Professional Documents
Culture Documents
Region X
Division of Bukidnon
Cabanglasan I – District
CABANGLASAN CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
Gawain II. Panuto: Base sa nakaraang leksyon, Tukuyin kung ang may salungguhit ng panghalip ay
panao, pamatlig, pananong, panaklaw. Isulat sa tabi ng bilang ang iyong sagot.
______________ 1. Balana ay may mga busilak na kalooban.
______________ 2. Ilang beses ka na bang nakatulong sa iba?
______________ 3. May puwang ka rito sa puso ko dahil pareho tayo ng layunin.
______________ 4. Ang lahat ay nagpapasalamat sa nagging Mabuti sa kanila.
______________ 5. Ikaw ba ay nakakaramdam din ng tuwa kapag nakatutulong sa iba?
Gawain III. Panuto: Basahing Mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Sagutin ang mga tanong at
isulat ang titik na tamang sagot bago ang bilang.
_____ 1. Ito ay pangangalang pambalana na tumutukoy sa mga bagay na may katangiang pisikal
kaya’t ito ay nakikita at nahahawakan.
a.pantangi b.tahas c.pambalana d. basal
_____ 2. Pangngalang tumutukoy sa tangi o tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
Nagsisimula ito samalaking titik.
a.lansakan b. pambalana c. tahas d.pantangi
_____ 3. Pangngalang pambalanang tumutukoy sa kaisipan o konsepto. Wala itong pisikal na katangian
kaya’t hindi nakikita at nahahawakan.
a.basal b.pambalana c. lansakan d.tahas
______ 4. Ito ay panggalang tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Nagsisimula ito sa maliit na titik.
a.pambalana b.pantangi c.basal d.lansakan
______ 5. Panggalang nangahuhulugan ng dami o kalipunan ng marami.
a.tahas b. basal c.lansakan d. pambalana
_____ 6. Maglaro, kumanta at magliwaliw ang hilig gawin ni Tipaklong araw-araw. Anong uri ng
pangngalang pambalana anag nakasalungguhit.
a.tahas b.basal c.pantangi d.lansakan
_____ 7. Tukuyin ang pagtangi sa pangungusap na ito. Mahilig kumain ng tsokolate si Elena.
a.kumain b.mahilig c.Elena d. tsokolate
_____ 8. Kailang pwedeng ipakita ang pagiging totoong kaibigan?
a.kapag may nakikita c.sa tamang lugar
b.kapag binibigyan ng pagkain d.sa lahat ng oras
_____ 9. Habang ikaw ay naglalakad, may nakita kang batang nadapa. Ano ang gagawin mo?
a.hahayaan ko siya dahil hindi ko siya kaibigan c. tutulungan ko siya
b.tatawagin ko ang nanay niya d.pagtawanan
_____ 10. Tutulong ka bas a isang kaibigang lalapit lang kapag may kailangan?
a.Oo, dahil kami ay magkakaibigan at nagtutulungan sa panahon ng kagipitan.
b.Hindi, dahil siya ay tamad.
c.Oo, dahil baka makatulong rin siya sa akin pagdating ng panahon.
D.Oo, dahil kilala ko siya.
Gawain IV. Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang hiram sa ibaba. Isulat ang letra ng taman
salita sa patlang.
______ 1. Cellphone _______ 3. application
______ 2. Cabinet _______ 4. Kwarto
Gawain V. Panuto: Iguhit ang bituin kung ito ay pangngalang konkreto at iguhit ang puso naman kung
ito ay di konkretong pangngalang.
_______ 5. Cellphone _____ 7. Takot _____ 9. Aling Lerma
_______ 6. Gutom _____8. Cabinet _____ 10. Tatay
Gawain VI. Panuto: Pag-ugnayin ang mga salitang hiram na sinalungguhitan sa bawat pangungusap sa
HANAY A sa mga katumbas na kahulugan nito sa HANAY B. Isulat ang titik sa patlang.
HANAY A HANAY B
_____ 1. Magaling maglaro ng volleyball si Allan. a. isang uri ng laro na gumagamit
ng bola
_____ 2. Subrang tamis ng juice ang nainum ko. b. isang uri ng pagkain
_____ 3. Nagluto si Inay ng bacon c. isang uri ng maiinum
_____ 4. Wala ng laman ang gas stove naming hindi d. isang taong nagtuturo sa mga na
makapagluto si Ate. bata sa paaralan
_____ 5. Maganda talaga at subrang mabait e. isang bagay na nilulutuan namin
ang titser
Gawain VII. Panuto: Unawain at kilalaning Mabuti ang mga salawikaing ibinigay at piliin ang tamang
kahulugan nito na nakasulat sa kahon. Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
Gawain VIII. Panuto: Sumulat ng isang seleksyon at magtala ng mga pangngalang pantangi
at pambalana mula sa selekssyon, isulat sa loob ng kahon ayon sa wastong hany nito.
Pantangi Pambalana
Tahas Basal Lansakan
1. 1. 1. 1.
2. 2. 2. 2.
3. 3. 3. 3.
4. 4. 4. 4.
5. 5. 5. 5.
“Ang pagsusumikap at pagpipilit na kumita ng ikakabuhay ay nagpapahayag ng tunay na pagmamahal sa sarili, sa asawa, anak, kapatid at
kababayan.”
- Andres Bonifacio _