You are on page 1of 5

Butuan Child Academy, Inc

Ampayon, Butuan City


S.Y. 2021-2022

PRE-TEST IN FILIPINO 6

Pangalan:____________________________________Baitang: ________________Iskor:_____

I. Panuto: Piliin ang angkop na panghalip sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa kahon bago
ang bilang.

1. Ate Minda, talaga bang bigay ng Nanay mo ang lapis na ________(malapit sa kausap)?
a. Ito b. dito c. iyan

2. _________naman ang hinihintay (malapit sa nagsasalita) mong regalo mula sa Tatay mo.
a. Heto b. Iyan c. hayun

3. _________(malayo sa nagsasalita) ang karterong nag-abot niyan sa akin.


a. Hayun b. Doon c. Ito

4. _________(malapit sa kausap) si Kuya, may dalang paborito mong cake.


a. Heto b. Hayan c. Hayun

5. Mamayang gabi pa darating _________(malapit sa kausap) ang padala ng Ninang mo.


a. dito b. diyan c. doon

II. Piliin ang tamang titik ang maging hinuha ng mga sumusunod pangyayari. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa kahon bago ang bilang.

6. Patuloy ang pagtatapon ng tao ng basura sa ilog

A. Dudumi ito at mamatay lahat ang isda rito


B. Magiging malinis ang kapaligiran dahil sa pagtapon ng basura sa ilog.
C. Magiging malusog ang isda sa ilog
D. Maging sariwa ang hangin ng mga taong nakatira malapit sa ilog.

7.Paglanghap ng makapal at maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng sasakyan.

A. Ito ay nakapagdudulot ng kaginhawaan sa mga tao


B. Maraming magkakasakit sa baga.
C. Magiging maliksi ang mga tao dahil sa usok na kanilang nilalanghap
D. Ang mga puno sa paligid ay magiging malusog.

8. Dala-dala ang baong pagkain at ilawan, sumakay sa bangka at pumalaot na ang mag-ama.

A. Ang mag-ama ay mangingisda sila sa dagat


B. Ang mag-ama ay magliwaliw sa dagat
C. Ang mag-ama ay maliligo sa dagat
D. Ang mag-ama ay nagkayayaan tingnan ang dagat

9. Inani na ang mga palay. Tinuyo na ang mga ito at isinilid sa sako ng magsasaka.

A. Ipagbibili ng magsasaka ang mga palay


B. Ipamimigay niya sa mga nangangailangan
C. Itatago niya ito habambuhay
D. Ipapakain niya sa mga alaga niyang hayop.
10. Nagluto ng mga kakanin ang nanay. Inimbitahan ang mga kapitbahay at lahat ng kalaro at kababata ni Cris.

A. Nais lang ng nanay makakain ang kaniyang mga kapit- bahay


B. Nais ng nanay na ipagyabang na sila ay maraming pagkain
C. Kaarawan ni Cris
D. Masaya ang nanay na makita maraming tao sa kanilang bahay.

III. Piliin ang angkop na panghalip. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

11. _____ang gusto mong kainin mamaya?


a. Ano b. Saan c. Kanino

12. _____mo itinapon ang basura?


a. Ano b. Saan c. Kanino

13. ______ang mga sasali sa palaro?


` a. Ilan, b. Ilan-ilan, c. Anu-ano

Piliin ang tamang pang-uri na angkop sa pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang
bilang.

14. ________________ang pangarap ng ina at ang pangarap ni Rolly.


a. Matayog b. Mas matayog c. Magkasingtayog

15. Ang Pilipinas ang __________________bansang Kristyano sa Asya.


a. unang b. mas unang c.pinaka unang

16. _________________ ang maynila at Cagayan mula sa amin.


a. Malayo b. Magsinglayo c. Pinaka malayo

17. _______________ sina Macario Sakay at Antonio Luna.


a. Matapang b. Parehas na matapang c. Pinaka matapang

18. Si Jhon Lloyd ay ______________________ na actor.


a. mahusay b. mas mahusay c pinakamahusay

19. Sina Bea at Lyza ay ________________________


a. maganda b. magkasingganda c. pinakamaganda

20. _________________-ang pagong kung lumakad.


a. mabagal b. mas mabagal c. pinakamabagal

PANUTO: Pillin ang titik ng pinakawastong sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

21. Gusto mong lumabas kasama ng iyong mga kaibigan, ano ang sasabihin mo sa iyong mga
magulang?
a. Maari po ba akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan?
b. Payagan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.
c. Hayaan ninyo akong lumabas kasama ng aking mga kaibigan.

22. May lakbay-aral ang inyong klase at nais mong makasam. Paano ka magpapaalam sa iyong
mga magulang?
a. “Aalis ako sa Sabado dahil may lakbay-aral an gaming klase.”
b. “Dapat ninyo akong payagan sa lakbay-aral naming.”
c. “Maaari po ba akong sumama sa lakbay-aral namin?”
23. Humingi ka ng pahintulot sa iyong nanay upang makipaglaro sa labas subalit hindi ka
pinayagan dahil umaambon. Ano ang dapat mong gawin?
a. Aayain ko ang aking kapatid na makipaghabulan sa akin sa hardin.
b. Titigil na lang ako sa bahay at gagawa ng aking takdang aralin.
c. Magpupumilit ako hanggang sa mapapayag ko ang aking nanay.

24. Nais mong hiramin ang lapis ng iyong kaibigan. Paano mo ito sasabihin sa kanya?
a. “Akin na muna ang iyong lapis.”
b. “Maaari ko bang gamitin ang lapis mo?”
c. “Ipahiram mo sa akin ang lapis mo”
25. Ugaliin ang pagpapasalamat kung hinihingi ng pagkakataon.
a. Mali
b. Tama
c. Ewan ko

PANUTO: Sabihin kung anong uri ng pang-abay ang ginamit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

_______26. Mabilis niyang iniligpit ang hinigaan.


a. pamaraan b. pamanahon c.pamilang d. panlunan

_______27. Ikaanim ng umaga nang gumising siya.


a. pamanahon b. panlunan c. pamaraan d. pamilang

_______28. Naglaro sila sa bakuran ng paaralan.


a. pamanahon b. pamilang c. pamaraan d. panlunan

PANUTO: Tukuyin kung ang sinalunggihatan sa pangungusap ay SANHI O BUNGA. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.

29. Dahil nalasing si David sa alak, hindi na siya pinayagan magmaneho pauwi.
a. Sanhi b. Bunga

30. Tahimik at madilim na ang bahay, dahil tulog na ang lahat.


a. Sanhi b. Bunga

31. Pumunta sila sa hapag kainan kasi nakahain na ang pagkain.


a. Sanhi b. Bunga

32. Uhaw na uhaw si Gilbert kung kaya’t uminom siya ng maraming tubig.
a. Sanhi b. Bunga
PANUTO: Piliin ang angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.

_______33. Walang pagkakamali na hindi maitutuwid ______ ikaw ay nagsisi.


a. at b. kung c. dahil d. nang

_______34. Matagal na siyang naghihintay _____ hindi pa dumating ang kaibigan.


a. dahil b. habang c. subalit d. kapag

_______35. Aalis ka ba ____ mahihintay ka sa akin.


a. o b. at c. kung d. dahil

_______36. Iniipon ni Lita ang kaunti ______ kinikita at ibinibigay sa kanyang nanay.
a. g b. na c. ng d. sa

_______37. Ang enerhiya geothermal ay malinis dahil hindi ito nagbubuga ng usok _____nakakasama sa katawan.
a. ng b. g c. at d. na

_______38. Si Andrew ay mahilig kumain ng mga pagkain _____ masasarap.


a. na b. g c. ng d. o

PANUTO: Isulat sa patlang (blank)ang PS kung pasalaysay. PT kung patanong, PU kung pautos at PD kung
padamdam, ang mga sumusunod na pangungusap.

________ 39. May nakita ka na bang trabaho?

________ 40. Ay, muntik na akong madulas!

________ 41. Dahan-dahan ka at maputik ang lupa.

_______ 42. Hayun na pala ang nanay!

________ 43. Malakas ang hangin kaninang umaga.

Basahin ang mga sumusunod na salita. Piliin ang titik ng salitang maiuugnay rito. Isulat ang tamang sagot
sa patlang.

Halimbawa: (baso: tubig) (guro:mag-aaral)

44. sasakyan: ___________


a. transportasyon b. komunikasyon c. telepono d. liham

45. uling: __________


a. panggatong b. pagkain c. gulay d. prutas

46. dagat: __________


a. magsasaka b. mangingisda c. mag-aararo d. manananim
Ang kahulugan ng piksyon at di piksyon. Ang piksyon ay mga kwento na nagtatampok ng mga
istorya na galing sa imahinasyon o kathang isip lamang at hindi totoo. Mga kwento ito na may mga
karakter, bagay o pangyayari na kathang isip lamang. Ang di piksyon naman ay kabaliktaran ng piksyon,
ang di piksyon ay mga kwento o akda na naglalaman ng mga tama at totoong pangyayari o tao. Ilan
lamang ito sa kahulugan ng piksyon at di piksyon.

Panuto: Ang sumusunod na mga talata ay hinango sa iba’t-ibang seleksyon. Suriin kung ito ay Piksyon o Di-
piksyon. Isulat ang sagot sa patlang.

_____________ 47. Ang globo ay nahahati sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig. Ang mapa ay walang mga bahagi tulad
ng nakikita sa globo. Ang ordinaryong mapa ay nagpapakita ng isang bahagi lamang ng daigdig samantalang ang
globo ay nagpapakita ng lahat ng bansa ng daigdig.

_____________ 48. Isang umaga tumawag ng pulong ang pinuno ng mga hayop na si Kapitan Leon. Magtatagpu-
tagpo ang mga hayop-gubat, mga ibon at maging ang mga hayop sa kapatagan sa sapa na nasa may bundok.

_____________49. Ang pagtatanim ng punungkahoy ay makatutulong sa lumalaking suliranin sa tubig sa kalakhang


Maynila. Sinabi ng DENR (Department of Environment & Natural Resources) na ito ang sagot sa matagal nang
suliraning ito.

_____________50. Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pangulo ng Republika ng Pilipinas.

You might also like