You are on page 1of 3

FILIPINO 6 – WEEK 3

Republic of the Philippines


Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
Payatas B Elementary School
________________________________________________________________________________________________
Worksheet sa Filipino 6
Ikalawang Markahan- Ikatlong Linggo Code: F6PB-Ii-14

Pangalan: _________________________________________________ Petsa:_____________


Baitang at Pangkat :_________________________________________ Iskor:______________

Layunin: Nagagamit ang dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto


Paksang Aralin: Paggamit ng dating kaalaman sa pagbibigay ng wakas ng napakinggang teksto
Panuto: I. Bigyan ng wakas ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ito sa kahon. Isulat ang titik sa patlang.

_____ 1. Maraming dagang sumisira sa pananim ng mga magsasaka. Naisipan nilang magtulong-tulong
upang puksain ito.
_____ 2. Maputik ang katawan ng kalabaw ni Mang Estong. Nais sana niyang paliguan ito sa Ilog ngunit nakita
niya ang karatulang nakapaskil, “Bawal Dumihan ang Ilog.”
_____ 3. Hindi nagbabayad ng utang si Vilma sa kooperatiba. Palagi siyang nagsisinungaling sa kolektor na
naniningil sa kanya. Minsan nagkasakit siya at nangangailangan ng malaking halaga. Naisipan niyang
mangutang muli.
_____ 4. Maraming isda sa karagatang pinagkukunan ng isda ang tatay mo. Mayroong isang Tao na
nagbebenta ng dinamita sa Barangay mo. Marami na sa mga mangingisda sa barangay mo ang gumagamit
nito. Halos wala nang korales na makikita sa ilalim ng karagatan sa inyo.
_____ 5. Nagmamadali si G. Tomas at may iba pa siyang lakad. Ipinarada niya ang kanyang kotse sa isang
lugar na bakante. Hindi niya napansin ang babalang “Tow Away Zone” . Pumasok siya sa isang tanggapan.

A. Hinila ng tow truck ang kotse ni G. Tomas


B. Hindi itinuloy ni Estong ang pagpapaligo ng kanyang kalabaw.
C. Napuksa ang mga daga.
D. Hindi na muling nakautang si Vilma.
E. Naging kaunti na ang bilang ng isdang nahuli.

Panuto: I. Bigyan ng wakas ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
____ 6. Hind sinasadyang natabig ni Mike ang plorera nina Eman habang naglalaro sa loob ng sala. Agad na lumabas sa
kwarto ang nanay ni Eman na halatang galit na galit sa nakitang basag na plorera sa sahig. Tinanong niya ang mga bata
kung ano ang nangyari at kung sino ang nakabasag ng plorera.
a. itinulak ni Mike si Eman at sinabing si Eman ang nakabasag ng plorera.
b. hindi umimik si Mike at tanging si Eman lang ang kanyang tinitigan.
c. hindi umamin si Mike sa nagawang kasalanan.
d. agad na nagsalita si Eman at sinabing siya ang nakabasag ng plorera ng ina at humingi ng tawad dito.
____ 7. Tuwang-tuwa na umuwi ng bahay si Ariel kasama ang napulot niyang aso sa daan. Agad niyang pinangalanan
itong Bantay. Makalipas ang ilang araw, may isang batang babae ang napansin niyang nagbabahay-bahay at
nagtatanong kung may nakitang aso na napadpad sa kanilang lugar. Agad tiningnan ni Ariel si Bantay.
a. Itinago ni Ariel si Bantay upang hindi makita ng batang babae
b. Malungkot man ngunit ibinalik ni Ariel si Bantay sa tunay nitong may-ari.
c. Sinabi niyang wala siyang nakitang aso nang tanungin siya ng batang babae
d. Tumakbo siya sa loob ng bahay dala si Bantay at hindi na lamang pinansin ang
batang babae.
____ 8. Natapos na ang klase at uwian na. Ngunit lungkot na lungkot si Gab dahil hindi pa siya makauwi. Nakatingin lang
siya habang isa-isang umaalis ang kanyang mga kaklase. Gusto na rin sana niyang umuwi kaso hindi niya magawa dahil
sa sobrang lakas ng ulan.
a. Nakalimutan niyang magdala ng payong kaya hindi tuloy siya makauwi kaagad.
b. Naligo na lamang siya sa ulan c. Naglakad na lamang siya kahit may ulan.
d. Wala sa itaas ang sagot
____ 9. Matapos maghapunan ang buong pamilya ni Alan ay agad siyang nagsimulang maghugas ng mga pinagkainan.
Bigla siyang nakarinig ng nakakaindak na kanta sa radyo kaya di niya napigilang mapakanta at mapasayaw. Sa di
FILIPINO 6 – WEEK 4
inaasahan, nabitawan niya ang hawak-hawak niyang baso. Napatakbo ang kanyang ina papuntang kusina upang tingnan
ang nangyari.
a. Nakita niyang nagpupulot ng bubog sa sahig si Alan na agad namang humingi ng patawad sa nabasag na baso
b. Sinabi niyang biglaang nahulog lamang ang baso.

Worksheet 14 sa Filipino 6
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
Payatas B Elementary School
Ikalawang Markahan- Code: F6PB-Ii-14

Pangalan: _________________________________________________ Petsa:_____________


Baitang at Pangkat :_________________________________________ Iskor:______________

Layunin: Nababago ang dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto.


Paksang Aralin: Pagbabago ng dating kaalaman batay sa natuklasan sa teksto

Panuto: I. Basahin ang maikling teksto . Isulat ang tamang sagot sa bawat katanungan.

Kumilos at Magkaisa

Maraming patapong bagay sa ating paligid tulad ng mga basyo ng bote, plastik na nakatambak sa mga
basurahan at looban ng ilang kabahayan.
Amg mga lumang diyaryo at maruruming damit ay nagkalit din kung minsan . Para sa iba, ang mga ito
ay basura lamang.
Patapon at wala nang silbi kaya naman ang ating kapaligiran ay punong-puno ng mga kalat.
Pinamumugaran tuloy ang mga ito ng pagbabara ng mga daluyan ng tubig at sanhi ng pagbaha. Nakasasama
din ang ilan sa mga ito.
Nagiging sanhi ito ng pagdumi at pagbaho ng hanging ating nalalanghap. Huwag na nating hintayin
ang salot na idudulot ng mga basura. Panahon na para tayo ay kumilos at magkaisa.

1. Ano-anong patapong bagay ang makikita sa ating paligid?


___________________________________________________
2. Bakit ito hinahayaan ng mga tao?
____________________________________________________
3. Ano ang mangyayari kung maraming basura sa ating paligid?
____________________________________________________
4. Sino ang hinihiling na kumilos at magkaisa?
____________________________________________________
5. Batay sa iyong karanasan, ano ang maari nating gawin para mabawasan ang ating basura?
________________________________________________________________________

Isulat ang tsek () kung naranasan mo ang pahayag at ekis ( x ) naman kung hindi.

______ 6. Nagtatapon ako ng basura sa tamang tapunan.


_______7. Inuuwi ko aking basura mula sa paaralan.
_______8. Tumutulong ako sa proyektong pangkalinisan sa aming barangay.
_______9. Hinihiwalay ko ang nabubulok sa di - nabubulok na basura.
_______10. Tinatakpan ko ang basurahan upang hindi mangamoy at maiwasan ang pagkalat ng
mikrobyo.

III. Basahin ang kuwento


Sorpresa kay Romina
Masayang umuwi sa kanilang tahanan si Romina. Pagpasok niya sa kanilang bahay ay nakita
niya ang isang bag na may disenyong pusa. Matagal na niyang gusting magkaroon nito. Nakita siya
ng kanyang Nanay at sinabing “ para sa iyo iyan”, anak dahil nanalo ka sa patimpalak at nag-uwi ng
bronseng medalya. Sobrang tuwa ni Romina, inilapag niya ang kanyang dalang libro , niyakap ang
ina at nagpasalamat.

Iguhit ang sorpresang natanggap mo sa iyong mga magulang at isulat kung bakit ka binigyan
nito.
FILIPINO 6 – WEEK 5
Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
Schools Division Office of Quezon City
Payatas B Elementary School
________________________________________________________________________________________________
Worksheet sa Filipino 6
Ikalawang Markahan- Ikalimang Linggo Code: F6OL-IIa-c-4

Pangalan: _________________________________________________ Petsa:_____________


Baitang at Pangkat :_________________________________________ Iskor:______________

Layunin: Nagagamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan


sa iba’t ibang sitwasyon.

Paksang Aralin: Paggamit nang wasto ang kayarian at kailanan ng pang-uri sa paglalarawan
sa iba’t ibang sitwasyon.

I. Panuto: Suriing mabuti kung saang kayarian ng pang-uri napabilang.

1. taon-taon __________ 6. mabait ______________


2. taba __________ 7. buhay na buhay _____________
3. matapat __________ 8. hampas lupa ________________
4. sakit __________ 9. araw-araw __________________
5. kayod-kalabaw _________ 10. Mahinahon_________________

II. Basahin ang bawat pangungusap at Suriin sa bawat pangungusap kung anong kayarian ng
pang-uri ang mga salitang may salungguhit.

1. Tapis na pula ang suot ng babae.


2. Ang sinaunang kultura ng mga Griyego ay kahanga-hanga.
3. Biglang-yaman si Mang Mandong sapatero dahil sa sweepstakes.
4. Ang batang busog ay naglalaro.
5. Si Gardo ay maagap sa kanyang mga takdang-aralin.

Panuto:Isulat sa patlang ang titik I kung ang kailanan ng pang-uring may salungguhit ay isahan, D
kung ito ay dalawahan, at M kung ito ay maramihan.

1. Ang dalawang manlalaro ng basketbol ay magsingtangkad.


2. Ang limang turista ay umakyat sa mataas na bundok.
3. Malulusog ang mga alagang hayop ni Mang Berting.
4. Mahapdi pa rin ang sugat ni Lino sa tuhod.
5. Si Eddie ay kasingkupad ni Julian magtrabaho.
6. Ang mga mag-aaral ni Gng. Romero ay magagalang.
7. Kapwa malikhain ang kambal na sina Lauren at Loiuse.
8. Ang gamut na iniinom ni Mariel ay mabisa.
9. Hindi sanay sa maginaw na klima ang mga hayop.
10. Maaanghang ang mga ulam dito sa Bicol.

You might also like