You are on page 1of 4

MARANATHA CHRISTIAN ACADEMY

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT


FILIPINO 4

Pangalan:______________________________________________________ Iskor: ________________


Guro: Bb. Xyril Anne D. Miraña Petsa:________________

I. Basahing mabuti ang bawat tanong o pangungusap at sagutin. Isulat ang titik lamang ng tamang sagot
sa bawat patlang.

_____1. Ito ay bahagi ng pananalita na nagbibigay ngalan sa tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
a. Panghalip c. Pandiwa
b. Pangngalan d. Pang-uri

_____2. Ito ay pangkalahatan o di tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar o pangyayari.
a. Pantangi c. Pambalana
b. Pangngalan d. Pang-uri

_____3. Ang Amerika ay pangngalang _____________.


a. Pantangi c. Panghalip
b. Pambalana d. Panguri

_____4. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi nakasulat nang tama?
a. kaibigan c. bulaklak
b. rasario d. araw

_____5. Maalwan ang pamumuhay noon.


a. masarap c. maginhawa
b. madali d. masaya

_____6. Ang mga estudyante ay mahusay magbasa at magbilang. Alin sa mga salita na bumubuo sa
pangungusap ang pangngalan?
a. magbasa c. estudyante
b. magbilang d. mahusay

_____7. Ito ay salitang humahalili o pumapalit sa pangngalan na ginagamit sa pangungusap.


a. Panghalip c. Panghalili
b. Pamalit d. Wala sa nabanggit

_____8. Ang aking ama ay isang magsasaka. ______ ay masipag at matiyaga sa pagsasaka.
a. Ako c. Siya
b. Ikaw d. Sila

_____9. Ako at ang aking pamilya ay pupunta sa Zambales. Magbabakasyon ______ doon.
a. kami c. tayo
b. sila d. kayo

_____10. Nawalan siya ng ganang kumain nang makita niya ang ulam. Anong panauhan ng panghalip ang
ginamit sa pangungusap?
a. Una c. Ikatlo
b. Ikalawa d. Maramihan

_____11. “Gaano kalaki ang pananampalataya mo sa Diyos?” Anong uri ng panghalip ang salitang nakasulat
nang madiin?
a. Panao c. Panaklaw
b. Pananong d. Pamatlig

_____12. Ang pagbabantay sa bawat checkpoint ay dapat na igtingan. Ano ang kahulugan ng salitang may
guhit?
a. bantayan c. alwanan
b. higpitan d. umindak

_____13. ________ ang mga sasali sa palaro sa ating eskwelahan?


a. Ano-ano c. Saan-saan
b. Sino-sino d. Alin-alin

_____14. Kailan kaya babalik sa dati ang lahat?


a. Pamatlig c. Panao
b. Panaklaw d. Pananong

_____15. Sumama ka sa paglilinis ng ating paligid. Anong kaukulang panghalip na panao ang nakasulat nang
madiin?
a. Palagyo c. Palayon
b. Paari d. Pamatlig

_____16. Ito ay anyo ng panitikan na binubuo ng mga saknong.


a. Tula c. Balagtasan
b. Kuwento d. Epiko

_____17. _______ mapatutunayang wala kang kasalanan?


a. Kanino c. Ano
b. Sino d. Paano

_____18. Ang sabi ng Panginoon,”Hindi __________ iiwan, ni pababayaan man.”


a. ka c. kita
b. mo d. kayo

_____19. Ang ________ sa tula ay tumutukoy sa pagkakapareho ng tunog sa huling pantig ng bawat taludtod.
a. saknong c. tugma
b. sukat d. himno

_____20. Mag-aral kang mabuti para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. Ano ang kahulugan ng
salitang may guhit?
a. hinaharap c. panaginip
b. pangarap d. buhay

_____21. Lilipat na kami sa Antipolo. _____ na kami maninirahan.


a. Doon c. Diyan
b. Dito d. Rito

_____22. Ito ay isang ulat na maaring pasalita o pasulat tungkol sa mga pangyayaring naganap, nagaganap o
magaganap pa lamang.
a. Balita c. Pangungusap
b. Tula d. Talata

_____23. Kinakailangan na ang balita ay kagaganap pa lamang. Anong sangkap ng balita ito?
a. Katanyagan c. Di-Karaniwan
b. Kalapitan d. Kapanahunan

_____24. Nasungkit ng Lalawigan ng Kalinga ang titulo ng Guinness World Records para sa pinakamaraming
kababaihan na sumayaw nang sabay-sabay habang may banga sa ulo. Anong sangkap ng balita ito?
a. Katanyagan c. Kaganapan
b. Kapanahunan d. Di-Karaniwan

_____25. Ang grupo nina Tonyo ang hinirang na tagumpay sa paligsahang ginanap sa kanilang eskwelahan.
Ano ang kasingkahulugan ng salitang maalwan?
a. Pangalawa c. Masaya
b. Talo d. Panalo
_____26. Isang araw, sa liblib na lugar ng bayan, nakatira ang isang matandang lalaki. Anong sangkap ng
maikling kuwento ang nakasalungguhit?
a. Tauhan c. Banghay
b. Tagpuan d. Kasukdulan

_____27. Ito ay bahagi ng banghay na nagpapahayag ng pinakamataas na kapanabikan.


a. Simula c. Kasukdulan
b. Papataas na Aksyon d. Wakas

_____28. ______ mo ilagay sa tabi ko ang aking mga gamit. Anong angkop na panghalip ang para sa
pangungusap?
a. Dito c. Doon
b. Diyan d. Ganyan

_____29. Ano ang pangalan ng Nanay ni Gio sa kwentong “Si Gio Ang Matalik Niyang Kaibigan”?
a. Gng. De Villa c. Gng. Belen
b. Gng. Candelario d. Gng. Reyes

_____30. Ano ang pangalan ng matalik na kaibigan ni Gio?


a. Jose c. Juan
b. Ben d. Ruben

_____31. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi panghalip?


a. Lahat c. Tayo
b. Akin d. Guro

_____32. Anong mga hakbang ang iyong gagawin upang magkatagumpay ka? Ano ang kasingkahulugan ng
salitang may guhit?
a. Bilang c. Atras
b. Hinaharap d. Paraan

_____33. Ano ang kasingkahulugan ng salitang lalagyang papel?


a. Bag c. Sako
b. Pitaka d. Supot

_____34. Si langgam at tipaklong ay magkaibigan. Anong elemento ito ng maikling kuwento?


a. Banghay c. Pasimula
b. Tauhan d. Tagpuan

_____35. Ano ang kasingkahulugan ng salitang nagagalak?


a. Nahihirapan c. Natutuwa
b. Napapagod d. Nalulungkot

_____36. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Panghalip Panao, maliban sa


_______________.
a. Kanya c. Amin
b. Akin d. Kailan

_____37. Ito ay kaanyuan ng tula na tumutukoy sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.


a. Tugma c. Taludtod
b. Sukat d. Tono

_____38. Ito ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa ating pagsasalita.


a. Diin c. Antala
b. Tono d. Tugma

_____39. Kami ay magsasagawa ng Family Reunion sa Maynila. Anong uri ng


pangngalan ang salitang nakasulat nang madiin?
a. Pantangi c. Paari
b. Pambalana d. Panlunan

_____40. Ako ay nagnanais na makatulong sa maraming nangangailangan. Anong uri ng panghalip ang may
guhit?
a. Panghalili c. Pananong
b. Panghalip d. Panao

You might also like