You are on page 1of 4

PANUTO: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

____________1. Ang mga tao sa komunidad ay laging nagtatapon ng basura kahit saan. Ano sa
iyong palagay ang bunga nito sa ating komunidad?

a. Magiging patag ang daan.

b. Magkakasakit ang mga tao sa komunidad.

c. Kakalat ang mga basura sa kalsada.

d. Hindi magiging maganda at maaliwalas ang paligid.

____________ 2. Si Maria ay isang masunuring anak sa kanyang ina. Ang nakasalungguhit ay


nagsasaad ng pangalan ng ____?

a. Tao b. Bagay c. Lugar d. Pangyayari

____________ 3. Malambot ang aking gamit na unan sa tuwing ako ay natutulog. Ano ang
salitang naglalarawan sa pangungusap?

a. Malambot b. Natutulog c. Gamit d. Unan

____________ 4. Mahilig ang magkakaibigan na pumunta sa People's Park tuwing bakasyon.


Ang may salungghit ay nagsasaad ng Pangngalang___?

a. Tao b. Bagay c. Pangyayari d. Lugar

_____________ 5. Ako, ikaw at ang mga tao ay kailangan manatili sa pagsuot ng facemask
upang ligtas at iwas sa sakit. Ano ang maaring ipalit na panghalip sa mga salitang
nakasalungguhit?

a. Ako b. Tayo c. Sila d. Kami

_____________ 6. 6.Si Ate ay magiting na pulis. Ano ang maaring ipalit sa pangalan ng tao na
nakasalungguhit?

a. Sila b. Siya c. Kayo d. Ako

_____________ 7. Tatlong pusa ang tumakbo sa gilid ng daanan. Ano ang salitang naglalarawan
sa pangungusap?

a. Gilid b. Dalawa c. Tatlo d. Tumakbo

______________ 8. Nagpunta kami sa parke at namasyal. Alin ang panggalan sa pangungusap?


a. Parke b. Kami c. Namasyal d. Nagpunta

_______________ 9. Ano ang tamang pagbaybay sa bulaklak na ito?

a. Sampaguita b. Sampagita c. Sampaguta d. Sampagiuta

______________ 10. Laging kumakain ng gulay si Mira kung kaya't hindi siya madaling dapuan
ng sakit. Ano ang naging dahilan kung bakit hindi madaling dapuan ng sakit si Mira?

A. Mahilig si Mira kumain ng Junk foods.

B. Hindi mahilig si Mira kumain.

C. Hindi siya malakas kumain ng gulay.

D. Mahilig si Mira na kumain ng gulay.

______________ 11. Si Ana, Buboy at Ako ay mahilig maglaro sa palaruan. Ano ang maaring
ipalit sa pangalan ng tao na nakasalungguhit?

a. Ako b. Tayo c. Sila d. Kami

______________ 12. Kinulayan ni Jessica ang kanyang kwarto ng dilaw. Ano ang ginamit na
salitang naglalarawan?

a. Kulay b. Dilaw c. Kwarto d. Kinulayan

______________ 13. Ang lapis ay nagsasaad ng pangalan ng ______?

a. Tao b. Hayop c. Bagay d. Pangyayari

______________ 14. Sina Arriane at Alex ay magkamukha dahil sila ay ___________. Piliin ang
tamang baybay.

a. Mag/ka/pa/tid b. Mag/ka/pa/ted c. Mag/ka/pat/id d. Mag/kap/a/Ted

______________ 15. Ikaw at ako ay magkasamang maglalaro ng basketbol sa susunod na taon.


Ano ang maaring ipalit sa pangalan ng tao na nakasalungguhit?

a. Ako b. Tayo c. Sila d. Kami

______________ 16. Buksan mo ang iyong Itim na kwaderno at sulatan ito ng hugis bilog. Saan
inilarawan ang kwaderno?
a. Hugis Bilog b. kulay Itim c. Sulatan d. kulay ng Sulatin

______________ 17. Ilang pantig ng salitang "Kuwaderno"?

a. 5-ku/wa/de/r/no b.6-k/u/wa/der/no c.4-ku/wa/der/no d.3-kwa/der/no

_____________ 18. Ang pasko ay ipinagdiriwang tuwing buwan ng Disyembre. Ang


nakasalungguhit ay nagsasaad ng pangalan ng _________?

a. Tao b. Hayop c. Bagay d. Pangyayari

______________ 19. Pumunta sina Ana at Leni sa kaarawan ni Dina. Ang salitang kaarawan at
tumutukoy sa panggalan ng ___________?

a. Hayop b. Lugar c. Tao d. Pangyayari

______________ 20. Si Lucy at Nina ay matalik na ___________. Piliin ang tamang baybay.

a. Mag/ka/e/be/gan b. Mag/ke/e/bi/gan c. Mag/ka/e/bi/gan d. Mag/ka/i/bi/gan

______________ 21. Piliin ang angkop na pangalan para sa pangungusap; Matalino at maganda
si ____________.

a. Chloe b. Jake c. Pako d. Valenzuela City

______________ 22. Ang Berdeng palaka ay nakaupo sa ibabaw ng bato. Ano ang salitang
naglalarawan sa pangungusap?

a. Bato b. Palaka c. Berde d. Ibabaw

______________ 23. Masarap ang gulay na hinain ng aming nanay sa hapag kainan. Piliin ang
tamang bilang ng pantig ng mga salita.

a. Masarap(3) ang(1) gulay(2) na(1) hinain(3) ng(1) aming(2) nanay(2) sa(1) hapag(2) kainan(3).

b. Masarap(2) ang(2) gulay(3) na(1) hinain(1) ng(2) aming(1) nanay(3) sa(1) hapag(2) kainan.

c. Masarap(3) ang(2) gulay(2) na(1) hinain(2) ng(1) aming(3) nanay(2) sa(2) hapag(2) kainan(2).

d. Masarap(2) ang(1) gulay(2) na(1) hain(2) ng(1) aming(3) inay(2) sa(1) hapag(2) kainan(3).

_______________ 24. Nais ni Anna na ganapin ang kanyang kaarawan sa ______?

a. Bulacan b. jake c. Anna d. Cake

_______________ 25. Binubuo ng apat (4) na pantig ang pagbaybay sa Gumamela.


a. Oo, dahil ang baybay ay gu/m/a/me/la

b. Oo, dahil ang baybay ay gu/ma/me/la

c. Hindi, dahil ang baybay ay gum/a/m/e/l/a

d. Hindi, dahil ang baybay ay g/u/m/a/m/e/l/a

_______________ 26. Si Leah ay pumunta sa palengke. Ang palengke ay nagsasaad ng pangalan


ng _________?

a. Tao b. Bagay c. Pook d. Hayop

_______________ 27. Ang mga bata ay masipag na pumapasok at nag-aaral sa __________..

a. Pa/a/re/lan b. Pa/a/ra/len c. Pa/a/ra/lan d.Pa/a/ra/lin

_______________ 28. Ito ay ang mga salitang naglalarawan sa pangngalan tulad ng maganda at
mabango.

a. Panggalan b. Panghalip c. Pang-uri d. Pang-abay

_______________ 29. Si Moli ay laging lumiliban sa klase kaya bumaba ng husto ang kanyang
marka. Ano sa palagay mo ang naging sanhi ng pagbaba ng marka ni Moli?

a. Si Moli ay laging pumasok.

b. Si Moli ay laging lumiliban sa klase.

c. Si Moli ay natatakot sa kaniyang guro kaya ayaw niya pumasok.

d. Si Moli ay aktibo sa klase.

_______________ 30. Ang ____ ay mga salitang naglalarawan sa Pangngalan. Halimbawa nito
ay maganda, maliit at malaki.

a. Pang-abay b. Naglalarawan c. Pang-uri d. Pang-halip

You might also like