You are on page 1of 7

NOBYEMBRE __, 2019 _____________

ORAS PANGKAT / SILID PM


5:50 – 6:40 VI – Cassiopeia / Rm. 324
7:20 – 8:10 VI – Gemini / Rm. 322
9:00 – 9:50 VI – Andromeda / Rm. 321
9:50 – 10:40 VI – Lynx / Rm. 320
10:40 – 11:30 VI – Ara / Rm. 325

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI


(PANITIKAN)

I. LAYUNIN
A. Nakakapagmungkahi ng mga pangyayari sa binasang teksto
B. Napahahalagahan ang inang kalikasan –P6-Ma-20
C. Nakabibigay hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari

II. PAKSANG-ARALIN
A. Nagmumungkahi ng Iba pang Pangyayari na Nakalap sa BinasangTeksto
Pinagyamang Pluma,Wika at Pagbasa k to 12 pp.76-89
B. Kaisipan: Ang maingat na paggamit ng mga biyaya ay mabuting pasasalamat sa nagpapala.
C. Halagang Pangkatauhan: Mapagpasalamat

III. PAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Dril
Piliin at salungguhitan ang angkop na salita sa loob ng panaklong.
1. Ang masjid ay isang natatanging (dalangin,dalanginan).
2. May (dalanginan, dalangin) sa Manaog na dinadayo ng mga deboto.
3. Dininig ng Diyos ang kaniyang (dalanginan, dalangin).
4. (Dalangin, Dalanginan) ko lagi na sanay ligtas ka sa lahat ng oras.
5. Napakasarap (dalanginan, dalangin) ang Inang Saklolo.
B. Balik-aral
Mga tanong sa araling natapos na.
C. Pagtatalakay sa Aralin
Suriin ang mga larawan sa kahon at alamin ang kuwentong ipinakikita nito. Isulat ang iyong hinuha kung
ang mangyayari ayon sa iyong pagkaunawa sa mensaheng nakapaloob sa mga ito.

Nakikita ko sa mga larawan ang _______________________________________________________.


Kung ganito ang magiging trato ng mga tao sa kalikasan,masasabi kong ________________________.
2. Pagpapayaman ng Talasalitaan
Unawain ang kahulugan ng nakasalungguhit na salita na ginamit sa pangungusap.Isulat ang titik ng
tamang saot.
a. Pautal-utal d. nanaig
b. Bukambibig e. responsable
c. masusi
____1. Nanalo sa isip ni Gabriel ang pagtitiis para sa kabutihan ng kanyang pamilya.
____2. Hindi diretso at putol-putol ang pagsasalita sa kausap ni Gabriel sa kanya.
____3. Ipinatutupad nang mabuti ng kanilang pamahalaan ang batas tungkol sa pangangalaga
ng kalikasan.
____4. Ang kontraktor ay maaasahan at maingat. Sumusunod sila sa batas na ipinatutupad ng
pamahalaan.
3. Pag-unawa sa Nilalaman
3.1 Maikling Kuwento “ Biyayang Hinukay”
Pagbasa sa kuwento.
Biyayang Hinukay
“Salamat sa Diyos,Malapit na akong umuwi!” Sabik na sabik nang umaga si Gabriel.
Nakikinita na niya ang bunsong si Annika na patakbong sumasalubong sa kanyang pagdating
at sumisigaw ng “Papa,Papa!” Nang hilahin ang natitirang limang araw upang makitang muli
ang kanyang pamilya.
Halos isang taon na siyang naglilingkod sa isang malaking kompanyang nagmimina ng
ginto at tanso sa Laos. May bayad ang kanyang bakasyon. Libre ang pamasahe pauwi sa
Maynila at pabalik sa trabaho. Bagamat may pagkainip din siyang nararamdaman,naghari pa
rin ang kanyang katuwaan “Kailangang matuto akong mabuti upang matiyak ang aking
kaalaman tungkol sa ligtas at maayos na pagmimina,”wika niya habang lalong humigpit ang
pagkahawak sa torque wrench.
“You know what,Gabriel? Ou lives became better when this mining company started to
operate here”,utal utal na wika ni Mao na isang Lao sa kanyang naputol ang kanyang pag-iisip.
Biglang naudlot ang pagmumuni-muni ni Gabriel nang dumating si Steve sa kanilang
shop at nagsabing ;”Hi mate,please hand over all your unfinished work to Rifani before you
leave for your much awaited vacation.Have a safe trip!”
Lingid sa kaalaman ni Gabriel ang “bakasyon” pinakaasam-asam niya ay magiging
permanente na. Nakapag-ipon na kasi nang sapat na halaga ang kanyang asawa. Ang dalawa
naman niyang anak ay gaya niya noon na kapwa iskolar ng bayan. Tulad niya, ang kanyang
pamilya ay nananabik na sa kanyang pagbabalik at nangangarap na baling
araw,magkakasama-sama na rin silang lahat kapag nakaipon sila ng mapupuhunan sa
negosyo. Sa pagsalubong sa kanya ng pamilya sa paliparan ay naluluhang sinabi ng kanyang
asawa ang magandang balita.Nakausap na niya ang may-ari ng talyer na ibinebenta sa bayan.
Sapat na ang naiipon nila upang mabayaran ito. Hindi na babalik sa pagmimina si Gabriel at sa
halip,pagyayamanin niya ang naipundar nilang talyer habang itutuloy niya ang adbokasiyong
pagpapanumbalik sa nasirang kagandahan ng kalikasan sa kanyang sariling paraan.
Totoong ang yamang kalikasan ay dapat nating pakinabangan upang maiangat ang
buhay ng mga tao at pamayanan subalit kailangang pangalagaan natin ito sa pamamagitan ng
mahigpit na pagsunod sa mga batas sa responsableng pagmimina. Kapag iresponsable ang
pagmimina at naging pabaya ang pamahalaan sa pagpapatupad ng mga batas ay maaari itong
humantong sa mga disgrasyada na magiging multong babalik at babalik upang maningil hindi
lang sa mga taong nagpapabaya sa pagkalinga kay Inang Kalikasan kundi sa mga susunod
pang henerasyong magdurusa nang dahil sa kapabayaan at pagsasamantala ng ilan. Ang
biyayang handog ni Inang Kalikasan ay dapat ipagtanggol,linangin at kalingain.

-Ariel V. Marasigan

3.2“Shared Reading”
a. Bigyan ng kopya ang mga bata sa kwentong ito.
b. Ipakilala ang tekstong babasahin “Biyayang Hinukay”
4. Pagsasagawa ng Malayang Talakayan
4.1 A. Nasasagot nang mahusay ang mga tanong
1. Ano ang masasabi mo tungkol sa pagmiminang tinalakay sa akda?
2. Nakatutulong ba ito sa buhay ng isang manggagawa at sa pamahalaan? Bakit?
3. Ano ang tungkulin ng pamahalaan bago payagan ang kompanyang magmimina? Ano naman
ang dapat gawin ng mga nagmimina?
4. Kung ikaw ay isa sa mga anak ni Gabriel,ano ang sasabihin mo sa kanya tungkol sa
kanyang trabaho at bakit ito gagawin?
5. Bakit kaya palihim ang ginawang pasiya ng asawa ni Gabriel tungkol sa pagbili ng
talyer?Ano ang masasabi mo sa kanya?
6. Bilang nag-aaral,anong adbokasiya ang iyong nais palaganapin upang kalingain an gating
kalikasn?Bakit ito ang iyong napili?
7. Bakit mahalagang mahinto ang illegal na paghuhukay ng ginto sa bansa?
8. Paano masusing ipinatupad ng pamahalaan ang batas sa minahang pinagtatrabahuhan ni
Gabriel?
9. Nararapat bang ipagpatuloy ang mga training at seminar sa kompanya para mapataas ang
kalidad ng kanilang paggawa?
10. Bakit kailangang matuto mabuti at mapalawak ang kaalaman para sa ligtas at maayos na
pagmimina?
4.2 Pangkatang Gawain
Pangkat I - Dear Watt Pad-Magmungkahi ng iba pang pangyayari na maaring maganap sa
binasang teksto.
Pangkat II - Isulat Mo-Isulat ang bagong pamagat sa kahon at sa ibaba ay ipaliwanag kung bakit
ito ang napili mong pamagat.
Pangkat III - Drama Kita-Isakilos ang ibat ibang sitwasyon san p 88 kaugnay ng mensahe ng
akda.
Pangkat IV at V - Ikwento Mo-Pagbibigay ng iyong hinuha sa kalalabasan ng mga pangyayari sa
kuwenong nabasa o napakinggan.
5. Pagsusuring Pampanitikan
Anong uri ng genre an gating binasa? Bakit?
6. Pagpapahalagang Pangkatauhan
Paano nakatutulong ang maayos at magalang na pananalita?
D. Paglalagom
Gamit ang Graphic organizer,ang iyong nalalaman,nararanasan,napapanood o narinig tungkol sa mga
nabubuhay sa pagmimina sa bansa.

Minahan sa _____________________________

Kasunod na nangyari nang


mabuksan ang minahan na
sa
_____________________

Unang nangayari nang Ngayon,ito na ang nangyayari


magkaroon ng pagkatapos magkaroon ng
minahan______________ minahan__________________
_________________ __________________
E. Paglalapat
Sagutin ang Before ang After Chart. Isulat sa unang kahon ang iyong alam tungkol sa pagmimina bago
mo ito pag-aralan.Ano ang epekto nitosa iyong kaisipan o ang iyong realisasyon pagkatapos talakayin ito
sa klase?
Isulat ito sa ikalawang kahon.
Ang nalalaman ko tungkol sa pagmimina bago pag- Ang aking realisasyon pagkatapos kong pag-aralan
aralan ang kuwento. ang mensahe ng kuwento.

F. Ebalwasyon
A. Kilalanin ang nakalarawan.Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang pagkatapos hanapin ang
katangian nito sa loob ng kahong pinagpipilian.
a. Kabundukan
b. Minero
c. Marine Biodiversity
d. Tailings dam
e. Batas
f. Trabaho
g. Ilog

_b_1. Lugar kung saan hinuhukay at kinukuha ang mga yamang mineral
_a_2. Tawag sa mga taong naghuhukay at kumukuha ng mga mineral sa lupa
_g_3. Pinag-iipunan ng nakakalasong kemikal
_e_4. Pinagtatapunan ng kompanya ng nakalalasong kemikal
_j_5. Ibinigay sa mga local na mamamayan ng may-ari ng minahan
__6. Dito ginigiling at dinadalisay ang mineral na minimina.
__7. Malawak na hukay na tila lawing pinag-iipunan ng mga dumi mula sa mga makinang
ginagamit sa pagmimina.
__8. Kagamitang panghigpit ng mga tornilyo sa makina
_c_9. Hinayaan ng pamahalaan gawing minahan ang lugar na reserbado para maging sentro.
_h-10. Mahigpit na ipinatutupad sa mga nagmimina

IV. Takdang Aralin


1. Magsaliksik tungkol sa pagsulat ng reaksyong papel
2. Sumulat ng isang reaksyong papel tungko sa pagmimina

V. Tala
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_________________________.

VI. Pagninilay
A. Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan nang maayos? Bakit ito naisakatuparan nang
maayos?

Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos:


1.
2.
3.
Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:
1.
2.
3.

B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga nanganagilangan ng tulong.
C. Ano-anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking punungguro at
superbisor ay matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong o suporta:


Dalubguro
Punungguro
Superbisor

You might also like