You are on page 1of 7

WEEK 7, Third Quarter

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III-Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
PADAPADA NATIONAL HIGH SCHOOL
Padapada, Santa Ignacia, Tarlac

FILIPINO 8

PELIKULA
Mga Layunin:
1.Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at pananaw ng nagsasalita.
(F8PN-IIIg-h-31) 2.Nasusuri ang napanood na pelikula batay: -paksa/tema -layon -gamit
ng mga salita -mga tauhan (F8PB-IIIg-h-32) 3.Nabibigyang – kahulugan ang mga salitang
ginagamit sa mundo ng pelikula. (F8PT-IIIgh-32)

ALAMIN NATIN

Ang pelikulang Pilipino ay maituturing na isa sa pinakabata ngunit kinaaaliwang


libangan ngayon ng mga Pilipino sa bansa.Ayon sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino,ang
naitalang kauna-unahang pelikulang ginawa sa Pilipinas ay ang Dalagang Bukid, sa
direksiyon ni Jose Nepomuceno noong 1919 na hango sa Zarzuelang isinulat nina
Hermogenes Ilagan at ni Leon Ignacio. Ang mga unang pelikula noon ay kalimitang batay
lamang sa mga pelikulang gawa sa Hollywood kung hindi man ay hinahanap ang
istoryang mga ito sa mga aklat.
Noong 1929,ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang pelikulang may saliw na
tunog- walang iba kundi ang Syncopation na ipinalabas sa Radio Theater Sta. Cruz,
Manila. Taong 1932 naman nang ipalabas ang, Ang Aswang, na may temang katatakutan,
ang unang pelikulang Tagalog na nilapatan ng tunog sa bansa .Noong dekada 30 nauso
ang pelikulang tumatalakay sa karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga mananakop
tulad ng Patria de Amore ( Love of County ) at Mutya ng Katipunan ( Muse of
Katipunan ) na pawang may elemento ng propagandang laban sa Espanya. Nilikha ang
mga ito ni Juan Manansala na kinilalang “Ama ng Pelikulang Pilipino” at siyang nagtatag
ng Malayan Movies na kauna-unahang Filipino studio sa bansa. Samantalang si Carmen
Concha, ang unang babaeng direktor sa Pilipinas, ay gumawa rin ng mga pelikulang
tumatalakay sa buhay ng mga Pilipino tulad ng Nagkaisang Landas at ang Yaman ng
Mahirap noong 1939 sa ilalim ng Partalone Hispano-Filipino at ang Pangarap noong 1940
sa ilalim ng LVN Pictures.
Sa kasalukuyan, halos hindi na mabilang ang mga pelikulang nabuo at naipalabas
sa bansa. Ilan sa mga ito ay nakilala at tumanggap pang parangal maging sa ibang mga
bansa tulad ng pelikulang, Anak na kinilala bilang isa sa pinakamahusay na pelikulang
Pilipino. Ito ay ipinalabas noong 2000 bilang handog sa mga overseas Filipino workers na
pinagbidahan ni Vilma Santos.
1
GAWAIN 1

PANUTO: Ang sumusunod na pahayag ay nagmula sa tekstong iyong binasa subalit may
mga salita na hindi naangkop na nagpapamali sa pahayag.Tukuyin mo ang mga maling
salita at itama ang mga ito.Magsisilbing halimbawa ang unang pahayag na akin nang
itinama. Parang mga pagkakamali natin sa buhay kinakailangang itama.

Halimbawa: Ang pelikulang “Dalagang Filipina” ang pinakaunang pelikulang Pilipino.


X-Filipina √-Bukid

1.Taong 1932 nang ipalabas ang, Ang Aswang, na may temang katatawanan.
2. Ang Filipino Movies ang kauna-unahang Filipino studio sa bansa.
3. Si Carmencita Conchita unang babaeng direktor sa Pilipinas.
4-5. Ang mga unang pelikulang Ingles ay kalimitang may mga propagandang laban sa
Amerika.
6. Ang naitalang kauna- unahang pelikulang ginawa sa Pilipinas ay nabuo sa direksiyon ni
Jose Antonio Buencamino noong 1919.
7-8. Taong 1940 nang mabuo ang pelikulang “Panaginip” sa ilalim ng ABH Pictures.
9. Noong 1929,ipinalabas sa bansa ang kauna-unahang pelikulang may saliw na tunog at
ito ang “ Specialisation”. 10. Ang pelikulang “Anak” ay pinalabas noong taong 2000 na
pinagbidahan ni Judy Ann Santos.

GAWAIN 2

PANUTO: Upang matagumpay na maisagawa ang susunod na aktibiti, kinakailangang


napanood mo ang pelikulang “ Anak” o kaya naman ay nabasa ang buod nito.
(Ito ang link upang mapanuod nang buo ang pelikula) https://youtu.be/glDibP54qnY

Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong
Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga
anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binanggit niya na ginagawa
niya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama’t siya
ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais
na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na
pagtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik,
hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero),

2
ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler) ay mahiyain at walang
kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya ginagalang at iniitsa-pwera
lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang atensiyon ng mga
anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita niya
ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo,
paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang
kanyang kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa naman ang
pinakamatalino sa kanyang mga anak, iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil
nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya. Si Josie ay nagkaroon ng maraming
pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang
kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya
para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang
pagmamahal ni Josie sa kanila bagama’t malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa
pangyayaring iyon ay nagbalik-loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang
anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling
pag-alis ng ina.

Mga Tauhan at Katauhan


• Vilma Santos – Josie • Tess Dumpit – Norma
• Claudine Barretto – Carla • Cris Michelena – Arnel
• Joel Torre – Rudy • Angelica Panganiban – batang Carla
• Baron Geisler – Michael • Carlo Aquino – batang Michael
• Sheila Mae Alvero – Daday • Gino Paul Guzman – Don Don
• Amy Austria – Lyn • Jodi Sta. Maria – Bernadette
• Cherry Pie Picache – Mercy • Odette Khan – Mrs. Madrid
• Leandro Muñoz – Brian • Jiro Manio – Jason

Mga Parangal
• Ika-19 na FAP Awards
o Pinakamahusay na Sumusuportang Aktres (Best Supporting Actress):
Claudine Barretto
o Pinakamuhusay na Pagsulat ng Iskript (Best Screenplay): Ricky Lee
• Ika-17 Star Awards
o Pinakamahusay na Aktres (Best Actress): Vilma Santos
o Ikatlong Gawad Sining Sine (PASADO Awards)
o Pinakamahusay na Pelikula (Best Picture)
• The Catholic Mass Media Awards
o Pinakamahusay na Pelikula (Best Film)

Ito rin ang napili ng mga opisyales ng pelikula sa Pilipinas para isali sa Academy
Awards sa Estados Unidos para sa kategorya ng Best Foreign Film.

3
Gayunpaman, hindi ito napili para sa nominasyon. Sa ginawang pagsusuri sa
pelikulang “Anak” ay kapansin-pansin ang ilang mga isyung binigyang-pansin ng
nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o pagsang-ayon sa mga ito ay ilahad ang
iyong bayas o sarilinng pagkiling tungkol sa interes at ppaananaw ng nagsasalita.Isulat ito
sa bawat kahon sa ibaba ng bawat pahayag.
1. Binigyang-pansin ng pelikula ang makabagong responsibilidad ng babae at lalaki
sa kasalukuyan kung saan tanggap na ang babae ang nagtatrabaho t ang tatay ang naiiwan
sa bahay.

2. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manonood dahil malaki


ang impluwensiya nito sa buhay ng tao.

3. Ang magandang pelikula ay nakapupukaw ng interes ng mga manoood.

4. Sa pagsusuri, kailangang panoorin ang pelikula mula umpisa hanggang wakas


upang mabigyang- katuwiran ang lahat ng mga aspekto nito.

5. Ang pananalita o diyalogo ng mga karakter sa pelikula ay dapat na maging


angkop sa target na manonood.

GAWAIN 3

PANUTO: Itambal ang mga kahulugang na nasa unang hanay sa mga salitang ginagamit
sa mundo ng pelikula na nasa ibabang bahagi nito.Isulat ang iyong sagot sa patlang.
Pagkatapos ay gamitin ito sa pagbuo ng mga makabuluhang pangungusap.

LAPSES SINEMATOGRAPIYA BLASTING TEMA


BLOCKING EDITING
1. Ito ang pagkuha sa wastong anggulo upang maipakita sa manonood ang tunay na
pangyaayari sa pamamagitan ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamera.
2. Ang isang pelikula ay kinakailangang dumaan sa prosesong ito na ginagawa pagkatapos
ng aktuwal na syuting ng pelikula. Pinagdudugtong-dugtong ng editor ang mga eksena ng
4
pelikula batay sa pagkakasunod-sunod ng kwento nito.
3. Ito ay isang tunog na ginagamit ng kwento nito.
4. Ang paksa o bagay na pinag-uusapan o tinatalakay.
5. Ito ang ginagamit sa pelikula upang mas makuha ang atensyon ng mga manunod.

WEEK 8, Third Quarter

Mga Layunin:
1. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit ng mga salita,
mga tauhan (F8PB-IIIg-h-32

BASAHIN NATIN

PAGSULAT NG REBYU NG ISANG PELIKULA


Ang pagrerebyu o pagsusuri ng pelikula ay isang paraan ng pagpapahalaga
sa sining ng pelikula kung saan ang manunuri ay maingat na nagtitimbang at nagpapasiya
sa katangian nito.
Mga elementong dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng isang pelikula:
1.KUWENTO- Ito ang istorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
Bigyang-pansin ang sumusunod na tanong:
• Bago o luma ba ang istorya?
• Malinaw ba ang pagkakalahad ng istorya?
• Nakapupukaw ba ito ng interes?
2. TEMA- Ito ang paksa ng pelikula… Ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
• Napapaanahon ba ang paksa?
• Malakas ba ang dating o impact nito sa mga manunuod?
• Akma ba ito ssa panahon nang ito ay nagawa o akma sa lahat ng panahon?
3. PAMAGAT- Ito ang naghahatid ng pinakamensahe ng pelikula. Nagsisilbi rin itong
panghatak sa pelikula.
• Ito ba ay angkop sa pelikula?
• Nakatatawag ba ito ng pansin?
• Mayroon ba itong simbolo o pahiwatig?
4. TAUHAN- Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng
pelikula. • Mainaw ba ang karakterisasyon ng mga tauhan?

5
• Makatotohanan ba ang mga ito?
• Angkop ba ang pagganap ng mga artista sa pelikula?
5.DIYALOGO- Ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
• Naisaalang-alang ba ang uri ng lengguwaheng ginamit ng mga tauhan sa
kuwento?
• Matino ba, bulgar o naaangkop ang mga ginamit na salita sa kabuoaann ng
pelikula?
• Angkop ba sa edad ng target na manunuod ng pelikula ang diyalogong ginamit?
6. CINEMATOGRAPHY- Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
• Mahusay ba ang mga anggulonng kinunan?
• Naipakita ba ng camera shots ang mga bagay o kaisipang nais palutangin?
• Ang lente ba ng camera ay na-adjust para sumunod sa galaw ng artista?
7. Iba pang Aspetong Teknikal- Kabilang dito ang paglalapat ng tunog sa pelikula, sa
pagpapalit-palit ng eksena, special effects, at editing.
• Akma ba ang musika at nababagay sa tema at eksenang ipinakikita sa pelikula?
• Maayos ba ang pagkaka-edit ng pelikula? Wala bang bahaging parang putol?
• Ang ilaw ba at tunog ay coordinated at akma sa eksena?
• Akma o makatotohanan ba anng special effects, blastings, pagkawala, pagliit o
paglaki ng bagay; animation, make-up ng mga artista, paggamit ng computer
graphics at iba pa.

GAWAIN 1

PANUTO: Gamit ang graphic organizer ay suriin ang pelikulang “Anak” batay sa mga
hinihingi sa ibaba.

(PAMAGAT)

(PAKSA/TEMA) (LAYON)

(GAMIT NG MGA SALITA) (TAUHAN)

You might also like