You are on page 1of 16

ARALIN 1

PAGBASA Ayoko na sa Zoo


Nilikha ng maykapal ang
sandaigdigan nang buong lugod para
sa higit na kapakinabangan ng tao.
Nilikha Niya ang araw, hangin, tubig,
at lupa para sa paninirahan ng tao.
Nilikha Niya ang mga halaman at
hayop upang huwag magutom ang
tao. Napakabuti Niya.

Noon pa man, kinahiligan ko


na ang pag-aalaga ng hayop tulad ng
aso, pusa, at kambing. Ang aso kong
si Brownie ay nakakasama ko sa
paglalaro. Ihahagis ko ang patpat at
mabilis siyang susugod sa
kinabagsakan nito upang kunin at
ibalik sa akin. Nakasisiya ng
damdamin. Natuturuan ko siya.

Si Mimi naman, isang pusang Persian, ay saksakan ng kulit. Gustong-gusto niya na laging sinusuklay at
hinahagod ang kanyang magandang balahibo. Samantala, tila may isip naman itong si Kambina. Matapos ang dalawang
linggong pagpapastol ko sa kanya, kung kalian siya nanginginain ng damo sa kaparangan, ay nagagawa na niyang
lumakad nang mag-isa ngayon. "Matalinong kambing," ang aking nasasaloob. Isang araw, narinig ko ang sabi ni Nanay na
mamamasyal kami sa Zoo. Labis talaga akong nagalak dahil sa makakikita ako ng maraming uri ng mga hayop.

Gabi pa lamang ay iginayak ko na ang aking bagong damit na isusuot kinabukasan. Gayundin ang aking mga
kapatid. Hindi ako agad nakatulog nang gabing iyon dahil na rin siguro sa kasabikan. Pabaling-baling ako sa aking higaan
hanggang sa makatulog ako nang may ngiti sa labi. Ganoon pa man ay 'maaga pa rin akong nagising. Ngunit mas
maagang gumising ang aking Ina.

Nakita ko siyang nagha-handa ng babaunin. Lumabas kami aming bahay na talagang masaya. Maingay kaming
tatlong magkakapatid sa loob ng sasakyan. Bumibili pa lamang ng tiket ang aking Ama ay naroon na kami sa entrance
gate at patakbo kaming pumasok.

Isa-isa naming pinuntahan ang kulungan ng mga hayop. Sinipat-sipat namin ang elepante. Kahanga-hanga ang
taglay nitong katawan. Sa tingin ko ay napakalakas niya. Ang kanyang tinig ay tila isang gong na may pag-anyaya ng
isang pagdiriwang. Tahimik lamang sa kulungan ang buwaya, larawan ito ng kapayapaan. Nangilabot naman kami sa mga
sawa at kobra na tila handang manlingkis. Nakatutuwa namang pagmasdan ang nagliliparang mga ibon na may iba't ibang
kulay. Natuwa rin kami sa mga unggoy na marunong magpakitang gilas sa mga tao.

Napakarami pang mga hayop doon na kinawilihan naming magkakapatid. Nang kami ay pagód at gutom na,
umupo kaming mag-anak sa lugar ng pahingahan. Inilabas ng aming Ina ang baon naming pagkain. Karaniwang pagkain

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 1 | 13
lamang ang aming dala ngunit tila napakasarap nito sa aming panlasa. Habang kumakain ay napatingin ako sa kabuoan ng
Manila Zoo. Naisip kong walang kasintalino ang Diyos. Nakalikha siya ng iba't ibang uri ng hayop na may kanya-
kanyang katangian. Naisip ko ring sapagkat ang mga ito ay maybúhay na tulad ng tao, dapat lamang na ang mga ito ay
pahalagahan at pagyamanin. Nása ganoon kaming kalagayan nang biglang magkagulo ang mga tao malapit sa kulungan
ng mga sawá. Tiningnan naming mag-anak kung ano ang nangyayari.

Ganoon na lamang ang gulat namin sapagkat nakawala ang isang sawa na may
habang mahigit sa dalawampung talampakan. Wala itong pakialam sa mga taong naghihiyawan. Gumagapang ito na tila
may tiyak na pupuntahan. Maya-maya ay lumapit ang dalawang caretaker. Inagapankaagad ng isa ang bibig ng sawa at
tinalian. Ang isa naman ay
hinawakan ang buntot. Hindi nanlaban ang sawa. Maaaring alam niyang wala siyang laban. Muli itong ibinalik sa
kulungan. Matapos ayusing mabuti ang kulungan nito, muling natahimik ang lugar
na iyon.

Iginala ko ang aking paningin sa loob ng Manila Zoo. Naisip ko, hindi kaya nababagot ang mga hayop na ito sa
kanilang kalagayan? Nagiging aliwan sila ng mga tao. Siguro nais din nilang makawala subalit wala naman silang
magawa. Naisip ko, parang paraisong walang kalayaan ang mga hayop sa zoo. Hanggang sa pag-uwi namin ay dala-dala
ko ang alalahaning iyon. Kaya't nang sumunod na pamamasyal ay sinabi kong ayaw ko nang pumasyal sa Zoo.

Kislap-Kaalaman

Kuwentong Pasalaysay ito ay pagsasalaysay ng mga pangyayari batay sa karanasan ng may-akda o ng ibang tao.
Maaaring ang karanasan ay batay sa masaya o malungkot na pangyayari. Ang mahalaga ay nag-iiwan ito ng aral sa
mambabasa.

ANG MGA ELEMENTO NG KUWENTO

1. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga panauhin sa kwento.

2. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung saan naganap ang kwento.

3. Banghay – Ito ay tumutukoy sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento. Mayroong


limang (5) bahagi ang banghay:
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO
 Panimula – Kung saan at paano nagsimula ang
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA
kwento.
PRISCILA J. ANASTACIO 2 | 13
 Saglit na Kasiglahan – Ito ay ang panandaliang pagtatagpo ng mga tauhan sa kwento.
4. Kaisipan – Ito ay ang mensahe ng maikling kwento sa mambabasa.
5. Suliranin – Ito ay tumutukoy sa problemang ikinakaharap ng tauhan sa kwento.
7. Tunggalian – Ito ay maaaring tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, o tao laban sa
kalikasan.
8. Paksang Diwa – Ito ay ang pinaka-kaluluwa ng kwento.

ARALIN 2 Pangngalan

GRAMATIKA

Linangin Mo Na

Basahin ang talata. Suriin ang mga salitang may salungguhit.

Gustong-gusto ni Atoy na pumasyal sa Manila Zoo. Gusto niyang makita nang personal ang sinasabi ng
kanilang guro na maraming hayop ang inaalagaan sa Manila Zoo. Lagi niyang itinatanong sa kanyang Nanay
Belen kung kailan sila pupunta ng Maynila.

Hasik-Isipan

Pangngalan ang tawag sa mga salitang sinalungguhitan sa talata. Ang pangngalan ay ang ngalan ng tao, hayop, bagay,
pook, at pangyayari.

Pangngalang pantangi at pangngalang pambalana ang mga uri ng pangngalan.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 3 | 13
Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, at pangyayari. Nagsisimula ito sa
malaking titik.

Halimbawa: Florante Garcia, Adamson University, Aaron, Bagong Taon.

Samantala, ang pangngalang pambalana naman ay tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at
pangyayari.

Halimbawa: guro, bata, kapatid, artista.

ARALIN 3 Uri ng Pangngalang Pambalana


GRAMATIKA
Linangin Mo Na

Basahin at unawaing mabuti ang mga pangngalang nakalimbag nang mariin mula sa usapan sa ibaba.

Magtanim tayo ng
saging sa paanan ng
Mataba ang lupa. Tiyak
bundok Mayon.
na madaling mabubuhay
Ito ay gagawin
ang puno ng saging.
natin para sa ating
Masarap mag-ani ng
lahi.
buwig na saging.

Hasik-Isipan
Ang pangngalang ito ay pangngalang pambalana na nauuri bilang tahas (kongkreto) at basal (di kongkreto).

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 4 | 13
Tahas (kongkreto) – tumutukoy sa bagay na material. Ito ang mga bagay na nakikita at nadarama ng ating
pandama.

May dalawang uri ng tahas na pangngalan.

1. Palansak – tumutukoy sa pangkat ng iisang uri ng tao o bagay.


Halimbawa: kaing, kumpol, batalyon, piling, tumpok, tangkal, lahi, lipi.

2. Di Palansak – tumutukoy sa mga bagay na isinasaalang-alang nang isa-isa.


Halimbawa: sibuyas, manga, santol, manok, bulaklak.

Basal (Di kongkreto) – tumutukoy sa pangngalang nagsasaad ng diwa o kaisipan at di tuwirang nadarama ng
pandama.

Halimbawa: kasayahan, kalungkutan, bait, muni, pag-asa.

ARALIN 4 Kasarian ng Pangngalan

GRAMATIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba.


1. Si Tatay ay isang mangingisda.
2. Itinitinda ni Inay ang mga nahuhuling isda sa palengke.
3. Siya rin ay nagtitinda ng manok.
4. Umuuwi siya sa bahay kapag naubos na ang kanyang paninda.

Hasik-Isipan

Ang pangngalan ay may kasariang nagbibigay ng kalinawan para sa kinauukulan, ito ay maaaring pambabae,
panlalaki, di tiyak, o kaya'y walang kasarian.

Ang mga pangngalan ay maaaring mauri ayon sa kasarian.


1. Pambabae ang kasarian ng pangngalan kung ito ay tumutukoy sa babae.
Halimbawa: Nora Aunor, prinsesa, kapitana

2. Panlalaki ang kasarian kung tumutukoy sa ngalan ng lalaki.


Halimbawa: Michael James, prinsipe, buriko, tandang

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 5 | 13
3. Di tiyak kung tumutukoy sa ngalan na di tiyak kung lalaki o babae.
Halimbawa: manggagamot, pulis, guro

4. Walang kasarian kung tumutukoy sa mga bagay na walang buhay.


Halimbawa: pader, papel, salamin

ARALIN 5 Panghalip Panao at Panghalip Pamatlig

GRAMATIKA

Linangin Mo Na

Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Suriin ang mga panghalip na sinalungguhitan.
1. Ikaw ba ang mamumuno sa pagtatanim ng mga punò?
2. Ako nga ang mamumuno sa pagtatanim ng mga puno.
3. Kami ay makikinig sa iyong sasabihin.
4. Diyan na lamang kayo maupo.

Hasik-Isipan

Panghalip ay ang mga salitang ginagamit na panghalili sa mga pangngalan. Ito ay ang mga panghalip na panao,
pamatlig, panaklaw, at pananong.

Ang mga salitang may salungguhit ay uri ng panghalip ayon sa sumusunod:

1. Panghalip Panao - Ito ay hinahalili sa ngalan ng tao.


Halimbawa: ako, kami, ikaw
Mayroon kaming karapatang mabuhay.

Panauhan Kailanan
Isahan Dalawahan Maramihan
Una Ako, ko, akin Kata, kita Kami, naming, natin,
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 6 | 13
tayo, atin, amin
Ikalawa Ikaw, ka, mo, iyo Kayo, ninyo, inyo, sila,
nila, kanila
Ikatlo Siya, niya, kanya

2. Panghalip Pamatlig - Ito ay hinahalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pang itinuturo o inihihimaton.

Halimbawa: ito, diyan, doon


Diyan ka na lamang dumaan sa tagiliran at ako ay sa likod.

Ang mga panghalip na pamatlig ay naaayon sa sumusunod na kategorya:

Panauhan I. Pronominal II. Patulad III. Pahimaton IV. Panlunan

Paturol Paari Paukol Panawag-pansin


Anyong Anyo Anyong
Ang ng sa
Una Ito Nito Dito Ganito Heto Narito
Malapit sa
nagsasalita
Ikalawa Iyan Niyan Diyan Ganyan Hayan Nariyan
Malapit sa kausap Ayan
Ikatlo Iyon Noon Doon Ganoon Hayun Naroon
Malayo sa kausap Ayun

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 7 | 13
ARALIN 6 Panghalip Panaklaw at Panghalip Pananong
GRAMATIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang mga pangungusap. Pagkatapos, suriin ang mgasalitang may salungguhit. Alamin kung paano
ginamit ang mgasalitang may salungguhit bilang pamalit sa ngalan ng tao.
1. Ako ay pagód nang lumipad.
2. Doon sa dagat bumagsak ang mga bato.
3. Alam ng madla ang kuwentong pinagmulan ng daigdig.
4. Sino-sino ang naging mga anak nila?

Hasik-Isipan
Panghalip ay ang mga salitang ginagamit na panghalili sa mga pangngalan. Ito ay ang mga panghalip na panao,
pamatlig, panaklaw, at pananong.

1. Panghalip Panaklaw - Ito ay panghalip na sumasaklaw sa kaisahan, dami o pangkalahatang tinutukoy.

Halimbawa: bawat, lahat, madla, tanan, balana, anuman, kailanman, isa, ibanon
Nagulat ang madla sa mabilis na pangyayari.

2. Panghalip Pananong - Ang panghalip na ito ay panghalili sa ngalan ng tao, bagay, at iba pang ginagamit sa
pagtatanong. Ginagamit ito bilang kaganapang pansimuno.

Isahan dalawahan Kinakatawan


Alin Alin-alin Bagay, hayop, o panlunan
Ano Ano-ano Bagay, hayop, o panlunan
Kanino Kani-kanino Tao
Sino Sino-sino Tao

‫مدرســــــة أكاديميـــــــة آسيـــا‬


In the name of Allah, Most Gracious, Most Merciful

ASIA ACADEMIC SCHOOL, INC.


Don MC Enriquez Drive, Don Alfaro St., Tetuan, Zamboanga City
REFERENCE: PINTIG N G L A H Contact
I N G No.P I(062)
L I 955-8342
P I N O / (+63) 9153691045
Email address: aas.zambo2015@gmail.com
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 8 | 13
Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________
Tukuyin Natin
Balikan ang binasangkuwentong "Ayoko Na Sa Zoo." Bigyan ng pansariling opiniyon o impresyon ang
huling bahagi nito ayon sa ginawang pagpapasiya ng tauhan. Sundin ang isinasaad ng graphic organizer.

Ayoko Na Sa Zoo
Wakas ng Akda Nais Mong Wakas
Isabuhay Mo Na

Mag-isip ng limang kapakinabangang naidudulot sa tao ang pag-aalaga ng hayop.

1. ___________________________________________________________________________________
2. ___________________________________________________________________________________
3. ___________________________________________________________________________________
4. ___________________________________________________________________________________
5. ___________________________________________________________________________________

Subukin Natin 01

Gawain A
Salungguhitan ang pangngalang pantangi at kahunan ang pangngalang pambalanang ginamit sa
pangungusap.

1. Ang bata na kanyang tinawag ay si Ben.


2. Ang Garcia Building ay isang gusali.
3. Si Eleanor ay nanalo sa pagbigkas ng tula.
4. Siya ang binatang nag-aaral sa Adamson University.
5. Si Tito Mario ay pumasok bilang isang security guard sa bangko.

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________

Gawain B
Magbigay ng pangngalang pantangi at pangngalang pambalana ayon sa hinihingi ng tsart.
Pangngalan Tao Bagay Hayop Pook Pangyayari
Pantangi

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 9 | 13
Pambalan

Subukin Natin 02

Gawain A
Pagmasda ng mabuti ang sumusunod na larawan. Guhitan ng puso kung ang larawan ay kongkreto at bilugan
naman kung ito ay di kongkreto. Maaaring gumamit ng pangkulay sa pagguhit ng hugis.

Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________


Baitang: _______________________

Gawain B
Ipangkat ang sumusunod na mga pangngalan kung ito ay pangngalang tahas (kongkreto) o basal (di kongkreto).

hangin ligaya sombrero asin


kalungkutan alat bango bundok
saya damit papel ingay
tuwa upuan Pag-asa kabaitan

Tahas Basal
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 10 | 13
Subukin Natin 03

Gawain A
Sumulat ng tig-limang halimbawa para sa bawat kasarian ng pangngalan. Isulat ang mga ito sa talahanayan sa
ibaba.

Panlalaki Pambabae Di tiyak Walang kasarian

Subukin Natin 04

Gawain A
Tukuyin kung ang nakalimbag na panghalip ay panao o pamatlig. Isulat sa linya ang sagot.

_______________ 1. Maaasahan ko ba ang iyong pagdating?


_______________ 2. Iyon ang bahay na hinahanap mo.
_______________ 3. Doon tayo aakyat mamaya.
_______________ 4. Atin ang sakahan na kanilang inaangkin.
_______________ 5. Ito ba ang gusto mong isuot ngayon.
Pangalan: __________________________ Petsa: ____________________
Baitang: _______________________

Gawain B
Salungguhitan ang wastong panghalip upang mabuo ang pangungusap.

1. Ang tinapay bang ito ay sa (kami, sila, iyo)?


2. (Sila, Iyo, Ako) ang magkakapatid na naulila.
3. (Iyo, Kanila, Ako) ang proyektong nagwagi at hindi inyo.
4. (Iyan, iyon, Ito) ang gusto niyang damit na bilhin.
5. (Ako, Sila, Kayo) lamang ang nag-iisang anak nila.
6. (Ako, Sila, Kayo) lamang dalawa ang makatutulong sa akin.
7. Umupo ka nga (doon, dito, diyan) sa tabi ko.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 11 | 13
Subukin Natin 05

Gawain A
Tukuyin at isulat ang panauhan at kailanan ng panghalip na may salungguhit sa mga pangungusap.
Panauhan Kailanan Mga Pangungusap
1. Maraming mag-aaral ang nagtulong-tulong. Sila ay nagkakaisa sa
gagawin.
2. Si Aliguyon ay mabait na kaibigan. Lagi siyang tumulong sa iba.
3. Sila ay kapwa matulungin sa mga kababayan.
4. Pupunta tayo sa burol upang masaksihan ang labanan nina
Dinoyogan at Aliguyon.
5. Iisipan ko na ikaw ang aking kaibigan.

Subukin Natin 06
Gawain A
Tukuyin kung ang nakalimbag na salita ay panghalip panaklaw o panghalip pananong.

_______________ 1. Nagkakaisa ang lahat para sa kapayapaan.

_______________ 2. Kani-kanino ba ibinigay ang premyo?

_______________ 3. Kailanman ay hindi mo makalilimutan ang nangyari.

_______________ 4. Isa sa mga organisasyon ang tumulong sa insidente.

_______________ 5. Ang bawat tao ay handing tumulong sa kanilang kapwa.

ARALIN 1 Halina sa Paaralan

PAGBASA Karaniwang gusali kung iyong mamasdan


Ngunit ang totoo, ang laman ay yaman.
Hindi mananakaw ng kahit sino pa man
Yamang makukuha sa ating paaralan.

Ang paaralan ay tulad ng hardin,


May matabang lupa at binhing itinanim.
Umuusbong na halaman ay ihasik din,
Bungang masarap iyong aanihin.

Ang silid-aralan ay ating pandayan.


Ang bubot na isip ay pinagugulang
Mga batang paslit na woalang muwang.
Sa tulong ng guro'y daming natutuhan.

Pagsulat, pagbása, dito'y sinasanay,


Malalaman pati na rin kasaysayan.
Agham, wika, sakâ panitikan,
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 12 | 13
Sining, at pagtutuos ay pinag-aaralan.

Sa kagandahang-asal, ito ay palihan.


Sa wastong kilos, bata'y ginagabayan.
Tinuturuan siya na maging magalang,
Tumulong sa kapwa, at sa Diyos ay magmahal.

Kislap-Kaalaman

Tula. Ayon sa pananaw ng ilang makata, ito ay isang maingat na pagpapahayag ng damdamin pamamagitan ng
pilimpiling mga salita, may tugma, sukat, sining, at talinghaga.

Ang mga Elemento ng Tula


Sukat Saknong
tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod tumutukoy sa isang grupo sa loob ng isang tula na
na bumubuo sa isang saknong, may dalawa o maraming taludtod
Pantig – ang paraan ng pagbasa 2 na taludtod – couplet
Halimbawa: 3 na taludtod – tercet
isda = is da = dalawang pantig 4 na taludtod – quatrain
Ako ay isang tao = 5 na taludtod – quintet
A ko ay i sang ta o = pitong pantig 6 na taludtod – sestet
7 na taludtod – septet
May apat na uri ng sukat ito: 8 na taludtod – octave
Wawaluhin – walong pantig
Lalabindalawahin – sandosenang pantig
Lalabing-animin – labing-anim na pantig
Lalabing-waluhin – labing-walong pantig

Tugma Kariktan
isang katangian na hindi angkin ng mga Ito ay mga maririkit na salita para mapasaya ang
sumusulat ng prosa. Ang tugma ay tumutukoy sa
mambabasa at mapukaw ang damdamin at
magkakasintunog ng huling pantig ng huling
salita ng bawat linya. kawilihan
Halimbawa: Maganda – marikit
May dalawang uri ito:
Tugmang ganap (Patinig) Talinhaga
Tugmang di-ganap (Katinig) Ito naman ay tumutukoy sa mga di-tiyak na
Halimbawa: pagtukoy ng mga bagay na binabanggit.
Mahirap sumaya
Ang taong may sala

ARALIN 2 Pang-uri
GRAMATIKA
Linangin Mo Na

BIgyan-pansin ang sumusunod na mga pangungusap na nakasulat sa loob ng bilang.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 13 | 13
1. Malinis ang aming 3. Ang guro naming ay
paaralan. masipag, maasikaso, a
maunawain.
2. Maraming tanim 4. Siya ay mabait.
na bulaklak at
halaman sa aming

Hasik-Isipan
Ang mga pang-uri ay mga salitang naglalarawan sa pangnglan at panghalip. Maaari itong naglalarawan sa
katangian, hugis, o anyo, bilang, panlasa, pang-amoy, pandinig, kulay, at pandama.

Mga Halimbawa:
Katangian Hugis o anyo Bilang Kulay

Rosas
Matalinong Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Bilog na mukha , pula
mag-aaral

Pandama
Malamig na panahon

Paningin Panlasa
Makulay na larawan Matamis na saging

Pandinig Pang-amoy
Maiingay na sasakyan Mabangong sampaguita

ARALIN 3 Uri ng Pang-uri


GRAMATIKA
Linangin Mo Na
Suriin ang mga salitang may salungguhit sa sumusunod na mga pangungusap na nakasulat sa iba't ibang hugis:

2. Isa-isang
1. Mabait na anak
nagsidating ang mga 3. Tone-toneladang
si Lyn.
tao sa Red Cross. donasyon ang dumating
na tulong para sa
biktima ng bagyo.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 14 | 13
4. Marami ang taong 5. Dalawa ang taong agad
natutulungan ng Red natulungan ng Red Cross.
Cross.

Hasik-Isipan

Ang pang-uring panlarawan ay naglalarawan upang ipakilala ang uri o kabagayan ng isang bagay,
pangngalan, o panghalip.
Halimbawa: Malakas ang bagyong darating.

Ang pang-uring pamilang naman ay naglalarawan ng bilang pangngalan o panghalip. Maaaring mauri ang
pang-uring pamilang ayon sa sumusunod:
1. Patakaran – naglalarawan ng tanda ng bilang o dami.
Halimbawa: isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim
2. Patakda – inilalarawan ang bilang ng pagkakasunod- sunod ng isang panuto na dapat tandaan.
Halimbawa: una, ikalawa, ikatlo, ikaapat, ikalima, ikaanim
3. Pahalaga – naglalarawan sa halaga ng salapi
Halimbawa: anim na piso, tatlong daang piso, tatlong libong piso
4. Palansak – naglalarawan ng dami ng bagay o grupo.
Halimbawa: tone-tonelada, bugkos-bugkos

ARALIN 3 Magkasingkahulugan at magkasalungat


na Pang-uri
GRAMATIKA
Linangin Mo Na

Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Suriin ang mga salitang sinalungguhitan.
Siya ang matanda na nagsisilbing magulang ng mga
batà.
1. Siya ang matanda na nagsisilbing magulang ng mga bata.
2. Siya ang matanda sa magkakapatid subalit parang siya
ang batà sa lahat.
3. Matiyaga siyang pumasok at masikap mag-aral kaya
nakatapos.
4. Masipag siyang pumasok ngunit tamad mag-aral.
REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO
MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 15 | 13
Hasik-Isipan
Ang paggamit ng magkasingkahulugan at magkasalungat na pang-uri ay mahalaga sa pagpili ng mga salitang
nag lalarawan upang palitan ang pangunahing larawan at makabuo ng kanya-kanyang kakanyahan, katangian, at
ikinaiba sa ibang bagay.

ARALIN 4 Kaantasa ng Pang-uri

GRAMATIKA
Linangin Mo Na

Kislap-Kaalaman

Hasik-Isipan

Linangin Mo Na
Gawain A
Bilugan ang mga pang-uri sa loob ng pangungusap. Lagyan
ng salungguhit ang salitang inilalarawan nito.
1. Ang aming paaralan ay malaki at malinis kayâ kami ay
nakapaglalaro rito.
2. Malalago ang mga dahon ng punong mangga sa aming
paaralan.
3. Maraming mga mag-aaral ang nagpapahinga sa ilalaim
ng mga sanga nito.
4. Dinadayo ng ibang mag-aaral ang makukulay at maba-
bangong bulaklak sa paligid nito.
5. Sa likod ng aming paaralan ay may maliit na palaisdaan.
Gawain B
Bumuo ng pangungusap batay sa mga larawan sa kabilang
pahina. Gumamit ng mga pang-uri.

REFERENCE: PINTIG NG LAHING PILIPINO


MGA AWTOR: FLORANTE C. GARCIA PRISCILA J. ANASTACIO 16 | 13

You might also like