You are on page 1of 3

LAGUMANG PAGSUSULIT

Markahan: Ikatlong Markahan SA No. 3.1

Pangalan: Baitang:
Asignatura: Filipino Petsa:

I. Kilalanin ang kahulugan ng salitang nakasulat nang madiin. Piliin ang tamang sagot at isulat ang sagot sa
linya bago ang bawat bilang.

____1. Tumigil na sila sa pagkunsinti sa maling ginagawa ng kapamilya nila.

a.natutukso b. nagkakalkal c. pagpayag

____2. Natatakam ang ilong sa amoy ng pagkaing hindi naman niya nakakain.
a. responsibilidad b. natutukso c.suminghot
____3. Ang likod at braso ng kaawa-awang bata ay napaso nang aksidenteng maitulak siya sa
nag-aapoy na gulong ng sasakyan.
a. nalapnos b. gumalaw c. barong-barong
____4. Nagsisiksikan ang pamilya nina Kesz sa isang maliit na bahay na gawa sa pinagtagpi-
tagping bagay na malapit sa tambakan.
a. nalapnos b. gumalaw c. barong-barong
____5. Ang Gawain ng bibig at dila ay tumanggap ng pagkain at lumasa ng pagkaing isinusubo
sa kanila.
a. tumikim b.nagkakalkal c. responsibilidad
____6. Mahirap din pala ang tungkuling ginampanan niya.
a.natutukso b responsibilidad c. pagpayag
____7. Marami ang nakumbinsi na tumulong sa foundation na itinatag ni Kesz dahil nakita nila
ang magagandang ibinunga nito.
a. nahikayat b. responsibilidad c.sumisinghot

____8. Maraming batang kalye ang umaamoy ng rugby na nakasasama sa kanilang kalusugan
dahil sa kemikal na pumapasok sa kanilang ilong.
a. responsibilidad b. natutukso c.suminghot
____9. Siya at ang kangyang mga kapatid ay naghahalungkat ng basura sa tambakan.
a.natutukso b. nagkakalkal c. pagpayag

1
Starting Them Young: “Every Child a Scientist with a Heart”
____10. Dahil sa gutom, gustuhin man nilang kumilos ay hindi nila magawa.

a. nalapnos b. gumalaw c. barong-barong

II. Kilalanin at ikahon ang pang-abay sa bawat pangungusap.

1. Masigabong pinalakpakan si Kesz dahil sa kanyang nagawa.

2. Siya’y malugod na binate ng miyembro ng medya sa kanyang pagbabalik.

3. Masayang nagpaliwanag si Kesz tungkol sa kanyang tinanggap na premyo.

4. Nakinig ng tahimik ang lahat sa kanyang paliwanag.

5. Mainit na tinanggap ng mga Pilipino ang tagumpay ng dating batang kalye.

6. Ang anumang Gawain ay dapat gawin ng buong puso.

7. Malungkot niyang inalala ang kanyang pinagdaanang buhay.

8. Mahusay magpagaling sa mga sugat sa puso ang pagmamahal.

9. Taimtim na nagdasal ang lahat para sa kanyang tagumpay.

III. Isulat sa linya ang hinihingi ng bawat bilang. Dalawang (2) puntos bawat sagot.

1. Ibigay ang apat na pangunahing direksyon.

a.______________________ b._________________________

c.______________________ d._________________________

2. Ibigay ang apat na pangalawang direksyon.

a.______________________ b._________________________

c.______________________ d._________________________

3. Ano ang dalawang uri ng talambuhay?

a.______________________ b._________________________

2
Starting Them Young: “Every Child a Scientist with a Heart”
3
Starting Them Young: “Every Child a Scientist with a Heart”

You might also like