You are on page 1of 4

FILIPINO 5

Written Work No. 1 Quarter 1

Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________

I.A. Ayusin ang mga titik sa loob ng ulap upang mabuo ang kahulugan ng salita sa loob ng
kahon. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

YAANDPEM BAAYNI SKIAT

m alawakang nakagawa ng k aramdaman


pagkalat ng sakit kabayanihan
1 .______________ 2 .______________ 3 .____________

natural na phenomena; ang Isang malaking kapinsalaan o


lupa ay yamayanig kalamidad
4 .___________________ 5._____________________

I. B. Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.


6. Ano ang gagawinINLODL
kung may nararamdamang pagyayanigASUKAN
ng lupa?
A. magtakbo C. manatili sa kinatatayuan
B. manatiling kalmado D. magsigaw
7. Ano ang dapat ihanda bago ang lindol?
A. survival kit C. mga gamit sa paghahalaman
B. refrigerator na puno ng pagkain D. mga magandang muwebles
8. Ano ang dapat mong gawin kapag lumilindol?
A. tatakbo nang mabilis palabas C. dock, cover at hold
B. sisigaw nang malakas D. mananatili sa kinauupuan
9. Ano ang dapat gawin kung may bagong sakit na natuklasan?
A. magpanic C. huwag pansinin
B. manatiling kalmado D. magsaya
10.Sa pagiging matulungin natin, anong kultura ang ating ipinagmamalaki na hindi natin
malilimutan mula noon hanggang ngayon?
A. Pagiging masipag C. Ang pagkamasinop
B. Bayanihan D. Ang pagiging mapagmahal

II. A. Kilalanin kung pangngalan o panghalip ang sinalungguhitan sa pangungusap.


_______________ 1. Mabilis na umaksyon ang kapitan ng barangay sa nangyaring
sakuna.
_______________ 2. Anoman ang ipaiiral na mga pamantayan sa “New Normal” na
edukasyon ay nararapat nating sundin.
_______________3. Ang pagpapatala online ng mga guro ay mahalaga upang matukoy
ang paraan ng pagbibigay ng edukasyon sa mga mag aaral.
_______________4. Kahit ang pinakamalayong bayan ay pinupuntahan ng mga guro
upang maitala ang mga mag-aaral na papasok sa darating na
pasukan.
_______________5. Kami ay tumutugon sa mga pangangailangan ng mga mag-aaral
para sa nalalapit na pasukan.

B. Kilalanin kung pantangi o pambalana ang mga sinalungguhitan sa pangungusap.

________________ 6. Kaygandang panoorin ang mga bahay-kubo sa pagdiriwang ng


T’nalak Festival ng South Cotabato.
_________________ 7. Maagang nagsimba ang mag-anak sa maliit na
kapilya ng barangay.

C.Tukuyin kung panao, pananong, pamatlig o panaklaw ang uri ng panghalip na


nasalunguhitan sa pangungusap.
_________________ 8. Doon niya sa labas inilagay ang silya para sa bigas na
ipinamamahagi ng barangay.
_________________ 9. Ugaliin natin ang paghuhugas ng ng mga kamay.
_________________ 10. Saan nagmula ang Corona Virus?

III. A. Basahin ang sumusunod na kuwento at sagutin ang mga tanong batay sa binasa.
Ang Matanda
Tanghaling tapat na. Marami sa mga mag-aaral ang nagmamadali nang umuwi. Walang
lilim na masisilungan kahit saan.
Sa gitna ng initan ay may isang matandang babaeng may dalang malaking balutan.
Palinga-linga ang matanda. Parang may hinahanap ito. Maraming batang mabilis na nagdadaan
sa tabi niya.
“Mga bata, ” ang sabi ng matanda. Nguni't hindi siya pinapansin ng mga bata. Paminsan-
minsan, may ilang batang napapalingon sa kanya, ngunit patuloy pa rin ang matulin nilang
lakad.
Dumating si Nelia. Nagmamadali rin si Nelia na makauwi. Nagugutom na kasi siya.
Napansin niya ang matanda. Nakita niya ang nakakaawang ayos nito.
“Bakit po, Lola?” ang tanong ni Nelia.
“Ay Ineng” ang sagot ng matanda. “Naligaw ako. Saan ba ang papunta sa istasyon ng bus?”
“Doon lang iyon sa kabilang kanto, Lola.”
Kahit na pagod si Nelia, inihatid niya ang matanda.
Bago sumakay sa bus ang matanda ay hinaplos si Nelia sa ulo. “Pagpapalain ka ng Diyos,
Ineng,” ang sabi nito sa kanya.

1. Saan naligaw ang matanda sa kuwento?


A. sa sakayan ng bus B. sa labas ng paaralan
C. sa bahay nina Noel D. sa labas ng simbahan
2. Ano ang panahon nang maganap ang kuwento?
A. maaraw B. Mahangin C. maulan D. Maulap

3. Ano-ano ang hindi pinansin ni Nelia habang kinakausap ang matanda?


A. gutom at pagod B. nanay at tatay
C. ang bitbit niyang mga gamit D. kung saan ang istasyon ng bus
4. Anong ugali ang ipinakita ni Nelia?
A. malinis B. Madasalin C. matulungin D. Mapagmahal
5. Bakit kaya sinulat ang kuwentong “Ang Matanda”?
A. Hatid nito ang isang balita.
B. Nais nitong magbigay ng mungkahi.
C. Nais nitong magbigay ng aliw sa mga bata.
D. Gusto nitong magbigay ng mabuting halimbawa.

B. Basahin ang resipe sa ibaba at sagutin ang mga tanong hinggil dito. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.
Kalamansi Juice

Mga Sangkap: 10 pirasong kalamansi 4 na kutsarang honey/pulot


1 2/4 kutsarang asukal 1 litrong tubig

Mga Hakbang sa Paggawa


1. Hugasan at patuyuin ang mga kalamansing gagamitin.
2. Hiwain ang kalamansi sa may puno nito. Ingatang huwag mahiwa ang
buto.
3. Pigain ang kalamansi sa salaan.
4. Lagyan ng 1 2/4 kutsarang asukal ang 1 litrong tubig.
5. Lagyan ng 4 na kutsarang honey/pulot.

1. Ilang sangkap ang iyong ihahanda kapag gagawa ka ng kalamansi juice?


A. 3 B. 4 C. 5 D. 6

2. Ilang kutsara ng pulot ang ihalo sa isang litrong tubig?


A. 3 B.4 C.5 D. 6
3. Paano mo kunin ang katas ng kalamansi upang gawing juice?
A. Dikdikin nang pino ang kalamansi.
B. Balatan ang kalamansi bago pigain.
C. Igiling ang kalamansi gamit ang blender.
D. Pigain ang hiniwang kalamansi sa salaan.
4. Anong sangkap ang nangangailangan ng 1 2/4 na sukat?
A. kalamansi B. asukal C. pulot
D.tubig
5. Ano ang tamang paraan ng paghiwa ng kalamansi?
A. Hiwain ito sa gitna.
B. Hiwain ito nang patayo.
C. Hawain ito kahit saan.
D. Hiwain ito sa puno, iwasang mahiwa ang mga buto nito.

You might also like