You are on page 1of 6

UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan:________________________________________________ Marka:_____/65_ =____


Grade 5 – St. Gabriel Agosto _________, 2017

I. WIKA : Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa patlang bago ang bilang.
A. Gamit ng Pangngalan
Teksto para sa bilang 1 – 6.
1. Kahanga-hanga ang mga Pilipinong mountaineer na umakyat ng Mt. Everest.
2. Hindi nila alintana ang lamig, pagod, at puyat marating lamang ang pinakamataas na bundok sa
buong mundo, ang Mt. Everest.
3. Para sa karangalan ng bansa ang ginawa nila.
4. Matiwasay at tahimik na ang buhay ni Mercedes.

_____1. Aling pangungusap ang walang pangngalang pantangi?


a. Bilang 1 c. Bilang 3
b. Bilang 2 d. Bilang 4
_____2. Alin ang simuno sa pangungusap 1?
a. Pilipinong mountaineer c. Mt. Everest
b. Kahanga-hanga d. Umakyat
_____3. Alin ang layon ng pandiwa sa pangungusap 1?
a. Kahanga-hanga c. Pilipino
b. Umakyat d. Mt. Everest
_____4. Ano ang gamit ng Mt. Everest sa pangungusap 2?
a. Simuno c. Pamuno
b. Kaganapang Pansimuno d. Pantawag
_____5. Ano ang gamit ng karangalan sa pangungusap 3?
a. Kaganapang Pansimuno c. Simuno
b. Layon ng Pandiwa d. Layon ng Pang-ukol
_____6. Paano ginamit ang nasasalungguhitang pangngalan sa pangungusap 4?
a. Simuno c. Paari
b. Kaganapang Pansimuno d. Layon ng Pang-ukol

_____7. Ang bayan ni Allah ay nagtitiwala sa kanya.


a. Kaganapang Pansimuno c. Paari
b. Simuno d. Layon ng Pang-ukol
_____8. Mabuting pinuno si Andres kaya napasusunod niya ang kanyang mga nasasakupan.
a. Simuno c. Kaganapang Pansimuno
b. Paari d. Layon ng Pandiwa
_____9. Ang nagsasakripisyo para sa bayan ay dangal ng bayan.
a. Layon ng Pandiwa c. Kaganapang Pansimuno
b. Paari d. Layon ng Pang-ukol
_____10. Ang aking mga magulang ay silang nagbigay ng buhay sa aming magkakapatid.
a. Kaganapang Pansimuno c. Layon ng Pandiwa
b. Simuno d. Layon ng Pang-ukol

B. Panghalip Panao

_____11. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa pangkat?


a. Sila c. Siya
b. Iyo d. Kanila
_____12. Ito ay tumutukoy sa taong kinakausap?
a. Panauhan c. Ikalawang panauhan
b. Unang panauhan d. Ikatlong panauhan
_____13. ( ) magkakaibigan ay palaging bumabati sa mga kaklase nila.
a. Kayong c. Kanilang
b. Silang d. Tayong
_____14. Siya, ako at ikaw ang napiling magdisenyo ng entablado. Anong panghalip ang
maaaring ipalit sa may salungguhit?
a. Tayo c. Sila
b. Kami d. Kayo
_____15. Gusto ba ninyong maulit ang lakbay-aral? Nasa anong panauhan ang panghalip na
ginamit?
a. Ikaapat na panauhan c. Ikalawang panauhan
b. Ikatlong panauhan d. Unang panauhan
_____16. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nasa ikatlong panauhan?
a. Siya si Alma, ang nakatakdang mamahala ng organisasyon.
b. Alma, ikaw ba ang namamahala ng organisasyon?
c. Ako, si Alma, ang mamamahala ng organisasyon.
d. Si Alma ay magiging tagapamahala ng organisasyon.
 Palitan ng mga panghalip na panao ang mga salitang nasa loob ng panaklong. Piliin ang
tamang sagot at isulat ang titik sa patlang.

_____17. Kinuha ni Daboy ang mga aklat sa silid (ni Daboy).


a. mo c. niya
b. ko d. kanya
_____18. Nang bumaha sa baryo (nina Joseph at Anilov), kayraming tao ang tumulong sa
(kina Joseph at Anilov).
a. naming, amin c. nila, kanila
b. inyo, amin d. nila, amin
_____19. Ako at (ang mga kasama ko) ang magtutungo sa palaisdaan.
a. tayo c. sila
b. kayo d. kami
_____20. Isa si Elmo sa namamahala sa proyektong pangkalikasan. “Kailangan (ni Elmo) na itong
simulan nang maaga hangga’t hindi pa huli ang lahat,” ang sabi niya sa sarili.
a. niya c. natin
b. mo d. ko
 Tukuyin ang panauhan ng panghalip panaong may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik nito
sa patlang.

A – Unang panauhan B – Ikalawang panauhan C – Ikatlong panauhan

_____21. Hinding-hindi ka makalilimot sa iyong mga magulang.


_____22. Sinabi niya na sinumang kumatok ay pagbubuksan at sinumang nauuhaw ay
paiinumin.
_____23. Huwag gawin sa kapwa ang ayaw gawin sa iyo.
_____24. Mahabag kayo sa sariling bayan at ipagtanggol ang Konstitusyon.
_____25. Ang sarili nating awitin ay dapat pagyamanin.
_____26. Magtulong-tulong tayo sa pag-angat ng bansa sa mga susunod na taon.
_____27. Ang tagumpay nila ay nagpapakita ng sama-samang sipag at tiyaga.
 Tukuyin ang kaukulan ng panghalip panaong may salungguhit sa pangungusap. Isulat ang titik nito sa
patlang.

A – Palagyo B – Palayon C – Paari

_____28. Ang katapatan niya ay kinagigiliwan ng lahat.


_____29. Nagdiwang siya ng ikapitong kaarawan noong Linggo.
_____30. Ang paninira sa akin ay hindi ko papansinin dahil mabuti ang aking hangarin.
_____31. Maraming salamat sa inyong pagtitiwala at pakikinig.
_____32. Ang ating pagmamahal sa bansa ay huwag sanang mawala.
_____33. Ikaw ay may sakit pa kaya huwag munang magpagod at magpapawis.
_____34. Habambuhay mananatili ang paghanga niya sa kanyang ama.
_____35. Ang nakasunog ng palengke ay sila kaya dapat mabigyan ng hustisya.
C. Palabantasan

 Gamit ng Kuwit at Panipi: Gamitin nang wasto ang kuwit at panipi sa mga pangungusap.

36. Gusto kong maging bayani balang-araw bulong ni Andrew sa sarili.

37. Sabi niya sa sarili Tutulong ako sa mga mahihirap at kapos-palad.

38. Magbabahagi ako ng aking yaman sa mga bahay-ampunan sagot ni Jela.


39. Saan ang tungo mo niyan tanong ni Sean kay Teejay.

40. Dasal ni Kelsey Sana ay mataas ang marka ko sa Filipino.

 Gamit ng Tuldok, Tandang Pananong, at Tandang Pandamdam: Bantasan nang tama ang mga
pangungusap.

41. Maaari bang magsagot tumahimik kayo habang nagsasagot ng pagsusulit___

42. Tandaan ang mga aralin upang masagot nang tama ang bawat tanong___

43. Aba___may katigasan din ang ulo ng batang ito___

44. Ang bawat isa ba sa inyo ay nagbalik-aral para sa pagsusulit___

45. Nakupo___Ang lakas-lakas ng ulan at hangin___

II. PAGBASA

 Pagpapalawak ng Talasalitaan. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang


bago ang bilang.

_____ 46. Alin sa mga sumusunod na pares ng salita ang may magkasalungat na kahulugan?
a. matarik-mataas c. mayabong-malago
b. maligalig-masaya d. lumigwak-umagos
_____ 47. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa pariralang: naghihikahos na
pamilya?
a. nagbabakasyon c. problemado
b. natutuwa d. naghihirap
_____ 48. Ito ay nangangahulugang “madaling masaktan ang damdamin”.
a. taos-puso c. pusong-mamon
b. balat-sibuyas d. bukal sa loob
_____ 49. Ito ay nagangahulugan “mahigpit na pagkakapit”.
a. kapit-kamay c. kapit-bisig
b. kapit-paa d. kapit-tuko
_____ 50. Ang buhay na buhay ay kasalungat ng –
a. nagpapakatotoo c. masiglang-masigla
b. malungkot na malungkot d. payak na payak
_____ 51. Alin sa mga sumusunod ang magkatugma?
a. pinarangalan-pinintasan c. gahaman-sakim
b. malapit-malayo d. masaklap-mapait
_____ 52. Pagputok ng araw ay pumupunta na siya sa gubat. Ano ang kasalungat nito?
a. pagsikat ng araw c. pagbubukang-liwayway
b. pagtatakipsilim d. patanghali
_____ 53. Ang pinaratangan at inakusahan ay mga salitang –
a. magkasingkahulugan c. magkatugma
b. magkasalungat d. a at c
_____ 54. Ang lakbay-aral ay halimbawa ng –
a. tambalang salita c. matalinghagang salita
b. tugmang salita d. malalim na salita
_____ 55. Ano ang kahulugan ng salitang masdan?
a. tingnan c. bisitahin
b. puntahan d. ikutin

 Tukuyin ang paksang pangungusap sa bawat talata. Titik lamang sa patlang.

_____ 56. (a) Anuman ang iniuutos kay Pina ay kaagad na sinasalubong niya ng pagrereklamo.
(b) Sumisimangot siya at nagdadabog. (c) Malimit siyang pinapangaralan ni Aling
Sela, ang kanyang matulungin at masipag na nanay. (d) Subalit ayaw talaga niyang
magtrabaho. (e) Ayaw rin niyang tumulong kahit kaunti man lamang. (f) Talagang
tamad si Pina.

_____ 57. (a) Likas sa manggagawang Pilipino ang pagiging masipag, masikap at matiyaga.
(b) Pinag-uukulan niya ng hirap at panahon ang kanyang gawain. (c) Malikhain din
siya at may tiwala sa sariling kakayahan. (d) May pinatutunayan siya. (e) Maraming
magandang katangian at kasanayan ang manggagawang Pilipino. (f) Ang mga
katangian at kasanayang taglay niya ang nagpapakilala sa kanya saanmang lugar
siya makapagtrabaho.

_____ 58. (a) Mahalaga ang lakas-pantao ng isang bansa. (b) Lakas-pantao angnagpapatakbo
sa pamahalaan at sa ekonomiya ng bansa. (c) Tao ang namamahala sa produksyon
ng mga pangunahin at iba pang pangangailangan ng mga mamamayan. (d) Tao rin
ang namamahala para sa kaayusan at katahimikan ng bayan.

_____59. Isang magandang kaugalian ng mga Pilipino ang pagdadamayan. (b) Ipinamamalas
ito sa pamamagitan ng pag-abuloy ng salapi, pagkain, damit, gamot o anumang
tulong na kayang ipagkaloob sa taong nangangailangan. (c) Ang pagdadamayan
ay kaugaliang makatarungan at makatao.

_____ 60. (a) Mapalad si Brenda. (b) Sa kabila ng karalitaan, siya’y nakapag-aral. (c) Pinuhunan
niya ang sikap, tiyaga at lakas ng loob. (d) Naging yaya siya, labandera, at manlililip.
(e) Paunti-unti ang ginawa niyang pag-aaral sa gabi. (f) Ngayo’y isang masigasig na
manedger si Brenda. (g) Pinatunayan niya na ang karalitaan ay hindi hadlang sa
tagumpay ng isang tao.

 Sagutin ang mga tanong tungkol sa maikling kuwento sa ibaba. Titik lamang sa patlang.

_____ 61. Alin ang totoo ayon sa akda?


a. Sampung magkakapatid sina Lito.
b. Panganay si Lito sa pitong magkakapatid.
c. Anim na buwan pa lamang ang pinakabunso.
d. Walang hanapbuhay ang kanilang ama.
_____ 62. Alin ang HINDI totoo ayon sa akda?
a. Maaga silang naulila sa ama.
b. Labing isang taon lamang ang pinakamatanda.
c. Walang hanapbuhay ang kanilang ina.
d. Si Lito ang bunso sa pitong magkakapatid.
_____ 63. Ano kaya ang nararapat gawin ng kanyang ina?
a. Maghanap ng trabaho
b. Umasa sa tulong ng mga kamag-anak
c. Ipamigay ang mga anak sa mga kamag-anak
d. Turuan mamalimos ang kanyang mga anak
_____ 64. Ano kaya ang pinakamabuti nilang gawin sa ari-ariang naiwan ng kanilang ama?
a. Ipagbili ito at gawing puhunan sa negosyo.
b. Ipagbili ito at gastahin nang walang patumangga.
c. Mahalin ito at mangutang na lamang sa mga tindahan.
d. Ipamahala ito sa panganay na anak.
_____ 65. Kung kanilang pupuhunanin sa negosyo ang mapagbibilhan ng naiwang ari-
arian at kanila itong pinagtulung-tulungan, ano kaya ang mangyayari sa kanila?
a. Malulugi sila.
b. Lalo silang maghihirap.
c. Maaaring umunlad ang kanilang buhay.
d. Magkakasakit silang lahat sa pamilya.

God Bless You, Little Icons!


T. Salie 
ANG MGA NAULILA

Pitong magkakapatid sina Lito. Maaga silang naulila sa ama. Labing isang taon lamang ang
pinakamatanda sa kanila at anim na buwan pa lamang ang pinakabunso. Walang hanapbuhay ang kanilang ina. May
kaunting kabuhayang naiwan ang kanilang ama.

TABLE OF SPECIFICATION
UNANG PANAHUNANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5
S.Y. 2017 - 2018

ITEM NO. OF
TOPIC OBJECTIVES
PLACEMENT ITEMS

I. WIKA
 Gamit ng - Natutukoy ang gamit ng pangngalan: simuno, 1 – 10 10
Pangngalan kaganapang simuno, layon ng pandiwa, layon ng
pang-ukol, paari

 Panghalip Panao - Natutukoy ang panghalip sa pangungusap 11 – 35 25


- Napapalitan nang wastong panghalip ang mga
pangngalan
- Natutukoy ang panauhan ng panghalip panao
- Natutukoy ang kaukulan o gamit ng panghalip panao

 Palabantasan - Nagagamit nang tama ang mga bantas na kuwit, panipi, 36 – 45 10


tuldok, tandang pananong, at tandang pandamdam

II. PAGBASA

 Pagpapalawak ng - Natutukoy ang kahulugan ng salita 36 – 45 10


Talasalitaan - Naibibigay ang kasalungat ng salita
- Natutukoy ang mga salitang magkasingkahulugan at
magkasalungat
- Natutukoy ang kahulugan ng matalinghalang salita at
tambalang salita
- Natutukoy ang salitang magkatugma

 Paksang Pangu- - Natutukoy ang paksang pangungusap sa talata 56 – 60 5


ngusap

 Detalye ng - Natutukoy ang mahahalagang detalye ng maikling 61 – 65 5


Kuwento kuwento

Total 65 items

You might also like