You are on page 1of 68

WEEK 1- DAY 1-5

WEEK 1

Prepared by:

Arlyne B. Rivera
Gregorio B. Fojas Elem. School
Teacher III
LAYUNIN:
Nasasagot
ang mga tanong
tungkol sa
napakinggang
pabula.
F6PN-Ia-g-3.1
Balik-aral:

1.Ano ang pabula?

2.Sino sa inyo ang may alam


ng mga kwentong pabula?
Ikwento ito sa klase.
Pagganyak:

Tanong: Sino sa inyo ang


may alam ng mga kwento na
ang mga tauhan ay ibat
ibang hayop?
Ikwento ito sa klase.
C.Paglalahad at Pagtalakay Ipabasa ang akda. Ipasagot ang mga kasunod na
tanong.

Ang Langgam at Ang Tipaklong


Isang araw ng tag-init, habang ang lahat ng mga
insekto at hayop sa bukid tulad ng paruparo, ibon,
suso at bubuyog sa bukid ay masayang
nagliliparan, nagtatalunan at naglalaro, isang
batang langgam ang abalang-abala sa
paghahakot ng kanyang pagkain.
Napansin at nilapitan siya ni Tipaklong,
kasunod ang tanong na wari ba’y mga salita ng
pang-iingit. Sabin i Tipaklong, “ Hoy! Kaibigang
Langgam, bakit hindi ka naglalaro gaya ng
karamihan? Masayang-masaya ang lahat sa
paglalaro.”
Napangiti lamang si Langgam at sianabing, “
Iba na kasi ang panahon ngayon. Biglaan na
lamang bumubuhos ang malakas na ulan,
kaya nais ko nang samantalahin ang
pagkakataon na maganda ang p[anahon,
uypang makapag ipon ng pagkain at maayos
ang aking tirahan,”
“Ganun ba?” tugon naman ni Tipaklong.”
S’ya ikaw ang bahala, ikaw na rin ang
nagsabing minsan iinit, minsan uulan, kaya
minsan lang din tayong makapagsasaya.”
“ Sige, maraming salamat sa iyong
imbitasyon, kaibigang Tipaklong. Ako muna ay
magpapatuloy sa pag-iipon at pag aayos,” sabi
Kinahapunan, unti-unting pumatak ang
malaking butyl ng ulan. Habang ang langit
ay patuloy sa pagdilim, sunod-sunod
naman ang malakas na dagundong ng
kulog at paglabas ng talim ng kidlat. Agad
na lumaki ang tubiog, at parang maamong
tupang nagsipagyukuan ang mga hlaman,
dahon at sanga ng mga puno sa lakas ng
ulan. Walang masilungan ang mga ibon at
iba pang mga insekto, kabilang na si
Tipaklong. Naisip nitong kumatok sa
pintuan ng bahay ng kaibigang si
Langgam.
Sa kabutihang loob. Walang pag-
aatubiling pinapasok ni Langgam si
Tipaklong sa kaniyang tahanan. Binigyan
niya ito ng pagkain at pinagpunas ng
kaniyang basing basing katawan.
Habang kumakain, napag-usapan ng
magkaibigan ang nagging kahandaan ni
Langgam at ang pagkakamali o
pagkukulang ni Tipaklong.
Ipasagot ang mga tanong ayon sa
napakinggang pabula.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa
pabula?
2. Ano ang ginawa ng mga ibon at
insekto sa bukid?
3. Bakit hindi nakikipaglaro si Tipaklong
sa iba pang insekto?
4.Ano ang nais ipahiwatig ng pabula?
5. Ihalintulad si Langgam sa isang taong
malapit o kakilala mo. Sabihin kung ano
ang kanilang pagkakatulad.
Pangkatang Gawain. ( Activity Sheet kunin sa DLP)
Hatiin sa 3 grupo ang klase. Isasadula ng bawat
grupo ang kanilang nakuhang pabula. Sagutin ang
mga tanong tungkol dito.
E. Isahang Pagsasanay: Ipabasa ang akda. Ipasagot ang mga kasunod na tanong
. Ang Lobo at ang Ubas
Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang
isang lobo (wolf). Nakakita siyang isang puno ng
ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko
naman. Hinog na at tila matatamis ang bunga ng
ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.
Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang
bungkos ng hinog na ubas subalit hindi niya
maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at
muli, at muli pa subalit hindi pa rin niya maabot
ang ubas.
Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang
lobo at malungkot na umalis palayo sa puno.
"Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga
ng ubas na iyon," ang sabi niya sa sarili.
Tanong:
.
1 Ano ang nakita ng lobo?
2. Ano ang ginawa niya para abutin
ang ubas?
3. Bakit hindi niya maabot ang ubas?
4. Nangyari ba ito sa iyo ano ang
ginawa mo?
5. Ano ang nais ipahiwatig ng pabula?
Aral:
Hindi lahat ng ating naririnig ay totoo na dapat nating paniwalaan. Kung
minsan ang sinasabi ng isang tao ay isa lamang "sour grape" o
"maasimna ubas" dahil hindi niya natamo ang isang hinahangad na
makamtan.
F. Paglalapat : Ipabasa ang akda at ipasagot ang mga tanong.

Ang Aso at ang Kanyang Anino


Isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa.
Tuwang-tuwa siya at dali-daling hinawakan ang
buto sa pamamagitan ng kanyang bibig.
Dinala niya ang buto upang iuwi sa kanyang
tirahan, ngunit nang siya ay malapit na, napadaan
siya sa isang ilog. Pinagmasdan niya ang ilog at
doo'y nakita niya ang sariling anino. Sa pag-
aakalang ibang aso iyon na may hawak-hawak ring
buto sa bibig, tinahulan niya iyon nang tinahulan
upang maangkin din ang butong pag-aari nito.
Dahil dito, humulagpos mula sa kanyang bibig ang
butong hawak-hawak at nahulog sa ilog. Tinangay
ng agos ang buto at hindi na uli nakuha pa ng sakim
na aso.
Tanong:
1. Ano ang nahukay ng aso sa
lupa?
2. Bakit tumahol ng tumahol ang
aso sa ilog?
3. Naiwuwi ba niya ang butong
kanyang nakuha sa lupa?Bakit?
4. Ano ang ipinahihiwatig ng
pabula?
5. Sa iyong palagay tama ba ang
ginawa ng aso? Pangatwiranan.
G. Paglalahat

Ano ang Pabula?


H.Pagtataya
Ipabasa ang akda. Ipasagot ang mga kasunod na tanong.
Ang Uwak na Nagpanggap
Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa
lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't ibang kulay
na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na
ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa at saka idinikit sa kanyang
katawan.
Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga
pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.
Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya
naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang
nagkukunwaring uwak.
Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na
balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y
pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.
Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin
siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin kailangan
ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
Sagutin ang mga tanong:
1.Ano ang nakita ng uwak?
2.Ano ang kanyang ginawa ng makita niya
ito?
3. Saan siya nagtungo matapos idikit ang
makukulay ng balahibo sa kanyang
katawan?
4.Bakit inalis ng mga pabo ang iba't ibang
kulay na balahibong nakadikit sa katawan
ng uwak?
5. Tama ba ang ginawa ng uwak?
Pangatwiranan.
Takdang-Aralin:

Humanap ng isang kuwentong


pabula at basahin ito sa klase.
Sagutin ang
mga tanong.
Layunin:
Nagagamit nang
wasto ang mga
pangngalan at
panghalip sa
pakikipag-usap sa
ibat ibang
sitwasyon. .
F6WG-Ia-
d-2
Balik-aral:

Ano ang pangngalan?

Ano ang panghalip?


Magbigay ng mga
halimbawa
C. Paglalahad at Pagtalakay

Pangngalan –bahagi ng pangungusap


na tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,
hayop, lugar at pangyayari
Halimbawa:
Tao-Trishia, Maricar, Ding-dong,
Corazon, inhinyero, guro
Hayop-kambing, ibon, unggoy
Bagay-bote, upuan,aklat,kahon
Pook- America, Bicol, Leyte, bayan
Pangyayari-piyesta,
pagpupulong, kaarawan
Panghalip – salitang ginagamit sa pamalit sa
pangalan. Ito ay ginagamit kung ang pangalan ay
magkasunod na ginamit sa isang pangungusap.
Halimbawa: ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin,
inyo, kita, kata, siya, kanila, siya, kaniya, ito, iri/ire,
niri/nire, nito ganito, ganiri, iyan, niya, ayan, hayan,
diyan, ayun, hayun, iyon, yaon, niyon, noon, doon
Ang mga pangngalan ay nagiging paksa ng
bawat pangungusap o talkayan. Nagiging
detalyado ang mga pinag uusapan sa tulong ng
mga pangalan
Ang mga Panghalip ay nagbibigay ng
pagkakataon sa atin upang palawakin pa an gating
pag-uusap nang hindi inuulit ang mga binibitiwang
salita.
Itanong: Anu-ano ang mga
pamantayan sa pangkatang
gawain?
Ipakita ang rubriks para sa pangkatang gawain.
Pangkatang Gawain:
❖ Ibigay ang mga Pamantayan sa pangkatang
gawain.
Pangkat 1- Jingle gamit ang mga pangngalan
at panghalip.

Pangkat 2 –Sumulat ng 3 pangungusap gamit


ang pangngalan at panghalip.

Pangkat 3 – Maikling dula-dulaan gamit ang


pangngalan at panghalip sa pakikipag-usap.
Isahang Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang mga pangngalang ginamit sa bawat bilang. Isulat
ang tamang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Mabilis tumakbo si Cris kaya hindi
inabutan sa pagtakbo si Alvin.
2. Mahaba ang bisig ni Eric kaya inabot
na lang niya ang manga di na
kinakainlangan ng hagdan.
3. Umakyat si Rey nang mabilis kaya sila
nagwagi sa palosebo
4. Si ancon g iinlagaan ni Bilog sa
kanilang pag uwi
5. Umawit si Macky sa kasal n gaming
pinsan.
F. Paglalapat

Gamitin sa pangungusap ang bawat pares ng


pangngalan at panghalip.

1. kabataan- kami
2. doon- kuweba
3. Mamamayan–
bawat-isa
4. Angel, Anne at Nadin – sila
5.
mamamasyal– saan
. Paglalahat

1.Ano ang pangalan?

Ano ang pangalan?

Ano ang
panghalip?

Kailan at Paano ginagamit


ang mga ito?
Ano ang
Ano ang pagkakaiba ng pangngalan sa

panghalip? panghalip?
Panuto:Piliin ang tamang titik ng sagot
1.Sobrang natuwa si Anniah sa
pagbisita ng Banal na Papa. Sa
sobrang tuwa____ paulit-ulit niyang
pinanood sa internet ang mga misa
ng Papa.
a. ko b. niya c. sila d.si
2. _____magssisimba kasama ang
aking pamilya.
a. siya b. sila c. ako d. si
3. Ramil, magsaliksik ____ sa silid-
aklatan
3. Ramil, magsaliksik _______ sa silid-
aklatan mamayang hapon.
a. sina b. sila c.niya d. ko
4.. Maliit pa’y napansin na ang husay ni
Andrea sa pagsayaw. Miyembro _____ ng
tanyag na dance troupe ng kanyang
paaralan sa kolehiyo
a. sila b. niya c. kayo d. siya
5.. Nakapag ipon ______Shelly at Vincent
bago ikinasal
a. niya b. inyo c. kami d. sina
Takdang Aralin:
Isulat sa isang bondpaper,
gumawa ng isang
sanaysay o dayalogo gamit
ang pangngalan at
panghalip. Salungguhitan
ang pangngalan at bilugan
ang panghalip.
Layunin : Naiiugnay
ang binasa sa sariling
karanasan.
F6PB-Ia-1
Pasasanay:
Tumawag ng mga mag-aaral upang
pumili ng mga pangyayari na naganap
na sa kanilang buhay:

1.Hindi nakasali sa pasulit dahil


nagkasakit
2.Napagalitan dahil ginabi ng uwi
3. Pumasok sa eskwelahan nang
walang baon
4.Walang natanggap na regalo sa
pasko
5.Napalo noong maliit pa
Balik-aral: (Laro)
HEP-HEP-HOOREY
Pumalakpak ng 2-hep-hep kung pangngalan
ang makikita at itaas ang 2 kamay at sabihin
hoorey kung ito ay panghalip.

1.Gng. Mildred Aranas


2. Tagpi
3. Sila
4.lapis
5. Kami
Anong mga bagay ang
karaniwan makalimutan natin sa
daan?
Pagganyak na Tanong:
Bakit kaya naiwan ni Liza ang
payong?

Pagbasa ng Tahimik
Hiyas sa Pagbasa pp. 151-153
Pag-unawang Tanong
1.Sino ang nagkukuwento?
2.Ano ang kanyang suliranin?
3.Ano ang nangyari sa kanya isang araw?
4.Paano siya napupunta kay Liza?
5. Ano ang binalak na gawin ng lalaking
makisig?
6.Paano siya napunta sa tunay na may-ari?
8.7.Ano ang nadama ni Liza nang Makita ang
payong na binili niya?
9.Paano natapos ng buhay ng nagkukuwento?
10.Mayroon ka bang alam na pangyayaring
katulad sa kanya?
11.Kung ikaw ang nag kukwento, ano ang
mararamdaman mo?
D.Pinatnubayang Pagsasanay
Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na mga pangyayari sa nabasang
kuwento.
Bilugan ang bilang ng pangyayari sa kuwento na naranasan mo na.

1.Natutuwa ka kapag may nakapansin sa iyong


mga tao.
2.Pabili ng payong dahil tag-ulan na naman.
Maingat sa pagdadala ng payong
3.Habang nasa sasakyan at mayroong kasama at
ka kuwentuhan at biglang papara dahil malapit na
palang lumagpas sa babaan
4.Madalas makaiwan ng gamit sa sasakyan
Hindi na hahanapin ang naiwang bagay sa
sasakyan
5.Pag-aalaalang bilhan ng isang bagay na
kailanganng-kailangan ng isang mahal sa buhay.
1.Itinakda nag pagsusulit tatlong araw
bago ito ganapin. Hindi mo ito naitala sa
kuwaderno. Kaya pumasok kang di
nakapag-aral ta nakapaghanda para rito.
__________________________________
2.Nadawit ka sa isang gulo. Lumakas lang
loob mo dahil marami kayo. Lubhang
nasaktan ang kamag-aral na nakalaban
ninyo. Ipinatawag kayo sa opisina ng
Guidance Councilor. Alam mon gang
kasunod nito’y mga magulang mo naman
ang ipinatatawag.
________________________________
Ano ang
kahalagahan
ng karanasan?
Pagtataya: Panuto: Iugnay moa ng sanhi sa pangyayaring ito:

Pagsusulit noon. May ginawa kang


talaan ng mga petsa at pangyayari
hingil sa pagkakaroon ng kasarinlan
ng Pilipinas. Ito ang iyong ginamit sa
balik-aral. May nakalimutan kang
limang petsa. Ang papel ay nasa
bulsa. Tumingin ka sa guro. Ang guro
pala ay nakatingin sa iyo.
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Layunin: Nasisipi
ang isang talata
mula sa huwaran
F6PU-Iac.2
Balik-aral: Maglahad ng inyong sariling
karanasan sa buhay
Panuto: Basahin ang talata.
HUWARANG INA
Johnny Tagare
Isang karangalan sa aking pagkatao ang
maisilang sa mundo,Na nagtaatamasa ng
kaligayahan at pag-asa na ibinahagi ng
idolo ko,Ang aking ina na hanggang
paglaki ay kasa-kasamako,Taos pusong
pasasalamt at pagmamahal ang nais kong
isukli saiyo.
Simula pagkabata ikaw ang siyang tanging
gabay,Upang sa maling gawain ay di
maligaw,Tamang pangaral, maging ang
tamang asal,Nang aking butihing ina at
kanyang ibinigay.
Ngayong ako'y nasa tamang edad at nagkaisip na,
Mga tamang gawain patuloy na tinatamasa,
Responsibilidad ko bilang anak dapat kahanga-
hanga,
Taas noo kong ipinagmamalaki ang aking huwarang
ina.
Ang kahirapan sa buhay ay di isang napakalaking
hadlang,
Upang tagumpay ng bawat isa ay di makakamtan,
Edukasyon ay isa sa natatanging paraan,
Aniya ng aking ina, iya'y di mananakaw ninuman.
Salamat ina, ikaw ay nagsilibing inspirasyon,
Hanggang sa aking paglaki ikaw ay laging naroon,
Nawa'y di magwakas ang mundo at magbago ang
panahon,
Kung ika'y mawala't lumisan, paano na ako ngayon?
Tanong:
1.Ano ang pamagat ng talata?
2.Ano ang napapansin ninyo sa
pagkasulat ng talata?
3.Nakasunod ba ito sa
pamantayan sa pagsulat?
4.Ikaw,
masisipi mo ba ng wasto ang
talata?
Anu-ano ang mga dapat tandaan sa
pagsulat ng talata?
Pangkatang Gawain:
Hatiin sa 3 pangkat ang klase .

Ibigay ang mga pamantayan sa pangkatang


Gawain.
Ibigay ang rubriks sa pangkatang Gawain.
Panuto: Sumipi ng isang talata mula sa huwaran.
HUWARANG INA
Johnny Tagare
Isang karangalan sa aking pagkatao ang
maisilang sa mundo,
Na nagtaatamasa ng kaligayahan at pag-asa na
ibinahagi ng idolo ko,
Ang aking ina na hanggang paglaki ay kasa-
kasama ko,
Taos pusong pasasalamt at pagmamahal ang
nais kong isukli saiyo.
Simula pagkabata ikaw ang siyang tanging
gabay,
Upang sa maling gawain ay di maligaw,
Tamang pangaral, maging ang tamang asal,
Nang aking butihing ina at kanyang ibinigay.
Ngayong ako'y nasa tamang edad at nagkaisip na,
Mga tamang gawain patuloy na tinatamasa,
Responsibilidad ko bilang anak dapat kahanga-
hanga,
Taas noo kong ipinagmamalaki ang aking huwarang
ina.
Ang kahirapan sa buhay ay di isang napakalaking
hadlang,
Upang tagumpay ng bawat isa ay di makakamtan,
Edukasyon ay isa sa natatanging paraan,
Aniya ng aking ina, iya'y di mananakaw ninuman.
Salamat ina, ikaw ay nagsilibing inspirasyon,
Hanggang sa aking paglaki ikaw ay laging naroon,
Nawa'y di magwakas ang mundo at magbago ang
panahon,
Kung ika'y mawala't lumisan, paano na ako ngayon?
F.Paglalapat
Panuto: Sumipi ng isang talata mula sa huwaran
Ang inggit o selos ay nakasisira ng magandang
relasyon o samahan kapag ito ang pinaiiral sa puso
ay siguradong magkakaroon ng hidwaan o hindi
pagkakaunawaan sa tahanan, paaralan o sa lahat ng
lugar kung saan ito maaaring maramdaman. Ito ay
isang damdaming maaring magtulak sa isang taong
mag-isip o gumawa nang hindi mabuti sa kapwa.
Karaniwang hindi nagiging masaya ang nakararanas
nito dahil pwang pagkaawa at pagmamaliit sa sarili
ang namamayani sa taong nakararamdam nito.
Kaya’t sa oras na ito’y maranasan ay kaagad na
ibaling sa magandang bagay ang isip at damdamin
upang hindi mabigyang-daan ang masamang epekto
o bunga nito.
Pagtataya : Panuto: Sipiin ng wasto ang talata.

Nawawalang Biyulin
Nakita na ang isa sa nawawalang apat na
antigong biyulin ng “violin king” ng Lipan a si
Ernesto Vallejo.
Sinasabi na puno ng trahedya ang nagging buhay
ng limot na biyulinista sapagkat bukod sa nawalng
bigla ang mga biyulin niya at ang mga
komposisiyon, pinatay silang mag-anak ng mga
Hapon noong 1945. At ang masaklap ayon sa
nakalap naming pananaliksik, pinatugtog muna
siya bago pinatay. Naging kilala siyang biyulinista
noong panahong iyon sa pamamagitan ng mga
nilikha niyang komposisyon na “Dream Melody” at
iba pa.
Takdang Aralin:Sumulat
ng maikling talata
tungkol sa droga.
LAYUNIN:
Naipagmamalaki
ang sariling wika sa
pamamagitan ng
paggamit nito. F6PL-
0a-j-1
Balik-aral:

Ano ang
tinatawag na
talata?
Anu-ano ang mga
uri ng talata?
Ano ba ang sarili nating wika?
Pagganyak:

Sino ang itinuturing natin na ama ng


ating wika?

Ano ang nasususulat sa larawan?


Dapat bang ipagmalaki ang wikang
Filipino? Bakit?
Pangkatang Gawain:
Ang bawat grupo ay bubuo ng
sariling komposisiyon ng mga
salita tungkol sa pagpapahalaga
sa sariling wika.
Unang grupo- tula
Ikalwang grupo- kuwento
Ikatlong grupo- talk show
Ikaaapat na grupo- slogan
D. Isahang Pagsasanay

Panuto: Sumulat ng isang


talata na nagpapakita ng
iyong pagmamalaki sa
sarili mong wika.
Paglalapat

Ikaw bilang Pilipino


paano mo
maipagmamalaki
ang sariling wika?
Ipaliwanag.
Panuto: Ipaliwanag sa 3-5
pangungusap ang iyong
kasagutan .
Gamit ang rubriks sa
pagsulat ng sanysay.

1. Paano mo
maipagmamamalaki ang
sarili mong wika?
Ipaliwanag
PREPARED BY:
Arlyne B. Rivera
Teacher 3

You might also like