You are on page 1of 12

Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

ARALIN 19.1
Radio Broadcasting
Talaan ng Nilalaman
Introduksiyon 1

Mga Layunin sa Pagkatuto 2

Mga Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 3
Ang Radio Broadcasting 4
Mga Elemento ng Radio Broadcasting 5
Mga Katangian ng Isang Radio Broadcast 6

Sagutin Natin 7

Subukan Natin 7

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 9

Mga Sanggunian 9
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Aralin 19.1
Radio Broadcasting

Lar. 1. Ang kaalaman sa radio broadcasting ay makatutulong sa pag-unawa sa katuturan ng


pakikinig sa mga programa sa radyo.

Introduksiyon
Mula noon hanggang sa kasalukuyan, hindi maikakailang malaki ang ginagampanang papel
ng radio broadcasting sa lipunang Pilipino. Ang pakikinig sa radyo ay isang pang-araw-araw
nang gawain ng mga tao upang mabilis na makasagap ng balita at impormasyon, lalo na
yaong mga nasa liblib na pook. Libangan naman kung ito ay ituring para sa mga tagapakinig
na laging nag-aabang sa kanilang mga paboritong awitin. Upang higit na maunawaan ang
katuturan ng patuloy na pagtangkilik sa pakikinig ng mga programa sa radyo, mahalagang

1
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

alam natin ang mga tampok na konsepto at kaganapan sa likod ng radio broadcasting. Kaya
sa araling ito, higit mong makikilala, matututuhan, at mauunawaan ang kahulugan at mga
katangian ng radio broadcasting.

Mga Layunin sa Pagkatuto


Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod:
● Natutukoy ang kahulugan at katangian ng isang radio broadcast.
● Nakikilala ang kahalagahan ng isang radio broadcasting bilang isang uri ng
media
● Nauunawaan ang paksa at mahahalagang detalye ng napakinggang radio
broadcast
● Nakabubuo ng buod ng nabasang iskrip para sa teleradyo.

Mga Kasanayan sa Pagkatuto


Sa araling ito, ikaw ay inaasahang:
● Naibabahagi ang obserbasyon sa napakinggang script ng teleradyo.
● Nasasagot ang tanong sa binasang iskrip ng radio broadcasting at
teleradyo.
● Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong script ng teleradyo.
(F4PN-IVi-j-3).

2
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Simulan

Basahin at Unawain

Materyales
● panulat
● kuwaderno o anomang papel

Mga Panuto
1. Basahin at unawain ang halimbawa ng isang iskrip para sa isang radio broadcast.
2. Sagutin ang sumusunod na tanong pagkatapos ng gawain.

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang pamagat ng programang panradyo ng PH Dispatch?
2. Ano-anong paksa ng balita ang tinatalakay nito?
3. Ilang minuto lamang ang itinatakbo ng balitang panradyong ito?

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Paano nakatutulong ang radio broadcasting noon at ngayon? Bilang
mag-aaral, mahalaga pa ba ang radio broadcasting ngayon? Sa kabila ng
makabagong panahon, bakit nananatili pa rin ang radio broadcasting?

Isa sa mga pinakamabusising propesyon ay ang larangan ng pamamahayag at


pakikipagtalastasan, kabilang dito ang radio broadcasting. Mula sa pananaliksik ng mga
temang tatalakayin at makatotohanang datos na gagamitin ng isang programa, malaking
bahagi ang iginugugol sa pagsulat ng iskrip na pangunahing ginagamit ng mga tagapanayam

3
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

(host o broadcaster) ng programa.

Alamin Natin
imahe larawan

siksik puno

pumapatnubay gumagabay o sumusuporta

Ang Radio Broadcasting


Ang radio broadcasting ay isang paraan ng paghahatid ng balita, impormasyon, anunsiyo o
mga libangang panghimpapawid – tulad ng mga awitin, drama, at komedya – sa
mamamayan sa pamamagitan ng radyo bilang pangunahing daluyan.

Sa panahon ng modernong teknolohiya, maging ang mga cellphone ay mayroon nang radyo.
Gayundin, kahit ang mga kompyuter ay maaari na ring magkaroon ng access sa mga
estasyon sa pamamagitan ng internet. Noon, ang radyo ay nauuri lamang sa AM (amplitude
modulation), na kadalasang mga programa sa pagbabalita, impormasyon, at makalumang
tugtugan ang sumasahimpapawid, at FM (frequency modulation) na musikang napapanahon
naman ang pinatutugtog at naaayon sa popular na kultura ang takbo ng programa ng mga
estasyon. Ngayon, nariyan na rin ang ilan pang kategorya gaya ng komersyal o pampribado,
pampubliko, pangkomunidad, pampaaralan, at pang-opsital na mga radio broadcast.

4
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Mga Elemento ng Radio Broadcasting

1. Tagapakinig - ito ang kolektibo ng mga taong tumatangkilik at nakikinig sa mga


programang panradyo.
2. Tagapagbalita o Tagapag-ulat - ito ang nagsisilbing tinig ng programa at boses na
naghahatid ng anomang impormasyon, patalastas o pang-engganyo sa mga
tagapakinig. Siya rin ang pumapatnubay sa daloy ng programa.
3. Musika o Tugtog - ito ay isang maikling tugtog na nagsisilbing pagkakakilanlan ng
isang partikular na programa sa mga tagapakinig nito. Maaaring kabilang din dito ang
mga tunog o ingay na nakatutulong upang maikintal sa guniguni ng tagapakinig ang
ipinahahayag sa programang panradyo.
4. Islogan - ito ay isang maikli ngunit siksik, makabuluhan, at mahirap-kalimutang
pahayag na nagsisilbing pagkakakilanlan ng programang panradyo sa mga
tagapakinig nito.
5. Iskrip - ito ay ang manuskritong naglalaman ng pagkakasunod-sunod ng daloy ng
programa kasama na ang mga linyang babasahin at ihahatid ng tagapagbalita sa mga
tagapakinig.

5
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Mga Katangian ng Isang Radio Broadcast


May iba’t ibang katangiang ang isang radio broadcast na natatangi rito kung ihahalintulad sa
ibang anyo ng media tulad ng telebisyon at internet. Hindi nakikita ng tagapakinig o
tagapagbalita ang isa’t isa kaya ang radyo ay tinatawag ding blind medium.

1. Malinaw na nabubuo sa isip ng mga tagapakinig ang imahen ng mga balita at


impormasyong ipinababatid ng tagapagbalita kabilang na ang inilalarawang mga
pangyayari. Pawang ang mga tagapakinig at tagapagbalita ay malikhaing nahaharaya
o nabubuo sa isip ang larawan ng mga impormasyon o pangyayaring binanggit.

2. Mabilis itong nakasasagap ng balita at impormasyon kaya mabilis din nitong


naipalalaganap ang mga ito sa mga tagapakinig.

3. Nagagampanan nito ang tungkulin na maghatid ng balita at impormasyon at/o


mang-aliw sa mga tagapakinig, depende sa nakatakda nitong dinamiko.

4. Nakukuha nito ang atensiyon ng mga tagapakinig sa mahabang tagal ng panahon.


Naipamamalas nito ang mga impormasyon sa makabago at kapana-panabik na
paraan.

5. Nararating nito ang malalayong lugar at nagpapahayag sa sa simple o payak na


paraan na nauunawaan ng masa.

Nagagawa nitong makilahok ang mga tagapakinig sa mga panayam na may kinalaman sa
mga napapanahong isyung panlipunan, usaping pangkalusugan at pang-edukasyon, at iba
pang may kaugnayan sa pang-araw-araw na buhay ng mamamayan.

6
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano ang radio broadcasting?
2. Paano nauuri ang radyo noon?
3. Ano-ano ang elemento ng radio broadcasting?

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Ano-ano ang katangian ng radio broadcast?
2. Bakit itinuturing na isang blind medium ang radio?

Isaisip Natin
Bakit mahalaga ang mga programang panradyo sa pang-araw-araw na buhay ng mga
Pilipino?

Pag-isipan Natin
A. Tukuyin kung ano ang isinasaad sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.

________________ 1. Ito ang kolektibo ng mga taong tumatangkilik at nakikinig sa mga


programang panradyo.

________________ 2. Isa sa mga makabagong kategorya kung saan nauuri ang radyo.

________________ 3. Ito ay isang maikling tugtog na nagsisilbing pagkakakilanlan ng

7
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

isang partikular na programa sa mga tagapakinig nito.

________________ 4. Ito ang pangunahing daluyan ng radio broadcasting.

________________ 5. Ito ang nagsisilbing tinig ng programa at boses na naghahatid ng


anomang impormasyon, patalastas, o pang-engganyo sa mga
tagapakinig.

________________ 6. Ito ay ang kategorya ng radyo kung saan ang mga musikang
napapanahon naman ang pinatutugtog at naaayon sa popular na
kultura ang takbo ng programa ng mga estasyon.

________________ 7. Ito ay isang paraan ng paghahatid ng balita, impormasyon,


anunsiyo o mga libangang panghimpapawid sa pamamagitan ng
radyo bilang pangunahing daluyan.

________________ 8. Ito ay ang manuskritong naglalaman ng pagkakasunod-sunod ng


daloy ng programa.

________________ 9. Ito ay ang kategorya ng radyo na mga programa sa pagbabalita,


impormasyon, at makalumang tugtugan ang sumasahimpapawid.

________________ 10. Ito ay isang maikli ngunit siksik, makabuluhan at


mahirap-kalimutang pahayag na nagsisilbing pagkakakilanlan ng
programang panradyo sa mga tagapakinig nito.

B. Balikan at alalahanin ang halimbawang iskrip para sa isang radio broadcast. Isulat ang
buod o lagom nito.

8
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Dapat Tandaan

● Ang radio broadcasting ay isang paraan ng paghahatid ng balita, impormasyon,


anunsiyo o mga libangang panghimpapawid – tulad ng mga awitin, drama, at
komedya – sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo bilang pangunahing daluyan.
● Ang mga elemento ng radio broadcasting ay ang tagapag-ulat, tagapakinig, musika,
islogan, at iskrip.

Mga Sanggunian
Amoyo, Melinda Lourdes C. 2020. Filipino 5 - Ikalawang Markahan Modyul 2: Pagbibigay at
Pagtatala ng Bagong Natuklasang Kaalaman Mula sa Binasang Teksto. Leyte:
Department of Education - Region VIII.

Arevalo, Miguel Victor. 2002. Tekstong Patnubay sa Pag-aaral ng Gramatika. Quezon City. C&E
Publishing. Inc.

9
Filipino

Baitang 4 • Yunit 19: Radio Broadcasting

Badayos, Paquito. 2008. Metodolohiya sa Pagtuturo at Pagkatuto ng/sa Filipino (Mga Teorya,
Simulain, at Istratehiya). Valenzuela City. Mutya Publishing House.

De Laza, Crizel-Sicat. 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Manila. Rex Publishing.

Dayag, Alma M. 2018. Pinagyamang Pluma 4. Quezon City: Phoenix Publishing House.

Griffin, Jaimmy at Villanueva, Arvin Jasper P. 2018. Kasanayan sa Filipino 4. Makati City: Diwa
Learning System Inc.

Pilipino Star Ngayon. “Mag-ingat sa Leptospirosis”. In-access noong Agosto 13, 2022.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2022/08/12/2202111/editory
al-mag-ingat-sa-leptospirosis

10

You might also like