula sa “High School Readiness Test:
Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at
Magulang.“Konteksto ni Danila Arana Araw.
3. “Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng
kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang
leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika
niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang
tangkad.Kung maglakad siya’s parang nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami
sa loob ng kanyang kural, este opisina.”
- Halaw sa “May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan,”
Barriotic Punk, mga Kwento sa Baryo at Kanto ni Mes De Guzman
4. Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan ng asin,
budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-
bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa
mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at
kamatis.Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang
sarsa ang sabaw.Ihalo
ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang
nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.
- Mula sa Masarap na Luto Natin nina
Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo
B. PAG-ARALAN MO
Ang pagbuo ng akademikong pagsulat ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng isang
indibidwal. Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay ng manunulat dahil may
kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, mag-organisa, ng mga ideya, lohikal
mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa orihinalidad, at may inobasyon at
kakayahang gumawa ng sintesis (Arrogante et .al 2004) Sa pagsulat ng sulating pang-
akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasalang-alang ang mga mambabasa.
Mahigpit din sa paggamit ng wastong bantas at baybay ng mga salita dahil nakatuon ito sa
pagbibigay ng kaalaman. Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat (gaya ng maikling
kuwento, tula, dula at nobela) ang akademikong pagsulat ay nangangailanagn ng mas
mahigpit na na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Layunin nitong magbigay ng makabuluhang
impormasyon sa halip na manlibang lamang. Layunin din nitong:
 manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan;
 mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at ebalwasyon gayundin ng mga
baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli;
 magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kaalaman ng mambabasa.
Mayroon itong isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang
mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at
paliwanag ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng nito ay may simula kung saan nakalahad
ang introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag at wakas na nilalaman ng
resolusyon, kongklusyon , at rekomendasyon.
Narito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ang mga ideya sa akademikong pagsulat:
1) Paglalahad (ekpositori) – kung ang teksto ay nagbibigay-linaw o nagpapaliwanag hinggil
sa proseso, isyu, konsepto, o anumang paksa na nararapat na alisan ng pag- aalinlangan.
2) Paglalarawan (deskriptiv) – kung ang teksto ay bumubuo ng isang imahe sa
pamamagitan ng paglalantad ng mga katangian nito.
3) Pagsasalaysay (narativ) – kung ang teksto ay nagkukwento ng mga magkakaugnay na
pangyayari.
This study source was downloaded by 100000769946883 from CourseHero.com on 02-07-2022 01:17:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/112041471/GAWAIN-1docx/
4) Pangangatwiran (argumentativ) – kung ang teksto ay may layuning manghikayat at
magpapaniwala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rason at ebidensya.

C. PAGSANAYAN MO
PAGSASANAY 1: Panuto: Isulat sa kwaderno ang salita o konseptong katumbas ng
katangiang taglay nito batay sa araling tinalakay.

1. Ito ay nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at pagbibigay ng mga


halimbawa.
2. Ito ay nakapokus na pagkakasunod-sunod ng daloy ng mga pangyayaring aktwal na
naganap.
3. Nagsasaad ito ng obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, at damdamin ng manunulat hinggil
sa isang bagay, tao
lugar, o pangyayari
4. Ito ay nagpapahayag ng katwiran o argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang
isyung nakahain sa
manunulat.

PAGSASANAY 2: PANUTO: Basahin ang abstrak at ibigay ang sariling pag-unawa sa


katuturan ng Akademikong
Pagsulat. Bigyan ng karampatang puntos ayon sa rubrik.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

This study source was downloaded by 100000769946883 from CourseHero.com on 02-07-2022 01:17:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/112041471/GAWAIN-1docx/
D. TANDAAN MO
Bagaman may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag na ginagamit sa akademikong
pagsulat gaya ng sa iba pang uri ng pagsulat, karaniwan ang layunin nito ay
manghikayat sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga posibleng sagot o dahilan at
ebidensiyang maaari mong paniwalaan, mag-analisa sa pamamagitan ng paliwanag at
ebalwasyon gayundin ng mga baryabol at ang kaugnayan nito, at panghuli ang
magbigay ng impormasyon sa pamamagitan ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kaalaman ng mambabasa.

E. GAWIN MO
GAWAIN: PANUTO: Sumulat ng isang mapagkakatiwalaaang datos tungkol sa ulat ng
pandemya sa
kasalukuyan sa pamamagitan ng pormal na paglalahad.

F. PAGTATAYA
PANUTO: TAMA o MALI. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay wasto at
isulat ang MALI kung ang pahayag ay di-wasto.
__________ 1. Ang Gawain sa pagsulat ay kapwa pisikal at mental.
___________2. Inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntunin, bilang
isang makrong
kasanayang pangwika, kaya naman ang pagsulat ay komprehensibo.
___________3. Ang Akademikong Pagsulat ay isinusulat ng kahit sino lamang.
___________4. Ang Eksplikasyon ay maituturing na isang halimbawa ng Akademikong /Pagsulat
sapagkat ito ay
nagbibigay ng impormasyon.
___________5. Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-
iisip.
___________6. Hindi isinasaalang-alang sa Akademikong Sulatin ang paglalahad ng argumento
___________7. Sa pamamagitan ng pagsulat, maaaring masanay ang iyong kakayahang mag-
organisa ng mga
kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng subhetibong paraan.
___________8. Mambabasa ang tagatanggap ng mga impormasyong isinulat ng isang
manunulat.
___________9. Kapwa empirikal at paktuwal na Gawain ang pagsulat.
___________10. Higit na mataas ang antas ng Akademikong Sulatin sa iba pang mga akdang
pampanitikan.

IV. RUBRIK SA PAGPUPUNTOS


This study source was downloaded by 100000769946883 from CourseHero.com on 02-07-2022 01:17:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/112041471/GAWAIN-1docx/
V. SUSI SA PAGWAWASTO

PAGBALIK- ARALAN MO: PAGTATAYA:

PAGSASANAY 1:

4. PANGANGATWIRAN

PAGSASANAY 2:
Maaring magkakaiba ang sagot ng mga mag-aaral.
Gagamit ng rubrik para ditto.

VI. SANGGUNIAN

This study source was downloaded by 100000769946883 from CourseHero.com on 02-07-2022 01:17:24 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/112041471/GAWAIN-1docx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like