You are on page 1of 8

Republic

Republic of of
Department
the Philippines
the Philippines
of Education
Department of Education
Region V
Region V
9
Schools Division
SCHOOLS DIVISION of Sorsogon
OF SORSGON
BAGACAY NATIONAL
BAGACAY NATIONAL HIGHHIGH
SCHOOLSCHOOL
Bagacay, Gubat, Sorsogon

FILIPINO
Pagsusuri ng mga Pangyayari
I. Panimulang Konsepto
Panibagong araw para sa panibagong aralin ang iyong matutunghayan. Tiyak na
makatutulong ito sa pagpapatalas ng iyong isipan, sapagkat susubukin nito ang
iyong kakayahan sa pagsusuri ng mga pangyayari at ang kaugnayan nito sa
kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa nabasang akda.
Sa pagsusuri ng mga pangyayari mahalaga na basahin at unawaing mabuti ang
akda mula simula hanggang wakas upang sa ganun ay madali nating matukoy ang
mahahalagang detalye o paksa na nakapaloob dito. Mahalaga rin na masuri natin
ang mga pangyayari ayon sa nilalaman, tauhan, tagpuan, banghay at maging ang
kaugnayan nito sa kamalayang panlipunan.
Sa aralin natin ngayong araw, matututuhan mo ang pagsusuri ng mga
pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa
nabasang akda.

II.Kasanayang Pampagkatuto mula sa MELC’s


Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa
lipunang Asyano batay sa napakinggang akda. (F9PN-Ia-b-39)

III. Mga Gawain


A. Pagbalik-aralan Mo.
Panuto: Sagutin sa iyong sagutang papel ang mga sumusunod:
1.Ano ang maikling kuwento?
Sagot:_______________________________________________________
2.Saan hinango ang maikling kuwento?
Sagot:_______________________________________________________
3.Bakit kinahihiligan ng mga Pilipino ang pagbabasa ng maikling
kuwento?
Sagot:_______________________________________________________
4.Paano nabuo ang mga kawal ng pangyayari sa maikling kuwento?
Sagot:_______________________________________________________
5.Ano ang iniiwan ng maikling kuwento sa isipan ng mga mambabasa
nito?
Sagot:______________________________________________________

B. Pag-aralan Mo.
Basahin at unawain mo ang mga piling pangyayari na hango sa
maikling kwento “Mali ba? Ni Alma M. Dayag

“Maya-maya‟y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing hinablot


ang telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng naagwan kaya’t bigla
akong nag-isip ng gagawin para makatulong. Bago pa nakatakbo ang
isnatser ay pinatid ko ang paa niya at nang mapatihaya’y sinunggaban ko
ang bag at ang telepono. Subalit hindi pala siya nag-iisa. Katunaya’y ni
hindi ko malaman kung saan nanggaling ang malaks na kamaong dumapo
sa tagiliran ng aking tainga at ang paang sumipa sa aking noo.
Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at matinding sakit ng ulo lalo nang

itulak ako at sumadsad sa magaspang na semento.”

“Ang nakapagtataka‟y wala ni isang kumilos upang ipagtanggol ako


sa mga kumuyog sa akin. Iyon pala‟y dahil armado ang mga lalaking
nakaengkwentro ko. Itinutok ng isa ang baril sa aking ulo. Napapikit na
lamang ako at naghintay sa pagputok ng baril nang biglang umalingawngaw
ang sirena ng sasakyan ng mga pulis. Biglang nagpanakbuhan ang mga
isnatser at doon lamang ako nadamayan ng mga taong nasa pila. Ang
masaklap ay ni ayaw na ng babaeng naagawan ng telepono at bag na
magreklamo pa dahil nabalik na raw ang mga gamit niya at makakaabala
raw ito sa kanya. Mabuti at napilit din siya ng mga pulis. Kailangan daw
managot sa batas ang mga taong iyon.” Napabuntunghininga ang aking
anak bago nagpatuloy sa matigas na tingin. “At ako man ay magrereklamo
dahil sa ginawa nila sa akin. Kung mananatili silang nakalalaya ay tiyak na
marami pa silang bibiktimahin.”

C. Pagsanayan Mo.
Nang Minsang Naligaw si Adrian
Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang
naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral at
pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang itinadhana
na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging ganap na doktor,
pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina. Naiwan sa kaniya ang
pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama. Naisin
man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng kaniyang
mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na responsibilidad sa
kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang mangibang-bayan upang
manatili sa piling ng ama at alagaan ito hanggang sa kahuli-hulihang yugto
ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila nang
lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa balang-araw kapag nawala na ang
kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa
kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.
Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na
pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala
ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.
“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa
katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo‟y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na makapaglakad
nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa kaniyang kotse. Walang
imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa isang
lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton nila ang
daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya paminsan-
minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga. Wala pa ring
imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga. Napansin niyang
tumutulo ang luha ng anak.
“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian. “Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama. Patuloy rin
ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa kaniyang kalooban ang
kaniyang gagawin. Maraming beses din silang tumigil upang magpahinga at
paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng maliliit na sanga ng puno. Napansin
ito ni Adrian.
“Bakit n‟yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo‟y
nagpapahinga, Dad?,” tanong ni Adrian.
Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.
“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak, palatandaan ito
na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka maliligaw.”
Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimikimik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling bumabalik sa
lugar kung saan sila nanggaling. Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw.
Hinding-hindi na.

Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 19-21


Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa maikling kuwento. Pumili ng tatlong
(3) pangyayari at at iugnay ang mga pangyayaring ito sa kasalukuyan sa
lipunang asyano. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangyayari:_________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
D. Tandaan Mo.
Mahalaga ang pagsusuri ng mga pangyayari at ang kaugnayan
nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano sapagkat sa tulong nito ay
mas lalo pa nating nauunawaan ang ugnayan ng akdang binabasa
natin at ang mga pangyayari sa realidad ng buhay.

E. Gawin Mo.
Panuto: Suriin ang mga piling pangyayari sa kuwentong “Nang Minsang
Naligaw si Adrian” (Ito’y kuwento batay sa text message na ipinadala kay Dr.
Romulo N. Peralta. Sa kaniyang pagsasalaysay, ang pangalan at ilang mga
pangyayari ay pawang mga kathang-isip lamang.) at iugnay ito sa kasalukuyang
pangyayari sa ating lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Lumaki si Adrian na punong-puno ng pagmamahal mula sa
kaniyang mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin ng
nakapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan_siyang walang ibang inisip
kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang. Sa ating
lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa__________________.
A. paboritong anak ng pamilya na magmamana ng yaman ng magulang
B. bunsong anak sa pamilya na malapit sa kanyang mga magulang
C. panganay na anak na nararapat mangalaga sa kanilang mga magulang
D. bunsong anak sa pamilya na naiwan sa kanya ang pangangalaga sa
kanilang mga magulang

2. Habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras na


operasyon,
nakatanggap Si Adrian ng tawag mula sa kasambahay na sinusumpong ng
sakit ang kanyang ama. Nagmadali siyang umuwi at sa kabutihang palad,
naagapan naman niya ang ama. Sa ating lipunan, maiuugnay ang
pangyayaring ito sa _________.
A. bunsong anak na takot mamatay ang kanyang ama
B. isang anak na nais lamang gawin ang responsibilidad sa ama
C. anak na walang ibang hangad kundi gamotin ang may sakit na ama
D. anak na gagawin ang lahat upang malunasan ang dinaraing na
karamdaman ng kanyang ama

3. Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na


pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang mawala
ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili. Sa ating lipunan,
maiuugnay ang pangyayaring ito sa_________.
A. anak na walang ibang nais kundi ang makamit ang lahat ng hinahangad
sa buhay
B. anak na walang pakialam sa kanyang magulang sapagkat siya’y
matagumpay na sa buhay
C. isang anak na iniisip na pabigat lamang sa kanya ang kanyang may sakit
at matanda ng magulang kaya gusto niya itong mawala
D. anak na walang ibang hinangad kundi ang sariling kapakanan kahit
mapapabayaan pa niya ang umaasang magulang sa kanya.

4. Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang kanyang


ama sa kagubatan. Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang
labag sa kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Dahil sa pagnanasang
matuldukan ang paghihirap sa ama, nais niyang mawala ito. Sa ating
lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa_________.
A. anak na pinili na mapahamak ang magulang
B. anak na walang ibang inisip kundi ang sariling kapakanan lamang
C. anak na tinalikuran ang magulang sapagkat di na ito parti ng kanyang
mga pangarap.
D. isang anak na nakokonsensya sa ginagawang mali sa kanyang magulang
upang mapagbigyan ang sariling kaligayahan.
5.“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,
palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw." Sa ating lipunan, maiuugnay ang pangyayaring ito sa _________.
A. isang magulang na nais baliwalain ang pagkakamali ng anak.
B. magulang na hangad lamang ang ikaliligaya ng kanilang mga anak.
C. isang magulang na sunod-sunuran lamang sa kagustuhan ng anak.
D. isang magulang na kahit ikakapahamak pa niya ang kagustuhan ng
anak, iniisip pa rin nila ang kapakanan ng mga ito.

F. Pagtataya
PANUTO: Pumili ng isang kuwentong napakinggan, nabasa o napanood mo
mula sa ibang asyanong bansa, Maglahad ng 5 mahahalagang pangyayari
sa kuwento at suriin ang kaugnayan nito sa kasalukuyang lipunang asyano.
Gayahin ang porma na nasa ibaba sa limang mga mahahalagang panyayari.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Pangyayari:
________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Kaugnayan sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano:


________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

IV. Rubrik sa Pagpupuntos


V. Susi sa Pagwawasto

Gawim Mo
1. D 2. D 3. C 4. D 5. D
Pagsanayan Mo

VI.

Sanggunian
Filipino Unang Markahan – Modyul 1: Linggo 1 Pagsusuri ng mga Pangyayari at
ang Kaugnayan Nito sa Kasalukuyan sa Lipunang Asyano, Eumar Jane Y. Cabalida
Filipino Kwarter 1 – Modyul 1: Pagsusuri ng mga Pangyayari, Lovely C. Ariola et,al.

You might also like