You are on page 1of 14

8

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 3:
Sarsuwela
Aspekto ng Pandiwa
Aralin 3:
Modyul 3
Sarsuwela: Walang Sugat
Ikalawang
Wika: Aspekto ng Pandiwa
Markahan
(Ikatlong Linggo)

Alamin

Isang masayang pagbati ang sumasaiyo dahil ibang paksa na naman ang
iyong matutunan ngayon.
Pag-aaralan mo na ngayon ay tungkol sa sarsuwela. Sa bahaging ito,
aalamin at matutuhan mo ang panitikan na impluwensya ng mga Amerikano
sa panitikan.
Sa modyul na ito, kailangang maunawaan ang mga impormasyong
inilahad tungkol sa sarsuwela bilang bahagi ng Panitikang Pilipino.
Ang mga layunin sa pag-aaral na ito ay;
a. Napahahalagahan ang kulturang Pilipino na masasalamin sa pinanood
na
sarsuwela F8PD-lle-f-25
b. Nasusuri nang pasulat ang papel na ginagampanan ng sarsuwela sa
pagpapataas ng kamalayan ng mga Pilipino sa kultura ng iba’t ibang
rehiyon sa bansa F8PU-lle-f-26
c. Nagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang
pagsusuri ng
sarsuwela F8WG-lle-f-26
d. Nailalahad ang may kaugnay na pangyayari batay sa napakinggan
dayalogo

Inaasahan na sa pagtatapos sa araling ito, ikaw ay ganap na may


natutunan at naunawaan ang tungkol sa sarsuwela bilang bahagi ng ating
panitikan.

1
Subukin

Gawain 1
Sa gawaing ito, aalamin natin ang mga dati mong kaalaman. Basahin at unawain ang bawat
tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang uri ng dula na may kantahan at sayawan.
A. sarsuwela
B. tula
C. awit
D. soneto

2. Anong kapanahunan naging tanyag ang sarsuwela?


A. Kastila
B. Amerikano
C. Hapon
D. kasalukuyan

3. Kilala siya bilang ama ng sarsuwela.


A. Severino Reyes
B. Jose Corazon de Jesus
C. Genoveva Matute
D. Jose Rizal

4. Akdang nagtatanghal tungkol sa pang-aapi ng mga dayuhan sa mga Pilipino.


A. Walang Sugat
B. Walang Himala
C. Ako’y Pilipino
D. Lupang Tinubuan

5. Ang nagbibigay buhay sa isang dula.


A. aktor
B. tagpuan
C. tanghalan
D. manonood

6. Lugar na ginaganap ang dula.


A. aktor
B. tagpuan
C. tanghalan
D. manonood

7. Piliin ang pangungusap nagsasaad na hindi pa ginagawa ang kilos.


A. Nadatnan ni Fe na nagbabasa ng aklat si Maria.
B. Nabasa ni nanay ang liham na tinago-tago ko.
C. Maghahanda ang mag-anak para sa kaarawan ng kanilang lolo.
D. Pinaghanda niya ng masarap na pagkain ang kanyang mga bisita.

8. Alin sa sumusunod ang pangungusap nagsasaad na kasalukuyang ginagawa ang kilos?


A. Masayang naglalaba ang mga dalaga sa ilog.
B. Sumama ang binata sa dalagang maglalaba sa ilog.
C. Naglaba ang mga dalaga sa ilog kahit masama ang panahon.

2
D. Kahit pagod na siya, nilabhan niya ang damit ng kapatid.

9. Sa sumusunod na pangungusap, alin ang nasa aspektong tapos na isinagawa ang kilos?
A. Binasa ni Fe ang aklat ni Maria.
B. Binabasa ni Fe ang aklat ni Maria.
C. Babasahin ni Fe ang aklat ni Maria.
D. Bumasa si Fe ng aklat ni Maria.

10. Ito ay salitang nagsasaad ng kilos o galaw.


A. pang-abay
B. pang-uri
C. pandiwa
D. panghalip

Tuklasin

Alam mo ba na si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay


itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na director at manunulat ng
dula. Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot
nito. (https://www.Scribd.com)

Upang lumawak pa ang inyong kaalaman sa tungkol sa sarsuwela, kailangan mong


basahin ang kaligirang pangkasaysayan nito.

Ang Kaligirang Kasaysayan ng Sarsuwela


Ang sarsuwela ay isang anyo ng dulang may kantahan at sayawan, na
mayroong isa hanggang limang kabanata at nagpakita ng mga sitwasyon ng Pilipino
na may kinalaman sa mga kuwento ng pag-ibig at kontemporaryong isyu. Ang
sarsuwela ay impluwensiya ng mga Kastila. Kung ihahalintulad natin ang sarsuwela
sa isang realistikong dula, ito ay walang gaanong kaibahan kaya lamang ang ibang
linya ay kadalasang kinakanta at patulaang dayalogo nito. (https://tl.m.wikipedia.org)
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Kastila ay
namumulaklak noong panahon ng Amerikano sa pamamayani nina; Severino Reyes
na kilala sa tawag na Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Juan Abad sa
kaniyang” Tanikalang Ginto”, at ang rebolusyonaryong paksa ng dula ni Aurelio
Tolentino na “Kahapon, Ngayon at Bukas”. Sa panahon ng Amerikano, ang diwang
makabayan ang naging paksa ng dula. Bahaging-bahagi ng rebelyon ng mga
manunulat ng mga panahong ito. (Enrijo, Willita A., et. Al .Panitikang Pilipino. Meralco
Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media Press, Inc.)

3
Pinakalayunin ng sarsuwela ay itanghal sa entablado. Mauunawaan at
matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang tungkol sa isang dula sa
pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Ang
tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango
sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na tinatawag
na iskrip. Ang iskrip ang pinakaluluwa ng dula. (Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang
Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippine. Book Media Press, Inc.)

Gawain 2
Panuto: Isulat sa patlang ang iyong sagot.
A. Bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang sarsuwela sa panahon ng mga
Amerikano?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

B. Sa palagay mo, bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang sarsuwela?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Suriin

Sa bahaging ito, babasahin mo ang isang sarsuwela. Kailangan na unawain


mo ito upang masagot mo ang susunod na gawain.
Handa ka na ba?

Walang Sugat
Severino Reyes (1898)
buod batay sa Pineda (1979)
(Panitikang Pilipino- Modyul para sa Mag-aaral)

4
Unang Yugto

1 Nagbuburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang


magpakasal ang dalawa.
2 Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam
ang binata para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si
Juana.
3 Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.
Tinatawag silang filibustero at mason. May hindi na makakain sa dinanas na
hirap. May namatay na.
4 Naroon si Kapitana Puten, ang ina ni Teñong, na ibig Makita ang asawang
Kapitan Inggo, bugbog na sa palo.
5 Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng
ina. Sinabi ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi
dapat hagkan.”
6 Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap.
Inggo. Mamamatay nga ang matanda. Magyayaya Si Teñong ng mga kasama
na magsikuha ng mga baril at gulok. Makikiusap si Julia na huwag ituloy ni
Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang ina ng binate. Sasalakayin pa rin nina
Teñong ang mga kura.

Ikalawang Yugto

7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.


8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal
ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong.
Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas.
9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng
dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero.

Ikatlong Yugto

11 Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang
liham. Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal.
12 Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si Teñong pa rin ang nasa isip ng
dalaga. Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
13 Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana.
14 Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay
Lucas na tumakas upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung
nasaan na sina Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal
o magpatiwakal.
15 Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si
Miguel ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang
dalaga dahil mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.

5
16 Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na
sugatan, nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga
Katipunero ang pari para makapangumpisal si Teñong.
17 Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong . May huling kahilingan ang
binate—na sila ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay
pumayag ito. Pumayag din si Tadeo dahil sandal na lamang at puwede na
uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak. Gayundin si Miguel.
18 Ikinasal sina Teñong at Julia. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at …
”Walang sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw. Gawa-gawa
lamang ng Heneral at ni Teñong ang buong eksena. (Enrijo, Willita A., et.
Al.Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City, Philippines, Book Media Press
Inc.)

Wakas

Pagyamanin

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naunawaan mo ba?...dahil susukatin


ito sa pamamagitan ng mga tanong na sasagutin mo?

Gawain 3

Panuto: Batay sa iyong nabasa, sagutin ang sumusunod na katanungan at isulat ang
sagot sa kahong inilaan.

1. Para kanino ang binurdahang panyo ni Julia?

2. Bakit nagmadaling nagpaalam ang binata sa dalaga?

3. Ano ang ikinamatay ni Kapitan Inggo?

6
4. Sino ang ipinagkasundo ni Aling Juana para kay Julia?

5. Paano ipinaaalam ni Julia kay Teñong ang pagpapakasal niya kay Miguel?

6. Ano ang naisipang plano ni Teñong para makapunta siya sa kasal ni Julia at
Miguel?

7. Anong damdamin ang nangingibabaw sa akda?

8. Ilahad ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang


Sugat?

7
9. Sa palagay mo, tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa
isang lalaking mayaman? Pangtwiranan ang sagot. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia,
papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?

10. Kung ikaw si Julia, papayag ka ba sa pasiya ng iyong ina? Bakit?

11. Ilarawan kung ano ang sitwasyon ng mga Pilipino noon. Ito ba’y nangyayari sa ngayon?
Patunayan.

12. Sa tingin mo, mabuti ba ang magtanim ng galit si Teñong sa mga pari?
Ipaliwanag.

8
Isaisip

Ang mga nakasalungguhit na salita ay mga pandiwa. Ang mga pandiwa ay


nagsasabi ng kilos. Mahalaga ang pagsasaad ng kilos sa dula dahil ito ang
nagtutulak ng pag-usad ng salaysay.
May mga aspekto ang mga pandiwa na nagsasaad kung naganap na o
hindi pa nagaganap ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang
ganapin o ipinagpapatuloy pa ang pagganap. May tatlong aspekto ng
pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay nagsasaad o nagpapahayag
na ang kilos na nasimulan na at natapos na; aspektong imperpektibo
kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at
kasalukuyan pang ipinagpapatuloy; at aspektong kontemplatibo ay
naglalarawan ng kilos na hindi pa nasisimulan ang kilos.
Tingnan ang halimbawa:
Ang pandiwang manliligaw ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa
nasisimulan kung kaya ito’y aspektong kontemplatibo.
(Enrijo, Willita A., et. Al. Panitikang Pilipino. Meralco Avenue, Pasig City,
Philippine. Book Media Press, Inc.)

Ang nasa ibaba ay mula ang ikalawang bahagi ng sarsuwela na “Walang


Sugat”. Tingnan ang mga nakasalungguhit na salita. Ang mga sumusunod na
salitang may salungguhit ay ang tinatawag na pandiwa.
7 May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.
8 Nag-usap na ang ina ni Julia at ang ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal
ng dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong.
Magpapadala ang dalaga ng liham kay Teñong sa tulong ni Lucas.
9 Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Matatagpuan din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibigay ang sulat ng
dalaga. Isinasaad doon ang araw ng kasal nila ni Miguel.
10 Sasagutin na ni Teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.
Maghahandang lumaban ang mga Katipunero

Halimbawa;
Pandiwa Aspekto
manliligaw kontemplatibo
nag-usap perpektibo
pagpapakasal kontemplatibo
magpapadala kontemplatibo
maghihimagsik kontemplatibo
matatagpuan kontemplatibo

9
ibibigay kontemplatibo
isinasaad imperpektibo

Gawain 4
Piliin ang pandiwa sa sumusunod na pangungusap at tukuyin kung ano ang aspekto
nito sa pamamagitan ng paglagay ng tsek (/). Isulat sa talahanayan nasa ibaba ang
iyong sagot.
1. May isang babaeng naglalakad mag-isa sa palayan.
2. Nag-araro sa kanyang sakahan ang ama ng aking kaklase.
3. Mahimbing natutulog ang aking kapatid.
4. Mabahang panahon ang ginugol ni Pet para sa ambisyon sa buhay.
5. Maaga siyang umuwi para matulungan pa niya ang nanay sa gawaing bahay.
6. Papasyalan nina Maria ang Boracay.
7. Pagsasabihan niya ang anak sa mali niyang gawain.
8. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas kaya sikat siya sa aming baryo.
9. Masama ang magmamaktol sa mga nakatatanda sa iyo.
10. Pinakiusapan na kita ngunit ayaw mo.

Aspekto ng Pandiwa
Pandiwa Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo

10
Isagawa

Gawain 5
Panuto: Magsalaysay ng ilang pangyayari sa iyong buhay noon na sa iyong palagay
ay nangyayari pa rin sa ngayon. Isaalang-alang ang simula, gitna at wakas ng
pagsasalaysay. Gamitin at salungguhitan ang mga pandiwang ginamit sa
pagsasalaysay. Isulat sa espayong inilaan ang gagawing pagsasalaysay. Sundin
ang krayterya.

Pamantayan sa pagsulat
Krayterya:
Nilalaman at pammaraan – 50%
Istilo – 25%
Pananalita – 15%
Orihinalidad - 10%
100%

11
Tayahin

Gawain 6
Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang mga sumusunod at bilugan ang wastong titik
ng iyong sagot.
1. Ang tinagurian ‘Ama ng Sarsuwela’ ay si __________________.
A. Aurelio Tolentino
B. Severino Reyes
C. Juan Abad
D. Lola Basyang

2. Ito ay anyo ng dulang musikal.


A. Sarsuwela
B. Tula
C. Awit
D. Balagtasan

3. Ito ang panahon namulaklak ang sarsuwela sa Pilipnas.


A. Kastila
B. Amerikano
C. Hapon
D. Bagong Lipunan

4. Pinakaluluwa ng sarsuwela.
A. Direktor
B. Iskrip
C. Entablado
D. Yugto

5. Siya ang nagdala ng sarsuwela sa Pilipinas noong 1880.


A. Severino Reyes
B. Juan Abad
C. Alejandro Cubera
D. Lucas

6. Tauhan ng sarsuwelang Walang Sugat na naghiganti para sa ama.


A. Teñong
B. Lucas
C. Miguel
D. Inggo

7. Babaeng nagmahal kay Teñong.


A. Maria
B. Juana
C. Julia
D. Putin

12
8. Aspekto ng pandiwang nagsasaad na tapos na ang kilos ay nasimulan at natapos na.
A. Pandiwa
B. Perpektibo
C. Imperpektibo
D. Kontemplatibo

9. Aspekto ng pandiwa na nagpahayag ng kilos na nasimulan na ngunit hindi pa tapos


gawin.
A. Pandiwa
B. Perpektibo
C. Imperpektibo
D. Kontemplatibo

10. Aspekto ng pandiwa nagpahayag ng kilos na hindi pa nasisimulan.


A. Pandiwa
B. Perpektibo
C. Imperpektibo
D. Kontemplatibo

Karagdagang Gawain

Gawain 7

Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba ng dula at sarsuwela gamit ang Venn


Diagram.

.
Pagkakaiba,Pagkakatulad,Pagkakaiba

https://www.abcteach.com/documents/clip-art-venn-diagram-2-zone-color-1-labeled-i-
abcteachcom-43955

13

You might also like