You are on page 1of 103

MAGANDANG

ARAW!
Inihanda ni:Teacher Mary-Ann
1.
2.
3.
Iba’t-ibang klaseng?

YOU
p
HI+YOU+P= Hayop
2
Luh!?
MAHUSAY!
ANG PABULA
PABULA
 Ang karaniwang pábulá ay kuwento kung saan
mga hayop ang gumaganap at ang mga hayop na
ito ay kumikilos at nagsasalita na tulad ng tao.
 Likhang-isip
Mga Halimbawa
 “Ang Aso at ang Uwak,” nakuha ng
aso ang karne sa pamamagitan ng
pagpuri sa uwak
Mga Halimbawa
 Sa pabulang “Ang Kuneho at Pagong,”
naunahan ng pagong ang kuneho dahil sa
kanyang matiyaga at patuloy na paglalakad.
 Mayroon ding pábulá kung saan ang gumaganap ay tao
katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang
Babaing Maggagatas” o magkahalong hayop at tao na
katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.
ANG BATA AT
ANG AMANG
ALIMANGO
Pahina 5 hanggang 7
SAGUTAN ANG GAWAIN B
SA PAHINA 8.
Pagbabalik-aral tungkol sa
mga Pangngalan
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:
Ano ang Pangngalan?
 Ang pangngalan ay tawag sa mga salitang
tumutukoy sa tao, bagay, lugar, hayop at
pangyayari.

 Pangngalan o sa salitang Ingles ay Noun.


Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:

a o
1.

2.

3
?
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:

a g a y
1.

2.

3
?
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:

a y o p
1.

2.

3
?
Ang Pangngalan ay salitang panawag sa:

a n g y a y a r i
1.

2.

3
?
Halimbawa
 Ngalan ng tao – tatay, Andres Bonifacio, Maria

 Ngalan ng hayop – aso, manok, agila

 Ngalan ng bagay – libro, lapis, papel

 Ngalan ng pook/lugar – bansa, lungsod, Thailand

 Ngalan ng pangyayari – Pasko, kaarawan, Araw ng mga


puso
Ano ang dalawang uri ng
Pangngalan?
Pangngalan Pambalana
ito ay pangkaraniwang ngalan ng mga bagay, tao, hayop, at pangyayari.
Ang mga pangngalang ito ay di- tiyak, walang tinutukoy na tiyak o tangi.
Maliit na titik ang simula ng mga salitang ito.

Pangngalan Pantangi
ito ay mga pangngalang tumutukoy sa mga tiyak o tanging pangngalan
ng tao, bagay, lugar, hayop, gawain, at pangyayari. Nagsisimula ito sa
malaking titik.
HALIMBAWA

PAMBALANA 1 PANTANGI
2
 Kuya Mark
 kapatid  sasakyan  Singapore
 bansa  sapatos  Makati
 lungsod  relo  Nissan GT-R Nismo
 Adidas
Alamin kung ang mga sumusunod na Pangngalang nakasalungguhit
ay Pantangi o Pambalana

______1. Masipag na drayber si Mang Karding.

______2. Naglinis ng kwarto si Lia.

______3. Paborito ni bunso ang Malunggay.

______4. Si Ana ay mahilig mamulot ng mga plastic sa labas.

______5. Swerte si Liza sa kanyang mga magulang, kung ituring kasi

siya ay parang isang prinsesa.


Gumawa ng limang (5)
Pangungusap at salungguhitan ang
Pantangi at Pambalana
Maikling Kuwento
 Ang maikling kuwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga
ng isang maikling guni-guni ng may-akda.

 Ang isang maikling kuwento ay mga kuwento na maaari mong


tapusin sa isang upuan lamang ng pagbabasa o kaya'y ang mga
kuwento na hindi inaabot ng araw para matapos.
Mga Salik / Sangkap ng Makling
Kuwento
TAGPUAN 1 TAUHAN
2
 ang mga taong nagbibigay
 ang pook o lugar na
buhay sa takbo ng mga
pinangyarihan ng
pangyayari sa kuwento.
kuwento
Mga Salik / Sangkap ng Makling
Kuwento
BANGHAY 3
 ang kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga
pangyayari ay batay sa pagkakatulad nito mula umpisa
hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito nilulutas ang
tunggalian ng mga tauhan sa kuwento.
MGA BAHAGI NG MAIKLING
KUWENTO
 Panimula - nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala ang mga
tauhan, pook at panahon ng kuwento sa mambabasa.

 Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning


inihahanap ng lunas.
 Suliranin - ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay
mula sa simula hanggang sa paglalapat ng mga karampatang lunas
sa bawat suliranin.

 Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing


pananabik dahil sa takbo ng mga pangyayari.
MGA BAHAGI NG MAIKLING
KUWENTO

 Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng pagkakataon ang mga


mambabasa na tapusin ang kuwento at magkakaroon ng
pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.
Kuya ko,
Idol ko

Pahina 15 hanggang 18
Sagutan ang Gawain B
sa Pahina 14.
Anekdota
Ano ang Anekdota?

Ang anekdota ay maaari ring personal o pangyayari sa buhay ng

manunulat o mananalumpati. Sa pamamagitan nito maipasisilip nila ang

isang bahagi ng kanilang buhay na maaaring kapulutan ng aral.


Tandang-tanda Ko Pa….
PAGPAKILALA NG MGA PANANDA NG
PANGNGALAN
PANGNGALANG PANTANGI

• si, ni, kay (para sa tiyak na pangalan ng tao o hayop)

Halimbawa:

1. Nakita ni Nene si Aling Maria sa restoran.

2. Ibinigay niya kay Aling Maria ang binili niyang burger

3. Tinahulan ni Bantay si Muning dahil nagalit siya kay Muning


PAGPAKILALA NG MGA PANANDA NG
PANGNGALAN
PANGNGALANG PANTANGI

• sina, nina, kina (para sa dalawa o higit pang pangalan


ng tao o hayop)

Halimbawa:

1. Nakita nina Nene at Nitoy sina Aling Maria at Mang Dodong.

2. Inagaw nina Bantay at Spotty ang mga buto kina Muning at mga
kapuwa pusa.
IBA PANG PANANDA O PANTUKOY NG
PANGNGALAN
• ang, ng, sa

 Para sa mga pambalana o karaniwang panawag sa tao


at hayop

Halimbawa:

 Pinakain ng bata ang kaniyang mga alagang aso at


pusa.
 Para sa mga pook o lugar at bagay (pantangi man o pambalana),
pangyayari, katangian, at iba pang panawag sa mga kongkreto at
abstraktong pangngalan

Halimbawa:
 Bumili sila ng burger sa restoran
 Kahanga-hanga ang ugaling ipinakita ng batang babae.
 Talagang nakatatakot ang aksidenteng naganap sa Maynila.
 Bibili raw ng manga at iba pang prutas sa palengke ang mga
bisita.
PAGGAMIT NG MGA PANANDA NG PANGNGALAN
Gawain 1:
(1.)

Nakatutuwa talaga ang mag-iinang ito, ___ Mrs. Cruz, Marie,


(2.)
at Jun-jun. Parang magkakapatid lamang sil! Aba, saan pupunta ___
(3.) (4.)
batang babae? Uy, may nakita yata siya ___ labas ___ restoran!
(5.) (6.)
Sus, naroon pala ___ Aling Celia, ___ aming labandera! Pupuntahan
(7.)

yata siya ___ Marie, ang batang babae.


(8.) (9.) (10.)
Wow, nagbigay ___ sandwich ___ Marie ___ Aling Celia! Kay
(11.) (12.)
bait naman ___ batang ito! At ayun, sinundan siya ___ Mrs. Cruz at
(13.) (14.)
Jun-jun. Binigyan din nila ___ juice ___ Aling Celia. Bilib na bilib
(15.)
talaga ako ___ kabaitan ng pamilyang ito.
Gawain 2:
Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na anekdota. Pagkatapos,
punan ng wastong pananda ng pangngalan ang bawat patlang upang mabuo
ang diwa ng bawat isa.

1. Isang araw ay narinig ko ___ Aling Amor na pinapayuhan ___ anak.


Inaninag ko ___ mukha ___ Rina sa bintana ng kanilang bahay.
Masinsinan naman siyang nakikinig ___ butihing ina. Pinahid ___ Rina
ang kanyang luha at yumakap ___ ina. Nakakatuwang masaksihan ang
tagpung ito ___ mag-ina.
2. Bayani kung ituring ___ aming barangay ang aking ama. Noong
nakaraang bagyo kasi, isa-isa niyang tinulungan ___ aming mga kapitbahay
na lumikas na ___ kani-kanilang tahanan. Tumaas na kasi ang baha ___
aming lugar. Ligtas ang lahat dahil sa kabayanihan ___ Tatay.

3. Pinangkat ang aming klase na may tatlong miyembro. Sa aking malas,


___ Kaloy at Jepoy ang aking naging kapangkat. Kilala ___ dalawa ___
pagiging tamad mag-aral kaya naisip kong kami na ang mangungulelat sa
gawaing ito. Pero nagkamali ako. Doon ako humanga ___ Kaloy at Jepoy.
May angking husay pala sila ___ ispeling kaya ___ aming pangkat ang
nagwagi sa spelling quiz bee sa aming klase. Napatunayan kong ___ bawat
isa sa atin ay may angking husay ___ iba’t-ibang larangan.
4. Pamilyar sa akin ___ mukha ng lalaking nakita ko kanina ___ book store.
Tama! Siya si Edward, ___ laging pinagagalitan ng aming guro dahil lagi
siyang absent. Dahil medyo close kami noon, tinanong ko siya kung ano ___
dahilan ng kaniyang madalas na pag-absent. Nalaman kong tinutulungan
niya ang kaniyang nanay sa pagtitinda ___ palengke. Nagtitinda pa rin kaya
sila? Mukhang hindi na kasi nakasuot siya ___ pormal at may kurbata pa.
pinagpala talaga ___ taong masipag!

5. Si Mang Nestor ___ dyanitor ___ aming paaralan. Maraming mag-aaral


___ natutuwa sa kaniya dahil lagi siyang nakangiti tuwing nagwawalis ng
bakuran ___ paaralan. Binabati niya rin kami ___ “Magandang umaga”
tuwing makakasalubong namin siya.
GAWAIN 3

Alalahanin mo ang isang


karanasan bilang isang mag-aaral
na sa iyong palagay ay mag-iiwan
ng aral sa iyong kamag-aral.
SANAYSAY
 Isang uri ng sulatin na nagpapahayag ng pananaw o
opinyon ng nagsulat nito.

 Ito’y makatuwiran paghahanay ng mga kaisipan at ng


damdamin sumusulat ayon sa kanyang karanasan,
kaalaman at haka-haka.
PANGHALIP
 Ang panghalip o pronoun sa wikang Ingles ay
ang salitang pamalit o panghalili sa ngalan o
pangngalan na nagamit na sa parehong
pangungusap o sa kasunod na pangungusap.
MGA URI NG PANGHALIP

1. Panao 4. Panaklaw

2. Pamatlig 5. Pamanggit

3. Pananong 6. Patulad
1. Panghalip na Panao
(Personal Pronoun)

 Mula ito sa salitang “tao”, kaya’t nagpapahiwatig na “para sa tao” o


“pangtao”. Panghalili ito sa ngalan ng tao.
Halimbawa:
Ako (me), ko, akin (mine), amin, kami (we), kayo, atin, inyo, kita,
kata, mo (you), siya (he/she), kanila (theirs), at kanya (hers/his).
A. Taong Nagsasalita
Halimbawa (Isahan: ako, ko, akin)
 Bigay ko ang hawak mong laruan.
 Akin na yung unan.
 Ako ang may-ari ng kotseng pula sa labas.
 Mag-iipon ako ng pera para may maipambayad sa kuryente sa
makalawa.
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)

 Kita nang kumain sa karinderya. (Kumain tayong dalawa sa


karinderya)

 Kata nang mabasa sa silid-aklatan. (Magbasa tayong dalawa sa


silid-aklatan.)
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)

 Kita nang sumayaw sa saliw ng “Sige, Ikembot”. (Sumayaw tayong


dalawa sa saliw ng “Sige Ikembot”.)

 Kata nang matulog sa bahay ni Lola Penchang. (Matulog tayong


dalawa sa bahay ni Lola Penchang.)
Halimbawa (Maramihan: tayo, kami,
natin, naming, atin, amin)
 Tayo nang pumunta sa bukid.
 Doon tayo sa ilog maligo at maglaro.
 Sumama kami kay Tatay Berting para mangahoy.
 Kami ay kakain sa Mang-inasal.
 Bakit pa natin hihintayin ang bukas kung pwede naming ngayon na
pumunta sa baryo?
B. Taong Kausap
Halimbawa (Isahan: ikaw, ka)

 Ikaw ang nais kong makasama habang buhay.


 Paano kung ikaw pala ang ibig niya?
 Saan ka ba galing kagabi?
 Pumunta ka sa simbahan.
 Kumain ka ng prutas para mabilis kang lumakas.
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)

 Magkikita kita sa harapan ng bangko.


 Maghuhulog kata ng pera sa Cebuana Padala.
 Saan kata makabibili ng rosas na asul?
 Maghahapunan kita sa pinakamahal na restawran.
 Magtatabi kata ng pambili ng sasakyan.
Halimbawa (Maramihan: kayo, inyo,
ninyo)
 Kayo ang kapatid ni Iska
 Bakit kayo nag-aaway?
 Doon kayo mamasko sa bahay ni Kapitan.
 Saan kayo galing?
 Sa inyo na ang pusang ito.
C. Taong Pinag-uusapan
Halimbawa (Isahan: siya, niya, kanya)

 Sinamahan siya ni Ginang Reyes.


 Bukas siya babalik dito.
 Siya ang may-ari ng bisekletang gamit mo.
 Kailan daw siya dadating?
 Binigyan niya ako ng isang dosenang bulaklak.
Halimbawa (Dalawahan: kita, kata)

 Ayaw nila kata sa atin dahil maingay daw tayo. (Ayaw nila sa ating
dalawa dahil maingay daw tayo.)
 Kita ay pinayagan nilang magpunta sa Baguio.
 Bakit nila kata pilit na pinaghihiwalay?
Halimbawa (Maramihan: sila, kanila nila)

 Sumama sila sa misyon.


 Sila ay manggagaling pa sa malayong lugar.
 Sa kanila ka ba pupunta?
 Kanila pala ang paaralang iyon.
 Baka kunin nila ang mga prutas na iyan.
2. Panghalip Pamatlig
(Demonstrative Pronoun)

 Ito ay inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinilalagyan


ng pangngalan.
Halimbawa:
Ito, iyan, iyon, nito, niyan, niyon, ganito, ganyan, ganoon, dito, diyan,
doon, narito, nariyan, at naroon.
A. Malapit sa Nagsasalita
Halimbawa (ito/ire, heto, dito)
 Ang bag na ito ay bigay ni nanay sa akin.
 Ire ba ang hinahanap mong damit?
 Heto ang matagal mo nang hinihingi sa akin.
 Dito siya huling nakita.
 Dalhan mo ako dito ng mga gulay.
B. Malapit sa kausap
Halimbawa (iyan, hayan/ayan, diyan)

 Ang laruang iyan ay ibibigay ko kay Lucy.


 Hayan lang pala ang matagal ko nang hinahanap.
 Ayan na ang nanay ni Berta.
 Diyan ko kukunin ang isang sakong patuka.
C. Malayo sa Nag-uusap
Halimbawa: iyon, hayun/ayun, doon

 Bahay iyon nila Mang Kepweng.


 Hayun ang magnanakaw!
 Ayun ang hinahanap kong alahas.
 Doon nakatira si Pamela.
3. Panghalip Pananong
(Interrogative Pronoun)

 Ito ay inihalili sa pangngalan sa paraang patanong. Maaari itong


isahan o maramihan.
Halimbawa:
Ano (what), anu-ano, sino (who), sino-sino, nino, alin, at alin-alin.
Halimbawa:
 Sino ang ama ni Jose Rizal?
 Anu-ano ang mga pinamili mo sa bayan?
 Sinu-sino ang kasama ni Marta kanina?
 Alin sa mga ito ang susuotin mo mamaya sa party?
 Alin-alin ang mahalaga sa iyo?
4. Panghalip Panaklaw
(Indefinite Pronoun)

 Ito ang mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o


kalahatan ng kinatawanang pangngalan. Mula ito sa salitang saklaw
na may pahiwatig na pangsaklaw o pangsakop.
Halimbawa:
Lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawing, saanman, ilan.
Halimbawa:
 Kunin mo na lahat ng iyong maibigan.
 Masyado nang masama ang madla kaya mabuti pang maubos na
sila.
 Sinuman sa inyo ay maaaring kumain sa piging mamayang gabi
 Alinman ang iyong maibigan ay ibibigay ko sa iyo.
5. Panghalip Pamanggit
(Relative Pronoun)

 Ito ay mula sa salitang banggit na may pakahulugang pambanggit o


pangsabi. Ito ay kataga o parirala ng tagapag-ugnay ng dalawang
kaisipan o pananalita.
Halimbawa:
Daw, raw, umano, diumano, ani, sa ganang akin/iyo.
Halimbawa:
 Siya raw ang kumuha sa lapis ni Minda.
 Saan daw pupunta ang mag-ina ni Lando?
 Ang pumatay diumano ay isang lalaking may hawak ng kutsilyo na
tumalon mula sa bakod ng kapitbahay.
 Kung sa ganang akin lang, ibibigay ko na sa iyo itong isang sakong
pataba.
6. Panghalip Patulad

 Ang panghalip patulad ay ang inihalili sa itinutulad na


bagay. Nagpapakilala rin ito ng pagkakawangis ng
dalawang bagay.
Halimbawa:
 Ganyan dapat ang gawin mong proyekto.
 Ganire umiyak si Bea Alonzo
 Ganito ang paghiwa sa patatas
 Ganoon din ang nais kong bilhin kotse
 Ganyan kumanta ng may emosyon.
 Ganito kami sa Makati
PANGHALIP PANTAO O PAMALIT SA
MGA PANGALAN NG TAO
PANGHALIP NA GINAGAMIT SA
PANGHALILI SA PANGALAN NG TAO,
BAGAY, O LUGAR NA ITINUTURO
PANGHALILI RIN SA DIREKSIYON O LUGAR
NA ITINUTURO ANG MGA PANGHALIP
DULA-DULAAN
Ito ay uri ng panitikan na pinakalayunin ay itanghal na
ang mga yugto ng mga tagpo ng mga tauhan sa isang
tanghal o entablado
MGA ELEMENTO NG DULA

1. Iskrip 5. Tagadirehe o Direktor


2. Gumaganap o 6. Manonood
aktor/karakter 7. Tema
3. Dayalogo
4. Tanghalan
IPAGPAPATULOY….

You might also like