You are on page 1of 10

MALA- MASUSING BANGHAY ARALIN

SA FILIPINO VIII

Prepared by:

RAPUNZEL E. NGAY-YAC
Teacher Applicant
Banghay Aralin sa Filipino

A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa kulturang Pilipino.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia ( social media awareness campaign )
C. Kasaysayang Pampagkatuto:
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa radio broadcasting. ( F8PT-IIId-e-30 )

I. LAYUNIN:
a. Kaalaman: Natutukoy ang mga terminong ginamit sa Radio Broadcasting.
b. Saykomotor: Naitatanghal sa masining na paraan ang mga aral na natutunan.
c. Apektiv: Nailalahad nang maayos at wasto ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin tungkol sa kahalagan ng radyo bilang isang midyum ng kommunikasyon.

II. PAKSANG ARALIN:


a. Paksa: Radyo bilang Midyum ng Komunikasyon sa Wikang Filipino
b. Wika: Ekspresyon ng Pagpapahayag ng Konsepto ng Pananaw
c. Sanggunian: Aklat sa Filipino pahina 177-190
d. Kagamitan: Aklat, laptop, tv, mga pantulong na biswal
e. Pagpapahalaga: Napapalawak ang kaalaman sa paksa sa pamamagitan ng masining na paraan.

III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:
Gawain 1
1. Pagganyak
A. Mungkahing Estratehiya: 4 PICS 1 WORD

Panuto: Paunahan ang mga mag-aaral sa paghula ng isang salitang tinutukoy ng


mga larawan.
R A D Y O
O N A I R

B. MUNGKAHING ESTRATEHIYA: STATUS KO, LIKE MO!


B. Panlinang na Gawain:
Panuto: Lagyan ng Like ang mga pahayag na may kinalaman sa radio.

2. Paglalahad __1. Naghahatid ng musika.


__2. Nagpapalabas ng pelikula.
__3. Nagpapakilala ng isang produkto.
__4. Nagbibigay ng opinyon hingil sa isang paksa.
__5. Nagpapahatid ng mga panawagan.
__6. Napapanood ang iba’t ibang programa
__7. Naghahatid ng napapanahong balita.
__8. Napapakinggan ang mga iba’t ibang kuwento.
3. Pag-alis ng Sagabal
Radyo bilang Midyum ng Komunikasyon
sa Wikang Pilipino
4. Pagtalakay

Mga Gabay na Katanungan

 Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng radio at telebisyon?


 Ano ang kahalagahan ng paggamit ng wikang Filipino sa
pagbabalita, pag-uulat at iba pa.
 Paano nakakatulong ang radio sa buhay ng mga mamamayang
Pilipino?

Radyo bilang Midyum ng Komunikasyon


sa Wikang Pilipino

- Ang paggamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang programang panradyo ay may


malaking impluwensya sa mga tagapakinig.
- Ang wikang ito ang ginagamit na midyum ng komunikasyon ng mga broadcaster
at commentator sa pagsasahimpapawid ng kanilang mga balita, ulat at mga
puna sa reaksyon na naganap, nagaganap o magaganap sa ating bansa.
- Ang layunin ng mga programang panradyo ay magbigay ng kasiyahan,
manlibang, magbigay ng kaalaman sa publiko tungkol sa iba’t ibang bagay, at
magbigay ng serbisyo sa mga taong nangangailagan na wala nang matakbuhan
kundi ang lumapit sa isang kakilalang broadcaster na
nagbibigay ng tulong sa nangangailangan.

Radio
- Ang Radyo ay isang instrumentong pangkomikasyon.
- Pinabibilis at mas pinalalawak nito ang paghahatid ng mga impormasyon at
mga kaalaman na malayang nakararating sa mga tagapakinig dahil sa
pagsasahimpapawid nito.
- Ito rin ay naging mabisang teknolohiya sa pagpapaunlad ng aspetong
pamamahayag at kaunlarang pampanitikan.
- Sa larangan ng pamamahayag panradyo, naging madali ang paghahatid ng mga
sariwang balita sa mga tagapakinig.

- Radio Broadcasting ay isang pamamaraan ng pagsasahimpapawid ng mga


impormasyon o balita sa pamamagitan ng paggamit ng mga waves sa radyo.
- Layunin nitong maipaabot ang mga impormasyon sa mas nakararaming
tagapakinig.
- Ito ang pangunahing tagapaghatid ng balita sa araw-araw bukod sa mga
pahayagan at panonood ng telebisyon.
- Madalas na napakikinggan sa radio broadcasting ang mga balitang lokal,
balitang pandaigdig, opinyon o komentrayo, pelikula, isports o maging may
kinalaman sa sining at literature.
- Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagtuklas ng teknolohiyang
pangkomunikasyon subalit ang radyo ay nananatiling mabisang kasangkapan at
larangan ng komunikasyon.

Mga Terminong Ginagamit sa Radio Broadcasting:

OBB
 Opening Bill Board – Intoduksyon/pagsisimula o pagpapakilala ng
programang panradyo.
CBB
 Closing Bill Board – Pagtatapos ng programang panradyo.
AM
 Amplitude Modulation – Tumutukoy sa istandard radio band.
FM
 Frequency Modulation – Isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang
alternating current.
SFX
 Sound Effect – Mga makabuluhang tunog na ginagamit sa kabuuan ng
radio broadcasting.
BAND
 Lawak na naaabot ng pagbo-broadcast, tumutukoy sa AM at FM.
5. Pagpapahalaga CALL SIGN
 Itinatalagang tawag ayon sa titik ng mga istasyon ng radyo.
 Halimbawa: DZRH, DZBB.
PSA
 Public Service Announcement – Isang ad na tumatakbo sa pampublikong
interes.

ON-AIR
 Aktwal na pagbo-broadcast sa radyo, oras na napapakinggan ang anchor na
6. Paglalapat nagsasalita.
ANCHOR
 Taong nagsasalita habang nagaganap ang pagbp-broadcast.

C. MUNGKAHING ESTRATEHIYA: TELL ME, WHAT YOU LEARNED!

KATANUNGAN: Ano ang kahalagan ng radyo sa ating pang araw-araw na


pamumuhay?

D. MUNGKAHING ESTRATEHIYA: TALENT MO, SHOW MO!

Unang Pangkat:

PANUTO: Pagbuo ng slogan na nagpapakita ng kahalagahan ng Radio


Broadcasting.

Pamantayan:
Nilalaman: 15%
Kaangkupan ng mga salita: 5%
Kagandahan: 5%
Kabuuan: 25%

Ikalawang Pangkat:

PANUTO: Pagbasa ng pangkat sa isang piling iskrip ng Radio Broadcasting.

Pamantayan:
Wastong Pagbigkas ng mga salita: 15%
Paglalapat ng angkop na tunog: 10 %
Organisasyo ng salita, linaw at lakas ng boses: 5%
Kabuuan: 25%

7. Paglalahat
Ikatlong Pangkat:

PANUTO: Pagbuo ng sariling Istasyon o sariling pagkakakilanlan.

Pamantayan:
Paggamit ng angkop na mga salita: 10%
Pagkamalikhain: 10%
Kakintalan: 5%
Kabuuan: 25%

E. MUNGKAHING ESTRATEHIYA: UPGRADE, WHAT I HAD LEARNED!

Panuto: Lagyan ng tsek kung ang pahayag ay may kaugnayan sa radyo at ekis (X)
naman kung walang kaugnayan ito sa radyo.

___1. Ang radyo ay isang instrumentong pangkomunikasyon.


___2. Layunin nitong maghatid ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbabasa.
___3. Naghahatid ng mga balita at impormasyon sa kalagayan ng ating bansa.
___4. Pinabibilis at mas pinalalawak nito ang paghahatid ng mga impormasyon at mga
kaalaman sa pamamagitan ng panonood.
___5. Madalas na napakikinggan sa radio broadcasting ang mga balitang lokal,
balitang pandaigdig, opinyon o komentrayo, pelikula, isports o maging may kinalaman sa
sining at literature.
___6. Ito ang pangunahing tagapaghatid ng balita sa araw-araw bukod sa mga
pahayagan at panonood ng telebisyon.
___7. Sa larangan ng pamamahayag panradyo, naging madali ang paghahatid ng mga
8. Pagtataya sariwang balita sa mga tagapanood.
___8. Naghahatid ng mga sariwang balita sa mga nagaganap sa loob at labas ng bansa.
___9. Nagsisilbing libangan ang pakikinig ng radyo sa mga mamamayang Pilipino.
___10. Nagsisilbing tulay ng komuikasyon ang pakikinig ng radyo.
F. MUNGHAHING ESTRATEHIYA: DEFINED ME!

PANUTO: Piliin sa hanay B ang katumbas na kahulugan ng mga salitang ginamit sa


radio broadcasting na makikita sa hanay A.

HANAY A

___1. OBB
___2. AM
___3. CBB
___4. ANCHOR
___5. SFX
___6. CALL SIGN
___7. BAND
___8. FM
___9. ON AIR
___10. PSA

9. Takdang Aralin HANAY B

a. Isang ad na tumatakbo sa pampublikong interes.


b. Mga makabuluhang tunog na ginagamit sa kabuuan ng radio broadcasting.
c. Tumutukoy sa istandard radio band.
d. Aktuwal na pagbo-broadcast sa radyo, oras na napapakinggan ang anchor na
nagsasalita.
e. Isang paraan ng paglalagay ng datos sa isang alternating current.
f. Introduksyon o pagpapakilala ng programang panradyo.
g. Itinatalagang tawag ayon sa titik ng mga istasyon ng radyo.
h. Taong nagsasalita habang nagaganap ang pagbo-broadcast.
i. Pagtatapos ng programang panradyo.
j. Lawak ng naaabot ng pagbrobroadcast, tumutukoy sa AM at FM

G. MUNGKAHING ESTRATEHIYA: REFLECTION MO, REACT KO!

PANUTO: Makinig ng isang programang panradyo tungkol sa napapanahong isyu.


Pagkatapos, sagutan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Paano nakakatulong ang radyo sa paghahatid ng balita sa madla?


2. Ano ang kaibahan ng pagbabalita sa radyo sa iba pang uri ng pahayagan?

You might also like