You are on page 1of 3

CABULOHAN-PARADISE NATIONAL HIGH SCHOOL

Cabulohan, Cabanglasan, Bukidnon

UNANG MARKAHANG PASULIT


Filipino 8

Pangalan: ______________________________________Baitang & Pangkat: ___________________________Score:_____

I. Pagpipili. Piliin ang pinakaangkop na sagot. Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang
bago ang bilang.
_____1. Isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na napapabilang sa bawat kultura ng isang tribo.
a) Salawikain b) kasabihan c) Karunungang Bayan d) Sawikain
_____2. Butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay ng mabubuting payo tungkol
sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga kaugalian. Ito ay karaniwang
patalinghaga. a) Salawikain b) kasabihan c) Karunungang Bayan d) Sawikain
_____3. Ito’y salita o grupo ng mga salitang patalinghaga ang gamit at hindi nagbibigay ng tuwirang
kahulugan. a) Salawikain b) kasabihan c) Karunungang Bayan d) Sawikain
_____4. Ito ay pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan na hindi gumagamit ng talinghaga. Ang kilos,
ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin dito.
a) Salawikain b) kasabihan c) Karunungang Bayan d) Sawikain
_____5. Sa drama sa radyo, nasabi ni Don Felipe na malapit na ang pag-iisang dibdib ng kanyang anak na si
Alejandro at ni Marinela. Ano ang ibig sabihin nito?
a.  Ikakasal na sina Alejandro at Marinela
b. Magkaka-anak na sina Alejandro at Marinela
c. Maghihiwalay na sina Alejandro at Marinela
d. Magiging magnobyo na sina Alejandro at Marinela
_____6.  Ang salawikain ay
a. Isang uri ng bugtong c. Pamana ng mga ninunong Pilipino
b. Isang uri ng idyoma d. Birong may katotohanan
_____7. Sa pelikula ni Fernando Poe Jr. sinabi niya na “Walang Matigas na Tinapay sa Mainit na Kape”. Ang
ginamit ng linyang ito ay ___. a) Salawikain b) kasabihan c) Karunungang Bayan d) Sawikain
_____8. Sabi ni Julia sa asawa, "Itaga mo ito sa bato. Kahit hindi nila ako
tulungan, aangat ang ating kabuhayan."
a. Mananaga si Julia
b. Tutuparin ni Julia nang walang sala ang kanyang sinabi
c. Pupukpukin ni Julia ang bato
d. Tatagain ni Julia ang bato
_____9. Bakit hindi ka makasagot diyan? Para kang natuka ng ahas.
a. Namumutla
b. Nangangati ang lalamunan
c. May ahas na nakapasok sa bahay
d. Hindi nakakibo; nawalan ng lakas na magsalita
_____10. Alin sa mga ito ang salawikain?
a. Nagsaulian ng kandila c. Mabulaklak ang dila
b. May krus ang dila d. Daig ng maagap ang masipag
_____11. Napauwi kaagad galing sa Estados Unidos si Ricardo dahil nabalitaan niyang ang asawa niya ay
naglalaro ng apoy.
a. nagluluto b. Nagpapainit c. Nasunugan d. Nagtataksil
_____12. Sa sawikaing “Mahaba ang kamay ni Noli kasing haba ng haligi napitas agad ang
kasuy sa bukid ni Manong Tiroy at agad itinakas ni Noling palaboy”, anong
paghahambing ang ginamit? Pahambing na…
a. Magkatulad b. Di – magkatulad c. Pasahol d. Palamang
_____13 Ang sawikaing “Hindi gaanong malubha ang kalagayan ni John Lloyd dahil malayo sa
bituka ang kanyang mga sugat”, anong uri ng paghahambing ang nakapaloob dito?
a. Magkatulad b. Di – magkatulad c. Pasahol d. Palamang
 _____14.Bakit importante ang Bugtong, Sawikain, Salawikain, at Kasabihan?
a. Hindi naman importante ang mga ito.
b. Ang mga ito ang nagpapaalaala sa atin tungkol sa
mayamang tradisyon ng lahing Pilipino
c. Nakapapawi ng pagod ang mga ito kapag nabasa mo.
d. Nakaaaliw ang mga ito.
_____15. Puro balitang kutsero ang naririnig ko sa kapitbahay nating iyan. Ayoko na tuloy
maniwala sa kanya.
a. Balitang sinabi ng kutsero c. Balitang makatotohanan
b. Balitang walang katotohanan d. Balitang maganda
_____16. Naghalo ang balat sa tinalupan nang malaman niya ang katotohanan.
a. Matinding labanan o awayan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga tao
b.  Pinagsama-sama ang mga balat at tinalupan
c.  Nagkaigihan
d.  Nagkabati
Sa bilang 17 – 19, basahin ang pangungusap tungkol sa alamat ng Kasuy at piliin ang
salitang tumutukoy sa pang – abay na pamanahon. Piliin at isulat ang sagot sa patlang bago
ang bilang.
_____17. Noong unang panahon ay nasa loob ng kasoy ang abuhing buto nito.
a) Noong unang panahon b) nasa loob c) kasoy d) abuhing buto
_____18. Sa isang iglap ay nakalabas sa madilim na kulungan ang buto ng kasoy.
a) Isang iglap b) nakalabas c) madilim d) kulungan
_____19. Sa gabi ng handaan ay ipinatawag ng Ada ang lahat ng hayop.
a) Sa gabi b. ipinatawag c) Ada d) hayop
Sa bilang 20-22, Punan ang patlang ng salita na kukumpleto sa pangungusap upang mabuo
ang ideya. Piliin at isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____20. Sa isang epiko, ang pangunahing babaeng karakter ay kadalasang ang _____ ng
bayani. a) iniibig b)inaaway c) inaalay d) idinaraos
_____21. Ang paulit – ulit na Paksa o Tema ng Epiko ay katapangan at pakikipagsapalaran ng
_____. a) araw b)gabi c)bayani d) kabebe
_____22. Sa pagbabasa ng epiko, agad na makikita ang katangian ng isang _____.
a) araw b)gabi c)bayani d) kabebe
Sa bilang 23- 26, piliin ang titik ng kahulugan ng mga sumusunod na salitang may
salungguhit. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____23. Ang epiko ay mula sa salitang Griyegong epos. a) epiko b)epeko c)awit d) sayaw
_____24. Ang gintong bansi na tinutukoy bilang pangalawang bagay na hindi mabayaran ng
binata ng Sakadna. a) planggana b)plawta c) plato d) pluma
_____25. Ito ay mga bagay para sa babaeng ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay
ng mga kamag –anak ng lalaking ikakasal. a) sakadna b)savakan c)sakayan d)sakavan
_____26. Pinilit ni Matabagka si Agyu na sabihin sa kanya ang babala na ibinahagi ni
Tumanod. a.) gabay ng kaluluwa b)bituin c)araw d) buwan

II. Pagtatapat. sa bilang 27-41, piliin ang pinakaangkop na konsepto sa loob ng Scroll
sa katapat sa ibinigay na kahulugan o paglalarawan nito sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang bago ang bilang.

a) Tugma e) Bugtong i. Pang – abay na Pamanahon


b) Pag – uulit f) Epiko j. Pasuhay
c) Salawikain g) Cañao k. Patimbang
d) Sukat h) Darangan l. Pasuysoy

_____27. Pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
_____28. Ang namamayaning prinsipyo sa pagtutugma.
_____29. Pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
_____30. Ang namamayaning prinsipyo sa pagsusukat.
_____31. Isang maikli ngunit makabuluhang pahayag na karaniwang may matulaing katangian.
_____32. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan o katotohanan.
_____33. Uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
_____34. Isang mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isa o higit pang
bayani o maalamat na mga nilalang.
_____35. Nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
_____36. Ang idinaraos ng mga Igorot taon – taon.
_____37. Mula sa salitang Griyegong “epos” na nangangahulugang salawikain o awit.
_____38. Ang pinakamahabang epiko sa Pilipinas na nagmula sa Mindanao.
_____39. Ang mga naunang taludtod ng tula ay tumutulong lamang upang isulong ang pahayag patungo sa
huling linya.
_____40. Nahahati ang saknong sa dalawang timbang na pangkat ng taludtod.
_____41. Ang tula ay magsisimula sa layunin o paksa at ang sumusunod na taludtod ay magsisilbi lamang na
suporta sa pangunahing paksa.

Sa bilang 42 – 44, sagutin ang mga tanong sa isang maikling pangungusap.

42. Ano ang naging epekto ng ng pagiging babae ni Matabagka sa kaniyang mga ikinikilos?
____________________________________________________________________________________________________________
43. Ano ang kaibahan ni Matabagka sa ibang babaeng Superhero na kilala mo?
____________________________________________________________________________________________________________
44. Ano ang pagkakapareho o pagkakaiba sa pagwawakas ng Hudhud ni Aliguyon at ng Epiko ni Matabagka?
____________________________________________________________________________________________________________

Para sa bilang 45-47, sumulat ng tatlong (3) kababalaghan na nakapaloob sa Epikong “Si Tuwaang at
ang Dalaga ng Buhong na Langit”
45.________________________________________________________________________________________________________
46.________________________________________________________________________________________________________
47_________________________________________________________________________________________________________

Para sa bilang 48 – 50, sagutin sa isang pangungusap na pahayag ang mga tanong.

48. Ano ang sanhi o dahilan kong bakit nagkaroon ng mga mahabang pagsasalaysay na patula
ng mga katutubong Pilipino? _______________________________________________________________________________
49. Ano ang naging bunga o resulta sa mga nagawang Epiko ng mga katutubong Pilipino na
isinalaysay noon hanggang ngayon? ___________________________________________________________________________
50. Sa pagpapahalaga sa Epiko bilang bahagi ng panitikan ng ating lahi, ano ang naging
epekto nito sa iyo bilang batang Pilipino?
_______________________________________________________________________________________________________________

You might also like