You are on page 1of 2

Division of City Schools

Apopong District
PAOPAO HIGH SCHOOL
Sitio PaoPao, Barangay Sinawal, General Santos City

Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 8


S.Y. 2022-2023

PANGALAN:__________________________________________ PUNTOS:_______________

BAITANG/PANGKAT:_________________________ PETSA:________________

Panuto: Tukuyin ang isinasaad sa bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.
A. Balagtasan E. Maikling Kuwento I. denotasyon M. Efren Abueg
B. Debate F. Tula J. konotasyon N. Tema
C. Sarswela G. Francisco Balagtas K. pangangatuwiran O. zarzuela
D. Sanaysay H. Severino Reyes L. Michel de Montaigne P. Kapitan Inggo

______1. Ito ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Ito ay hinango
mula sa pangalan ni Francisco Balagtas.
______2. Ito ay isang pakikipagtalong may estruktura. Isinasagawa ito ng dalawang grupo (proposisyon at
oposisyon) na may magkasalungat na panig tungkol sa isang napapanahong paksa.
______3. Ito ay dulang may isa hanggang limang yugto, hinggil sa mga kuwento ng pag-ibig at suliraning
pampamilyang tinatampukan ng mga awit at sayaw.
______4. Ito ay isang paglalahad ng sariling opinion o kuro-kuro ng sumusulat tungkol sa isang bagay o
paksa.
______5. Isang genre ng pasalaysay na akdang pampanitikan na umiinog sa paglalahad ng isang pangyayari.
______6. Ito ay anyo ng panitikan na pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan
ng mga taludtod.
______7. Siya ang tinaguriang Ama ng Makatang Tagalog.
______8. Tumutukoy sa pagpapakahulugan mula sa diksyunaryo.
______9. Tumutukoy sa pagpapakahulugang hindi literal.
______10. Ito ay isang pagpapahayag na nagbibigay ng sapat na katibayan o patunay upang ang isang
panukala ay maging katanggap - tanggap o kapani-paniwala.
______11. Sa kaniyang mga sulatin nagsimulang yumabong ang sanaysay.
______12. Isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista, mananaysay, at kritiko ng kanyang panahon.
______13. Ito ang pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento.
______14. Ito ang salitang Espanyol ng sarsuwela.
______15. Siya ang tinaguriang Ama ng Sarsuwelang Tagalog at kilala bilang Lola Basyang.

II. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng
napiling sagot sa sagutang papel.
A. hayop C. anak ng manok E. laruang hugis bilog
B. gabay D. problema

______16. Gawin mo nang maayos ang iyong trabaho para ‘di ka mahanapan ng butas.
______17. Nagsigawan kami nang biglang itinaas ng buwaya ang kanyang bunganga.
______18. Si Tatay Rody ang nagsisilbing ilaw sa buhay ko.
______19. May nakita kaming basang sisiw sa labas ng bahay.
______20. Kinuha ni Ramil at Buddy ang bola sa kanilang kaibigan.

III. Panuto: Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot na makikita sa loob ng kahon.
A. Pag-iisa-isa C. Pagsusuri
B. Paghahambing at Pagsasalungat D. Sanhi at Bunga E. Pagbibigay ng Halimbawa

______21. Ito ay nagpapatibay ng isang paglalahad. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa ay


madaling makumbinsi o mahikayat ang nagbabasa o nakikinig.
______22. Tinatalakay rito kung ano ang sanhi at dahilan at kung ano-ano ang kinalabasan. Sa paraang ito
madaling maikintal sa isipan ng mambabasa o nakikinig ang mga pangyayari.
______23. Sa paraang ito ay sinusuri ang mga salik o bagay-bagay na nakaapekto sa isang sitwasyon at ang
pagkakaugnay-ugnay ng mga ito.
______24. Ginagamit ang paraang ito sa paghahambing ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga bagay-
bagay. Ang paraang ito ang pinakalimit na gamitin.
______25. Ito ay isang paraan ng paglalahad ng isang kalagayan o sitwasyon sa pamamagitan ng maayos sa
paghahanay ng mga pangyayari ayon sa talagang pagkakasunod-sunod ng mga ito.

IV. Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek (⁄) kung ito’y nagpapahayag ng pagsang-
ayon at ekis (x) kung nagpapahayag ng pagsalungat.

______26. Sige, ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa sapagkat makabubuti iyan sa nakararaming tao.
______27. Hindi ako sang-ayon sa sinasabi mo sapagkat maaaring masira ang samahan natin.
______28. Hindi totoong nagkamali siya, nakalimutan lamang niya ang mga patakaran sa opisinang ito.
______29. Ikinalulungkot ko, hindi ko matatanggap ang salaping iyan na nagmula sa masamang paraan.
______30. Maling-mali talaga ang paratang mo sa kaniya.
______31. Sumasalungat ako sa iyong panukala.
______32. Totoong mabuti siyang tao, kaya maniwala tayo sa kaniyang sinasabi.
______33. Maaasahan mo ako riyan. Tutulungan kita.
______34. Tunay na totoo ang kaniyang mga sinasabi sa atin.
______35.Ganoon nga ang mga pangyayaring inilahad niya.

V. Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa sarsuwelang “Walang Sugat” sa pamamagitan ng


pagsulat ng bilang 1 hanggang 10 sa patlang.
______36. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
______37. Nagpasyang sumama si Tenyong sa mga armadong naglulunsad ng Katipunan.
______38. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.
______39. Ibinalita ni Lucas kay Tenyong ang pagdakip ng kanyang ama.
______40. Namatay ang Kapitang si Inggo sa labis na bugbog sa katawan.
______41. Pagkatapos ng seremonya ay bumangon si Tenyong.
______42. Pagkatayo ni Tenyong ay sumigaw ang lahat ng “Walang Sugat”.
______43. Sinulatan ni Julia si Tenyong na siya ay ikakasal na kay Miguel at ibinalita rin ang pagkamatay ng
kanyang inang si Kapitana Putin.
______44. Hinuli si Kapitang Inggo ng mga boluntaryo ng Sta. Maria.
______45. Pinagpapalo si Kapitan Inggo ng mga guardia civil sa loob ng piitan.

VI. Para sa bilang 46-50. Panuto: Alamin ang pangunahin at pantulong na kaisipan. Ibigay ang hinihingi ng
bawat kahon sa ibaba gamit ang talatang ibinigay.

Labanan natin ang Covid-19. Mag-facemask lalo na’t nasa labas. Maghugas ng kamay palagi at
gumamit ng alcohol kung maari. Panatilihin ang social distancing. Higit sa lahat huwag lumabas ng
bahay kung hindi kinakailangan.

46. Pangunahing Kaisipan

47. Pantulong na Kaisipan #1

48. Pantulong na Kaisipan #2

49. Pantulong na Kaisipan #3

50. Pantulong na Kaisipan #4

You might also like