You are on page 1of 10

Linnguhang Pagsusulit sa MTB-MLE 2

Unang Markahan

Pangalan:________________________Baitang/Pangkat: ________Petsa:_________

I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at isulat ang letrang angkop sa iyong komento o
reaksiyon.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____1. Sa iyong paghuhugas ng plato, nabasag mo ang baso. Ano ang gagawin mo?
A. Sasabihin ko po sa aking nanay ang aking nagawa at hihingi po ako ng pasensya.
B. Papalitan ng bagong baso
C. Itatago ko ang nabasag na baso upang di ako mapagalitan.
_____2. Nakita mong walang baon ang iyong kaklase. Ano kaya ang mabuti mong gawin?
A. Hahayaan ko lamang siya.
B. Hahatian ko siya sa aking baon.
C. Ihihingi ko siya sa aming kaklase.
_____3. May nasunugan sa inyong lugar. Marami ang naapektuhan. Alam mong marami kayong
damit na hindi na ginagamit. Ano ang gagawin mo para makatulong?
A. Hahayaan ko lamang sila.
B. Sasabihin ko sa aking magulang na magbahagi kami ng tulong sa mga naapektuhan.
C. Manunuod lang ako sa nangyayari.
_____4. Nakita mong hindi madala ng Lola mo ang kaniyang bitbit. Ano ang gagawin mo?
A. Tutulungan ko siya sa pagdadala para hindi na siya mahirapan.
B. Hahayaan ko lamang siya.
C. Magtatago ako upang hindi niya ako makita.
_____5. Nakita mong pinagtatawanan ng kalaro mo ang isang batang pilay. Ano ang gagawin
mo?
A. Pagtatawanan ko rin ang batang pilay.
B. Babatuhin ang batang pilay.
C. Pagbabawalan ko ang aking mga kalaro dahil mali ang kanilang ginagawa.

II. Panuto: Isulat ang Tama kung angkop ang reaksiyon na ginawa at Mali kung hindi.

_____6. May pulubi sa harapan ng bahay nila Aling Rita. Sinigawan niya ito at pinaalis.
_____7. Gusto mong bumili ng sorbetes ngunit wala kang pera. Nakita mong tulog ang nanay mo
kaya kumuha ka ng pera sa pitaka niya nang walng paalam.
_____8. Hindi sinasadyang natapakan ka ng isang matandang babae, ngumiti ka at tinanggap ang
kanyang paumanhin.
_____9. Maraming nagkalat na basura sa bahay nila Mang Domeng. Dahil walang nangongolekta
inihagis niya ito sa ilog.
_____10. Tumutulong araw-araw si Nena sa paglilinis ng kanilang bahay.

III. Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

_____11. Ilan ang pantig ng salitang mapagmahal?


A. 4 B. 5 C. 6
_____12. Ang salitang kapaligiran ay may _____ pantig?
A. 4 B. 5 C. 6
_____13. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagpapantig ng salitang pangalagaan?
A. pang-a la-gaan B. pa-ngala-gaan C.pa-nga-la-ga-an
_____14. Pantigin ang salitang isinalaysay. Pilin ang titik ang tamang sagot.
A. i-sina-lay-say B. i-si-na-lay-say C. isi-na-lay-say
_____15. Alin ang salitang naiiba?
A. maalaga B. maalaga C. alaga
_____16. Alin ang naiiba sa pangkat?
A. Nobyembre B. Nobela C. Nobyembre
_____17. Piliin ang multi-silabikong salita sa pangkat.
A. kapaligiran B.gilid C.paligid
_____18. Dito naninirahan ang iba’t-ibang uri ng mababangis at maaamong hayop sa lugar na ito.

( tan-ka-ba-gu), iayos ang multi-silabikong salita na inilalarawan. Piliin ang titik ng tamang

sagot.

A. kapaligiran B. kagubatan C. kalinisan

_____19. Nagpupunta ang mga tao dito upang magdasal at magpuri sa Panginoon.

(ba-han-sim), iayos ang multi-silabikong salita na inilalarawan. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. simbahan B. tahanan C. palengke

_____20. Ano ang pangalan ng nasa larawan?


A. saranggola B. bulaklak C. bola

Ikalawang Lagumang Pagsusulit sa MTB-MLE 2


Unang Markahan (Modyul 3 at 4)

Pangalan:__________________________Baitang/Pangkat:
________Petsa:_________

I. Tukuyin ang ngalan ng mga sumusunod. Isulat sa patlang ang sagot.

a. Tao b. Bagay c. Hayop d. Lugar e. Pangyayari

__________1. isda __________4. barko


__________2. ate __________5. Zambales
__________3. Kaarawan

II. Tukuyin at bilugan ang salitang ngalan sa sumusunod na pangungusap.

6. Ang ibon ay lumilipad.


7. Masinop ang pagkakaayos ng mga laruan.
8. Nalalapit na ang pasko.
9. Masaya mag-aral sa paaralan.
10. Si Arwin ay nag-aaral ng mabuti.

III. Isulat sa tamang hanay ang mga sumusunod na pangngalan.


11. guro, nanay, Cardo Dalisay 14. lapis, papel, damit
12. paaralan, simbahan, parke 15. kaarawan, pasko, pista
13. aso, pusa, ibon

TAO HAYOP LUGAR

BAGAY PANGYAYARI
Lagumang Pagsusulit sa MTB-MLE 2
Unang Markahan

Pangalan:______________________Baitang/Pangkat: ________Petsa:_________

I. Isulat ang letra ng tamang sagot.

_____1. Ito ay iginuhit na larawan na nagpapahayag ng impormasyon o kaisipan.


A. poster B. karakter profayl C. kapaligiran
_____2. Ang paggawa ng poster ay ginagamitan ng iba’t-ibang hugis, kulay at simbolo upang mas
maging maganda ang paglalarawan ng impormasyon, kaisipan,at ang damdamin ng gumawa
nito.
A. tama B. mali C. maaari
_____3. Ito ay ang paglalahad ng mga mahahalagang impormasyong nagpapakilala sa isang tao
o tauhan.
A. poster B. karakter profayl C. kaisipan
_____4. Ang pangalan at edad ay ilan sa mga mahahalagang impormasyong na itinatala sa
karakter profayl.
A. tama B. mali C. maaari
_____5. Sa paggawa ng poster dapat gawing malinaw at angkop ang paglalarawan sa konsepto.
A. tama B. mali C. maaari
II. Isulat sa guhit ang titik ng tamang sagot.
_____6. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay,pook at pangyayari.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-ukol
_____7. Si Andoy ay naglalaro. Ang salitang nakasalungguhit ay ngalan ng_____?
A. tao B. bagay C. hayop
_____8. Ang Pampanga ay ngalan ng _____?
A. tao B. hayop C. lugar
_____9. Alin ang ngalan ng bagay?
A. lapis B. guro C. pusa
_____10. Ang aso ay ngalan ng _____?
A. lugar B. hayop C. Tao

II. Panuto: Basahin ang mga nakatalang ngalan. Isulat ang letrang T kung tao, B kung bagay,
H kung hayop, L kung lugar at P kung pangyayari.
______11. pamilihan ______14. Bagong Taon
______12. bata ______15. lamesa
______13. ahas

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa MTB-MLE 2


Unang Markahan (Modyul 5 at 6)

Pangalan:________________________Baitang/Pangkat:
__________Petsa:_________

I. Isulat sa guhit ang titik ng tamang sagot.


_____1. Ito ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay,pook at pangyayari.
A. pangngalan B. pandiwa C. pang-ukol
_____2. Si Andoy ay naglalaro. Ang salitang nakasalungguhit ay ngalan ng_____?
A. tao B. bagay C. hayop
_____3. Ang Pampanga ay ngalan ng _____?
A. tao B. hayop C. lugar
_____4. Alin ang ngalan ng bagay?
A. lapis B. guro C. pusa
_____5. Ang aso ay ngalan ng _____?
A. lugar B. hayop C. Tao

II. Panuto: Basahin ang mga nakatalang ngalan. Isulat ang letrang T kung tao, B kung bagay,
H kung hayop, L kung lugar at P kung pangyayari.
______6. pamilihan ______9. Bagong Taon
______7. bata ______10. lamesa
______8. ahas

III. Panuto: Bigyang kahulugan ang nakasalungguhit na mga salita ayon sa gamit sa
pangungusap. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

a. malaki
b. damit na pamasok
c. marami
d. malapit
e. paligsahan

_____ 11. Natumba ang mayabong na puno sa likod ng bahay dahil sa malakas na
hangin na dulot ng bagyong Rolly.

_____ 12. Si Arwin ay nagsusuot ng uniporme kahit sa bahay lamang siya nag-aaral.

_____ 13. Hitik sa bunga ang punong mangga nila Aling Nena. Masaya siyang
namahagi
sa kaniyang mga kapitbahay.

_____ 14. Si Carmela ay aking matalik na kaibigan.

_____ 15. Nanalo si Carl sa patimpalak sa Matematika. Masaya ang kaniyang


pamilya
sa pangyayaring ito.
IV. Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit batay sa pagkakagami nito sa
pangungusap. Isulat ang letra ng may tamang sagot.

__________16. Malimit na dinadalaw ni Ara ang kaniyang kaibigang may sakit.

a. madalas c. minsan
b. madalang d. hindi kailanman

___________17. Walang pambili ng gamit sa paaralan si Miko dahil sila ay kapus-palad.

a. mayaman c. mahirap
b. sobra d. mataas

__________ 18. Malawak ang taniman ng pakwan ni Kapitan Laguna.

a. malapad c. maliit
b. makipot d. matarik

__________ 19. Si Gladys ay aktibo sa mga programa ng kanilang Barangay.

a. tamad c. masigasig
b. hindi dumadalo d. malungkot

__________ 20. Makupad lumakad ang alaga niyang pagong.

a. mabilis c. maliksi
b. mabagal d. matulin
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa MTB-MLE 2
Unang Markahan (Modyul 7 at 8)

Pangalan:________________________Baitang/Pangkat:
__________Petsa:_________

I. Isulat ang “K” kung ang pares ng salita ay may kambal-katinig at “D” kung diptonggo.
_______1. tatay – tinapay
_______2. gripo – grasa
_______3. anahaw – kalabaw
_______4. plato – pluma
_______5. sitaw – bataw
II. Basahin ang mga pangungusap. Bilugan ang salitang may kambal-katinig o diptonggo.

6. Si Glaiza ay matalinong bata.

7. Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng prutas.

8. Ang paborito kong gulay ay kalabasa.

9. Pritong isda ang ulam namin kanina.

10. Bumili si Ara ng bagong tisnelas sa bayan.

III. Tukuyin ang kasarian ng pangngalan ng mga larawan na nasa ibaba. Isulat sa patlang ang
PL kung panlalaki, PB kung pambabae, DT kung di-tiyak at WK kung walang kasarian.

__________ 11. pitaka

__________ 12. guro


__________ 13. pantalon

__________ 14. bistida

__________ 15. pari

IV. Piliin ang angkop na kasarian ng pangngalan. Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.

__________16. ate a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak

________ 17. pinsan a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak

________ 18. ninong a. pambabae b. panlalaki c. di-tiyak

________ 19. plato a. pambabae b. panlalaki c. walang kasarian

_________ 20. kaibigan a. pambabae b. di-tiyak c. walang kasarian

You might also like